ANDREI CASTRIEL
Naging mahirap para sa amin ang pagbalik sa main camp dahil sa patuloy pa rin ang paglakas ng ulan at maging ang pagbugso ng malalakas na hangin. Binaha talaga ang buong lugar. Hindi lang basta baha kundi malalim na baha. Iyong tipo ng baha na kung hindi ka marunong lumangoy, siguradong malulunog ka at tatangayin ka sa dulong bahagi ng camp malapit sa kagubatan.
Mabuti na lamang at mayroong ilaw na dala ang mga rescuer. Habang ako ay tahimik na naghihintay na makarating kami sa main camp, ang mga kasama ko namang babae ay walang ibang ginawa kundi tumili at umiyak sa tuwing hahampas ang malakas na tubig sa rescue boat na sinasakyan namin.
“You must be thinking about what I told you,” narinig kong saad ni Alissa. Hindi ako tumingin sa kaniya. Ang buong atensiyon ko ay nanatili sa mga ilaw sa hindi kalayuan. Tanaw ko na rin ang liwanag sa itaas na bahagi ng mga gusali. Mabuti nalang at hindi tumaas pa ang tubig. Ibig sabihin ay safe pa rin ang mga gamit ko sa kuwarto.
“I’m not thinking of it, Alissa. Quit talking to me.”
Narinig ko ang pagak niyang pagtawa.
“But you’re curious the same way that I am.”
Bumaling ako sa kaniya at marahang umiling. Hindi ko alam kung bakit ako ang kinakausap niya ngayon. Hindi ko naman normal na pag-uugali ang magalit sa isang tao. Pero ngayon, nagsisimula na akong mainis. At kung hindi pa siya titigil sa pagsasalita, baka tuluyan na akong magalit sa kaniya.
“Okay then. Hindi na ako magsasalita. Baka itulak mo pa ako sa tubig,” natatawang saad niya.
Muli akong napailing sa sinabi niya.
“But honestly, why don’t we observe about them?”
Humugot ako ng malalim na hininga at ibinaling sa ibang lugar sa camp ang aking paningin. Gabi na, pero kahit paano ay mayroon pa rin akong natatanaw na mga buildings. Sa ilang taon na pagpunta ko rito, ngayon lang ito nangyari. Hindi naman dinadaanan ng bagyo ang lugar na ito dahil mataas nga. Kaya nakapagtataka na nangyayari ito ngayon.
Umayos ako sa pagkakaupo sa bangka at marahang niyakap ang tuhod ko.
Noong bata pa lamang ako, palaging nagkukuwento ang mga magulang ko ng tungkol sa kanilang karanasan sa mga bagay-bagay. Sinabi pa sa akin ni Papa na hindi porket hindi nakikita ay hindi na nag-e exist. Hindi porket alamat o paniniwala lang, ay hindi na totoo.
Lumaki akong naniniwala na hindi lang tao ang naninirahan sa mundong ito. Marami pang ibang elemento na hindi natin alam na nakakasalamuha na pala natin. Hindi puwedeng magpakampante ang mga tao na para lang sa kanila ang buong sanlibutan.
Pumikit ako at inalala ang mukha ni Chandra. Ang kaniyang mga mata na bihira na magkaroon ng emosyon, ang malamig na temperatura ng kaniyang katawan, ang lakas na ipinakita niya noong ibalibag niya si Alissa sa dingding. Hindi ako ang tipo ng taong nanghuhusga agad. Kaya hindi sapat ang impormasyong sinabi sa akin ni Alissa. Kailangan ng ebidensiya at kailangang makita ko muna ito para mapatunayan kong totoo nga.
Nang makabalik kami sa main camp, dinala agad kami ng mga rescuer sa rescue hall kung saan naroon ang lahat ng mga participants.
“Kuya!”
Pagkarating ko sa hall ay agad kong narinig ang pagtawag sa akin ng kapatid ko. Tumakbo ito palapit sa akin at agad na yumakap.
“Ang akala ko ay hindi na makikita. Nakakainis ka!”
Kunot-noong pinagmasdan ko ang kaniyang reaksiyon. Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang luha nang makita niya akong nakatitig lang sa kaniya.
“Umiiyak ka? Akala ko ba big boy ka na?”
Inis na hinampas niya ako sa balikat.
“Akala mo ba nakakatuwa iyon? Iniisip ko, habang wala ka. Kung sakaling may mangyaring masama sa’yo ano nalang ang sasabihin nina Mama sa akin? Kapatid kita, dapat ay lahat ng paraan gawin ko para lang masigurong ligtas ka.”
“Hey, calm down. Walang nangyari sa akin. Okay lang ako. Wala akong galos, at ang totoo pa niyan…” Huminto ako sa pagsasalita nang maaalala ang nangyari sa amin ni Chandra sa kuwarto sa fifth floor ng vacant building. Agad kong ipinilig ang ulo ko. Alam kong hindi naman dapat iyong ikuwento kaya huminto na ako nang tuluyan sa pagsasalita.
“Ano iyong huli mo sanang sasabihin, Kuya?” curious na tanong ni Neil.
Umiling ako at marahang tinapik ang kaniyang balikat. Inakbayan ko siya at naglakad na kami patungo sa lugar kung saan nagtitipon-tipon ang karamihan. Mayroong mga staff ang camp na nag-iikot at nagbibigay ng tubig, pagkain, at damit. Para tuloy kaming nasa evacuation center. Halos lahat na rin ay nagpalit ng damit. Dalawang kulay lang ang ibinigay. Kulay dilaw sa mga babae at sa mga lalaki naman ay kulay berde.
Nauna na si Neil na magtungo sa banyo. Habang inaasikaso ko ang mga gamit ko ay agad kong napansin ang tatlong lalaki na pumasok sa rescue hall. Patakbong pumunta ang isang staff patungo sa head ng mga rescuer at tinuro ang mga dumating. Nakita ko ang pangamba sa hitsura ng mga staff.
“Ayan ba iyong mga nakatatandang kapatid ni Chandra Ricafort?” Dinig kong tanong ng isang lalaki sa kaniyang katabi na lalaki rin. Pareho silang kumakain ng popcorn na hindi ko alam kung saan galing.
“Oo yata. Halatang-halata sa mga hitsura na mayayaman.”
“Mayaman din naman tayo, bro.”
Natatawang umiling ang isang lalaki.
“Bro, isang pitik lang ng mga iyan sa negosyo ng mga magulang natin, mawawala tayo sa linya ng mga mayayaman. Naalala ko iyong kuwento sa akin ng kuya ko. Nakita niya raw minsan ang isa sa mga Ricafort sa Ezra. Tapos may nagtangkang magnakaw sa isang store, nako p’re, alam mo ang nangyari?”
Amazed na amazed ang isa at nakatuon talaga ang atensiyon niya sa nagkukuwento.
“Hindi p’re, ano bang nangyari?”
“Kung alam mo lang p’re kung paano winasak ng Silvano Ricafort na iyan ang mukha nung lalaking magnanakaw palang sana.”
“Nasaan ba riyan yung Silvano?”
“Iyon oh.” Turo nito sa lalaking nasa gitna.
“Iyan ang pinakamabagsik sa mga Ricafort. Iyang panganay.”
Tumango-tango naman ang kausap nito.
“Kaya pala halatang palaban din itong si Chandra. May pinagmanahan.”
Kitang-kita ko ang pamo-mroblema ng rescuer at staff. May isang tumakbo pa patungo sa itaas. Dahil hindi nga gumagana ang mga elevator, sa hagdan na ito dumaan.
“Anong nangyayari?” tanong ng kapatid ko nang makabalik siya sa puwesto namin.
Hindi ako sumagot dahil pinagmamasdan ko pa ang pagpapabalik-balik ng mga tao.
“Bakit nagkakagulo ang mga staff?”
May isang lalaki ang napadaan sa bandang gawi namin ang huminto sandali.
“Hindi niyo ba talaga alam?”
Kumunot ang noo ng kapatid ko habang ako naman ay nanatili ang tingin sa mga kapatid ni Chandra, ngunit ang aking pandinig ay nasa lalaking huminto.
“Ang alin?” tanong ng kapatid ko.
“The Ricaforts is one of the biggest investor of Leicester camp. At kaya nagkakagulo ang mga staff ngayon ay dahil naka-receive sila ng notice na may nangyaring hindi maganda sa bunso ng mga Ricafort and that’s Chandra.”
Napatayo ako sa aking narinig.
“Anong sinabi mo?”
Napaatras ang lalaki nang lumapit ako sa kaniya.
“Hey chill! Narinig ko lang naman noong papadaan ako na kailangan nang i-rescue si Mr. Mirasaki at Ms. Ricafort sa building. Wait, hindi ba ikaw ang nag-iisang team member nila?”
Napalunok ako nang marinig ang sinabi niya.
“Gusto ko lang sanang itanong kung bakit nandito ka, samantalang sila ay wala.”
Napansin ko na sa tingin na binibigay niya sa akin ay parang hinuhusgahan niya ako. Nginisihan niya ako.
“Don’t tell me sinadya mong iwan doon si Chandra Ricafort at kaibigan niya?”
Umiling ako.
“Wala kang alam sa nangyari. So, stop assuming that you know everything.” Lumapit ako sa kaniya at marahas na hinablot ang kaniyang kuwelyo.
Kundi lang ako hinila palayo ni Neil, baka kung ano pa ang nagawa ko sa lalaking iyon. Nagmadali naman siyang tumakbo palayo sa akin.
“Care to tell me what really happened back there, Kuya?” naguguluhang saad ng kapatid ko.
Pumikit ako nang mariin at saka umiling. Muli akong lumingon sa mga kapatid ni Chandra na abala pa rin sa pakikipag-usap sa mga rescuer. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin sila umaalis! Chandra needs help.