ANDREI CASTRIEL
“Kuya, please. Hangga’t nandito ka pa, puwede pang magbago ang isip mo. Huwag naman ganito, Kuya. Malalagot ako nito kina Mama eh.”
Nagsusuot na ako ng life vest pero patuloy pa rin sa pangungulit sa akin ang kapatid ko. May ilang rescuer na humihila sa kaniyang palayo sa akin. Naiintindihan ko kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang reaksiyon. Hindi pa rin kasi tumitila ang ulan at ang hangin ay mas lalo pang lumakas. Habang tumatagal, habang patuloy na nilalamon ng kadiliman ang paligid, mas lalong sumasama ang panahon.
“Neil, babalik ako. Kailangan ko lang na tulungan ang mga kaibigan ko. I can’t let them die in there.”
Umiling si Neil.
“No, kuya. Kaya naman ng mga rescuer iyon eh. Nakuha na nga nila ang karamihan sa inyo, hindi ba? Kaya ulit nilang gawin iyon. Hindi mo na kailangang tumulong,” giit pa niya.
Marahan akong umiling sa kapatid ko.
“No, Neil. Hindi mo naiintindihan.”
Kagaya niya, marami rin akong tanong sa isipan ko na gusto ko ng kasagutan. Alas, Silvano, and Carlos already put their trust on me on this. I can’t let them down. I can’t let Eren down, especially the woman I like, Chandra. I can’t let her die just like that. Marami akong tanong sa kaniya. Marami pa akong gustong malaman.
Isang tapik sa kaniyang balikat ang ibinigay ko sa kapatid ko.
“Babalik ako.” Pagkasabi ko niyon ay tumalikod na ako agad. Sumunod sa akin ang ilang rescuer. At bago pa man kami umalis, nakita ko ang tatlong kapatid ni Chandra na nakamasid sa akin. Kung normal na pagkakataon lang ito, siguro natakot na ako sa kanila. Ang malamang nasa teritoryo kami ng mga bampira ay maituturing na isang bangungot. Natakot ako, pero mas takot akong hindi na muling makita si Chandra.
Nang makita kong tinanguan ako ni Alas, gumanti rin ako ng isang simpleng pagtango.
Mas naging mahirap ang pagbalik namin sa Vacant building sa pagkakataong ito. Nakakatakot dahil madilim. Ang tanging maririnig lang sa paligid ay malakas na ihip ng hangin at pagragasa ng tubig. Mahigpit ang kapit ko sa tali na nakapalibot sa bangka na aming sinasakyan.
Ilang beses din akong pinagsabihan ng head ng team na mag-iingat ako sa mga naaanod na sanga dahil baka masugatan ako. That’s the least of my concern. Wala na akong pakialam kung masugatan ako o hindi. Ang mahalaga, makarating ako nang maayos sa building para masagip ko si Chandra.
Mataman kong pinagmasdan ang tubig na dumadaloy patungo sa dulo ng camp. Ang sab isa akin ni Alas, mayroong bagay sa tubig na posibleng maging sanhi ng pagkamatay ng kagaya nila. Wala binanggit sa akin si Alas tungkol sa kung anong uri ng bagay iyon.
Nang matanaw ko ang building, walang kahit anong liwanag ang makikita sa loob. Ang sabi ng head ng team, mas mabuti kung ako nalang ang aakyat sa itaas. Itinuro rin nila sa akin ang uri ng coat na kailangan kong dalhin sa itaas. Para itong kapote pero mas makapal ito. Kailangan nilang isuot ito dalawa nang sa gayon ay hindi sila madikitan o mabasa ng tubig.
Kabadong tumango ako sa head ng team. Nagsisigawan ang mga ito bago makarating sa building para sa palitan ng mga instructions. Mayroong bukas na bintana sa itaas. Doon nilang inihagis ang tali.
Tinulungan naman akong ikabit ng dalawang lalaki sa akin ang coat na dadalhin ko sa itaas.
“Mag-iingat ka. Magbabantay lang kami sa paligid. Sagot ka namin.”
Tipid na tango lang ang isinagot ko sa kanila. Nandito na ako, wala nang urungan ito.
Hinigpitan ko ang paghawak sa makapal na tali at nagsimula nang umakyat. Nararamdaman ko ang pagdulas ng kamay ko at ang pagkagasgas nito pero hindi ko iyon inalintana.
Nang sa wakas ay makaakyat ako, humugot ako ng malalim na hininga at naglakad patungo sa ikalimang palapag kung saan naroon sila.
Pagbungad ko sa fifth floor, nakita ko agad ang hinang-hina na si Eren. Nakasandal ito sa dingding. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang kahit paano ay may malay pa siya.
“Andrei, bakit ka nandito?” Mahina na rin ang boses niya. Ganoon ba talaga sila kaapektado sa nangyayari?
Lumapit ako sa kaniya at mabilis siyang inalalayan sa pagtayo.
“Magagalit si Chandra kapag nalaman niyang bumalik ka.”
Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi. Inabot ko agad ang coat na makapal at pinasuot iyon sa kaniya.
“You’re saving us?” tanong niya pa.
“Ano sa tingin mo?”
Matagal siyang tumitig sa akin na parang bang sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko pero ilang sandali lang ay napayuko siya at napahawak sa kaniyang ulo.
“Puntahan mo na si Chandra,” aniya at tinuro ang kuwarto.
Hindi naman ako nag-aksaya ng pagkakataon. Bawat minutong lumilipas, mas lalo lang siyang nahihirapan. Pagpasok ko sa loob, nakita kong sa sahig na siya nakahiga. Nang ilawan ko ang kaniyang mukha, kitang-kita ko ang namumuong pawis sa kaniyang noo. Nang hawakan ko siya sa leeg para i-check ang kaniyang temperatura, gumalaw ang kamay niya at hinawakan ang palapulsuhan ko.
“Andrei…” mahina niyang bulong.
“Dapat hindi ka na bumalik.”
Nang marinig ang kaniyang sinabi, hindi ko napigilan ang sarili ko na magalit sa kaniya. Bakit ayaw niya akong bumalik? Gusto ba niya na mamatay siya sa ganitong paraan? Kahit masama ang loob ko sa kaniya, inalalayan ko pa rin siyang tumayo. Dinala ko siya sa kama at pinaupo roon.
“Kailangan mo itong suotin. Kailangan nating makabalik sa main camp. Hindi kayo puwedeng manatili rito.”
Nagmulat siya ng mata at diretsong tiningnan ako.
“Mas gugustuhin kong nandito ako kaysa makipagsapalaran ako na bumalik sa camp. Kaya ko pa naman.”
“Nandito ako. Nandito ako para sunduin ka. Hindi puwedeng hindi ka sasama pabalik sa akin sa camp. Kayo ni Eren. Kailangan niyong sumama sa akin.”
Umiling siya.
“You don’t understand, Andrei.”
Hinawakan ko siya sa braso at tinitigan sa mga mata. Gusto kong makita niya kung gaano ako ka-seryoso sa ginagawa ko. Na hindi ko lang ito ginagawa dahil gusto kong magpasikat.
“Trust me, Chandra. May alam ako at naiintindihan ko kung bakit ka natatakot sa tubig. Alam ko ang dahilan kung bakit nanghihina ka ngayon.”
Kumunot ang kaniyang noo. Halatang confused na confused siya sa mga sinasabi ko.
I heavily sighed and look at her straight in her eyes.
“I know you’re a vampire. Your brother, Alas, told me the things that I should know. Not everything but enough details to know you’re a vampire and you’re special. So please, come with me. Hindi ka puwedeng manatili rito. The water could kill you. Please, Chandra.”
She remains silent. Base sa kaniyang hitsura ay halos hindi rin siya makapaniwala na may alam ako tungkol sa pagkatao niya.
“H-hindi ka takot sa akin?”
Umiling ako.
“Bakit, may dapat ba akong ikatakot? Kahit na hindi ka tao, alam kong hindi mo ako sasaktan. You wouldn’t hurt me, right?”
Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi at umiling.
“I would never hurt people especially you."
Marahan akong tumango.
“Let’s go, Chandra. Let’s take the risk. Let’s go out of here with Eren.”
Tahimik lang siya habang tinutulungan ko siyang isuot ang makapal na coat. May mga paisa-isa siyang tanong na sinasagot ko naman. Kagaya na lamang sa kung paano kami nagkaroon ng pagkakataon ng kaniyang kapatid na si Alas na makapag-usap.
Hawak ko sila ni Eren sa kanilang magkabilang braso hanggang sa makarating kami sa third floor. Nang dumungaw ako sa bintana, nakahinga ako nang maluwag nang makitang naroon pa rin ang team.
Sumigaw ako at binigyan sila ng signal na bababa na si Eren. Nakaantabay naman ang mga kasama kong rescuer. Bawat gilid ay mayroong nakaabang na speed boat.
Narinig ko ang malalim na paghinga ni Eren habang hawak ko ang kaniyang braso.
“Kapag may nangyaring hindi maganda sa akin, ikaw na ang bahala kay Chandra ha?”
Umiling ako.
“Walang mangyayaring masama sa’yo kung kakapit ka nang mabuti at maayos na makakababa ng bangka. Focus, Eren.”
Tipid naman siyang tumango. Ilang sandali lang ay tagumpay naman siyang nakababa. Ibig sabihin, ang susunod na kailangan kong ibaba ay si Chandra. Humarap ako sa aking likuran at nakita siya roong nakatayo habang yakap niya ang kaniyang sarili. Hindi pa niya naisasara ang zipper ng suot na coat. Marahan siyang humakbang palapit sa akin at hinawakan niya ako sa aking palapulsuhan.
Hinila niya ako palayo sa bintana. Gamit ang kaniyang natitirang lakas, tinulak niya ako sa dingding at seryosong tinitigan sa mga mata. Marahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin kaya napapikit na ako.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking pisngi.
Nagmulat ako nang lumayo siya. I know she’s different from me but I don’t care. I like her and she likes me.
Hinawakan ko siya sa batok at marahang hinila palapit sa akin para mahalikan siya sa labi. We shared a passionate kiss. So passionate that I almost forgot that I am here to save her.
Nang maghiwalay ang aming labi ay hinawakan ko siya sa kaniyang magkabilang balikat.
“Everything will be fine.”
Kagaya nang kay Eren, tagumpay rin na nakababa si Chandra. Maingat ang rescuer sa kanila. Sumunod naman sila sa mahigpit na utos sa kanilang bawal mabasa ang kahit ano mang parte ng katawan ni Eren at Chandra.
Nang makababa na rin ako. Saka ko napansin na hinang-hina na sila.
“Kailangan na nating bumalik ng main camp.”
Sinubukan naming bumalik agad, ang kaso, malaking pagsubok sa amin ang malakas na hangin. Kaya halos wala nang malay ang dalawa nang makarating kami sa hall.
Hindi pa man tuluyang nakakababa ng bangka sina Chandra at Eren, narinig ko agad ang utos na kailangan na nilang ilipat sa ibang speed boat palabas ng camp.
“Well done, Andrei.”
Nilingon ko si Alas nang marinig ang boses nito. Kasunod niya ang dalawa pang lalaking kapatid niya na magkasunod na tumango sa akin. The three of them looked satisfied with what I did. Bakas na rin ang kapanatagan sa kanilang hitsura. Naunang nagtungo ang pinakabatang lalaki sa speed boat kung nasaan si Chandra at Eren. Habang ang isa naman ay nanatiling nasa likuran ni Alas.
“Kailangan na naming dal’hin sa mansiyon sina Chandra at Andrei. Hindi sila puwede rito. Mas mabibigyan sila ng lunas doon. Gusto mo bang sumama?”
Sandali akong napaisip sa sinabi niya. Pero bigla kong naalala ang kapatid ko. Sigurado akong hindi na iyon mapakali sa kahihintay sa akin. Isa pa, kung papayag man akong sumama, hindi ako kampante na magiging ligtas ako kasama sila. Hindi ko kayang napalilibutan ako ng bampira. Ayos lang sana kung si Chandra at Eren lang.
Marahan akong umiling.
“Sigurado ka? Baka hanapin ka sa amin ng aming bunso kapag nagising na siya.”
Tipid akong ngumiti.
“Alam niya naman kung saan ako matatagpuan. At hindi rin naman ako aalis kaagad.”
Alas gave me a nod. Bago siya umalis ay tinapik pa niya ang balikat ko. Sumunod naman sa kaniya ang kanilang kapatid na seryoso ang hitsura. Huminto ito sa tapat ko. Bahagyang napaatras ako nang umakto itong inaamoy ako.
“Hindi ko alam kung paanong nakakatiis ang kapatid ko na hindi tikman ang dugo mo.”
Sa sinabi nito ay bigla akong kinabahan. Ngumisi naman siya.
“Don’t worry, I won’t bite your neck. May natitira pa akong takot ako sa kapatid ko. At alam kong hindi kita puwedeng galawin,” saad nito bago tumalikod sa akin para magpatuloy sa paglalakad.
Nakatanaw lang ako sa kanila hanggang sa umalis na rin ang sinasakyan na speed boat ng magkakapatid. Humugot ako ng malalim na hininga at nagdesisyon nang bumalik sa loob ng hall. I hope Chandra will get better soon. I hope I can see her before the Cup ends. Speaking of writer’s cup, considering what happened, matutuloy pa kaya ito?