Chapter 1

1318 Words
LUNA Masakit ang ulo ko nang gumising ako kaya napahilot ako sa sintido ko. Hindi lang ulo ko ang masakit, kundi maging ang pagitan ng mga hita ko. Tumingin ako sa ilalim ng kumot na nakatakip sa akin at nakita kong wala akong saplot na kahit ano. Pero nang tumagilid ako ay napangiti ako nang makita ko si Theo na nakahiga sa tabi ko. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Tinaas ko ang isang kamay ko para sana haplosin ang pisngi niya pero malakas na bumukas ang pinto kaya napatingin ako roon at nakita ko ang Mama ni Theo, kasama si Candice na biglang nangilid ang luha nang makita kami. “THEO!” malakas na sigaw ng ina ni Theo dahilan para mapabalikwas si Theo at nagulat pa ito nang makita ako sa tabi niya. “WHAT IS THE MEANING OF THIS? WHY… WHY YOU…” malakas ang boses na saad ni Tita Maris habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito at hindi makapaniwala sa nakikita niya. Tinuro pa niya kaming dalawa ni Theo. “s**t!” mabilis na napatayo sa kama si Theo. Mabuti na lang at nakasuot na siya ng boxer shorts niya kaya hindi kita ang dapat makita sa kaniya habang nanatili ako sa kama at kipkip ang kumot upang takpan ang hubad kong katawan. “What happened?” tanong sa akin ni Theo na para bang naguguluhan pa siya kung bakit magkasama kaming dalawa ngayon sa kama at naabutan ng ina at girlfriend niya. “We f****d,” casual na sagot ko. Hindi ba niya natatandaan ang nangyari kagabi? Dahil malinaw na malinaw sa alaala ko ang lahat kahit na pakiramdam ko ay may nainom din ako at sumasakit din ang ulo ko. Napahawak sa dibdib niya ang ina ni Theo na si Tita Maris, na para bang aatakehin siya sa puso. Habang si Candice naman ay sinugod ako bigla. SInabunutan niya ako at hindi ko magawang makalaban sa kaniya dahil nakahawak ako sa kumot. “Malandi ka!” sigaw ni Candice habang sinasabunutan niya ako. Napapangiwi ako sa ginawa niya dahil sa sakit ng paghila niya sa buhok ko. Tila maalis ang anit ko at mukhang nakatanga lang si Theo habang nakatingin sa amin. “Let me go!” malakas na saad ko at pilit tinutulak si Candice gamit lang ang isang kamay ko. Sinubukan siyang awatin ni Theo pero isang nanlilisik na tingin lang ni Candice ay napaatras na ito. Hinila niyang muli ang buhok ko na para bang gusto niya akong hilahin patayo. “Tumayo ka! Ipapakita ko sa lahat kung gaano ka kalandi!” galit na galit na saad ni Candice habang pinipilit akong hilahin patayo para kaladkarin palabas at ipahiya pero hindi ako papayag sa gusto niya kaya nagmatigas ako. Hindi lang ako makakilos ng maayos para labanan siya dahil kumot lang ang nakatikim sa katawan ko. “Bitawan mo ako!” sagot ko at pilit pa ring tinutulak siya palayo. Nakita ng gilid ng mga mata ko si Tita Maris na gulat na gulat pa rin siya sa nangyayari at muntik na akong malaglag sa kama nang muling bumukas ang pinto kaya napahinto si Candice pero nanatili pa rin siyang nakahawak sa buhok ko habang nakahawak ang isang kamay ko sa kaniya. Pumasok ang Lolo ni Theo. “Let her go,” maawtoridad na saad ni Lolo Thomas. Matalim na tumingin sa akin si Candice pero wala na siyang nagawa at napilitan na siyang pakawalan ako. Napahawak ako sa ulo ko. Masakit iyon. Kung hindi sana ako hubad ngayon at ganito ang sitwasyon ko ay hindi ako magagawang saktan ni Candice dahil lalaban ako pero dahil natatakot akong lumantad ang hubad na katawan ko ay wala akong nagawa nang atakehin niya ako. “Lo, this was just a mistake. I was drunk,” agad na saad ni Theo habang nakatingin sa Lolo niya. “Drunk! You were just drunk. Kahit lasing ka you know what you were doing! You cheated on me! Sa dami nang babae sa kaniya pa talaga! Sa malanding iyan pa talaga!” sabat ni Candice at tinuro pa ako habang umiiyak na nakatingin siya kay Theo. Mabilis namang lumapit ang ina ni Theo kay Candice para aluin ito. “Magdamit kayo. Mag-uusap tayo,” malamig na sagot ng matanda at muling tumalikod at lumabas ng kwarto. “Get dress, bilisan ninyo,” saad naman ni Tita Maris. “Let’s go Candice.” Inakay naman niya si Candice na tila ayaw pang sumama. Lumingon pa siya sa amin ni Theo kaya ngumisi ako pabalik sa kaniya para mas asarin pa siya. Alam kong galit na galit siya ngayon pero wala akong pakialam. Sa aming dalawa. Siya ang tunay na mang-aagaw. Inagaw niya sa akin si Theo, binabawi ko lang. Habang si Tita Maris ay umiling siya sa amin, senyales na disappointed siya bago sila tuluyang lumabas. Kami na lang ni Theo ang naiwan sa kwarto. Tumingin siya sa akin at marahas na ginulo niya ang buhok niya habang frustrated na nakatingin sa akin. “Why are you in my room? Paanong may nangyari sa atin? Damn it, Luna!” galit na saad niya. Sinalubong ko ang tingin niya. “Don’t you remember what happened last night? For real?” tanong ko sa kaniya pero naguguluhang tumingin siya sa akin. Para bang wala siyang ideya kung ano ang namagitan sa aming dalawa. Muli siyang napasabunot sa buhok niya na para bang sa pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi. “I was drunk. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto ko.” Matalim na tumingin siya sa akin. Puno ng paninisi ang mga mata niya. Bumaba naman ako sa kama at habang nakahawak pa rin sa kumot na nakatakip sa katawan ko. Sinimulan kong pulutin ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. “You jumped on my bed. Sinadya mong may mangyari sa atin. I have a girlfriend, Luna. Hindi dahil may nangyari na sa atin ay hihiwalayan ko na si Candice. It was just a mistake. Kung ano man ang nangyari kagabi. Kalimutan na natin. I know you like me, pero hindi ko ipagpapalit sa iyo ang girlfriend ko,” mariing saad niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya kahit na nasasaktan ako sa mga salitang binitawan niya. I took the risk. Iniisip ko magagawa ko siyang agawin kay Candice, pero sa kabila ng nangyari sa amin, kahit nahuli na kami. Si Candice pa rin ang pinipili niya. Hindi na iyon nakakagulat dahil ito ang girlfriend niya, pero babawiin ko pa rin siya. Kahit ilang beses siyang tumanggi sa akin. Sisiguraduhin kong sa akin pa rin siya babagsak. Nasimulan ko na ito, wala nang atrasan pa. “You talk na para bang hindi ka nag-enjoy sa ginawa natin kagabi,” sarcastic na sagot ko at tumingin sa kaniya. “I did not know it’s you. I thought you are my girlfriend,” katwiran nito na para bang hindi niya alam ang gagawin. Hanggang sa mapabaling siya sa kama at makita niya ang mantsa ng dugo roon. Mas lalo siyang napasubunot sa buhok niya. “You are crazy,” naiiling na saad niya, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Ngumiti ako sa kaniya. Tumalim ang tingin niya sa akin. “At hindi ako papayag na madamay sa kabaliwan mo, Luna,” matigas na saad niya at mabilis na sinuot ang pantalon niya. Maar ingang baliw ako. Alam kong may girlfriend na siya pero binigay ko pa rin ang sarili ko sa kaniya. Pero umaayon ang lahat sa gusto ko. Ang balak ko ay i-balckmail lang siya, pero ngayong nahuli kami ng pamilya at girlfriend niya, mas pabor sa akin. Mabilis siyang nagbihis at walang salitang iniwan ako kaya mapait akong napangiti. Alam kong hindi pa niya natatanggap ang nangyari, pero hindi ako papayag na mabalewa ang lahat. Ako naman talaga ang gusto niya, inakala lang niyang si Candice ang babaeng iyon. Ako iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD