CHANDRA RICAFORT
Mabibigat ang aking paghakbang sa bawat baitang ng hagdan. Hindi pa man nagtatagal ay nararamdaman ko na ang panginginig ng aking tuhod. Nang makarating ako sa ikalawang palapag ay kinailangan kong tingnan ang bawat silid doon. Walang tao. Nagpatuloy ako sa pag-akyat. Sa ikatlong palapag ay roon ko nakita si Eren na matamang nakamasid sa bintana paharap sa kagubatan.
Nakahinga naman ako nang maluwag.
“Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala.”
Humarap siya sa akin at seryoso akong binalingan.
“Something happened last night that you’re not telling me.”
Umiwas ako nang tingin sa kaniya.
“Wala namang importanteng nangyari,” seryosong sagot ko.
“Something happened between you two. Aminin mo nga sa akin, ginamit mo ba si Leo para burahin mo ang kaniyang alaala?”
Yumuko ako. I want to deny it. I want to say that I didn’t. Pero hindi ko talaga kayang magsinungaling kay Eren.
“You’re right. But it doesn’t matter. Hindi naman mahalaga iyon.”
Humakbang palapit sa akin si Eren.
“Kung hindi mahalaga iyon, bakit kailangan mong burahin ang kaniyang alaala? Tell me what happened, Chandra. I’ll try to understand. I promise I won’t be mad.”
I scoffed.
“Really? Parang ang hirap naman paniwalaan. Paano kapag sinabi kong sa tingin ko nagugustuhan ko na si Andrei? Hindi ka pa rin ba magagalit?”
He stopped walking and looked at me in a very serious way.
“You’re not kidding about that?”
I shake my head.
“No. Maybe this is a by-product of everything that happened in the past years. Wala akong ibang ginawa noon kundi bantayan ang bawat kilos niya. I thought I wouldn’t fall for him, Eren. Pero ang hirap pala. I tried. Trust me, I tried.”
“Pero alam mong bawal sa’yo ang magmahal mapa-tao man o bampira.”
“Alam ko,” agap ko agad sa mga sasabihin pa niya.
“Alam ko, Eren. Kaya nga nahihirapan ako eh. Kaya nga kailangan kong burahin ang alaala niya para hindi sumagi sa isipan niya ang nangyari sa pagitan namin kagabi.”
“Something serious happened between you two?”
I nodded.
“Yeah, we kissed.”
Nakatingin lang sa akin si Eren. This time, I can see the concern in his eyes.
Bumuga ako ng hangin at naglakad patungo sa tabi ng bintana. Nakita ko ang mabilis na pagtaas ng tubig sa batuhan.
“Sigurado akong sa pagkakataong ito ay umaapaw na ang ilog. And the water from there will be mixed with the rain water. What are we gonna do?” I asked him.
Naglakad palapit sa akin si Eren. Ang kaniyang paningin ay nakatuon sa tubig na patuloy sa pag-angat.
“Sa tingin ko, mas mabuti kung babalik ka sa ibaba para sabihan ang mga naiwan doon na umakyat na sila sa fith floor.”
Nilingon ko siya.
“Na-check mo na ang mga tao roon?”
He nodded.
“Naroon ang grupo nina Alissa. Mayroon pang dalawang bakanteng kuwarto. Puwedeng doon muna tayo pansamantala.”
“But we can stay here in the third floor, hindi naman siguro aabot ang tubig dito.”
“You think so?” he asked.
Nang hindi ako nakasagot ay nagsalita siya.
“We have to be sure. After all, sa lahat ng mga narito sa building, tayong dalawa ang pinaka-apektado. Kapag nalaman ng mga kapatid mo at mga magulang mo na hindi kita iningatan, ako ang sisisihin nila.”
Marahan akong tumango. Hindi ko naisip iyon.
“Sorry.”
“There’s nothing to say sorry for. Gusto mo bang samahan kita sa pagsundo sa kanila sa ibaba?”
Umiling ako.
“No. Sa tingin ko ay kaya ko na.”
Kung kanina ay nahihirapan akong humakbang, sa pagkakataong ito, nakakaramdam na ako ng pagsakit ng aking ulo. Ngunit kahit nahihirapan ako, pinilit ko pa rin ang aking sarili na bilisan ang aking pagkilos. Sa sobrang lakas ng ulan, sigurado akong mayamaya lang ay nakaakyat na ang tubig sa sahig ng first floor.
Inabutan ko silang lahat na nakaupo sa kama. Tanging si Andrei lang ang nakatayo. Mukhang kanina pa ako nito hinihintay.
Pagkakita niya sa akin ay mabilis niyang hinawakan ang braso ko para mapayakap ako sa kaniya. Madilim ang kuwarto kinaroroonan nila dahil sinara din nila ang bintana.
“Akala ko hindi ka na babalik. Muntik na akong sumunod sa’yo sa taas.”
Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay hinawakan niya naman ang pisngi ko.
“Okay ka lang ba?”
Hindi ko alam kung bakit ganoon siya kung mag-alala sa akin. Sa pagkakaalam ko ay maayos namang nabura ni Leo ang mga alaala na mayroon kami kagabi.
Bumaling ako sa mga babae.
“Kailangan nating umakyat sa fifth floor,” mahinahon kong sambit.
“Chandra, hindi ba mas nakakatakot sa fifth floor? Mas madilim doon, hindi ba?”
Bumuntong-hininga ako.
“Ilang sandali nalang ay aakyat na ang tubig dito sa unang palapag ng building. Gusto niyo bang maiwan dito? Choice niyo naman kung gusto niyong umakyat sa itaas o kung magpapaiwan lang kayo rito.”
Nagkatinginan ang mga babae at wala pang isang minuto ay tumayo na ang mga ito at nauna pang umakyat sa amin.
Naiwan kaming dalawa ni Andrei sa ibaba. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nang makita kong nagsisimula nang pumasok ang tubig ay hinawakan ko agad ang kaniyang kamay para hilahin siya paakyat ng hagdan.
Nasa second floor na kami nang bigla siyang may maalala.
“Sandali… yung pagkain na binigay mo sa akin, naiwan ko sa baba. Kukunin ko lang. Dito ka lang, hintayin mo ako.”
Hindi na ako nakaangal pa nang bumaba siyang muli. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdamang sumakit itong muli. Sumandal ako sa railings at pasimpleng nag-stretch ng katawan. Sa buong buhay ko, hindi ko pa naranasan na sumakit ang katawan ko nang ganito. Maliban nalang kung mayroong pagsasanay kung saan palagi talagang nabubugbog ang katawan ko.
“May problema ba? Masama ba ang pakiramdam mo?”
Naidilat ko ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Andrei. Paanong hindi ko na-sense na paparating siya? Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang paper bag. Nang ibalik ko ang aking tingin sa kaniya ay ngumiti siya sa akin.
“Sa tingin ko, malaki ang magiging tulong ng pagkaing dinala mo sa atin lalo na ngayon.”
“Tara na.” Iyon nalang ang nasabi ko bago nagsimulang humakbang muli paakyat ng hagdan.
Pagkarating namin sa fifth floor, para nang baldado ang katawan ko.
Agad na lumapit sa akin si Eren nang makita niya ang kalagayan ko.
“Chandra… anong nangyari sa’yo?”
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Nagmulat din ako at pinagmasdan ang nag-aalalang mukha ni Eren.
“Wala ito. Medyo hindi yata maganda ang epekto sa akin ng baha. Nararamdamdaman ng katawan ko ang tubig na galing sa ilog at ito ang reaksiyon ng katawan ko.”
Nang makaakyat nang tuluyan si Andrei ay bahagyang lumayo si Eren.
“Sinong nagsabing puwede kayo rito?” galit na salubong sa amin ni Alissa.
Wala ako sa mood para makipagtalo sa kaniya kaya hindi ko nalang siya pinansin.
“Wala kayong space sa lugar na ito, umalis na kayo!”
Nang hawakan ni Alissa ang balikat ko ay agad na nag-react ang katawan ko. Hindi sinasadyang mabilis kong nahawakan ang braso niya at malakas siyang naitulak sa pader.
Dinig na dinig ko paglagabog ng kaniyang katawan sa pader at ang pagbagsak niya sa sahig.
“Alissa!” tili ng isang babae. Takot na takot ang mga ito sa nangyari lalo na sa ginawa ko. Hinawakan naman ako ni Eren sa braso at marahas na hinila palayo at dinala ako sa bakanteng kuwarto at pinaupo ako nito sa kama.
“Chandra! Bakit mo ginawa iyon?”
Umiling ako habang nakatingin sa mga kamay ko.
“Hindi ko alam, Eren. Hindi ko alam kung bakit nawawala ako sa control. Hindi ko alam kung bakit ganito.”
Nanginginig ang katawan ko. Si Andrei naman ay sumunod sa kuwarto pero agad siyang hinarangan ni Eren.
“Iwan na muna natin siya dito.”
Pero nagpumilit na pumasok si Andrei para tingnan ang kalagayan ko.
"Mas mabuti kung sumunod ka nalang sa sinabi ni Eren. Mas makabubuti sa’yo kung sumama ka muna kay Eren sa labas.”
Umiling siya.
“Pero masama ang pakiramdam mo, hindi ba? Paano ka? Gusto mo bang iiwan ka namin dito?”
“Please, Andrei. Please, kailangan kong mag-isa pansamantala.”
Tumayo na ako para maitulak siya palayo at mabilis kong isinara ang pinto. Napasandal ako roon at mariin kong ipinikit muli ang aking mga mata nang maramdaman ang sakit ng ulo ko. Ngayon ay parang binibiyak na ito. Umupo ako sa sahig at tumingin sa kawalan habang pinipigilan ang aking sarili na maramdaman ang sakit ng aking buong katawan.
Naalala ko dati noong bata ako, palaging sinasabi sa akin ng mga magulang ko na ako ang ipinanganak na malakas, matibay, matalino, at may kakaibang kakayahan sa aming magkakapatid. Ngunit sinabi rin sa akin ng aking ama na kahit na ako ang pinakamalakas, makakaramdam din ako ng kahinaan minsan sa buhay ko.
Siguro nga ito na iyon. Ito na yung sinasabi sa akin ni Dad. People I know even Eren, doesn’t even know my weakness yet. I am afraid to tell them that I hated rain. I hate everything about rain. It makes me sick. It makes me weak.
I closed my eyes and tried to calm myself. Hanggang sa makaramdam ako ng antok. It is very rare for us, vampires to feel sleepy. Kaya hindi ko alam kung normal ba itong nangyayari sa akin ngayon.
Okay lang ba ako? Okay pa ba ako?