CHAPTER 28: THE PURE LOVE

1133 Words
CHANDRA RICAFORT  “Nagsisisi ka ba na ginawa natin ang bagay na iyon?” tanong ni Andrei habang nakatingin sa akin. We’re both still naked pero nakatakip ng kumot ang aming katawan. Tatlong sheets yata ang nakapatong sa amin dahil nilalamig siya. Matagal akong nakatitig sa kisame at sa pagkakataong ito ay nilingon ko siya. Umiling ako nang marahan. “No. I don’t.” Tumagilid ako nang higa para mapagmasdan ang kaniyang hitsura. Inilapit ko pa ang aking kamay sa kaniyang pisngi, nang sa gayon ay mahaplos ko iyon. “I liked it. I like what happened.” He smiled. Iniyakap niya ang kaniyang braso sa aking beywang at hinapit niya ako palapit sa kaniya para yakapin. Nang gawin niya iyon, naramdaman ko ang paglapat ng aking dibdib sa kaniya. Mukhang naramdaman din niya iyon kaya bahagya siyang napatingin doon. “What?” kinakabahan kong tanong. He smiled. “You’re too hot for a cold-blooded creature,” aniya. Napansin ko rin ang simpleng pagkagat niya sa kaniyang ibabang labi. Natawa naman ako kaya pinalo ko ang braso niya. Pero hindi niya iyon inalintana. Mas inilapit niya pa ang kaniyang labi sa aking balikat para humalik doon. “Come on, Andrei. Stop that. Katatapos lang natin eh.” Umangat ang kaniyang ulo at ngumuso sa akin. Matagal siyang tumitig sa akin at pinagmasdan ang reaksiyon ko. Don’t get me wrong. I enjoyed being with him. Pero hindi naman ako puwedeng tumagal dito. Kagaya nang sinabi ni Kiara sa akin, maraming mga mata ang nagbabantay sa akin. Natatakot ako dahil baka madamay lang siya kung sakaling magkaroon ng gulo sa pagitan ng ko at ng konseho. I love him. That is why I have to make him safe. I have to ensure his safety all the time, sa paraang iyon, doon ako mapapanatag. Kinuha ko ang isang kumot at binalot ko ang katawan ko niyon. “I have to go back to the mansion. Sigurado akong hinahanap na ako ng mga tao roon. I can’t be out for too long.” Dinampot ko ang mga damit ko at nagtungo sa sulok para magsimulang magbihis. Umupo siya at sumandal sa headboard ng kama. “Hindi rin ba kita puwedeng ihatid?” Umiling ako. “You can’t be seen being with me. Kapag nakuha mo ang atensiyon ng ibang mga bampira, mahihirapan ka nang alisin iyon. Do you want to know why I became so fascinated about you? It’s because of the smell of your blood.” Kumunot ang kaniyang noo. Sigurado akong sa pagkakataong ito, nahihirapan siyang intindihin kung ano ang ibig kong sabihin. And I know I got a lot of explaining to do. But not now. Kailangan kong magmadali sa pag-uwi dahil malalim na ang gabi. “I’ll tell you about it next time.” Pagkatapos kong magbihis, lumapit ako sa kaniya para umupo sa kaniyang tabi. Umusod pa ako para mahalikan siya sa labi. Paglayo ko sa kaniya, nakita ko agad ang pagkalungkot ng kaniyang mukha. “When are you coming back?” he asked. I smiled a little. “We’ll see each other tomorrow.” Tumayo na ako at sinuot ang hoodie ko pagkatapos ay lumabas na sa kaniyang kuwarto. Wala nang gaanong tao sa labas. Kung meron man, iilan nalang. Masyado nang madaling iwasan. Sa likod ng camp ako muling dumaan. Pagkarating ko sa kagubatan, binilisan ko na lamang ang pagtakbo hanggang sa makabalik sa mansiyon nang maayos. Sumalubong sa akin si Eren. “Akala ko ay hindi ka na babalik,” nag-aalalang sambit niya. Mahina akong natawa. “Bakit naman hindi ako babalik? Eh dito ako nakatira.” Narinig ko ang mahinang tunog ng takong ni Kiara. Nang balingan ko siya, napansin kong mayroon siyang hawak na champagne glass na may lamang dugo. “Drink?” she offered. Umiling naman ako. “No, I think, I need to rest for a moment.” Napansin ko ang simpleng pagngisi ni Kiara at ang pagtaas ng bahagya ng kaniyang kilay. “Of course, you need to rest. Go on.” She shooed me with her hand. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay mayroon siyang alam sa nangyari sa amin ni Andrei. Matagal akong napatitig sa kaniya at pinag-aralan ang kaniyang reaksiyon. I tried removing the thought in my head by shaking it off. Baka nag-o overthink din lang ako. Baka wala naman talagang ibig sabihin iyong mga tingin ni Kiara. KINABUKASAN ay maaga akong kumilos para maaga akong makapunta ng camp. “Sigurado ka ba talagang okay na ang pakiramdam mo? Baka naman masyado kang nagmamadali. We can stay here for another day and rest,” ani Eren. Umiling naman ako. “If you want to rest, go ahead. Hindi ko puwedeng iwan si Andrei. Kapag wala tayong dalawa roon, paano na siya? He might become a laughing stock of other teams. Nawala na nga tayo ng ilang araw, dadagdag pa ba tayo ng isa pa? That’s just so unfair.” Eren chuckled. I can see the dismay in his eyes. “Alam kong hindi naman talaga iyan ang totoong rason kung bakit gusto mong bumalik tayo agad. Of course, you want to see him. Sabihin mo nga sa akin, may relasyon na ba kayong dalawa?” Hindi ko ini-expect na tatanungin niya ako tungkol doon. Ang buong akala ko ay mananatili siyang walang pakialam. “And what if we’re in a relationship?” Napaupo siya sa dulo ng kama ko at napasabunot sa kaniyang buhok. “Alam mo namang bawal ‘di ba? Alam mong hindi ikatutuwa ng konseho kapag nalaman nilang mayroon kang kasintahan na isang mortal.” Humugot ako ng malalim na hininga. “For the past years, naging masunurin ako sa utos ng konseho. Wala akong nilabag na batas noon pa man. Ngayon lang. I love him. What can I do? Ang hirap naman niyong pigilan, Eren.” Tumayo si Eren at disappointed na tumingin sa akin. “You know better than this, Chandra. Huwag kang magpadala sa katigasan ng ulo mo.” Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ni Eren. Now he’s acting like a concerned brother to me huh. Eh kung iyong mga kapatid ko nga ayos lang sa kanila ang ginagawa ko, siya pa kaya na kaibigan lang? “Trust me on this, Chandra. If you continue doing this, maraming magbabago at maraming mawawala sa’yo.” Humugot ako ng malalim na hininga. “Losing people, things, or whatsoever, that’s the least of my concern right now. What I need to do is to go back to the camp so I can see if Andrei is safe. Because that’s the important thing that I need to do. I have to make sure that he’s safe. So, if you’ll excuse me,” saad ko. Marahang tumango si Eren at tumabi sa gilid para makadaan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD