CHANDRA RICAFORT
“Reaper… reaper…”
Dama ako ang kaba habang binabanggit niya ang salitang iyon. Habang naglalakad ako palapit sa kaniya ay panay rin ang pag-atras niya. Nanginginig ang kaniyang kamay at panay ang lunok niya ng kaniyang sariling laway.
“Sino ka?” matapang na tanong ko sa kaniya.
I run fast and immediately grab his collar. Gulat na gulat siya ginawa ko.
“A-ano, ako si…” Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil sa takot. Kaya mas lalo akong napikon.
“Sino ka at taga-saan ka?” mahina ngunit mariin ang aking pagkakabigkas. Pinipigilan ko ang aking sarili na sumigaw dahil baka marinig ako ni Andrei. Mahirap nang lusutan kapag nakita niya akong may sinasaktang lalaki. Baka kung ano pa ang isipin niyon.
Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kuwelyo ng matanda. Nang maamoy ko ang dugo sa kaniyang hininga ay iniwas ko ang aking tingin sa kaniya. Sa sobrang inis ko ay inihagis ko siya sa lupa. Natanggal ang kaniyang suot na sumbrero pati ang suot niyang facemask sa lakas ng impact ng pagbagsak niya sa batuhan.
Kumunot ang noo ko nang makita na hindi pala siya matanda at nagpapanggap lang. He’s wearing a mask. Patuloy ako sa paglapit sa kaniya.
“Huwag mong hintayin na saktan pa kita para lang sabihin mo sa akin kung saan ka galing. Tell me, who are you? At higit sa lahat, why are you wearing a mask?”
“H-hindi ako taga-rito! Dayo lang ako!”
Tumaas ang kilay ko at bahagyang natawa. Marahan akong umupo sa batuhan para makita ko nang malapitan ang kaniyang mukha. Ngayon, narinig ko na ang totoo niyang boses.
“Ang galing mong magpanggap na isang matanda. Saan mo nakuha ang mask na ito?”
“Sa isang bampira na siyang nag-utos sa akin na magtungo rito.”
“At paano ka nakapasok sa lugar na ito? Saan ka nanggaling?”
Nanginginig ang kaniyang mga labi na itinuro ang kakahuyan.
“Sa gubat?”
Umiling siya.
“Hindi, sa kabilang bahagi ng ilog,” pagtatama niya. Mas lalong naningkit ang aking mga mata habang nakatingin sa kaniya. Paano nangyari iyon? Kung galing siya sa kabilang bahagi, paano siya nakarating dito?
“Niloloko mo ba ako? That’s the deadliest river for our kind. Paano mo nagawa iyon?”
Hindi pa sana siya sasagot ngunit muli kong hinawakan ang kaniyang kuwelyo at hinigpitan iyon.
“Naghintay ako ng low tide at gumamit ako ng bangka para makarating dito.”
Marahan niyang hinila ang kaniya pataas ang kaniyang suot na pants. Kitang-kita ko ang mga sugat niya sa kaniyang paa. Napangiwi ako nang titigan itong mabuti. Para itong sinabuyan ng asido. Namumula at mamasa-masa.
“That person on the other side told me that if I successfully crossed the river, makakainom ako ng sariwang dugo.”
“Matagal nang ipinagbabawal dito sa apat na bayan ang pakialaman ang mga tao. Dahil sa ginawa mo, may namatay.”
“Kinailangan kong uminom ng dugo dahil nanghihina na ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang makabalik sa kabilang bahagi nang hindi nakakainom. Uhaw na uhaw na ako. Ikamamatay ko kapag hindi ako nakatikim ng dugo.”
Sa pagkakataong iyon ay napansin ko ang pagbabago ng kulay ng kaniyang mga mata. Mula sa normal na kulay nito ay bigla itong naging pula. Mabilis itong tumayo at ngumisi sa akin.
“Dahil sa batas na ginawa ng konseho, naging mahirap na sa amin ang makahanap ng pagkain. Palagi kaming parang namamalimos. Hindi kami sanay sa dugo ng hayop. Kung hindi ako makikipagsapalaran, sa gutom kami mamamatay.”
Nakatitig lang ako sa kaniya at tinitingnan ang unti-unting pagkulubot ng kaniyang balat. Sa ilang taon ko rito sa mundo, ngayon lang ako nakakita ng isang normal na bampira na unti-unting nagiging rouge. Ang sabi sa akin ng mga magulang ko, kapag naging rouge ang isang bampira, nag-iiba ang takbo ng kanilang pag-iisip. Mas nagiging agresibo sila at mas nagkakaroon ng kakaibang pagkahayok sa dugo ng tao.
“Kasalanan niyo kung bakit pinipili namin na maging kasapi ng masasamang grupo ng bampira.”
“Mali ka. Hindi namin kasalanan kung bakit pinili niyo ang buhay na ganiyan. Maraming paraan para mabuhay. Ilang taon na ang lumipas nang ipatupad ang batas na naglalayong protektahan ang mga tao. Hanggang ngayon ay nagrereklamo ka pa rin. Lahat ng bampirang kilala ko ay dugo ng hayop ang nagiging pagkain para masunod ang kautusan. Lahat sila ay nakasanayan na iyon. Oo, mahirap. Pero nagawa nila. Hindi ba dapat ay sinusubukan niyo ring sanayin ang inyong sarili?”
Humalakhak ang lalaki.
“Alam ko kung bakit ganiyan ka mag-isip. Alam ng lahat na kaya mong mabuhay kahit na ang kainin mo ay ang pagkain ng mga tao. Kakaiba ka. Ngunit nakababahala rin iyon sa lahi na ating pinagmulan. Tayo ay bampira. Mas superior tayo sa mga tao. Nauna tayo sa mundong ito. Pero bakit kailangan tayo pa rin ang nakikibagay sa kanila?”
Sandali akong natahimik sa tinuran niya. Pakiramdam ko ay natamaan din ako roon. Because what he said is the exact sentiment of my brother, Silvano Ricafort. My brother used to hate the council’s rule for vampires. Kagaya ng ibang bampira na nahihirapan sa pagbabagong inilatag ng konseho, maging siya ay nahirapan din. Siya kasi ang pinakamatanda sa aming magkakapatid. Siya lang din ang natatanging nakaranas na tumikim ng dugo ng mga tao noon.
Gayunpaman, sinubukan niyang baguhin ang kaniyang sarili. Labag man sa kaniyang loob na sundin ang kautusan ng konseho ay sinunod niya pa rin ito.
“Naiintindihan kita. Alam ko kung anong nararamdaman mo.”
Ngumisi siya habang pinagmamasdan ako. Pagkatapos ay marahan siyang umiling.
“Kahit kailan, hindi mo ako maiintindihan. Dahil hindi mo naman nararansan kung ano ang nararanasan ko at ng nakararaming bampira. Mapalad kayo dahil nabigyan kayo ng pagkakataong mamuno. Mayroong magandang bahay, may katulong, may nakakain at naiinom sa tuwing nagugutom kayo. Pero kami, kahit kailan, hindi namin mararanasan ang prebilihiyong mayroon kayo.”
Ang kulay pula niyang mata ay unti-unting nababalutan ng itim na likido. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling.
“Dahil sa inyo kung bakit kami napipilitang maging ganito. Mabuti pa nga, dahil kahit papaano ay may nakakaintindi sa amin. Nalaman naming hindi lang ako nag-iisa.”
Nang matapos siyang magsalita ay mabilis siyang tumalilis ng takbo patungo sa kagubatan. Ngunit kung mabilis siya ay mas mabilis ang naging kilos ko. Bago pa man siya makarating sa mismong bungad ng gubat ay naunahan ko na siya.
Hinawakan ko siya sa braso at puwersahang hinila siya palapit sa akin.
“Dahil lang sa pagnanais mong makatikim ng dugo ng tao, handa kang isugal ang buhay mo? Sinuway mo ang batas ng konseho, isinangkalan mo pa ang buhay mo. Ngayon, sa tingin mo ay makakaalis ka nang basta-basta? Sa tingin mo ay hahayaan kita?”
Seryoso siyang nakatingin sa akin. Nakikita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.
“Kung mamamatay man ako ngayon, kahit paano ay naging masaya naman ako. Mamamatay ako na nakatikim muli ng dugo ng tao.”
Hinigit ko pa siya palapit sa akin.
“Mali ang desisyon mo. Maling-mali. Sabihin mo sa akin, sino ang nagtulak sa iyo na gawin ang bagay na ito? Sino?!”
Tumawa siya.
“Mas mabuti nang mamatay ako kaysa sabihin ko sa iyo ang nalalaman ko.”
Marahas niyang binawi ang kaniyang braso sa pagkakahawak ko. Nakawala siya pero mayroon akong naiwang kalmot sa kaniyang balat. Sa bilis ng kaniyang pagtakbo ay hindi ko na nasundan ng tingin ang kinaroroonan niya.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Wala na akong ibang naisip na paraan kaya pumikit ako at pinakalma ang aking sarili. Hindi pa ako nagtatagal sa pagpikit nang marinig ko ang mga yabag nito.
Binuksan ko ang aking mga mata at bumaling sa direksiyon na kinaroroonan ngayon ng lalaki. Luminaw ang aking mga mata hanggang sa maabot siya ng aking paningin.
Tumakbo ako nang ubod ng bilis. Marami akong dinaanang puno at mga hayop sa gubat. At habang palapit ako nang palapit sa lalaki ay naririnig ko na rin ang paglagaslas ng tubig ng ilog na siyang nagdulot ng kaba sa aking dibdib.
Now what is his plan? Paano siya makakatawid ng Holt River?
Huminto siya sa pagtakbo. Ganoon na rin ang ginawa ko. Ngunit hindi ako huminto sa aking kinatatayuan.
“Wala ka nang kawala,” saad ko sa lalaki.
He looks so evil. But then the concerned on his expression is still visible. Ibig sabihin ay hindi pa rin siya tuluyan nagpapalamon sa kadiliman.
Habang palapit ako nang palapit ay paatras siya nang paatras hanggang sa marating niya na ang gilid ng ilog.
“Kaysa patayin mo ako, mas mabuti pang ako nalang ang kikitil ng buhay ko.”
Hindi pa man ako nakakapagsalita, tumalon na ito agad sa ilog. Dinig ko ang palahaw niya habang unti-unting nalulusaw ang kaniyang katawan sa tubig ng ilog.
Naitakip ko ang aking palad sa aking bibig. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Para akong aatakihin sa sobrang kirot nito dulot ng aking nakita. The man is drowning. Bukod pa roon ay para siyang nauupos na kandila matapos sindihan gamit ang apoy. May parte sa akin na gusto ko itong tulungan kaya naman humakbang ako palapit sa ilog pero napatili ako nang biglang may humila sa akin palayo roon.
“Chandra!” sigaw sa akin ni Eren.
Nanginginig ang aking mga kamay. Hindi lang mga kamay kundi pati ang aking buong katawan. Lilingon pa sana akong muli sa lalaki nang hawakan ni Eren ang aking magkabilang palapulusuhan at pilit niya akong pinaharap sa kaniya.
“Get yourself together!” aniya sa mataas na boses.
Ilang sandali pa ay nag-unahan sa pagpatak ang aking luha sa aking pisngi. It’s the first that I cried after so many years. Dahil dito. Dahil lang sa pangyayaring ito ay hindi ko napigilan ang damdamin ko.
Binitawan niya ang kamay ko para punasan ang aking luha.
“Shhh, shocked ka lang. Don’t let it get into your system.”
Umiling ako. Akmang babaling akong muli sa lalaki nang hilahin niya ako palapit sa kaniya para mayakap niya ako.
“Shhh, you’ll be fine. Everything will be fine.”
Panay ang kaniyang tapik sa likuran ko habang ako naman ay hindi matigil sa paghikbi. Sanay ako na ako mismo ang pumapatay ng mga rouges. Pero bihira akong makakita ng bampira na ang mas nais ay patayin ang kanilang sarili kaysa ako mismo ang kumitil ng kanilang buhay. Do they loathe me?
Ilang minuto rin ang lumipas bago ako kumalma. Nang kumalas ako sa pagkakayakap kay Eren, ay roon ko naalala bigla si Andrei.
“Iniwan mo si Andrei!”
He nodded.
“Iniwan ko siya para hanapin ka. Ang akala ko ay mabilis mong maaalis ang katawan ng guwardiya roon, pero nagulat ako nang makitang naroon pa rin iyon sa batuhan. I had no choice but to keep his body in the woods. Medyo kinabahan ako nang hindi kita makita. I search around. Dati, madali lang kitang nahahanap, pero ngayong hindi ko na mabasa kung ano ang tumatakbo riyan sa isipan mo, para akong bumalik sa dati na nangangapa kung paano ka hahanapin.”
“You saw what happened…”
He nodded again.
“Oo. Hindi mo alam kung gaano ako kinabahan nang makita kang lulusong sa tubig. Nababaliw ka ba? Gusto mo bang mamatay?”
Nakagat ko ang aking ibabang labi.
“No. I just had an urge to help him.”
He sighed.
“It’s his decision to kill himself, Chandra. Wala kang kasalanan doon. Now, all we have to do is to go back to the building dahil sigurado akong kanina pa tayo hinihintay ni Andrei roon.”
Tipid akong tumango. Mabuti pa nga siguro. Natatakot din akong baka kung ano na ang naiisip ng lalaking iyon.
“It’s the first time that I’ve seen this river, Eren. This river will be our death.”
Hinawakan niya ang kamay ko.
“Kaya huwag na huwag ka na ulit lalapit pa roon. Paano nalang kung hindi ako dumating. Paano ka? You are important to us. Ano nalang ang gagawin namin kapag wala ka na?”
Humugot ako ng malalim na hininga at saka tumango kay Eren.
“I know. Sorry.”
He gave me a small smile.
“You’re forgiven. Basta huwag mo na ulit uulitin. And please, don’t go back here.”
Hindi kami nagtagal doon dahil kailangan pa naming balikan si Andrei sa building. Sakto namang pagkarating namin sa likod ng building ay narinig ko na ang mga boses ng participant na paparating.
“Sorry natagalan kami. Ito kasing si Chandra kung saan-saan nagpupunta.” Iyon ang palusot ni Eren kay Andrei. Nakaupo ito sa sofa habang hawak ang libro. Mukhang seryoso ito sa kaniyang binabasa.
Agad na sinara ni Andrei ang libro at ibinalik iyon sa ilalim ng lamesa.
“Hindi, ayos lang. Hindi naman ganoon katagal.”
Bumaling siya sa akin at ngumiti. “Saan ka pumunta? May mga magagandang lugar ba sa likurang bahagi ng building?” tanong niya.
Tipid akong ngumiti at tumango.
“Meron naman. Mayroong gubat sa hindi kalayuan,” sagot ko.
“Nag-enjoy ka ba pag-iikot? Hindi ko namalayan na bumaba ka pala. Hinanap ka namin ni Eren dahil antagal mong umakyat. Akala ko tuloy kung napaano ka na. Sa susunod kung okay lang, puwede bang magsabi ka sa amin bago ka umalis?”
This is the first time that I heard him in this tone. Para siyang nakikipag-usap sa malambing na paraan. Nang mag-angat ako nang tingin kay Eren, napansin ko ang kaniyang simpleng pagngisi. Heto na naman siya, halatang nang-aasar.
“Yeah, of course. Next time, magsasabi ako.”
Andrei smiled at me. Mukhang satisfied naman siya sa sagot ko.
“Kung gayon, sa fifth floor ba ang gagamitin natin o dito nalang tayo sa first-floor para mas maging madali para sa atin ang maglabas-masok ng building.”
Naglakad palapit sa kaniya si Andrei.
“Sa tingin ko ay mas okay nang narito tayo sa first floor. You’re right. It would be easier for us to go in and out.”
Ilang sandali pa ay sunod-sunod na nagsipasukan ang mga participants.
“My gosh, kahit talaga malamig dito sa Addison, hindi ko mapigilan ang sarili ko na pawisan kung ganoon naman kalayo ang lugar na nilakad natin. I can’t believe it.”
Huminto sa pagsasalita si Alissa nang makita niya ako.
“Dapat pala, sinabi ko na rin na maging patas ang lahat sa lahat ng bagay na puwedeng gawin ng mga participants sa competition. Dapat walang special treatment. Dapat kung maglalakad ang isa, maglalakad ang lahat.”
Hindi naman nakaimik ang mga kasama niya sa kaniyang tinuran. Siguro ay takot din ang mga ito dahil alam naman ng lahat na ako ang pinariringgan niya.
“Alam mo, Alissa. Imbes na magreklamo ka, bakit kaya hindi mo nalang galingan sa kompetisyon. Baka kapag natalo ka, umiyak ka ulit kagaya ng dati.”
Nawala ang ngisi sa mga labi ni Alissa. Napalitan ito ng pagkainis. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kinatutuyaan ko at pinagtaasan niya rin ako ng kilay.
“Kapag ako ang nanalo, sisiguraduhin kong mapapahiya ka sa harap ng maraming tao.”
Mahina akong tumawa.
“And what if I win?” Binalingan ko si Andrei at Eren.
“What if the three of us wins? Magiging okay ba sa’yo kung ipapahiya ka rin namin sa harapan ng maraming tao?”
Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi sa labis na gigil sa amin. Pagkatapos ay wala itong paalam na tumalikod. Pasimple pa itong umirap bago naglakad patungo sa hagdan.
Nakasunod lang ang tingin namin sa kaniya at sa kaniyang mga kasama. Nang mawala siya sa aking paningin ay saka ako bumuntong-hininga.
She is really a pain in the ass.