SCHOOL

1314 Words
CARMEN's P O V " Hindi naman iyon ang sukatan, Love para masabi natin na mahal natin ang isa't isa. " mangiyak- ngiyak ko nang sambit sa aking Nobyo dahil nga sa kanyang pangungulit. " Ang tagal naman na nating iyong ginagawa, Love, ngayon ka pa ba aayaw e nagugustuhan mo naman!? " kunot ang noong wika ni Vic, halatang naiinis na rin. Mabuti na lamang at malayo ang kinauupuan nila sa loob ng canteen ng university kaya walang nakaka rinig sa pinag- uusapan nila. " Iba naman iyong hinihiling mo ngayon, paano kung mag bunga? Ready na ba tayo maging parents e ang babata pa natin? Paano ang pag- aaral ko? " nag- aalalang tugon ko naman " Hindi nga! Alam naman natin kung paano ka hindi magbu buntis e! Ako ang bahala! " pangungulit pa nito Gusto ko man na pag bigyan siya pero mas lamang ang takot sa aking kalooban. Ano na lamang kasi ang sasabihin ng pamilya ko kapag nalaman nila? Nakaka hiya sa mga nakaka tanda kong kapatid? Sabihin pa e ang bata- bata ko pa tapos nagpre- marital s3x na kaminf mag nobyo. Samantalang sila ay mga single pa. " Hindi talaga pwede, Love, I'm sorry. " hinging paumanhin ko pa sa kanya sabay yuko ng ulo kahit wala naman akong kasalanan. Padabog naman siyang tumayo at iniwanan ako, lumabas na siya ng canteen. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaluha. Tama nga yata ang sapantaha kong ang pagka babae ko lamang ang kanyang hangad sa akin? Dahil kung hindi ay dapat kuntento na siya sa pagme- making out namin dahil pareho naman kaming nasasarapan. Ano pa ba ang kaibahan niyon? Pero sa isang sulok naman ng aking utak ay sumasagi sa isipan ko ang pagka- sweet at thoughtful niya sa akin. Halos araw- araw ay may flowers at chocolates ako. Tapos libre pa sa canteen kaya naiipon ko ang binibigay na baon sa akin ng mga magulang ko dahil hindi naman ako gumagastos. Hinahatid pa niya ako sa bahay tuwing hapon. Kaya alam kong mahal niya rin ako dangan nga lamang ay mas gusto na niyang mas lumalim pa ang aming Nang kumalma na ang pakiramdam ko ay tsaka lamang ako tumayo at lumabas ng canteen, hindi ko tuloy alam kung uuwi na o babalik pa ng aming classroom. Puro practice for graduation lang naman ang ginagawa namin. " Carm! " " Carmen! " tawag sa akin ng mga kaibigan ko mula sa second floor na may kasamang kaway pa, naka dungaw sila sa railings kaya kitang- kita ako Kaya naman wala akong nagawa kung hindi tunguhin ang building namin. " Hello, Carm! " naka ngiting salubong sa akin ng aming batchmate, iba ang strand niya kaya hindi namin classmate pero graduating na rin siya ng Senior High " H- Hi, Toff! " tugon ko naman sa kanyang malaki rin ang ngiti " Para sa'yo. " kiming saad niya sabay abot sa akin ng isang long stem red rose " Oh! Thank you! Nag- abala ka pa naman! " kinuha ko iyon tsaka dinala sa aking ilong para amuyin " Wala iyan! Para sa gradution lang natin. " nagka kamot sa batok na saad pa niya " Ahh! Maraming salamat ulit, . . . may kailangan ka pa ba? " tanong ko na sa kanya dahil tila may sasabihin at na aalangan lang na mag salita " Ahm, p- pwede ba tayong mag kape sa ibang araw? M- may bagong bukas na coffee shop diyan lang sa malapit! " kiming saad nga niya Hindi naman ako agad naka kibo dahil alam naman sa buong school na mag kasintahan kami ni Vic. Hindi naman kasi bawal basta hindi raw lalagpas sa aming mga limitasyon. Tapos ngayon ay aayain niya ako? Samantalang mayroon lamang kaming hindi pagkakaunawaan na mag nobyo. " Ahm, p- pasensya na Toff, alam mo namang boyfriend ko na si Vic. " hinging paumanhin ko pa sa kanya para hindi sumama ang loob niya " Iinom lang naman tayo ng kape, para naman maka kwentuhan kita ng matagal bago tayo mag hiwa- hiwalay after graduation. " pangungulit pa niya Napa kamot na lamang ako sa aking noo at sa hindi sinasadya ay napa lingon sa aking kaliwa. Napatda ako sa aking natanaw, si Vic at isang batchmate rin namin na babae na masaya silang nag- uusap. Nag tatawanan pa at may pa hampas- hampas pa iyong kausap ng nobyo ko sa braso niya. Nag taka naman ako kung bakit pina payagan ni Vic ang ganoong asal ng babae? Samantalang ayaw na ayaw nitong may ibang humahawak sa katawan niya lalo na at hindi kamag- anak o kaibigan. Bakit ngayon ay tila tuwang- tuwa pa siya dahil nakikipag tawanan din siya sa babae? " Carmen, ano!? Pwede ba tayong mag kape bukas? " tanong ulit ng kausap ko " Sige! Sige! " tugon ko na lamang tuloy para mag lubay siya at maka alis ako sa aming kinatatayuan. " Talaga!? Yes! Yes! Pumayag na si Carmen na mag- date kami! " sigaw pa ni Toff sabay taas ng dalawang kamay sa ere tsaka nagtata talon kaya agaw eksena siya sa mga naka paligid sa amin. Nilayasan ko naman siya at umakyat na sa second floor ng aming building para tunguhin ang aming classroom. Hindi ko na alam kung narinig ba o kung ano ang reaksyon ni Vic at no'ng babaeng na ka harutan niya. Masama rin kasi ang loob ko dahil hindi lamang napag bigyan sa nais niya ay humarot na sa ibang babae na hindi naman niya rating ginagawa. " Oh, bakit sambakol iyang mukha mo!? " tanong ni Arra nang makalapit ako sa kanila " Bakit masayang- masaya yata si Toff? " usisa naman ni Jinky Humugot muna ako ng malalim na buntong- hininga tsaka ko kinwento sa kanila ang pag- invite ng batchmate nga namin. Tsaka ko idinugtong ang tampuhan namin ni Vic, pero hindi ko naman na kinwento sa kanila ang puno't dulo. " E, bakit nakikipag harutan na siya agad kay Nancy? " tanong ulit ni Jinky " Ewan ko sa kanya! " nagkanda haba tuloy ang nguso ko " Bakit naman pumayag ka ng coffee date kay Toff? E may nobyo ka na!? " sermon naman ni Arra " Nainis nga kasi ako kay Vic tapos ang kulit- kulit niya kaya pumayag na ako matahimik lang tapos para maka ganti rin ako kay Vic! " paliwanag ko pa " Sus! Papalakihin n'yo lang ang hindi n'yo pagkaka unawaan! " naiiling na saad pa ni Jinky " Kaya nga! Imbis na resolbahin parang nagga gantihan pa kayong dalawa!? " wika naman ni Arra Hindi naman na ako nakakibo dahil hindi ko lang masabi sa kanilang ang dahilan ng aming alitan na mag nobyo. Syempre, nakaka hiya rin naman. Perk sa ilang taon ng aming pagiging mag kasintahan ay ngayon lamang matindi ang aming alitan. Dati ay hindi na namin pina tatagal at nang hihingi siya agad ng sorry kahit ako ang may kasalanan. Kaya nga iyon ang mas minahal ko sa kanya. Pero ngayon ay tila iniinis pa niya ako dahil nakipag harutan nga siya sa babae. At hindi pa humihingi ng pasensya. Hanggang sa mag- uwian kami ay hindi ako kinikibo ni Vic, na labis kong pinag- alala. Kahit ang mga kaibigan namin ay nag tataka rin dahil nga ngayon lamang nag tagal ang aming alitan. Kaya sa sasakyan nila Jinky ako nakisabay no'ng uwian na at kahit nakarating na ako sa bahay namin at maka tulog na ay walang Vic ang tumawag o magpadala ng messages. Kaya namang no'ng magising ako kinabukasan ay hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa pag babalewala ni Vic sa aking nararamdaman. Pumasok tuloy akong walang sigla at baka sa mukha ko ang kalungkutan. Mabuti na lamang at hindi na mugto ang nga mata ko sa sandali kong pag tangis kanina bago pumasok ng paaralan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD