CHANDRA RICAFORT
“Last two minutes!” sigaw ni Kiara habang hawak niya ang timer na ginagamit para orasan ang bawat pakikipaglaban ni Andrei sa bawat isa sa amin. Bawat isa ay mayroong tig-sa sampung minuto para patumbahin si Andrei. Pangatlo nang nakikipaglaban si Eren, pero hanggang ngayon, wala pa ring nakakapagpatumba sa kaniya. Habang tumatagal ay mas lalo siyang gumagaling.
“I know where he’s good at, Cha. He’s good at defense.’
Nginisihan ko si Kiara. “I know that already. No need to tell me,” medyo mayabang na sagot ko sa kaniya. When she heard the tone of my voice, she immediately rolled his eyes.
“Ang yabang mo naman, Chandra,” may halong pang-aasar na sabi niya.
Pinagtaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. Ibinalik ko ang aking atensiyon kay Eren at Andrei na seryosong-seryoso sa paglalaban.
“Times up!” sigaw ni Kiara. Napasipa si Eren sa damuhan dahil sa pagiging dismayado.
“Hindi mo rin napatumba ‘no? Sabi sa’yo ‘di ba? Ikaw lang mapapagod kasi ikaw lang ang umaatake,” natatawang sabi ni Hayden kay Eren.
Tapos na silang tatlo sa pakikipaglaban kay Andrei. Kami na ni Kiara ang susunod.
“Sigurado ka bang sasali pa ako sa combat training? Hindi ba puwedeng watcher nalang ako? Tinatamad talaga ako, Cha.”
Sinamaan ko nang tingin si Kiara. Agad naman siyang umayos sa pagkakatayo at nakangusong tumingin kay Andrei.
“Wala talaga ako sa mood.”
Lumapit sa akin si Andrei. Inabot ko naman ang panyo sa kaniya para mapunasan niya ang kaniyang pawis.
“Huwag kang maniniwala kay Kiara. Tactic niya lang iyan. Magaling makipaglaban itong babaeng ito. Kapag hindi mo binantayan ang mga kilos mo at ‘di mo pinag-aralan ang mga galaw niya, sigurado akong matatalo ka. Bukod doon, masasaktan ka rin,” paalala ko kay Andrei.
Nginitian niya lang ako bago bumalik ng ground kasunod si Kiara. Habang patagal nang patagal ang kanilang laban, mas na-a appreciate ko ang mga training namin sa nakalipas na buwan. Hindi lang siya magaling dumepensa, bumilis din ang mga kilos niya. That’s truly exceptional. I didn’t know he’s able to dodge Kiara’s punch.
Lumapit sa akin ang tatlong lalaki.
“Sigurado ka bang hindi magaling iyang si Andrei noong una mong tinuruan? Parang ang hirap maniwala na sa ilang buwan niyang training ay gumaling agad siya nang ganiyan,” ani Sky.
“I wish he could throw some punches too,” Hayden said.
Tumango naman ako.
“I wish that too. Pero hindi niya naman makakaya iyon. We are different than him. Malakas tayo kumpara sa kaniya. He’s already great for dodging all of your punches.”
“Agreed.” Tumatangong saad ni Eren.
Pinagmasdan kong maigi ang laban nila ni Kiara. Isa rin sa mga napansin ko ay ang pag-iwas niya na masagi ang kahit anong parte ng katawan ni Kiara lalo na ang kamay nito. Natapos ang oras nilang dalawa at laglag ang balikat ng kaibigan namin na bumalik sa aming puwesto.
“Ikaw ang pag-asa namin, Cha. Hindi porket boyfriend mo, pagbibigyan mo.”
Napakamot ako sa aking batok nang segundahan pa nina Sky ang sinabi ni Kiara. Ang akala yata nila ay pagbibigyan ko si Andrei porket importante siya sa akin. Doon sila nagkakamali. It’s me who organized this training. Hindi ito ang unang beses na naglaban kami ni Andrei. Pero sa lahat ng mga pagkakataong iyon, pinipigilan ko ang aking sarili. Ngayon ko susubukang labanan siya nang hindi iniisip kung anong mangyayari.
Seryoso ang tingin ni Andrei sa akin nang lumapit ako sa kaniya. I do not underestimate his capability to fight.
Nang sumigaw si Kiara na simul ana, mabilis akong kumilos patungo sa kaniya para atakihin siya nang harapan. Nagulat ako nang salubungin niya ako. Hindi ko ini-expect na gagawin niya iyon. My body is in full force, kapag tinamaan siya ng suntok ko, sigurado akong tutumba siya sa lupa. But then his next move got me. Nang nasa harapan ko na siya, bigla siyang yumuko at lumusot sa likuran ko. Huli na nang ma-realize ko ang susunod niyang aksiyon. He simply pushed me that’s why I almost fell on the ground. Mabuti nalang ay mabilis kong nahanap ang aking balanse.
I heard the gasps of the four vampires who are watching us.
“Come on, Chandra. You’re better than that,” sigaw ni Hayden.
Nang muli akong humarap kay Andrei, nakangiti na naman siya sa akin. There’s somethinh in his smile. Pakiramdam ko, inaasar niya ako sa paraan ng kaniyang pagkakangiti.
Hindi nakakatuwa. Sumeryoso ako sa posisyon ko at saka muling umatake. At sa ikalawang pagkakataon, nakalayo na naman siya sa akin. Hindi ako tumigil sa pag-atake, mas naging mabilis ang galaw ko na kaniya namang sinasabayan. I can feel my blood pressure rises. Nagagalit na ako dahil hindi ko siya magawang mahawakan nang maayos.
How can I pin him down if I can’t hold him? Sa tuwing magtatama ang aming paningin, ngumingiti lang siya. Sa ginagawa niya, mas lalo lang umiinit ang ulo ko.
Sa patuloy na pag-atake ko sa kaniya, hindi ko na namalayang nakakalayo na kami sa ground. Hindi ko inalintana kung nasa gilid na kami ng burol. Hindi naman ako takot sa mataas na lugar. Ang kaso, bigla akong nawalan ng balanse sa kinatatayuan ko kaya mabilis akong gumulong pababa ng burol. Narinig ko ang sigawan ng mga kasama ko. Maging si Andrei, nagulat sa nangyari. I managed to get up as fast as I could. Nang lumapit siya sa akin, mabilis siyang humawak sa magkabilang balikat ko. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
“Okay ka lang ba?”
I smirked inwardly. And that’s when I did what I have to do.
Mabilis ko siyang hinawakan sa braso at tinulak sa dibdib pahiga sa lupa.
“Aray!” dinig kong sigaw niya.
“In a fight, do not let your guard down. Hindi ka puwedeng mangamba, hindi ka puwedeng mag-aalala, hindi puwedeng mahina ang puso mo. Dahil kapag ganoon ang nangyari, matatalo ka.”
I was on top of him. My hand are still on him, pinning him on the ground but he’s just staring at me.
“I love you,” he said.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“I concede,” aniya at marahang tinapik ang aking braso.
Nakarinig ako ng malakas na palakpakan sa aking likuran. Nang bumaling ako sa mga ito ay kitang-kita ko ang kanilang mapang-asar na mga ngisi.
“Kay Chandra ka lang pala susuko. Pinahirapan mo pa kami.”
“Wala eh, nasa gitna ng laban, biglang nag- I love you.” Umiling-iling pa si Sky.
“Best duo nga kayong dalawa. Isang hard at isang soft.” Nakagising saad ni Kiara.