CARMEN's P O V
" Hi, Carmen! Flowers for you! " salubong ni Toff sa akin pagka baba ko pa lamang sa kotse ni Daddy na tila ba talagang hinihintay niya ang aking pag dating
" T- Thank you, Toff, nag- abala ka pa! " kiming saad ko naman at kinuha na sa kanya ang dalawang piraso ng pulang rosas
Papasok na kami sa gate ng school. Ni- inspect muna ng guard ang aming mga bag.
" Walang iyan! Ire- remind ko lang sana iyong coffee date natin mamaya. " kiming saad niya habang napapa kamot sa batok, nag lalakad na kami patungo sa building ng aming strand.
" Huh!? Anong date!? " salubong ang kilay na balik tanong ko sa kanya
Pina alala naman niya ang naging usapan namin kahapon at pag payag ko, kaya ngayon ko lamang iyon naalala.
" Ahh, oo nga pala! " pilit ang ngiting tugon ko, " S- Sige, mamaya, anong oras ba? " wala akong choice kung hindi ang sumama sa kanya dahil nakaka hiya naman tapos baka maging trending pa ako kapag nag- rant siya sa soc med
Ayoko namang umalis ng school namin na may bad records ako. At baka ma- bully pa sa university na aking papasukan sa college.
Sinabi naman niya ang oras kaya nag hiwalay na kami, sa kabilang building pa kasi ang classroom nila dahil iba ang strand niya. Kaya pa akyat na ako sa second floor kung nasaan ang aming classroom nang mahagip ng mga mata ko sila Vic at Nancy na nagha harutan pa rin sa may hagdan.
Nangilid ang mga luha ko dahil doon at hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Naninikip din ang dibdib ko.
" Sa open ground muna raw tayo, roon daw magpa- practice ng graduation. " dinig kong wika sa tabi ko sabay akay sa akin patalikod sa dalawang nilalang na tila sila lamang ang tao sa paligid dahil sa kanilang ginagawa.
" Inhale . . . exhale . . . ayan ganyan nga! H'wag kang iiyak, Best, ipakita mo sa kanyang hindi siya kawalan sa'yo! " Dinig ko pang utos sa akin, sinunod ko naman kaya nag luwag ang aking pag hinga.
Tila kasi ako wala sa sariling sunud- sunuran sa nais nang naka alalay sa magkabilang gilid ko.
" Ayan na si Sir, okay ka na, Best? Baka hindi mo kayang mag- practice, umupo ka na lang muna kaya sa bleacher? " nag- aalalang wika ni Arra nang lingunin ko kung sino ang naka alalay sa akin, sila palang dalawa na kaibigan ko.
" O- Oo, o- okay na ko. " kiming saad ko tsaka kinuha ang aking tumbler para uminom
Nahimasmasan naman ako kahit papaano paglatapos kong uminom ng malamig na tubig. Naka ilang inhal, exhale ako para nag luwag ang aking dibdib. Tsaka nakinig sa aming Guro ukol nga sa aming nalalapit na graduation.
Kahit matamlay at wala akong sigla ay nairaos ko naman ang mag hapon practice namin. Kailangan kong makinig dahil nakaka hiya naman kung ako lang ang magkaka mali.
" Ano ba ang nangyayari sa inyo ni Vic, Carmen at hindi kayo nagpa pansinan? Tapos bakit ganoon siya makipag harutan kay Nancy!? Hindi ba naiinis siya roon!? " nag- aalalang tanong ni Jinky pagkatapos ng aming practice
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. " M- May hinihingi kasi siya sa akin e . . . a- ayokong ibigay, ayun, s- sumama ang loob niya. T- Tapos nakita ko na lang na . . . n- nakikipag biruan siya kay Nancy. " mangiyak- ngiyak pa ako pagkatapos kong mag salita
" Tapos gagantihan mo kasi makikipag- date ka aky Toff?! " saad naman ni Arra
" Nainis kasi ako kay Vic e! "
" Ano ba kasi ang hinihingi niya at hindi mo maibigay? Para kayong mga bata, hindi lang makuha ang gusto, mag- aaway na. " turan pa ni Jinky
Hindi naman ako maka sagot dahil ayokong ipag tapat sa kanila ang dahilan kung bakit hindi kami hindi nagki kibuan na mag nobyo. Nais ko pa rin namang magkaroon kami ng privacy na dalawa at hindi lahat ay pwede mo i- kwento sa mga kaibigan mo kahit na ba super close kayong lahat.
" B- Basta! P- Pwede bang sa a- amin na lang muna iyon? S- Sasabihin ko rin naman sa inyo pero hindi muna sa ngayon. " kiming tugon ko pa
" Okay! " kibit balikat na tugon nila
" Tara na, Carmen!? " humahangos na aya naman ni Toff kaya napa lingon kami sa kanya
Hindi naman kasi mabilis ang lakad namin patungo sa parking lot ng school kaya naabutan niya kami. Galing pa kasi siya sa building ng strand nila para sigurao kuhanin ang kanyang bag.
" S - Sige! " napipilitan ko namang tugon dahil no choice na nga ako dahil sa pagka lutang ng isip ko na pumayag akong may- coffee date kami.
" Bye, see you tomorrow! " paalam naman ng mga kaibigan ko sa akin at nakipag beso pa
" Ingatan mo itong kaibigan namin ha!? " pag babanta pa nila sa aking date
" Oo naman! Ako pa ba!? Uuwi siyang walang kagalos- galos, promise! " pangako naman ni Toff at itinaas pa ang kanang kamay na tila nanunumpa
" Good! Sige, uwi na kami! " paalam ulit niya at kumaway na lamang ako nang lakarin namin ng katabi ko ang palabas sa gate
" Okay lang ba sa'yo na lakarin na lang natin ang coffee shop? Malapit lang naman? " kiming saad niya habang nagka kamot sa batok
" Oo naman! Baka nga hindi pa tayo hingalin e makarating na tayo roon! " mabilis kong wika naman
" Baka kasi kako pagod ka na sa practice natin? "
" Hindi naman, okay lang. "
Hindi na siya kumibo habang nag lalakad kami hanggang sa makarating nga kami sa aming pakay.
" Ano ang order mo? Ako na ang lalapit sa counter. " masuyong tanong niya nang makaupo ako sa table na itinuro niya
Sinabi ko naman at lumapit na nga siya sa counter para ibigay ang aming order. Hindi naman nag tagal ay bumalik na siya sa table namin para hintayin ang aming kape.
" Hindi kaya magagalit ang nobyo mo kapag nalaman na nakipag- date ka sa akin? " usisa niya habang nag hihintay kami
Gusto ko sanang tumawa dahil sa tanong niya, subalit, napigil ko lamang. Nandito na kasi kaming dalawa tsaka siya mag- aalala para kay Vic? Hindi ba niya naisip na kahit sinong lalaki ay magagalit kapag nakita ang nobya na may kasamang ibang lalaki? Tapos ngayon ay mag tatanong siya?
" Ano sa palagay mo? " wika ko na lamang
Hindi naman siya naka sagot dahil dumating na ang Waiter na may bitbit na mga order namin.
" Thank you! " kiming saad ko sa serbidora
" You're welcome, Ma'am, enjoy your meal! " yumuko pa ito bago umalis
" Hindi sana siya magalit? Para coffee date lang naman e! " saad pa niya habang humihigop na kami ng kape at may cake na naka- sliced na kinakain.
" Bakit mo nga pala ako inayang mag kape? " balik tanong ko naman sa kanya
" Ahm, N- Nais ko lang kasing . . . m- malaman mo bago tayo mag- graduate na m- matagal na akong may g- gusto sa'yo! P- Pwede ba akong m- manligaw? " nauutal pa niyang tugon
Natigilan naman ako at na hinto ang pag tusok ko ng cakr na nasa platito dahil sa kanyang inamin.
Gusto ko sanang tumawa ng malakas dahil siya na mismo ang maysabing baka magalit si Vic sa date naming ito tapos ngayon ay aamin pa siyang may gusto siya sa akin? Na para bang balak pa niyang makipag kumpetensya kay Vic ng pagmamahal sa akin?
Hindi ba dapat ay kapag alam mong may kasintahan na ang isang tao ay umiwas ka na dahil alam mong mayroong ng may- ari sa kanya? Bakit ito namang si Toff ay nakuha pa niyang umamin sa akin? Ano sa palagay niya, na may pag- asa pa siya kaya niya ako inayang mag kape kami? Dahil kung nirerespeto niya si Vic o ako at ang relasyon namin ay hindi na siya magkakaroon ng lakas loob na umamin? O baka naman dahil nakikita niya nakikipag biruan na si Vic sa ibang babae kaya akala niya ay nagkaka labuan na kaming mag nobyo?
Hanggang sa maubos namin ang kape at cake ay wala siyang nakuhang sagot mula sa akin. Hindi naman na ako pumayag na ihatid niya ako sa aming bahay kahit anong pilit niya. Nag- commute lamang kasi ako pauwi at wala pa rin akong tugon sa ginawa niyang pag tatapat ng damdamin.