CHANDRA RICAFORT
Nang magkamalay ako, dalawang pakiramdam lang ang pumupuno sa buong pagkatao ko. Una, dama ko ang pagkirot ng bawat parte ng katawan ko at ang pangalawa, gusto kong makita si Andrei dahil hinahanap siya ng sistema ko. Natatandaan ko pa rin lahat ng nangyari bago ako mawalan ng malay. Natatandaan ko ang lahat ng sinabi ni Andrei sa akin at kung paano niya pinagaan ang loob ko sa kabila ng kaniyang nalaman sa aking tunay na katauhan.
“Gising ka na…”
Bumaling ako sa taong nakahiga rin sa kama na katabi ng sa akin. Si Eren iyon. Gising na rin pala siya.
“Nauna ka bang nagising sa ating dalawa?”
Isang marahang tango ang naging sagot niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya nang tipid.
“Natatandaan mo ba lahat ng nangyari?” tanong ko muli.
Bumuntong-hininga siya at tumingala sa kisame.
“We’re doomed, Chandra. Hindi na natin puwedeng itago sa kaniya. Hindi na rin natin puwedeng pakiusapan si Leonel. Masyadong maraming alaala sa memorya ni Andrei na kailangang maalis kung sakali. Mahihirapan si Leo na gawin iyon.”
Umiling ako nang marahan.
“Wala akong planong burahin muli ang kaniyang alaala. Lalo na at si Kuya Alas na ang unang lumapit sa kaniya para humingin ng tulong para mailigtas tayo.”
Kumunot ang noo ni Eren.
“Ang kuya mo? Paano?”
Bumangon ako at umupo. Humihingal ako nang isandal ko ang aking likuran sa headboard ng kama.
“Hindi ko alam. Pero iyon ang huli kong natatandaan sa sinabi ni Andrei. Na kinausap siya ni Kuya Alas at si Kuya mismo ang nagsabi at nagpaliwanag sa kaniya tungkol sa katauhan natin.”
May pangamba sa mga mata ni Eren nang bumaling siya sa akin.
“Ibig sabihin ay hindi na sikreto ang katauhan natin sa kaniya. Ano kayang iniisip niya? Gusto kong malaman.”
Biglang naging seryoso ang hitsura ni Eren. I can feel that he’s eager to read his mind.
“Hindi mo kailangang mag-alala. Sigurado akong hindi naman magsasabi sa iba si Andrei,” saad ko.
Nakita ko ang tipid na pag-iling niya.
“Paano natin malalaman, eh nandito nga tayo? Hindi ko alam kung ilang araw tayong nanatili rito. Mukhang marami na tayong na-miss na pangyayari.”
Bakas ang kaniyang pagkadismaya sa tono ng kaniyang pananalita.
Lumipas ang ilang sandali, narinig ko ang pagpihit ng seradura ng pinto. Bumungad sa aming dalawa si Kiara. Kasunod niya naman si Halene at Leonel.
“Mabuti naman at gising na kayo. Akala ko ay habambuhay na kayong hihiga riyan.”
Umayos sa pagkakaupo si Eren.
“Ilang araw na ba kami rito?”
Nagkatinginan silang tatlo sa tanong ko.
“Ilang araw? Hindi ba dapat ang tanong niyo ay kung ilang buwan na kayong narito?”
Nanlaki ang mga mata ko. At napabangon din ako sa pagkakasandal dahil sa sinabi ni Kiara. Buwan? Buwan?! That’s impossible!
“What?!” Eren exclaimed.
Sandaling tinitigan kami ni Kiara bago mayamaya ay humalakhak ito.
“Kidding. Three days lang. Kayo naman, madaling mauto.”
Inirapan ko si Kiara at saka muling sumandal sa headboard ng kama. Naglakad si Kiara hanggang sa makarating siya sa paanan ng kama na kinaroroonan ko.
Umupo siya roon at marahang inililis ang dulong bahagi ng pyjama na suot ko.
“I’m glad that your body is recovering fast. The wounds on your legs are also gone.”
Marahan kong inalis ang kumot na nakatakip sa aking binti. Tiningnan ko rin ang aking binti. May mga bakas ng paso roon pero magaling na ang mga ito.
Lumipat naman si Kiara kay Eren at tiningnan ang braso nito. Ganoon din. Mayroong light scar marks na makikita sa kaniyang braso.
“Mabuti nalang ay umuwi si Tita Welhelmina at Tito Edmund para maasikaso kayong dalawa.”
“Umuwi sina Mom at Dad?” gulat na tanong ko kay Kiara. Tumango naman siya. Magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko. Umuwi sila kahit na abala sa kani-kanilang trabaho.
Dulot ng excitement ay napabangon ako nang tuluyan. Inayos ko ang suot kong pyjama at maayos na tumayo. Hindi ko na nagawang magpaalam pa sa kanila. Mabilis akong tumakbo palabas ng kuwarto. Nagulat pa ang isa sa mga helper namin nang daanan ko siya.
“Miss Chandra! Huwag ho kayong tumakbo!”
Humawak ako sa railings sa second floor at dinungaw ang ibaba. Nakita ko ang mga magulang ko na bihis na bihis at halatang paalis na. Hindi puwedeng hindi ko sila makita. Matagal na rin ang huling uwi nila rito sa mansiyon. Ngayong umuwi sila para sa amin ni Eren, hindi ako makapapayag na umalis sila nang hindi ko man lang sila nayayakap.
Mula sa ikalawang palapag ay tumalon ako. Narinig ko ang pagtili ng helper. Nang muli akong tumingin sa itaas, nakita kong nakadungaw na roon sina Kiara at Eren.
Mabilis akong napahawak sa aking tagiliran dahil bigla akong nakaramdam ng sakit doon.
“Mom! You’re gonna leave with seeing me?”
Sabay na lumingon sa akin ang mga magulang ko. Nagkatinginan silang dalawa bago sabay na ngumiti sa akin.
“Ang akala ko ay hindi ka na magigising bago kami umalis. I am so glad that I am seeing you, darling.”
Lumapit si Mommy at yumakap sa akin. Dahil medyo mabigat ang kamay ni Mommy, napasinghap ako nang naramdaman ko ang malakas na puwersa niya sa pagyakap sa akin.
“Oh, sorry darling. Namiss kasi talaga kita. Kahit itanong mo rito sa Dad mo.”
Dad laughs to Mom before he walks towards me. Marahan niya lang na tinapik ang aking balikat.
“Pagpasensiyahan mo na iyang Mommy mo. You know she’s naturally strong. And right now, you’re a bit weak dahil kagigising mo lang. Anyway, how do you feel?”
Pinakiramdaman ko ang katawan ko bago sumagot sa tanong ni Dad.
“I think I’m slowly getting good. Medyo masakit ang katawan pero sa tingin ko naman ay magiging maayos ang pakiramdam ko sa mga susunod na araw.”
Dad nodded.
“Mabuti naman kung ganoon. Naku. Itong Mommy mo, noong malaman niya kung ano ang nangyari sa’yo, nag-impake agad para makabalik dito sa Adisson.”
Kumunot ang noo ko.
“Siya nga po pala, paano niyo nalaman ang tungkol sa nangyari sa akin? Hindi ho ba ay nasa Riverrun kayo? Malayo iyon dito.”
Sabay na bumaling ang mga magulang ko sa mga taong naglalakad palapit sa amin.
“Sino pa ba ang puwedeng magsabi sa amin, kundi iyang mga nakatatanda mong kapatid.”
Bumaling ako kina Kuya Silvano, Alas, at Carlos saka ngumiti.
“Maraming salamat mga Kuya.”
Malawak ang ngiti ang ibinigay sa akin ni Kuya Alas, si Carlos naman ay tipid lang na tango, habang si Silvano ay nakakunot lang ang noo habang nakatitig sa akin. Tila ba mayroon siyang malalim na iniisip.
“Oh, paano ba iyan? Hindi na kami magtatagal. Kailangan na naming bumalik sa Riverrun dahil may mga naiwan pa kaming trabaho roon ng Dad mo.”
Marahan naman akong tumango. Bago umalis ang mga magulang ko ay yumakap pa silang dalawa sa akin. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon ng pamilya namin. Bawat isa ay mayroong kailangang gawin. Bihira sa amin ang magkita. Pasalamat nalang din ako dahil umuwi sila para sa akin. Patunay na nag-aalala sila sa akin at mahalaga pa rin ako sa kanila.
Nang makaalis na nang tuluyan ang aming mga magulang saka ako humarap muli sa mga kapatid ko.
“Congratulations, you made it,” ani Carlos. Naglakad ito palapit sa akin para tapikin ang aking balikat. Hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa ako sa sinabi nito.
“Matagal pa akong mabubuhay. Baka nga mauna ka pa,” biro ko sa kaniya. Ngisi lang ang isinagot niya sa akin.
Among us four, si Carlos ang pinaka-tahimik. Bihira lang itong magsalita. Si Silvano naman ang kaniyang kabaliktaran. Ito ang palaging nagsasalita. Siya ang mahilig mangaral sa amin kapag nagkaroon kami ng pagkakamali. Siya rin ang critic naming magkakapatid.
And then there’s Alas, ang pinaka-close ko sa lahat ng mga kapatid ko. Ito ang pinakamalambing, pinakamabait, at pinakamaalalahanin sa akin. Kung si Silvano ang palaging nagagalit sa akin kapag may mali ako, si Alas naman ang nagco-comfort sa akin sa tuwing malungkot ako.
Lumapit siya sa akin at inilahad ang kaniyang kamay sa akin.
“Let’s go upstairs, we’ll talk about something.”
Tinanggap ko ang kaniyang kamay. Habang naglalakad kami paakyat sa ikalawang palapag ng bahay, nakita kong nakadungaw mula sa itaas sina Eren. Dinala ako ni Alas sa library. Pagpasok namin ay agad niya akong pinaupo sa sofa. Umupo siya sa tabi ko at bumuntong-hininga.
“Naalala mo naman siguro ang nangyari, hindi ba?”
Marahan akong tumango.
“Alam ko lahat. Wala akong nakalimutan.”
He nodded.
“At alam mo rin siguro na may isang taong nakakaalam sa kung ano ang totoong pagkatao natin.”
Sa pagkakataong ito, ako naman ang tumango.
“Andrei…” mahina kong banggit sa pangalan niya.
“Sooner or later, magkikita kayo ulit dalawa. The camp is already back in its function. Malinis na ulit at bumalik na ito sa dati.”
Hindi naman nakakapanibago iyon. Mabilis din talagang kumilos ang mga staff at mga tauhan na nagma-manage ng bawat gusali ng camp. Kung sa loob ng tatlong araw ay tulog ako, sigurado akong marami nang nangyari.
Naisip ko bigla kung kumusta na si Andrei. Wala kami ni Eren sa kaniyang tabi. Kumusta kaya ang pakiramdam niya?
“I’ll go back to the camp tonight. I’ll visit him.”
Hindi naman ako pinagbawalan ni Alas.
“Just take care. Alam nating lahat na hindi ka pa nakakabawi ng lakas na nawala sa’yo. Isa pa, napag-alaman namin nina Silvano at Carlos na hindi lang kami ang nagmamasid sa mga kilos mo. Binabantayan din ng mga miyembro ng konseho ang bawat galaw mo.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Binabantayan ng konseho ang galaw ko? Bakit? Anong ginawa kong mali?
“You’ve done nothing wrong in case you’re wondering why you’re being under surveillance. They’re just checking on you. At dahil sa nangyari, mas lalo lang silang magiging mahigpit sa pagbabantay sa’yo. Kaya kung gusto mong makipagkita kay Andrei, gumawa ka ng paraan na hindi nila iyon nalalaman.”
Humugot ako ng malalim na hininga at marahang tumango.
“Pupuntahan ko siya mamaya. Gusto ko siyang makita,” saad ko saka tumayo ng sofa.