CHAPTER 30: THE CHOICE

1498 Words
CHANDRA RICAFORT  Ang lakas ng t***k ng puso ko habang naglalakad kami ni Andrei papasok ng silid. Hindi ko maalis sa isipan ko ang paraan ng tingin ni Sky sa akin kanina. He might be smiling or laughing but I know he has a serious reason why he’s here. “Okay ka lang ba?” Hindi na napigilan ni Andrei na magtanong. Napansin ko na kanina pa siya nakatitig sa akin at kanina pa niya gustong magsalita. Pero mukhang napansin niya rin na wala akong planong sagutin ang kahit ano sa mga tanong niya kung sakali man. It’s hard to act like I wasn’t affected at all. After all, it was Sky Bernardino. He is one of us. And I am talking about the Quin. Quin is a team made by the higher council and is considered as the successors of the positions once the elders step down. Quin consists of five members. Three boys, two girls. The three boys include Eren and then Sky, and then the other one named Hayden Milan. He was from Oslo. At ang dalawang babae naman ay walang iba kundi kaming dalawa ni Kiara. We have different responsibilities as a part of Quin. And I know that Sky is here to warn me of what’s coming. Just like what Eren and Kiara doing. “I think I’m fine,” sagot ko nang mag-angat ako nang tingin kay Andrei. Napansin ko ang pasimpleng pagngiwi ng kaniyang labi. Mukhang hindi naman siya naniniwala sa sinasabi ko. “I don’t believe you.” I knew he would say that. Imbes na sumagot pa ay pinili ko nalang na ibaling ang tingin ko sa ibang bagay. Tumayo ako at naglakad patungo sa lamesa para tingnan ang magazine na inihanda para sa training. Maraming kopya ang naroon, kaya kumuha pa ako ng isa pa para kay Andrei. “What about Eren? Bakit wala siya rito? Hindi ba dapat nandito siya dahil team tayo?” Dahil hindi ko naman alam kung paano sagutin ang mga tanong niya, nagpanggap nalang akong abala sa aking ginagawang pagbabasa. Kahit ang totoo ay halos hindi ko na maintindihan ang mga salitang binabasa ko dahil sa halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. “You’re not talking to me.” Humugot ako ng malalim na hininga at nilingon siya. “Let’s focus on this. Ayaw mo bang manalo tayo?” He pursed his lips. “Siyempre gusto. Ang kaso—” “Please, let’s not talk about everything you know about me, Andrei.” Natahimik naman siya agad. Mukhang hindi niya rin inaasahan ang sinabi ko. Medyo tumaas kasi ang boses ko. Pero hindi naman ako galit. Bumuntong-hininga ako at inabot ang kaniyang kamay at hinawakan ito. “To clarify, hindi ako galit. I just want to ask you a favor right now. Don’t ask anything to me. Hindi ko rin masasagot nang maayos ang mga tanong mo.” He gave me a concern look and nodded. “Alright then, let’s focus on this training.” The word “focus”. Napakadaling sabihin pero ang hirap panindigan. Natapos ang half day ng training kasama ang mga speaker ng event, pero halos wala akong naintindihan. Hindi naman big deal ang bagay na iyon sa akin dahil unang-una, saulado ko na rin naman ang mga tinuturo ng mga trainers. Kahit hindi naman nila ako turuan, siguradong mananalo pa rin kami. Ganoon kataas ang kumpiyansa ko sa aking sarili at sa kakayahan ko. “Nagugutom ka na ba? Saan mo gustong kumain?” Umiling ako. “No, hindi ako gutom.” Agad namang nagbago ang reaksiyon ni Andrei. Parang may naalala ito tapos bigla siyang napatingin sa akin. “Oh right. I almost forgot. Bampira ka nga pala.” Kumunot ang noo ko nang makitang inilililis niya ang sleeves ng kaniyang suot na polo shirt at inilahad sa akin ang kaniyang braso. “Anong gagawin ko diyan?” naguguluhang tanong ko. “Drink my blood,” aniya nang nakangiti. Hindi ko maiwasang mabigla sa sinabi niya. Samantalang siya, parang balewala lang sa kaniya yung sinabi niya. Hindi ko naiwasan na mainis na sa ginawa niya kaya marahan ko itong tinampal. “Trivia lang, kahit bampira ako, marunong akong kumain ng pagkain ng mga tao.” Nagulat siya sa sinabi ko. “Talaga? Lahat ba ng bampira ay ganoon? Nakakakain ba kayong lahat ng pagkain ng mga tao?” Medyo napalakas ang boses niya kaya pinandilatan ko siya ng mata. May mga tao sa paligid tapos ang lakas ng boses niya. “Sorry, nabigla lang.” Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa labas ng building. Dahil mabagal siyang maglakad, kinailangan ko pa siyang hilahin para mas maging mabilis ang kilos niya. Sa Trystane Restaurant sana kami papunta nang mapansin ko sina Eren, Kiara, at Sky na naglalakad papalapit sa amin. Napansin din iyon ni Andrei kaya bumaling siya sa akin. “Huwag mong sabihin na pati si Sky Bernadino ay isang—” “Bampira.” Nagsalubong ang kilay ni Andrei. Ibinalik niya agad ang tingin kay Sky na sa isang iglap ay nasa harapan na namin. “Hey, did you just use your ability in front of many people?” reklamo ni Kiara. Sky smirked. “Why not? Hindi naman sila nakatingin sa akin? People are busy doing their own agendas. You don’t have to worry about it.” Diretsong tumingin sa akin si Sky. Si Andrei naman ay bahagyang umatras para magtago sa likuran ko. I saw the amazement in Sky’s eyes. “So, you knew it already huh? I’m amazed Chandra told you about me.” Nanatiling tikom ang bibig ni Andrei. Ako naman ay pinagmasdan lang silang tatlo sa harapan ko. “Anong meron? Bakit nandito kayong tatlo? Don’t tell me sinusundo niyo na ako?” Eren looked away. Based on his expression, alam ko nang unti-unti na siyang napipikon sa akin. Ganoon din si Kiara. “Why don’t you tell him everything, Chandra?” panghahamon sa akin ni Sky. Si Andrei ang kaniyang tinutukoy. Kumabog na naman ang dibdib ko. Napahawak ako agad sa braso ni Andrei. “Mauna ka nalang sa restaurant. Susunod ako.” Nag-aalangan pa si Andrei kung susunod ba siya sa utos ko. Matagal pa siyang tumayo sa tabi ko. I squeezed his left arm lightly to persuade him to follow my order. Pag-alis niya, sumunod naman ang tingin namin sa kaniya. “You should’ve told him that he’s in danger,” ani Sky. Matalim ang tingin na binigay ko sa kaniya. “Para ano? Para mag-panic siya? He’s just a mere human, Sky. Konting konsiderasyon naman. He’s not like us.” Sky sighed. “Exactly, he’s not like us. He is not one of us. Kaya kapag tinuloy mo pa iyang ginagawa mo, mas lalo lang siyang malalagay sa alanganin.” “I can keep him safe,” giit ko sa kanila. Umiling si Sky. Ganoon din ang reaksiyon ng dalawa. “Ano bang gusto niyong gawin ko, ang iwanan sa ere si Andrei?” Bumaling ako kay Eren. “Baka nakakalimutan mo, siya ang nagligtas sa ating dalawa. Siya ang rason kung bakit buhay pa tayong dalawa.” Eren’s facial expression has changed. Kung kanina ay naiinis siya, ngayon, I can see that he’s trying to understand my point. “And you…” Humakbang ako palapit kay Sky. “I know you’re here because you want me to be safe. You’re here to help me and protect me. Alam ko ring kaya ka nandito ay dahil natatakot ka sa posibleng kahihinatnan ng desisyon kong ito.” Marahang naihilamos ni Sky ang palad niya sa kaniyang mukha. “You’re wrong. I’m just here to warn you. As much as I want to keep you safe or to protect you, hindi ko iyon magagawa dahil alam mong bawal akong pumili ng panig.” Hindi ko inakalang darating kami sa puntong ito. Ang hirap pala kapag naiipit ka na sa pagitan ng tama at mali. At kung alin ang dapat unahin. At kung kaninong payo ang dapat sundin. “Kapag hindi mo pa tinigil ito, mas lalo lang silang magkakaroon ng interes kay Andrei.” “Hindi nila puwedeng galawin si Andrei,” mahina ngunit mariin kong sambit. Sky shook his head. “You don’t have a say on that. It’s the council who will decide.” Napalunok ako nang marinig iyon. Alam ko kung gaano kalupit ang konseho sa mga bampirang nagkakasala. Kundi nila pinapatay, labis naman nilang pinaparusahan. I can’t let Andrei experience that. I’ll do whatever it takes to protect him. “Huwag mong sabihin na plano mong talikuran ang konseho kapag nagkanda-leche leche na ang mga pangyayari.” Nagkibit-balikat ako. “Who knows what might happen?” Umayos ako nang tayo. “You know me Sky, lahat ng taong importante sa akin, pinoprotektahan ko,” buong lakas kong sambit bago dumaan sa kaniyang tabi patungo sa Trystane restaurant kung saan naroon si Andrei na kanina pa naghihintay sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD