CHAPTER 17: THE DANCE AND THE KISS

2547 Words
ANDREI CASTRIEL  I was worried about her. That’s the truth. Noong nalaman kong wala siya sa room kung saan namin siya iniwan kanina, akala ko ay may nangyari nang masama sa kaniya. I was in panic. And honestly, I don’t know and I’m not sure why I am feeling that. Hindi naman ako ganito sa ibang tao. Marahil ay gulat lang siguro ako sa biglang pagkawala niya. Kaya noong narinig ko na papalapit na sila ni Eren, sinubukan kong kumalma. I had to make sure that they won’t notice that I care too much about her disappearance. Ang kaso, kapag nag-aalala ako sa isang tao, kusang lumalabas ang pagiging concerned ko kapag nagsasalita na ako. I saw her reaction when she heard me talking. It’s as if she was taken aback. Luckily, her former friend came. Nawala sa akin ang kaniyang atensiyon kaya nakahinga naman ako nang maluwag. Para hindi nila mahalata na tensed ako, ako na ang naunang nagtungo sa pinakadulong bahagi ng first floor. Pagpasok ko roon ay agad kong binuksan ang bintana. Mayroong isang cabinet doon. Nang buksan ko iyon ay nakita ko ang mga gamit na kailangan namin. Mukhang pinaghandaan nga ng mga organizer ang event na ito. “Let me take care the arrangement of the WIFI,” saad ni Chandra. Hindi na rin ako nakaimik nang kunin niya sa malaking kahon ang mga wires at ang mismong router. “Ako na sa pagse-set up ng computer.” Si Eren naman ang kumuha ng mga parts nito. At ang naiwan nalang sa akin ay printing machine at ang pag-aayos ng mga newspapers, magazine, at mga bond papers na gagamitin. Hindi naman nagtagal ang pag-aayos namin ng mga gamit. Si Chandra ang maraming inayos sa tatlong folders. Nang matapos siyang isalansan ang mga laman niyon, inabot niya sa amin ni Eren ang tig-isang folder. “Aralin niyo.” Pagkakuha namin niyon sa kaniya ay agad siyang tumalikod upang maglakad palabas. “Saan siya pupunta?” tanong ko kay Eren. “Uuwi na.” Kumunot ang noo ko habang nakasunod nang tingin kay Chandra na patuloy lang sa paglalakad. “Ha? Uuwi na? Wala na ba tayong ibang gagawin? Aren’t we going to study?” Eren chuckled. “Study? Of course, We’ll study. Pero kaniya-kaniya na.” Bigla naman akong naguluhan sa sinabi niya. Sa pagkakaalam ko ay team kami. Ibig sabihin ay magkakasama kami mag-aral. Dahil si Chandra ang pinakamagaling sa amin, dapat siya ang magtuturo sa amin ng mga techniques on how we’re going to write better. May chance ba talaga kaming manalo sa lagay na ito? “I know you’re worried, bro. I understand that feeling. But honestly, we can study separately. You must be wondering why. Ito lang ang masasabi ko sa’yo. Mas mabuting magkakahiwalay tayo. Chandra doesn’t like people that much. And about the competition, let’s just trust Chandra. We’ll win no matter what. And you’ll get the title too.” Napailing ako. “Hindi naman iyon ang concern ko. Ang sa akin lang, hindi ba parang ang pangit naman kung nakikita tayo ng ibang mga grupo na parang petiks lang sa ginagawa.” He shrugged. “Isn’t that better? They’ll think of the possibility to win the contest because they thought we’re not taking it seriously.” “You got a point. But—” “There’s nothing to worry about, okay? Alam mo, relax ka lang. Everything is under control. Kung ako sa’yo, pagbalik natin sa camp mismo, umuwi ka agad sa room mo sa Menos Grande para makapagpahinga. Aside from the competition, baka nakakalimutan mong may isang event pa na inaabangan ang mga pumunta rito.” Tumango naman ako. Of course, I remember. Simula na ng festival mamayang gabi. And the opening of the fest always starts with The Dance. The dance is an event for boys and girls. Usually, it is the guy who asks for a girl if she could be his partner in the whole night. Maraming sumasali rito. Lalo na iyong mga baguhan. The enthusiasm to build rapport with other people is present. In my case, hindi naman ako sumasali roon. Hindi naman kasi siya required. Ang ginagawa ko lang palagi ay panuorin ang mga pumunta. I have a special place where I usually go whenever I want to. From there, I am able to watch those people dancing and enjoying the night. Pagkabalik ko sa silid ko sa Menos Grande ay humiga ako agad sa kama. I haven’t done anything today aside from arranging the things we need. Hindi man lang ako napagod. Mataman akong tumitig sa kisame. Ipinikit ko ang aking mga mata pero agad din akong nagmulat nang makita ang mukha ni Chandra sa aking isipan. Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Matagal ko na siyang nakikita sa event na ito, pero hindi ko naman naramdaman ang bagay na ito. Hindi naman sa hindi ko siya gusto. I just don’t like being acquainted with popular people. And I told myself that I’ll never fall for someone who is like her. Pero ano itong nangyayari sa akin ngayon? I’m starting to think of her, I’m starting to think of her. Yes, I admit she’s pretty. Enough to make me like her. Pero iba kasi iyong nararamdaman ko… Iyong alam ko ang katotohanan na halos wala naman siyang pakiramdam, she rarely smiles, she has a cold aura, she intimidates everyone, at higit sa lahat, para siyang robot na naka-program. Gayunpaman, hindi ko pa rin maiwasang isipin siya. Malakas na katok sa pinto ng aking kuwarto ang aking narinig ilang sandali lang. Bumangon ako agad para tingnan kung sino iyon. “Mabuti naman nandito ka na. Kanina pa ako pabalik-balik dito,” bungad sa akin ng kapatid ko. Diretso siyang pumasok sa kuwarto at agad na naupo sa kama ko. “Grabe ang lamig talaga sa labas. Hindi ka ba nagbubukas ng heater dito?” kunot-noong tanong niya. Umiling naman ako. “Hindi naman ako nilalamig.” He laughs. “Of course, I know that. Kaya nga ‘manhid’ ang nickname mo sa bahay. Wala ka nga yatang nararamdaman kahit ano. Tumayo siya at nagtungo sa heater machine para buksan ito. He’s hugging himself. Halatang lamig na lamig siya kahit na ang kapal na ng suot niyang jacket. “Wala ka bang balak pumunta sa event mamaya?” tanong niya pagkaupo muli sa kama. “Sinabi ko na sa’yo hindi ba? Hindi ako uma-attend ng kahit anong event.” Ngumuso naman siya. “Sayang naman kung ganoon. Ang sabi nila may fireworks display event after the dance. Punta ka na.” Fireworks display? Bago iyon ah! “Kahit hindi naman ako pumunta, makikita ko pa rin iyon.” Niel scoffed. Humiga siya sa kama at bumuga ng hangin. “Kahit kailan talaga ang KJ mo. Kailan ka ba magbabago? Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend eh. Hindi ka marunong makipag-socialize. Hindi ka nga rin yata maruong manligaw.” Tinawanan niya ako. Hindi naman big deal sa akin ang mga ganoong bagay. Hindi naman mahalaga ang pagkakaroon ng kasintahan sa ganitong panahon. Sagabal lang iyon sa pag-aaral ko lalo na at mahirap ang kursong kinukuha ko. “Kung gusto mong pumunta, pumunta ka. Huwag mo na akong pilitin dahil hindi mo ako mapipilit. Magsasayang ka lang ng oras.” He looked at me and smirked. “As if I didn’t know that.” Humiga na rin ako sa kama katabi ng kapatid ko. IT wasn’t included in my plan to sleep. Pero nakatulog ako. Pagkagising ko ay wala na si Niel. Pero napansin ko ang note na iniwan niya sa ibabaw ng bedside table. Tumayo na rin ako dahil nagugutom na ako. Hinawi ko ang kurtina at napansin kong papadilim na pala. Kailangan ko nang kumain para makabalik ako rito agad. Kinuha ko lang ang wallet ko at inilagay sa bulsa ng suot kong coat. Nakapagtatakang walang gaanong tao sa mga hallway na nadadaanan ko. Marahil ay abala ang bawat isa sa pag-aayos ng sarili para sa event. Pagdating ko rin sa Trystane Restaurant ay mabibilang lang ang mga taong kumakain sa loob. After I ordered food, I ate silently in the corner. Hindi ko rin naubos ang inorder ko dahil ang bilis kong nabusog. Paglabas ko ng restaurant at pagbaling ko sa malawak na open field, nakita kong nagsisimula na ring mag-ayos ng paligid ang mga staff. Walang gaanong disenyo ang field kung titingnan pero kadalasan, kaya ganoon ay dahil bumabawi sila sa light shows. Sigurado akong lahat ng barricade na nilagay nila, lahat ng iyon ay iilaw mamaya. Nang makabalik ako sa silid ko ay naligo na rin ako. T-shirt na navy blue at slacks na kulay krema ang sinuot ko. Kinuha ko na rin ang isa ko pang trench coat dahil hindi na bearable ang lamig sa labas. Hindi ako pupunta sa event. Ang plano ko ay sa magtungo sa lugar na naging sanctuary ko na tuwing magkakaroon ng event. “You’re not going either?” Muntik pa akong mapatalon sa aking kinatatayuan nang marinig ang boses ni Chandra sa gilid ko. Tulad nang kanina, nakatayo ulit siya sa labas at ang likod ay nakasandal sa pader. She looked at me and smirked. “Nagulat ba kita?” Hindi ako agad nakasagot. Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito sa labas ng silid ko? May nagawa ba akong mali? Nandito ba siya para pagsabihan ako? “What’s on your mind?” she asked. Umayos siya sa pagkakatayo at humarap sa akin. Hindi naman ako makatingin nang maayos sa kaniya dahil kinakabahan ako. “A-anong ginagawa mo rito?” Matagal siyang tumitig sa akin. Seryosong-seryoso siya kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Pero ilang sandali lang ay narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa. “Wala akong magawa kaya pumunta ako rito. Sorry kung nagulat kita. I didn’t mean to. May pupuntahan ka ba? Gusto kong sumama.” “Sasama ka sa akin? Without knowing where I am going?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Sunod-sunod naman ang kaniyang naging pagtango. “Oo naman. Bakit hindi? Wala rin naman akong ibang pupuntahan. Kung saan ka, doon nalang din ako. Okay lang ba iyon?” Wala akong nagawa kundi tumango. Makatatanggi ba naman ako sa nais niya? “Pero teka, nasaan si Eren?” “May ibang inaasikaso. Hindi rin iyon pupunta.” “Mabuti at pinayagan ka niyang pumunta rito.” Dahil sa sinabi ko ay kumunot ang kaniyang noo. “Bakit naman hindi niya ako papayagan? I decide on my own. Hindi nakabase sa kaniya kung anong magiging galaw ko. Isa pa, magkaibigan lang kaming dalawa.” Napayuko nang marinig ang sinabi niya. “T-talaga? Magkaibigan lang kayong dalawa?” Halos hindi ko ma-kontrol ang kaba ko. Ang hirap na huminga, tapos hirap ka pang lumunok. Kakaiba itong ganitong pakiramdam. Ngayon ko lang ito naranasan at sa kaniya pa. Ngumiti siya. “Oo, magkaibigan lang kami.” Nang tumalikod siya para maunang maglakad ay napangiti ako. Pero agad din iyong naglaho nang muli siyang bumaling sa akin. “Tara na! Ikaw ang mauna para masundan kita.” Tahimik lang kaming naglalakad sa mga hallways. Sabay kaming napapalingon sa mga taong nadadaanan namin na nakasuot ng magagandang casual dresses. Ang mga lalaki naman ay bihis na bihis at may bitbit pang mga bulaklak. Sigurado akong ibibigay nila iyon sa babaeng matitipuhan nilang isayaw sa event. “Hindi ka rin ba pumupunta sa event na ganito?” lakas-loob kong tanong kay Chandra. Marahan siyang umiling. “Hindi naman ako mahilig na pumunta sa mga ganitong event. Mabilis akong ma-bore.” “Ganoon ba? Ako rin, hindi ako mahilig. Huling taon ko nang sasali sa ganitong event, ito na rin ang huling taon ko na pupunta rito sa Addison, pero hindi pa rin ako sumali. Hindi ko lang talaga gusto. Hindi kasi ako sanay sa lugar na mayroong maraming tao.” “Ako rin naman.” Nakakatuwa na kahit papaano ay mayroon kaming pagkakapareho. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na ang maliit na kubo kung saan ako laging namamasyal. Hindi naman ito gaanong tago. Napapalibutan ito ng mga halaman. At ang nagsisilbing ilaw ng lugar ay ang mga kumukutikutitap na Christmas lights. Hindi gaanong madilim pero hindi rin gaanong maliwanag. “Dito ka ba laging pumupunta sa tuwing may event sa field?” Tumango ako. Kung mas malamig sa field area, mas malamig dito. Mula sa kinatatayuan naming dalawa, kitang-kita ang liwanag sa field at mga taong naglalakad papasok sa loob nito. Ilang sandali lang ay bumukas na ang ilaw. Naghiyawan ang nakararami lalo na noong magsimula ang tugtugan. Nang bumaling ako kay Chandra ay nahuli ko siyang nakangiti habang nakamasid sa mga tao. Nakamasid lang siya sa mga magkapares na sumasayaw sa saliw ng mabagal na kanta. Sa pagkakataong ito, naisip ko siyang tanungin. “Naranasan mo na bang isayaw ng isang lalaki?” Napalingon siya sa akin dahil sa tanong ko. I can see the amazement in her eyes. “Bakit yayayain mo akong sumayaw? Ayokong pumunta roon. Isa pa, we’re not properly dressed.” “But we can dance here. Dinig naman dito yung kanta. Ayaw mo ba?” Tumahimik siya at tila pinag-iisipan ang sinabi ko. Well, kahit ano namang desisyon niya ay tatanggapin ko. Pero umaasa pa rin akong papayag siya. “Alright, let’s dance.” I was surprised by her answer. I didn’t expect that. “Ano, tatayo ka nalang ba riyan? Malapit nang matapos ang kanta,” natatawang sambit niya. Ngumiti ako at inilahad sa harapan niya ang kamay ko. Nang hawakan niya ang aking mga kamay ay agad ko iyong dinala sa aking balikat. Kusang nag-lock ang kaniyang kamay sa batok ko. Habang ang aking palad ay nasa kaniyang beywang. Hindi ako makatingin sa kaniya noong una. I had to gather lots of strength before I was able to do that. “Are you intimidated by my aura?” “You look intimidating,” I answered truthfully. “You’re cute.” She’s smiling while her eyes twinkles. Hindi ko alam kung dahil lang iyon sa liwanag ng mga maliliit na ilaw. Ang ganda niya. Ang ganda-ganda niya. Unti-unting bumaba ang tingin ko sa kaniyang ilong hanggang sa dumako ang aking mga mata sa kaniyang labi. I noticed her doing the same thing. I want to kiss her. But I know I shouldn’t kaya naman ibinalik ko ang aking tingin sa kaniyang mga mata. Pero nagulat ako nang bigla siyang tumingkayad at mabilis na inilapit ang kaniyang mukha sa akin para mahalikan ako sa labi. Naramdaman ko ang pagdidikit ng aming mga labi. Pero segundo lang ang tinagal noon. Agad din siyang lumayo. “Sorry,” halos pabulong niyang saad. “No, it’s—” “Sorry talaga!” aniya saka mabilis na tumalikod para tumakbo. Nakatanaw lang ako sa kaniya hanggang sa tuluyan siyang malawa sa paningin ko. Hindi ko napigilan ang aking sarili na bumuntong-hininga. Hindi man lang niya pinakinggan ang sasabihin ko. Ayos lang naman sa akin iyong ginawa niya eh. Marahan kong dinama ang labi ko gamit ang aking daliri. It was a short kiss. Pero damang-dama iyon ng katawan ko. I never thought my first kiss would turn out like that. Sana lang, maging maayos pa rin ang pakikitungo niya sa akin bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD