THIRD PERSON's P O V " Relax, Mommy! I'm gonna be alright, promise! " mahigpit na yakap at pangakong saad ni Clyde sa Ina kaya hindi maiwasan ni Carmen na hindi mapaiyak dahil ang anak pa niya ang nag palakas ng kanyang loob. Ilang minuto na lamang kasi ay dadalhin na siya sa operating room. Nandito pa sila sa recovery room na kinuha nila para ngang pag pahingahan nilang pamilya at mga kaibigan na sila Arra at Jinky. Nang malaman nga nila ang araw nang operasyon ni Clyde ay sumama pa ang mga itong nag simba kahapon hanggang ngayon ngang ooperahan na ito. " Ganyan dapat, strong! " " Pray lang, apo! H'wag mo muna kaming iiwanan, ha!? Bibigyan mo pa ng apo si Mommy mo! " " H'wag kabahan, okay!? " Paalala ng pamilya at kaibigan ni Carmen sa kaniyang anak, kaya mas napa hagulgol nama

