ANDREI CASTRIEL
What happened between me and Chandra will forever be engraved in my mind. Honestly, it’s hard to admit that I’m loving someone I didn’t even like before. Para akong tinamaan ng kidlat at minahal nalang siya bigla. And if someone will ask me if I regret everything that happened between us, my answer would be ‘no’.
“Andrei, you have a lot to know about me. And I am sure, after you know everything about me, you’ll run away and never come back,” saad ni Chandra habang nakatayo siya sa tapat ng bintana at matamang nakamasid sa labas.
Naglakad ako palapit sa kaniya. Pumuwesto ako sa tabi niya at bumaling sa kaniyang pinagmamasdan.
“How sure are you about that?” I asked.
Lumingon siya sa akin.
“How sure are you that you’re feeling right now is real? Isn’t it just lust?”
Mahina akong natawa sa sinabi niya pero nakaramdam din ako ng pagkapikon. Wala ba siyang tiwala sa akin?
“Lust, Chandra? You think what happened between us was just lust?”
“Wasn’t it?” giit niya pa.
Umiling ako. “It wasn’t just lust. Kung lust lang iyon, edi sana, ginawa ko na lahat ng kung anong puwede kong gawin sa’yo kanina. But you know that I stopped. I did stop because I respect you a lot.”
“Kapag ba nirespeto ka ng isang tao ibig sabihin niyon love na agad?”
I understand that she is being skeptical right now. Ganoon talaga. Kahit din naman siguro ako ang nasa kalagayan niya, ganoon ang mararamdaman ko.
Ilang sandali lang ay dumating na si Eren. Pumasok ito ng kuwarto at lumapit kay Chandra at mayroong ibinulong. Mayamaya ay tumikhim ito at tumingin sa akin.
“The rescue will soon come. Masyadong mataas ang tubig dito. Pero sa camp halos hindi naman daw apektado ang grounds. In any minute, darating na sila.”
Bumaling ako sa labas ng bintana.
“Darating sila? Pero papadilim na. Magiging safe kaya tayong lahat kapag nangyari iyon? Saka ilang ang susundo? Magiging sapat ba ang rescue boat na dadal’hin nila?”
Nagkatinginan sina Chandra at Eren. Umiling si Eren.
“Sapat lang ang rescue boat para sa inyong lahat. Unfortunately, kailangang mayroong dalawa na maiiwan. Napag-usapan na namin ni Chandra ang tungkol sa bagay na iyon.”
Umiling ako agad.
“No. Magpapaiwan din ako. We should stick together. We’re a team, remember?”
“Pero kayo ang priority ng camp dahil hindi naman kayo taga-rito sa Addison. Sagutin nila kapag mayroong napahamak sa inyong lahat. At least kami ni Chandra, sanay na kami rito. We can’t be with you for a while. Kailangan mong sumama sa mga rescuer mamaya.”
Humugot ako ng malalim na hininga at bumaling kay Chandra. Halatang nanghihina pa rin siya pero hindi kagaya kanina, kahit paano ay maayos na ang kaniyang pakiramdam.
“Sige na, Andrei. Mas makabubuti sa’yo iyon. Paniguradong nag-aalala na rin sa’yo ang kapatid mo. Huwag kang mag-alala sa amin ni Eren, makakabalik kami ng ligtas.”
Wala na akong nagawa. Kahit anong pilit ko yata ay hindi na magbabago ang isip nila.
Nang umalis ulit si Eren para balitaan ang iba, lumapit sa akin si Chandra. Nakaupo ako sa kama. Umupo rin siya sa tabi ko at kinuha ang kamay ko para marahang haplusin iyon.
“Huwag mo sanang isipin na nais ka naming iwan ni Eren sa ere. Gusto lang namin mauna kang makabalik sa camp para mapanatag ang isip ng kapatid mo. Sigurado akong hindi iyon makakatulog sa kaaabang sa pagbalik mo. We just want you to be safe.”
Naiintindihan ko naman sila. Hindi ko lang talaga maiwasang malungkot nang bahagya. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko.
“We’ll see each other again at the camp. I promise.”
Tumango ako nang marahan. Umusod siya palapit sa akin at marahang inihiga ang kaniyang ulo sa aking balikat.
“Thank you, Andrei. Thank you for being here.”
Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. We stayed that way for almost ten minutes. When Eren entered, tinawag niya na ako. Tumayo na ako. Ayoko sanang iwan si Chandra sa kuwartong iyon pero ayaw ko ring suwayin ang napagkasunduan namin.
“Please be safe,” I told her before I went out of the room.
Nanatili akong kasama ng mga babae habang naghihintay sa mga rescuer. Halos isang oras na rin akong naroon. Ang ibang mga babae ay nagkukuwentuhan, may ilan ding nakaidlip na, pero itong si Alissa, magmula yata pagpasok ko hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.
“May kailangan ka?” hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya. Nasa kabilang bahagi ko rin lang kasi siya. Alam kong kapag nagsalita ako, kahit mahina ay maririnig niya.
Hindi niya inalis ang pagkakatitig niya sa akin.
“Wala naman akong kailangan sa’yo, pero mayroon akong tanong,” she straightforwardly said.
“Ano iyon?”
Umayos siya sa pagkakaupo. Mas lalo pa siyang tumitig sa akin at mayamaya at ipinag-krus niya ang kaniyang braso.
“May gusto ka kay Chandra Ricafort, ano?” aniya habang nakataas ang kaniyang kilay.
Hindi naman ako agad umimik.
“Honestly, I don’t get why people likes her. Hindi mo ba napapansin na ang weird niya? Hindi lang siya ah, kundi pati na rin ang kaibigan niyang si Eren Mirasaki. They’re both weird. They look frigid. They rarely show emotion. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ganoon sila?”
Hindi ko alam kung anong gustong iparating sa akin ng babaeng ito. Hindi ko maiwasang mainis dahil ganoon niya pagsalitaan si Chandra at Eren, samantalang ang dalawang tinutukoy niya ay minsan siyang tinuring na kaibigan.
“It’s as if they’re not real. Their beauty is too good to be true. Do you notice Chandra’s fair skin and so does Eren?”
Yumuko nalang ako at ibinaling sa ibang bahagi ng kuwarto ang aking paningin.
“If vampire do exist these days, sigurado akong bagay na bagay silang maging bahagi ng lahi ng mga iyon. Aware ka ba na sa apat na bayan ay mayroong kumakalat na balita na mayroong naninirahang bampira? Sa pagkakaalam ko ay usap-usapan na ito noon pa?”
Kumunot ang noo ko.
“Paano mo naman nalaman ang mga impormasyong iyan?”
“Sa Tatay ko. Minsan silang nagbakasyon dito sa Addison noong kabataan niya. At ang sabi pa niya sa akin, lahat ng bagay na hindi natin iniisip na mangyayari ay nangyayari sa apat na bayan na ito.”
Mas lalo akong naguluhan. Hindi ko na alam kung saan patungo ang usapan na ito. Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya o talaga bang nagsasabi ng totoo.
“So, you’re saying that Chandra and Eren might be…” huminto ako sa pagsasalita. Hindi ko maatim sa sarili ko na banggitin ang salitang bampira. All I know is they’re human. They can never be vampires. They’re too good to be a vampire.
“You saw how Chandra slammed me on the wall right? Doon ba sa pangyayaring iyon, hindi ka nagtaka kung paano niya iyon nagawa? She’s strong. She’s super strong. Walang taong ganoon kalakas, Andrei.”
Humugot ako ng malalim na hininga at saka tumayo. Naglakad ako palapit sa bintana at pinagmasdan ang patak ng ulan. Kagat ang aking ibabang labi ay bigla kong naalala ang kakaibang lamig ng katawan ni Chandra. Posible kayang…