LUNA AMARIS
“Seryoso ka ba talaga sa gagawin mo?” tanong sa akin ni Jana. “Kabaliwan talaga ang pinaplano mo.”
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Parang mas kinakabahan pa siya sa akin.
“Mukha ba akong nagbibiro?” balik-tanong ko sa kaniya at muling tumingin sa lalaking kanina ko pa pinagmamasdan. Si Theo. Ang boyfriend ng pamangkin ng step-mother ko.
We are in a hotel. May party ngayon dahil birthday ng mommy ni Theo.
Kasama ni Theo ngayon si Candice, maging ang step-mother ko sa isang table at nag-uusap sila habang ako naman ay nasa gilid at nagmamasid lang sa paligid. Maraming tao, pero sa isang tao lang nakatutok ang mga mata ko. Habang nagsasaya sila, aagawin ko ang lalaking pinakamamahal ni Candice.
“Nababaliw ka na talaga. Mapapahamak ka sa ginagawa mo,” nag-aalalang saad niya.
Muli akong bumaling ng tingin sa kaniya.
“He will be mine tonight, Jana,” matigas na saad ko.
Sinisigurado kong hindi ako papalpak sa plano ko. Pinaghandaan ko na ang gabing ito.
Kita ko si Candice na may binulong kay Theo bago siya tumayo.
“He is handsome,” hindi ko mapigilang sabihin.
“Oo, pero hindi naman sobrang gwapo, matangkad lang kaya bakit patay na patay ka sa kaniya,” kontra naman ni Jana kaya masama ko siyang tiningnan.
Bakit ba hindi na lang siya maging supportive? Gwapo naman si Theo. Maypagka-chinito siya, maputi pero halatang hindi naggi-gym dahil walang matitigas na masel sa braso. Halatang pampered siya at laking aircon masyado. Pero matangkad, mayaman at matalino siya. Mahilig talaga ako sa matatangkad, kaya nga nagustuhan ko siya.
Wala akong pakialam kung may masasaktan ako sa gagawin ko pero gusto ko si Theo at sisiguraduhin ko na magiging akin siya ngayong gabi. Tumingin ako sa waiter na lumapit sa kaniya. Pasimpleng tumingin pa ako rito at tumango bago ako tumalikod at iniwan ang kaibigan ko.
Matatapos ang gabing ito, akin na si Theo.
Habang palabas ako sa bulwagan ay napalingon ako sa lalaking nakasalubong ko. Ngayon ko lang siya nakita, but damn. He looks fine. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa malapad niyang likod. Kahit nakatalikod siya, parang ang lakas ng dating niya. Naiiwan pa ang mabangong pabango niya na nanonoot sa ilong ko.
Pero agad din akong natauhan. Hindi ako pwedeng humanga sa iba dahil si Theo lang ang gusto ko at gagawin ko para makuha siya ngayong gabi.
Pero muli akong humakbang patungo sa hallway para magtungo sa hotel room ni Theo. Ngumisi ako nang tumingin ako sa card na hawak ko. Sa tulong ni Jana na may pinsan na nagtatrabaho rito ay nakuha ko ito.
Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto. Wala pa si Theo. Pero alam kung anumang oras ay maari na siyang dumating.
Kinuha ko muna ang alak na nasa table at binuksan ko iyon saka ako nagsalita sa kopita at uminom.
Alam kong magdudulot ng gulo ang gagawin ko ngayong gabi. Pero ang tanging nasa isip ko lang ay makuha si Theo.
I want him to be mine. At dahil gusto ko siya, gagawin ko ang lahat para makuha siya. Walang makakapigil sa akin.
I will be Mrs. Luma Amaris Pedrigal- Alcaraz. Ako ang magdadala ng pangalan niya. Hindi ang pinsan kuno ko.
Nakaupo lang ako sa gilid ng kama habang umiinom ako ng wine. Tumingin ako sa buong paligid. Malaki ang kwarto. Hinubad ko na ang gown na suot ko at tanging panty ko na lang ang suot ko. Saka ako nagtungo sa shower para maligo.
Marahas kong pinilig ang ulo ko habang nakatapat ako sa shower. Hindi ko alam kung bakit parang naiinitan ako gayong nasa tapat na ako ng malamig na tubig. Mabilis ko nang tinapos ang pagliligo ko dahil parang umiikot ang paningin ko.
Naka-roba na lang ako nang matapos akong maligo at basa pa ang buhok ko nang lumabas ako ng bathroom. Wala pa rin si Theo. Hindi pa ba niya naiinom ang alak na pinabibigay ko sa kaniya?
Hindi pa ba tumatalab ang gamot na pinalagay ko roon? Muli akong nagsalin ng wine sa kopita. Mabilis kong nilagok ng diretso ang laman noon dahil parang nauuhaw ako. Mainit pa rin ang pakiramdam ko at parang bumabagsak ang talukap ng mga mata ko.
Tumingin ako sa wine na nasa table. Damn. Ang plano ko ay lagyan ng gamot ang inumin ni Theo at akitin siya, pero bakit parang ako ang nakainom ng kung ano ngayong gabi. Pinagpapawisan ako kahit na katatapos ko pa lang maligo. Malakas din ang aircon pero tila wala iyong epekto.
Nahihilo ako kaya mabilis akong humiga sa kama at pumikit. Pinipilit kong magmulat pero tila inaantok ako. Hanggang sa maramdaman kong may pumasok pero nanatili akong nakapikit.
Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama ko. Hanggang sa maramdaman ko ang kamay niyang humahaplos sa lantad kong mga hita. Pinilit kong magmulat ng mga mata pero madilim na ang buong paligid. Pinatay niya ang ilaw pero naaninag ko pa rin ang bulto niya mula sa ilaw na nanggagaling sa bathroom na medyo nakaangat ang pinto.
Sinubukan kong umupo ngunit agad niyang sinakop ang mga labi ko. Mariin niya akong hinalikan na para bang gutom na gutom siya habang nakahawak sa leeg ko. May nalasahan pa akong wine, hindi ko alam kung mula sa akin o sa mga labi niya.
“Hmmm….” Impit na ungol ko nang maramdaman ko ang isang kamay niya na dumakma sa dibdib ko.
Tila mas lalong nag-init ang aking nararamdaman. Parang may kung anong tila nagliliyab sa loob ko. Hindi ko alam kung gaano katagal na magkahinang ang mga labi namin pero tila ayaw niya akong pakawalan.
Hindi ko alam na ganito pala kasarap humalik si Theo. Kaya pala baliw na baliw sa kaniya si Candice. Mabilis kong pinulupot ang mga braso ko sa leeg niya at mas hinila siya papalapit sa akin.
Naramdaman kong inalis niya ang pagkakabuhol ng tali ng roba ko at humawak siya sa beywang ko. Parang may kung anong kuryente akong naramdaman sa loob ko. Nagsimulang maglakbay ang mga kamay niya at humaplos sa katawan ko. Wala akong suot maliban sa roba.
Parang namamaga na ang mga labi ko dahil sa tagal ng halikan namin. Habol ko na ang paghinga ko nang pakawalan niya ang labi ko pero gumapang ang halik niya patungo sa leeg ko. Bahagya ko namang kinilig ang leeg ko para mas bigyan siya ng access. Madilim pero nakapikit din ako habang ninanamnam ko ang init na dulot ng haplos at halik niya.
Alam kong mawawala ang pinakaiingatan ko ngayong gabi pero wala akong pakialam. Ang mahalaga ay nakuha ko ang lalaking gusto ko. Matamis akong napangiti dahil sigurado na akong successful ang plano ko.
Akin na si Theo.
Nang gumapang ang halik niya patungo sa dibdib ko ay hindi ko na mapigilang mapaungol ng malakas.
“Ohh!.... ahhh!”
Medyo masakit ang ginagawa niyang pagkagat sa kanang u***g ko at ang paglamas niya sa kaliwang dibdib ko pero mas nangingibabaw pa rin ang sarap sa ginagawa niya. Hindi ko alam na ganito pala kaagresibo makipagtalik si Theo. Tila ba sanay na sanay siyang magpaligaw ng babae.
Napaliyad ako ng husto nang maramdaman ko ang kamay niya sa pagitan ng mga hita ko lalo na nang tila binuka ng mga daliri niya ang nasa gitna ko.
“You’re wet,” mahinang saad niya pero parang musika sa tenga ko ang beses niya. Maging ang boses niya ngayon ay napaka-sexy na pakinggan.
“Eat me… I want you to eat me…” nasasarapang utos ko sa kaniya habang pinaglalaruan ng daliri niya ang hiyas ko kaya napapakislot ako.
“My pleasure…”
Gumapang ang labi niya pababa sikmura ko, sa tiyan, sa puson hanggang maramdaman ko ang hininga niya na tumatama sa p********e ko. Mas binuka niya ang hita ko.
At nang sumayad na ang dila niya sa gitna ko ay mariin akong napahawak sa kumot habang hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko.
“Sweet,” narinig kong saad niya pero tila nag-uulap na ang isip ko dahil sa kakaibang sensasyong nararamdaman ko.
“Ohhh! Ahhh! Ahhh!” malalakas na ungol dahil pinaglalaruan ng dila niya ang p********e ko.
Mas napaliyad ako nang maramdaman kong parang may kung anong namumuo sa puson ko pero mabilis siyang huminto habang marahas naman ang pagtaas-baba ng dibdib ko.
Naaninag ko kung paano siya mabilis na naghubad at muling bumalik sa ibabaw ko. Kinuha niya ang kamay ko at iginaya papunta sa naghuhumindig niyang p*********i. Napasinghap pa ako nang maramdaman kong tila pumipintig iyon.
“Remember my size,” bulong niya sa tenga ko at muling hinalikan ang leeg ko.
Tila ba hirap akong hawakan iyon. Nakahawak lang ang kamay ko at hindi ako umiibo.
“Put it inside,” utos niya sa pagitan ng paghinga niya.
Nanginginig na sinunod ko ang utos niya. Tinutok ko iyon sa gitna ko.
Pero tila nainip siya sa ginawa ko malakas akong napasigaw nang bigla niyang ipasok.
“Damn tight,” gigil na saad niya.
Napahikbi ako nang maramdaman ko ang sakit na bumalot sa buong pagkatao ko.
“Masakit,” naiiyak na saad ko.
“Hold me closer.”
Yumakap naman ako ng mahigpit sa kaniya.
“AHHHHH!” muli ay malakas na sigaw ko nang tuluyan na niyang ipasok. Parang hinati ang buong pagkatao ko sa ginawa niya.
Nakagat ko ang balikat niya habang ang mga kuko ko naman ay bumaon sa likod niya.
“Damn it!” muling mura niya pero ramdam ko ang gigil niya sa paraan ng mariing pagkakahawak niya sa akin.
Pero muli siyang gumalaw sa ibabaw ko kahit na alam niyang nasasaktan pa ako. Kaya mariing bumabaon ang mga kuko sa likod niya.
Masakit. Hindi ko alam kung dahil ba first time ko o dahil malaki lang talaga ang kargada niya. Hirap nga akong ikulong iyon sa kamay ko kanina.
Pero habang tumatagal ay naghahalo na ang sakit at sarap na nararamdaman ko. Hanggang tila muli na naman akong nababaliw sa sensasyong nararamdaman ko.
Mahigpit akong yumakap sa kaniya. Naging mas mabilis ang pagbayo niya sa loob ko. Rinig na rinig ang pagtatama ng katawan namin maging ang mga ungol ko.
Lumuhod siya sa harap ko at tinaas ang dalawang hita ko para ilagay sa balikat niya bago siya muling bumayo.
“Ohhh…. Ugh! Ugh… ugh!...”
Tumitirik ang mga mata ko sa sarap ng nararamdaman ko hanggang sa maramdaman kong lalabasan na ako. Parang mas lalo namang nagmamadali ang pagbayong ginawa ni Theo hanggang sa sabay naming narating ang sukdulan.
Mariing napakagat ako ng labi ko nang maramdaman kong pinutok niya lahat sa loob ko pero napapangiti rin ako.
Pareho kaming hinihingal na dalawa. Hinalikan pa niya ang binti ko bago niya hinugot ang p*********i sa loob ko.
Lumapaypay na bumagsak ang mga binti ko. Pawisang bumagsak siya sa ibabaw ko. Nasa pagitan ng dibdib ko ang muka niya. Ramdam ko ang init ng hininga niya na tumatama sa dibdib ko.
Hinaplos ko naman ang buhok niya. Nakaramdam na ako ng antok. Nawala na rin ang init na nararamdaman ko kanina bago pa siya dumating. Pero tila naubos din ang lahat ng lakas ko pero masaya ako ngayon.
Napangiti ako ng malaki.
Akin na si Theo. Tagumpay ang aking plano.