CHAPTER 29: THE REPRESENTATIVE OF THE BERNARDINOS

1428 Words
CHANDRA RICAFORT  Hindi ko na hinintay pa si Eren. Paglabas ko ng kuwarto ko, agad kong nasalubong si Kiara na tila hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan. Malayo palang ako napansin ko nang magkahawak ang kaniyang mga kamay ay naglalakad nang pabalik-balik sa malawak na living room. “Anong nangyayari sa’yo?” kunot-noong tanong ko sa kaniya. Humugot naman siya ng malalim na hininga bago tuluyang lumapit sa akin. “Eh kasi...” huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa akin. Kita ko ang pangamba sa kaniyang mga mata. “Paano kaya kung hindi ka nalang pumunta ng camp. Huwag ka nalang bumalik doon.” Mas lalong kumunot ang aking noo nang marinig ang kaniyang sinabi. Bakit niya ako pinipigilan? Nag-usap ba sila ni Eren para pilitin akong huwag nalang bumalik doon? Sa totoo lang, naiintindihan ko naman kung gusto nila akong pigilan. Alam kong pipiliin nila ang para sa ikabubuti ko. Ang kaso, hindi ko puwedeng pabayaan si Andrei. Sigurado akong may nakakaalam na sa konseho nang tungkol sa nangyaring pagligtas niya sa amin ni Eren. Dahil doon, posibleng maging target siya ng konseho. Mahigpit ang kautusan na walang kahit na sinong mortal ang makakaalam ng tungkol sa amin. Kung mayroon mang taong makakaalam niyon, ginagawan ng paraan ng konseho kung paano ito mapapatahimik. Posibleng alisan nila ng alaala sa maayos na paraan o palabasin nilang naaksidente ito. I’ve seen them doing that before. Also, this kind of fear that I am having right now, sure ako na naramdaman din ito ni Kiara noon. “Kiara, akala ko ba nagkaintindihan na tayo tungkol sa bagay na ito?” Mabilis naman siyang tumango. “Oo nga. Naiintindihan kita. Ang kaso…” Halos hindi niya maituloy ang nais niyang sabihin dahil sa pag-aalangan. Tumingin ako sa relo na suot ko. Nakita kong malapit na akong ma-late patungo sa camp. “May sasabihin ka bang importante? Come, on Kiara. Say it. Nagmamadali ako.” Napansin ko sa oras na iyon ay panay rin siya lingon sa pinto. Tila ba mayroon siyang inaasahan na darating. Hindi ko na siya pinansin. Napailing nalang ako at saka nagpatuloy na sa paglalakad. Kagaya kagabi, hindi ako sumakay sa kotse. I traveled thru the forest and climb on the back wall of the camp so I can enter the premises. Agad naman akong nakapasok sa loob. Base sa impormasyon na sinabi sa akin ni Andrei. Imbis na sa vacant building muling ganapin ang training, napagdesisyunan ng camp council na sa Athens Building nalang ito sa main camp gawin. Pabor naman iyon sa mga participant dahil mas malapit na ang training place kumpara sa dati. Pagpasok ko sa Athens Building, napansin ko ang pagsunod ng mga mata ng bawat taong madadaanan ko. Na para bang binabantayan nila ang bawat kilos na gawin ko. “I’m glad that she’s still alive,” saad ng isa sa kaniyang kasama. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan. “I’m glad as well that she’s able to cope after what happened to her. Hindi ganoon kadali ang pinagdaanan niya, yet she’s still here.” I can hear them talking about me. Nakapagtataka nga, tila mas intresado pa sila sa nangyari sa akin kaysa sa event na pinuntahan nila. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Sinubukan kong hanapin si Andrei pero wala siya roon. I entered the elevator. Pinindot ko ang 10th floor kung saan naroon ang mga vacant rooms na maaari naming gamitin. Baka naroon is Andrei at kanina pa siya naghihintay. Pagkahinto ng elevator sa tenth floor, mabilis kong inihanda ang sarili ko sa paglabas. Pagbukas nito, nakita kong nakatayo sa labas ang isa sa mga kauri ko na sa hinagap ko ay hindi ko inaasahang makikita ko. “Sky? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. Kunwari ay nagulat ako nang makita siya ngunit ang totoo ay halos panawan ako ng ulirat sa sobrang kaba dahil nandito siya ngayon. Hindi lang sa Addison kundi sa harap ko pa mismo. Malawak na ngiti ang binigay niya sa akin. Inilahad din niya ang kaniyang kamay sa harapan ko. “Napadalaw lang ako sa Adisson para bisitahin ka. Matagal na kasi tayong hindi nagkikita. Halos sampung taon na rin. Kumusta ka na, Chandra?” Inilapit pa niya ang kaniyang kamay sa harap ko. Wala naman akong nagawa kundi hawakan iyon. Hindi pa man tuluyan nagdidikit ang aming palad nang hilahin niya ako palabas ng elevator. He’s still the same. He’s still the fastest vampire I know. Kung si Kiara ang pinakabata sa angkan ng mga Celestia, si Sky naman ang pinakamatanda at nag-iisang anak ng pinuno ng Wesley na sina Marla at Raiden Bernardino. Sky is known to be the fastest among all vampires in the four high places. Pasimple akong humugot ng malalim na hininga at umayos sa pagkakatayo. “Sigurado ka bang kaya ka nandito ay dahil nami-miss mo ako?” tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isa kong kilay. Tumawa naman siya nang mahina. “Bakit? Sa tingin mo, may iba pa bang dahilan kung bakit ako dumalaw sa’yo?” I rolled my eyeballs in his question. He’s good at that. Playing with questions. Kaya ka niyang paikutin gamit ang sarili mong salita. “Just tell me why you’re here. Para alam ko,” saad ko bago nagsimulang maglakad na. He heaved a huge sigh and gave me a confused look. “Actually, I heard the news about you and Eren surviving the typhoon that hit this whole place including the other area of Adisson.” I lightly nodded. “And? What about it? Don’t tell me, narito ka dahil concerned ka talaga sa akin?” In the next few seconds, he just looked at me with his serious eyes and serious expression. “I heard about something interesting that happened. And it happened that that guy who saved you was a friend of mine. Andrei Castriel?” Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa sinabi ni Sky. Is he joking? Hinuhuli ba niya ako? How the hell did the two of them know each other? “Have you forgotten? I stayed in Ezra for a year back then, remember?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa bagay na aking napagtanto. Ezra is the place where Andrei lives. Sinubukan kong mag-isip ng puwedeng sabihin kay Sky. Pero sobrang litong-lito ako at hindi makapag-isip ng sasabihin sa kaniya. “He’s your teammates on this event, Eren told me.” “Nagkausap kayo ni Eren? Kailan?” He smiled. “Kanina lang. Nagkasalisihan lang tayo. Nauna kang umalis sa mansiyon niyo. Ang kaso, nauna akong dumating dito. You know me. I’m faster than everybody else.” Huminto siya sa pagsasalita para tingnan ang reaksiyon ko. Ngumiti ako sa kaniya para hindi niya mahalata na kinakabahan ako. “Tell me Sky, anong rason kung bakit ka nandito? Nandito ka ba para manmanan ako sa mga ginagawa ko?” He shakes his head. “No, of course not. You know I don’t do such kind of thing. Trabaho iyon ni Hayden. But he’s not here kaya wala kang dapat na ipag-alala.” “Chandra!” Sabay kaming napalingon ni Sky kay Andrei. Kalalabas lang nito sa isang silid. May hawak siyang notebook at ballpen habang naglalakad patungo sa amin. Habang palapit siya nang palapit ay nakikita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. “Sky Bernardino?” saad niya sa patanong na paraan. Sky immediately smiled. “Andrei Castriel! I remember you. It’s been a long time.” Nagkamay pa ang dalawa sa harapan ko. Tumingin sa akin si Andrei pagkatapos, ilang sandali pa ay bumaling siya kay Sky. “Magkakilala kayong dalawa?” nakangiting tanong niya. Sky nodded. “Hindi lang magkakilala. Magkaibigan kaming dalawa. Matagal na.” Andrei’s eyes widened. Nang makita ko ang reaksiyon niya ay bigla akong kinabahan. He pointed his fingers at us. “Ibig sabihin—” “Alam mo, sa tingin ko, kailangan na nating pumasok sa loob ng room para makapagsimula na tayo,” singit ko sa sasabihin niya sana. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hinawakan ko si Andrei sa braso at mabilis siyang hinila patungo sa room palayo naman kay Sky. “Pero teka si—” “Hayaan mo na siya, kaya niya na ang sarili niya.” Paglingon ko sa kinatatayuan ni Sky, nakita kong naroon pa rin siya. His expression was very serious. Mukhang hindi ko na kailangan sabihin sa kaniya kung ano ang nangyayari. Ngayon, nasa kaniya na ang desisyon kung magsusumbong siya sa konseho o hahayaan niya ako sa ginagawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD