CARMEN's P O V
Habang nalalapit ang araw ng aming pagtatapos ay tuluyan namang nagka layo ang loob namin ni Victor. Gayunpaman ay patuloy pa rin sa panliligaw si Toff na tila sinasamantala nito ang hindi namin pag pansinan na dalawa.
" Ibigay mo na kasi kung ano man iyong hinihiling niya kung kaya mo namang ibigay, kaysa naman ganyan na para kayong may mga sakit dahil nag- iiwasan kayo pareho! " Wika ni Arra
" Hayaan mo nga siya kung ano ang gusto niyang gawin! Para naman kasing bata si Vic, hindi lang maibigay ang nais e nagalit na! At parang hindi basta- basta tampo lang dahil ilang linggo na kayong hindi nag- uusap? " pahayag naman ni Jinky
Naka upo kami sa bleacher katatapos lang naming mag- practice ng gradution. Hindi kasi kami sumabay sa aming mga ka- batch na lumabas ng gate dahil siksikan.
Hanggang ngayon nga kasing iaang linggo na lang ay araw na ng aming pagtatapos ay hindi pa rin kami okay ni Vic. Tila palala pa nga nang palala dahil pati mga kaibigan niyang sina Bart at Fred ay hindi na rin kami kinakausap. Araw- araw na rin silang mag kasama at tila sweet ni Nancy, tapos no'ng isang araw ay natanaw ko pang pinasakay niya ito sa kanilang sasakyan no'ng uwian na. Malamang ay baka ihahatid niya rin ito sa bahay.
Ang lahat nang sakit ay kinikimkim ko na lamang at iniiyak sa gabi bago matulog. Hindi rin tuloy mawala sa isipan kong baka nga pagka babae ko lamang ang mahalaga sa kanya? Hindi na kuntento sa making out kaya mas gusto niyang higit pa roon ang aming gagawing pagpapa ligaya sa sarili.
Ang hindi ko lang kasi lubos na maisip ay gano'n na lamang niya ipagsa walang bahala ang ilan taon naming relasyon. Kaya hindi ko lubos maisip na napaka babaw naman ng pag- ibig niya sa akin. Dahil tila naka hanap nga agad siya ng kapalit ko.
" Tara na! Kakaunti na lamang ang mga estudyante. " aya na ni Arra kaya tumayo na ako at tila wala na naman sa sarili na nag lakad
Para lamang hindi maka halata si Mommy na mayroon kaming hindi pagkaka unawaan ng aking nobyo ay salitan akong sumasabay sa kanilang dalawa pauwi. Mabuti na lamangbat hindi na nag- uusisa ang aking Ina kung bakit hindi pumapasok ni Vic sa bahay namin. Dahil minsan ay roon pa siya kumakain ng dinner bago umuwi sa kanila.
" K- Kayo mga Best, k- kung m- may hingin sa inyo ang mga nobyo n'yo? I- Ibibigay n'yo ba? " medyo nag- aatubili ko namang tanong sa kanila
Nasa gitna nila akong dalawa at marahan lamanh ang aming mga hakbanh dahil hindi naman kami nag mamadali.
" Depende! Kung kaya ko kaya naman ibigay na walang magiging consequences, bakit hindi? " tugon ni Arra
" Ako? Hmm! " nag- isip pa kunwari si Jinky bago sumagot. " Hindi! Kasi . . . bakit niya ako pipilitin na ibigay iyong ayaw ko? Dahil lang ba roon kaya niya ako mahal? Komo hindi na maibigay e hindi ka na niya papansinin? At higit sa lahat bakit nakikipag- flirt na agad siya sa ibang babae? Oo nga at hindi naibigay ang hiling niya, hindi naman rason iyon para maging dahilan ng hindi n'ya pag pansin sa'yo? Ang babaw naman ng pag mamahal niya at sinayang ang ilang taon ninyong relasyon sa isang hiling lamang? " mahabang paliwanag naman ni Jinky
Hindi na ako naka sagot dahil nakarating na kami sa parking lot kung nasaan ang sasakyan nila Arra at nag hihintay ang kanilang Driver. Sa kanya naman kasi ako sasabay na umuwi.
" Bye! See you tomorrow! " kumaway pa si Jinky pagkatapos naming mag besong tatlo
" Bye! " gumanti naman kami nang kaway ni Arra bago sumakay sa kanilang sasakyan
" Ikaw!? Kung may doubt ka sa hinihiling ni Vic ay h'wag mong ibigay pero kung willing ka naman e 'de, go! Pero para sa akin, h'wag na lang, ibig sabihin kasi no'n ay dahil lang doon sa ibibigay mo e tsaka ka lang niya babalikan? Nasa na ang ilang taon na pinag samahan n'yo? Para sa simpleng hinihingi niya? Tapos ginamit pa niya si Nancy para pag selosan ka siguro? Ewan lang din kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa? " kibit balikat pa niyang bulong para hindi marinig ng kanilang driver
" M- Maraming salamat sa inyo ni Jinky, much appreciated ko naman ang mga payo n'yo at higit sa lahat ay ang samahan lang ako sa ganito kong sitwasyon ay malaking tulong na sa akin. " mangiyak- ngiyak ko pang wika, " Pag- iisipan ko ulit mabuti ang mga advice n'yo. " pahayag ko pa tsaka niya ako niyakap at tinapik- tapik sa aking likod
Kung saan- saan na na punta ang aming kwentuhan bago makarating sa aming bahay.
" Thank you ulit! " saad ko bago bumaba ng kanilang sasakyan
" Para kang tange! Nag papasalamat pa para namang tayong mag- iiba?! " pairap pa nitong tugon kaya natawa na lamang ako
" Bye! Ingat! " kaway ko pa nang maka baba ako
Kumaway rin siya habang paalis sa harapan ko ang kanilang kotse.
Nang malayo na iyon ay tsaka lamang ako pumasok sa aming bakuran. Diretso pasok sa aminh maluwang na sala, naka hinga naman ako ng maluwag ng wala si Mommy sa roon. Kaya dali- dali akong umakyat sa aking silid para mag palit ng damit pam bahay.
Tsaka ako humiga sa kama at nakipag titigan sa kisame. Tinitimbang ko kasi ang mga napag- usapan naming magka kaibigan tungkol sa amin ni Vic.
Nahihirapan man ako sa aming sitwasyon ay pilit ko ring iniintindi ang magiging consequences nga ng kanyang hinihiling. At nakaka sigurado akong once na napag bigyan ko na siya ay hindi lamang doon natatapos. Dahil uulit- ulit niya iyon dahil iyon nga lamang pagme- making out namin ay nasasarapan na kami roon pa kayang mismong mga kaselanan na namin ang mag- isa?
E, ayon sa nababasa ko ay nakaka- adik at nakaka baliw raw o nakaka wala sa katinuan ang s3x?
Hanggang sa tawagin na ako para aming hapunan ay wala pa rin akong malinaw na naiisip na solusyon sa aming problema ni Vic. Iyon pa nga ang isang kinagagalit ko, masyado akong affected pati mga kaibigan ko sa aming problema. Samantalang siya ay tila tuwang- tuwa pa na makipag- flirt kay Nancy?
Sa isiping iyong ay hindi ko mapigilang pangiliran ng mga luha at paninikip ng aking dibdib. Ang mas higit pang nakaka aakiy ng aking damdamin ay napipilitan akong ngumiti o tumawa sa harapan ng pamilya ko para hindi sila mag- isip ng hindi maganda sa akin lalo na sa aming dalawang mag nobyo.
Laking pasasalamat ko na lamang at wala pa rin silang nalalaman tungkol nga sa relasyon namin ni Vic. Hindi ko kasi alam kung paano ako mag papaliwanag sa kanila.
Pagkatapos namang kumain ay agad akong nagpapa alam na aakyat na sa aking silid. Ang lagi kong dahilan ay pagod ako sa aming practice para nga sa graduation. Dati kasi ay masaya muna kaming nagkwe kwentuhan sa sala hanggang sa dalawin kami pare- pareho ng antok.
Naintindihan naman nila ako kaya nakaka hinga ako ng maluwag kahit papaano. Hindi na kasi sila nag- uurirat pa. Nagmu mukmok lang naman ako sa aking k'warto kapag naka hinga na hanggang sa dalawin na ako ng antok na may natuyong mga luha sa mag kabilang pisngi ko.