CHANDRA RICAFORT
Pagkatapos ng briefing ng lahat ng participants na sasali sa competition ay sinabi na rin sa amin kung ano ang building na aming gagamitin para sa tatlong araw na training bago kami tuluyang sumabak sa kompetisyon sa kolaborasyon ng pagsulat. Sa kasalukuyan ay pinapatapos nalang namin ang speech ng isang judge na nagpapaliwanag ng mga bagong panuntunan sa kompetisyon sa taong ito.
Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga sa tuwing maririnig ko ang boses ni Alissa sa tuwing sumasagot siya sa mga tanong ni Sir Heldrick. Naiintindihan ko naman kung bakit niya iyon ginagawa, siyempre, para magpakitang gilas. Habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa discussion ng mga judge ng nasabing kompetisyon.
Panay rin ang lingon ko sa dalawa kong kasama na si Eren at Andrei. The two of them were quiet as well. Napansin ko rin ang pasimpleng paghilot ni Andrei sa kaniyang sentido.
Eren looked at me with his raised brow.
“You’re worried about him, huh?”
Sinamaan ko siya nang tingin. Itinuro ko rin ang aking sarili gamit ang aking hintuturo.
“Ako? Mag-alala? Since when did I get worried to someone?” tanong ko habang mahinang tumatawa. Sinigurado kong hindi ako makikita ng speaker kaya mabilis ko ring ibinalik sa normal ang aking ekspresyon.
“Halatang nag-aalala ka sa kaniya. Don’t you dare deny it. Kitang-kita ko sa mga mata mo.”
Sinimangutan ko siya.
“Alam mo, ewan ko sa’yo. Ang galing mong gumawa ng issue.”
Nginisihan niya ako nang nakakaloko.
“You’re lucky that I wasn’t able to read your mind, what did you do? And how did you do it?”
Nginisihan ko siya pabalik.
“That’s a secret I wouldn’t tell you.”
He lightly pouted. Halatang dismayado siya sa sagot ko. Eren used to get all the information he wants. He has two ways. First is he’s going to ask me for the details at siyempre, kapag sinagot ko ang tanong niya, he will get what he need. And the second one, if ever he can’t get the details he need, he would try to access the details through reading my mind even without my permission.
For years, I tried to strengthen the barrier inside my head. Ayokong may makabasa ng kung anong tumatakbo sa isipan ko kahit na sino. Kahit na ang matalik na kaibigan ko pang si Eren.
My mind is in chaos all the time. Ayoko rin na mag-aalala siya sa akin.
Nang tumikhim si Andrei ay tumigil na rin kami sa pag-uusap. Ibinaling na namin ang aming buong atensiyon sa speaker na patapos na rin sa kaniyang sinasabi. Nang bumaling ako sa kinauupuan ni Alissa ay saktong humarap din siya sa akin.
Nang magtagpo ang aming paningin ay agad niya akong inirapan. Hindi naman ako nakapag-react o mas tamang sabihin na hindi na ako nag-react dahil sa loob ng ilang taon, sanay na ako sa ganiyang pag-uugali niya.
Nang sa wakas matapos ang event sa auditorium, muling pinaalala ng mga staff na sa vacant building ang aming magiging training room.
That building is the closest building near the restricted room. Iyon din ang sumunod na building na malapit sa Black Forest na isa sa mga lugar na bawal puntahan ng kahit na sino, ayon sa aking nalalaman.
Vacant building has 10 floors. At ayon sa mga staff, hanggang sa ikalimang palapag lang ang aming puwedeng gamitin. Bawal nang umakyat sa itaas pa. Hindi naman nila sinabi kung bakit.
I can hear the murmuring of the participants. I can see that they are all excitement of the training sessions that will be provided by the camp.
Kami na ang nagpahuli sa pila. Ang sabi naman ni Eren ay maglalakad lang ang mga participant patungo roon habang kami ay maaari nang sumakay ng sasakyan. Mas mabuti na raw na mag-give way kami sa mga ito.
“Bakit? Malayo ba iyong Vacant Building?” curious na tanong ni Andrei sa amin.
Nagkibit-balikat naman ako. Hindi ko rin kasi alam ang sagot sa tanong niya. Yes, apat na taon na akong pabalik-balik dito sa camp and yes, taga-rito ako sa Addison kung saan matatagpuan ang camp, however, I have no idea what the vacant building looks like.
“Ikaw ba, Eren? Alam mo ba kung gaano kalayo ang Vacant Building?”
Like what I did, Eren just shrugged. He, too, has no idea. The camp is huge. Hindi ko alam kung ilang hektarya ang camp pero sigurado ako na kailangang gumamit ng sasakyan para mabilis na makarating doon.
“Miss Ricafort!”
Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang isang staff na mayroong dalang maliit na papel. Nakangiti nitong inabot iyon sa akin.
“Ayan po ang mapa ng camp. Baka kailanganin niyo po. Medyo mahirap kasing hanapin ang Vacant Building dahil tatawid pa kayo ng mini-forest bago marating ang daan patungo roon. Baka lang makatulong sa inyo.”
Ngumiti ako sa babae at nagpasalamat dito. Humugot ako ng malalim na hininga at inabot kay Eren ang mapa. Sa aming dalawa, siya ang mas may alam. Siya rin ang may kailangan niyon dahil unang-una, siya rin naman ang nagmamaneho ng sasakyan.
Habang pinagmamasdan niya ang mapa ay hindi ko naiwasang mapansin ang kaniyang nakakunot na noo.
“Chandra, hindi ko alam na may nag-e exist na ganitong lugar dito sa camp.”
Sabay kaming lumapit ni Andrei kay Eren upang tingnan ang mapa. Nang ituro ni Eren ang kulay asul na parte ng mapa ay kumunot din ang aking noo.
“Hindi ko alam na may ilog pala sa loob ng lugar na ito,” ani Andrei.
Nailagay ko ang aking daliri sa ilalim ng aking baba at sandaling nag-isip. Bakit hindi ko ito alam? Holt River? At ang ilog na iyon ay isang kilometro lang ang layo sa Vacant Building.
Kinuha ko ang mapa kay Eren at tinupi iyon. Nilagay ko iyon sa bulsa ng aking suot na coat. Ngumiti ako sa kanilang dalawa at sinabing mauna na. Didiretso pa kasi sila sa parking area para kunin ang sasakyan.
Nang makita kong nasa malayo na sila ay saka ko kinuha ang phone ko sa aking bulsa. Mabilis kong tinawagan ang aking nakatatandang kapatid na si Kuya Alas.
Hindi pa man nagtatagal ang pagtunog pag-ring ng telepono nito ay sinagot na agad nito ang tawag.
“Yes, Cha?” bungad niya.
“What do you know about Leicester Camp? and Holt River located on the boundary of the camp and the Wide Forest of Grisham?”
Sandali siyang natahimik. Mayamaya ay bumuntong-hininga siya.
“Why do you ask?”
“Dahil gusto kong malaman. What’s in there? Hindi ko alam na nag-e exist iyon.”
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya Alas.
“Oh, come on, you must be bluffing. Sa tagal mo nang pumupunta ng Leicester, imposibleng hindi mo alam.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“What do you mean?”
Again, he sighed.
“Holt River is the dead end of Leicester Camp. Just like you said, it is the boundary of the forest and the camp. But Holt River serves crucial part for human safety. Vampires likes us, cannot cross the river.”
“Why?”
“Because the water could kill us.”
Nakagat ko ang aking ibabang labi sa narinig.
“A small drop could leave burn on our skin.”
“So, you’re saying that I have to stay away from the river?”
“Yeah. Not just you but Eren also. Alam kong palagi kayong magkasamang dalawa. Alam kong iingatan niyo ang isa’t isa. If that’s the reason why you called, then I think I answered your question clearly. I have to go, Cha. Marami pa akong inaasikasong trabaho. See you when I get back to the mansion in Addison. I love you. Take care.”
Tunog ng naputol na linya ang aking narinig. Sinubukan kong huwag magpaapekto sa aking nalaman. Inilagay ko ang phone muli sa bulsa ng suot kong coat at dire-diretsong lumabas ng building.
Naghintay lang ako ng ilang minuto. Mabuti nalang at mabilis na magmaneho si Eren. Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ko ay sumakay na rin ako agad. Inabot ko sa kaniyang muli ang mapa na tinanggap niya agad. Mukhang napansin niya ang kakaibang ekspresyon ng aking mukha.
“What’s wrong?” he asked.
Pati tuloy si Andrei ay napalingon sa akin hanggang sa nagkatinginan kaming tatlo.
“Later, Eren.”
Mukhang naintindihan naman ni Eren ang nais kong iparating sa kaniya kaya ngumiti siya sa akin at ibinaling ang kaniyang buong atensiyon sa pagmamaneho ng sasakyan.
The estimated time of travel that I have in mind was right. Almost thirty minutes. Nagtagal lang din talaga dahil sa malubak ang daan. The road was rough. Mayroong malalaking bato na kailangang iwasan.
Of course, Eren wouldn’t want to sacrifice the tires of his car kaya naman mabagal lang ang naging takbo nito.
“Siguro dapat talaga naglakad nalang tayo,” reklamo niya pagkaparada ng kotse sa malawak na parking area sa harapan ng building.
“Dapat bago tayo umalis ng Gaia, sinabi mo na agad,” saad ko naman.
Imbes na magsalita pang muli, ay inirapan nalang ako nito. Si Andrei naman ay napapailing sa aming dalawa. Naunang bumaba si Eren at sumunod naman siya. Ako huling bumaba sa amin.
Wala pa ang ibang participants kaya sa pagkakataong ito, kami palang ang tao sa lugar. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Magkakalayo na ang building. Siguro kung lalakarin ang naunang building na nadaanan namin, aabot ng 15 to 20 minutes ang walking travel. Ang aming tinatakapan naman ay imbes na lupa, buhangin ito. Sigurado ako na nagmula sa ilong ang mga ito. Marahan akong yumuko at matapang na inilapat ko ang aking daliri sa bato.
“Ouch!” Hindi ko napigilan ang aking sarili na tumili nang maramdaman ang hapdi ng maliit na parte ng aking balat.
“Anong nangyari?” tanong ni Andrei. Siya ang unang lumapit sa akin para tingnan ang kalagayan ko. Si Eren naman ay nakasimangot pa rin.
“W-wala, natusok lang ako ng maliit na bato.”
Itinago ko ang aking daliri na ngayon ay namumula na. Luckily, nakasuot kami ni Eren ng rubber shoes. Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Eren ito nang hindi kami naririnig ni Andrei.
Eren has to know. Mahirap na at baka biglang magkaroon ng aksidente. Lalapit na sana ako kay Eren, ang kaso ay biglang may lumabas na isang matanda galing sa loob ng building. Nakasuot ito ng uniporme na may tatak ng Leicester Camp at naka-sumbrero ito at mayroon pang suot na facemask.
Nang makita kami nito ay nagdahan-dahan ito sa paglalakad. Naglakad naman palapit si Andrei sa matanda.
“Manong, kayo po ba ang guwardiya rito sa Vacant Building? Itatanong ko lang po sana kung maaari na po kaming pumasok.”
Nakasunod ang aking mata sa kilos at galaw ng matanda. Nakakunot ang aking noo habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. Guwardiya nga ba ito rito? Nakayuko ang matanda at halos hindi makapag-angat nang tingin kay Eren. Ako na mismo ang yumuko para pagmasdan ang mga mata nito. Tumaas ang isang kilay ko nang hawakan ng matanda sa braso si Eren.
“Ah, hijo. Dati lamang akong guwardiya rito, matagal na akong retirado.”
Unti-unting humihigpit ang hawak nito sa braso ni Andrei. Dahil sa ginagawa nito, humakbang ako palapit sa matanda. Pero naunahan ako ni Eren. Agad niyang kinuha ang kamay ng matanda na nakahawak sa braso ni Andrei.
“Ah, ‘tay, ganoon ho ba? May gagawin ho kasi kami rito. Sa tingin ko po, mas makabubuti kung uuwi na po kayo. Siguro naman po ay nakuha niyo na ang kailangan niyo sa lugar na ito, ano ho?”
Nakayuko pa rin na tumango ang matanda. Pagkabitaw ni Eren sa braso nito ay dali-dali itong naglakad palayo. Pero napansin kong lumiko ito sa bandang parte ng gubat. Saan nakatira ang matandang iyon?
“Puwede na kaya tayong pumasok?” tanong ni Andrei.
“Sa tingin ko, mas makabubuti sa atin kung sa fifth floor tayo, para walang gaanong ingay. Kapag ganoon, makakapag-isip tayo nang mabuti. Ano sa tingin niyo?”
Lumingon sa akin si Eren.
“Ikaw, Cha, ano sa tingin tingin mo?”
Kibit-balikat lang ang isinagot ko.
“Kayo na ang magdesisyon. Kahit naman saan tayo mapunta, wala paring makapagpabago sa resultang mananalo tayo laban sa ibang grupo.”
Pagkasabi ko niyon ay ako na ang naunang naglakad papasok sa loob ng building. Actually, this place looks new. Hindi nga ito mukhang bakante dahil may mga gamit pa rin sa loob. Malinis pa rin naman. Mukhang may nagtutungo rito araw-araw para maglinis at maglampaso ng sahig.
May mga upuan din sa paligid. Lahat ng sulok ng maliit nitong lobby ay tiningnan ko. Walang gumaganang elevator, kaya napilitan kaming umakyat ng hadgan. Hindi naman ganoon kataas kaya ayos lang. Bukas din lahat ng kuwarto at mayroong sapat na gamit. Mayroon ding supply ng kuryente kahit na kabilang ito sa mga gusali na nasa dulo ng camp.
Nang dumako kami sa third floor ay doon na ako nakaramdam ng kakaiba. Kung kanina ay kutob lang iyon, ngayon sigurado na akong may nangyayaring kababalaghan sa lugar na ito.
Habang abala si Andrei na nag-iikot, pasimple akong naglakad patungo sa tabi ni Eren.
“I smell blood.”
Eren gave me a sharp look.
“Don’t say anything. Baka marinig ka ni Andrei.”
Gulat na tumingin ako sa kaniya. Ibig sabihin ay alam niya? Yung matanda…
“Ibig sabihin yung matanda…”
Hinawakan niya ako sa braso at hinila sa pinakamalapit na sulok nang hindi napapansin ni Andrei.
“You can’t sense him, do you?”
Marahan akong umiling. Kumunot din ang aking noo. Pinagmasdan kong mabuti ang reaksiyon ni Eren.
“Don’t tell me, ikaw rin?”
Marahan siyang tumango.
“I read his mind. I was able to. Kaya nalaman ko. He killed someone here. Sigurado ako sa bagay na iyon.”
“Rouge ba?”
Umiling si Eren.
“No. I think not. Mukhang nagkataon lang na kailangan niyang uminom ng dugo ng tao. I can sense his nervousness.”
Napapikit ako nang mariin. At sandali akong lumingon kay Andrei. Bago pa man siya bumaling sa amin ay mabilis akong kumilos patungo sa pinakamalapit na bintana para magpanggap na ayos lang ang lahat. Ngunit nang bumaling ako sa bandang ibaba, nakita ko ang nakabulagtang katawan ng lalaki roon at sa hindi kalayuan ay nakita ko ang matandang lalaki na naglalakad patungo rito. Malinaw ang aking mga mata. Normal iyon na kakayahang ipinagkaloob sa akin. Kaya nakita ko agad ang sugat nito sa leeg. Kagat nang isang bampira.
“Grabe, ang laki ng building na ito. Sayang naman kung bakante lang ito. Maraming puwedeng gawin sa gusaling ito.”
Magtutungo na sana si Andrei patungo sa kinaroroonan ko nang bigla siyang akbayan ni Eren at dinala siya nito sa kabilang kuwarto.
“Teka, si Chandra.”
“Chandra will be fine. Mauna na tayo sa sunod na palapag.”
Bago sila lumabas ay marahan akong tinanguhan ni Eren. Nang sa wakas ay makaalis na sila, mula sa ikalawang palapag ay tinalon ko iyon hanggang sa lumanding ako sa batuhan kung saan nananatiling naroon ang katawan ng lalaking wala nang buhay.
Gulat na gulat ang matandang lalaki nang makita niya akong nakatayo sa tabi ng katawan ng naging biktima niya.
“Sino ka?” gulat niyang sambit.
Tipid akong ngumiti.
“Alam kong kilala mo kung sino ako.”
Bumaba ang kaniyang tingin sa aking palapulsuhan at nakita ang maliit na tatak doon.
“Vampire reaper!”