CHAPTER 18: THE REAL KISS

2205 Words
CHANDRA RICAFORT  What the hell is wrong with me? That’s the first question that I’ve asked myself the moment I looked myself in the mirror. Anong problema ko? Bakit ako nagiging ganito? At bakit ganoon ang epekto sa akin ni Andrei? I must be stupid. Tanga ako. Sobrang tanga. “Okay ka lang?” Nagulat ako nang biglang sumulpot sa aking likuran si Eren. Halos magsalubong ang kilay ko nang lumingon ako sa kaniya. Pinasadahan niya nang tingin ang aking suot na damit. “Saan ka galing? Umalis ka ng mansion?” Marahan akong tumango. “Oo, pumunta lang ako sandali sa camp. Nag-ikot-ikot lang. Unti-unting naningkit ang kaniyang mga mata. “Pumunta ka ba sa Holt River?” medyo pagalit niyang tanong. Mabilis akong umiling. “Hindi. Hindi ako pumunta roon. Sumaglit lang ako sa camp dahil bored na ako rito sa mansion. Wala akong magawa. Walang pagsasanay. Ang tagal naman kasi umuwi ni Kuya Alas.” Umayos ako sa pagkakatayo at humarap sa kaniya nang maayos. Kailangan kong ipakita sa kaniya na nagsasabi ako ng totoo. “Kung hindi ka pumunta ng Holt River, edi si Andrei ang pinuntahan mo?” Kumunot ang noo ko para magpanggap na hindi ko alam ang kaniyang sinasabi. Paano naman siya napunta sa ganoong conclusion? “Bakit ko naman pupuntahan si Andrei?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang naiisip ni Eren. Alam kong sa lahat ng malalapit sa akin, siya talaga yung bihirang maniwala sa mga sasabihin ko. “Aminin mo, Chandra. May gusto ka ba kay Andrei?” Imbes na sumagot ay tumalikod nalang ako. Kapag sinabi kong oo, malalaman niya. Kapag sinabi kong hindi, iisipin niyang nagsisinungaling ako. At saka kung ano man ang nararamdaman ko para kay Andrei, sa akin nalang iyon. Ako rin naman kasi ang mamo-mroblema sa bandang huli. “Alam mo namang bawal kang magmahal ng isang tao, hindi ba?” Nasa kalagitnaan na ako ng mataas na hagdan pero napahinto ako nang marinig iyon sa kaniya. Noong pumunta kami sa Rivia, narinig ko ring sinabi iyon ni Kiara. Ngayon, narinig ko na naman ito ulit pero kay Eren naman. Bumuntong-hininga ako bago humarap kay Eren. “Alam ko, Eren. Sa lahat ng bampira mong pagsabihan niyan, ako ang nakakaalam tungkol sa kapalaran ko. Alam kong bawal akong umibig mapa-tao man o bampira." Sabi ng mga magulang ko sa akin noon, espesyal daw ako. Kahit mga bampirang matatanda ay yumuyukod sa akin kapag nakikita ako ng mga iyon. Akala ko noon, masaya ang maging isang reaper. Akala ko noon, masaya ang maging isang espesyal. Pero habang lumalaki ako, doon ko napagtanto na nagkamali ako. Dahil hindi lang naman kapangyarihan ang nagpapaikot ng mundo. Hindi ko maintindihan noon kung bakit kapag umiiyak ako, nagagalit ang mga magulang ko. Kapag magkakaroon ako ng alaga na kahit anong hayop ay pinapatay nila ito. Nahirapan akong maintindihan ang mga nangyayari sa paligid ko. Pero nang ipaliwanag sa akin ni Kuya Alas ang dahilan niyon, saka ko lang naintindihan. Sa buhay na mayroon ako ngayon, wala akong karapatang maging masaya. At higit sa lahat, wala akong karapatang magmahal. Iyon ang mga kailangan kong sundin bilang reaper. Kaya hindi ko maiwasang mainggit sa mga kapatid ko, kay Kiara, at Eren. Mayroon silang pagkakataong mamili ng buhay na gustuhin nila. Pero ako, wala. Pagpasok ko sa loob ng aking kuwarto ay dumiretso ako sa banyo. Binuksan ko agad ang gripo at naghilamos doon. Pagkatapos ay tumitig ako sa salamin. Bigla kong naalala ang katangahan ko kanina. Malinaw sa alaala ko ang ginawa kong paghalik kay Andrei. Hindi iyon kasali sa plano ko. Gusto ko lang siyang makasama kanina pero hindi ko akalaing aabot sa ganoon. Kinabahan ako nang maalalang posibleng mabasa ni Eren ang nasa isip niya. Ngayon ay namomroblema ako kung paano ito lulusutan. Mabilis kong kinuha ang aking telepono at tinawagan si Kiara. Kailangan kong malaman kung nasaan si Leonel. Siya lang ang pag-asa ko. Hindi pa man ako nagtatagal sa kuwarto, muli akong pumuslit palabas ng mansiyon nang hindi nalalaman ni Eren. Hindi na ako sumakay ng sasakyan. I traveled alone as fast as I could. Ang sabi ni Kiara ay nasa bahay raw nito sa Addison si Leonel. Ang kaso, pagdating ko roon, ang sabi ng helper nila ay nasa Oslo ito. Bagsak ang aking mga balikat at walang ganang nagtungo na lamang sa malapit na kabundukan para doon ko mailabas ang sama ng loob ko. Doon lang sa lugar na iyon walang makakarinig sa akin kahit ilang beses akong sumigaw. Paano na? Paano na kapag nalaman ni Eren ang totoo? Magagalit ba siya sa akin? Sa pagkakataong ito, dapat ay inihahanda ko na ang sarili ko sa pagkadismaya niya. Kahit naman ilihim ko ito, darating din sa puntong malalaman at malalaman niya. Halos madaling araw na nang magdesisyon akong umuwi sa mansion. Alam na kaya ni Eren na wala ako roon? Kilala ko siya, alam kong kapag nalaman niyang nakatakas ako, hahanapin niya ako. Too bad. he did not know this place. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad pabalik sa mansiyon nang mapalingon ako sa malaking gate ng Leicester camp. Naalala kong iniwan ko lang nang walang pasabi si Andrei. Galit kaya siya sa akin? Ano kayang sasabihin niya sa akin bukas ng umaga ‘pag nagkita kami? Surely, he got disappointed. Tapos dagdagan pa ni Eren kapag nalaman niya ang nangyari. Nasapo ko ang aking ulo nang maramdamang sumasakit iyon. Instead of going home, naisipan kong magtungo muna sa camp. Sigurado akong wala na rin namang mga tao roon kaya puwede akong maglakad sa malawak na school grounds kahit kailan ko gustuhin. Sa Menos grande building ako unang tumingin. May iilang ilaw pa ang bukas doon. Ibig sabihin, hindi pa tulog ang lahat. Sunod kong nilingon ang lugar kung saan ko hinalikan si Andrei. Muling bumalik sa isipan ko ang nangyari. It was a short kiss but it brought a certain kind of feelings in every part of me. Para akong nakuryente. Dahil malinaw ang mga mata ko kahit gabi, naglakad-lakad pa ako sa paligid. Pinipigilan kong lumingon sa daan patungo sa Vacant Building dahil baka kung anong maisipan ko. “Chandra?” Gulat na napalingon ako agad nang marinig ang boses ni Andrei sa likuran ko. Kailan pa siya nasa likuran ko? Bakit siya nandito? Paano? Napansin kong mayroon siyang hawak na phone na ginagamit niyang pang-flash light. “Bakit ka nandito? Gabi na ah.” Hindi ba dapat, siya ang tinatanong ko tungkol sa bagay na iyon? Siya? Bakit siya nandito? “Ah kasi—” “Hindi naman ako galit, Chandra,” pagputol niya sa sasabihin ko. Napatitig ako sa kaniya nang marinig ang kaniyang sinabi. Humakbang siya palapit sa akin at marahan inabot ang kamay ko. Pinatay rin niya ang flashlight ng kaniyang phone at hinayaang liwanag ng nangangalahating buwan ang magbigay sa amin ng liwanag. “Sa totoo lang, masaya ako na hinalikan mo ako kanina. Kasi aaminin ko, nagkakagusto na ako sa’yo. Marami akong tanong sa isipan ko. Naguguluhan ako. Matagal na kitang nakikita noon pero hindi naman kita nagustuhan, pero ngayon…” Huminto siya sa pagsasalita para huminga nang malalim. “Pero ngayon… hindi ko na alam. Malaki ang pagkakaiba nating dalawa, alam ko iyon, pero hindi ko kayang itanggi na wala lang ito. Huling beses na akong pupunta rito, hindi na kailanman ako makakabalik sa Addison dahil nasa Ezra ang buhay ko. Kaya gusto ko nang sabihin sa’yo itong nararamdaman ko habang maaga pa. Ayokong pagsisihan ko ito, Chandra.” Pakiramdam ko ay natunaw ang puso ko sa kaniyang sinabi. Tama siya, malaki ang pagkakaiba naming dalawa. Tao siya, bampira ako. Hindi naman dapat nangyayari ito sa amin pero mahirap palang pigilin ang nararamdaman. Ang weird na isipin na ang isang gaya ko na hindi pa naman nakakaranas umibig ay nakakaramdam ng ganito sa isang tao. Hinawakan niya ang aking pisngi at dinama iyon. “Gusto kita. Gustong-gusto kita.” Sinalubong ko ang kaniyang mga tingin. Magkalapit na rin ang aming mukha kaya damang-dama ko ang init ng kaniyang hininga sa aking pisngi. “Noong umalis ka kanina, bumalik ako sa aking silid para subukang matulog. Naisip kong baka hindi mo lang sinasadya ang nangyari. Sinubukan kong alisin iyon sa sistema ko pero hindi ko magawa. Kaya bumangon ako. Kahit madilim ang paligid, kahit nakakatakot, kahit na ako lang mag-isa, lumabas ako at sinubukang hanapin ka. Umaasa akong makikita kita. Naisip kong baka nasa paligid ka lang. At hindi nga ako nagkamali.” Napalunok ako nang sunod-sunod. “Bakit ganito?” pabulong na tanong ko sa kaniya. “Bakit ganito ang nararamdaman ko para sa’yo?” Hindi naman ako ganito dati. Para akong ibang tao ngayon. “Gusto mo rin ba ako?” tanong niya. Mataman ko siyang tiningnan sa kaniyang mga mata. Dahil matangkad siya, kinailangan ko pang tumingkayad para maabot ang kaniyang labi. I lightly pressed my lips on his. Pagkatapos ay lumayo ako para tingnan ang kaniyang reaksiyon. “Does that answer your question?” Ngumiti siya sa akin at tumango. Marahang dumako ang kaniyang kamay sa aking beywang at hinila niya ako palapit sa kaniya. Yumuko siya at iniangat ang mukha ko bago sinakop ng kaniyang labi ang mga labi ko. All he’s giving me are soft and light kisses. I can’t help but to respond. Ang aking dalawang kamay ay inilagay ko sa kaniyang batok para mayroon akong makapitan. After the kisses we shared, we both looked at each other. “Sana huwag dumating ang pagkakataon na sasabihin mo sa akin na pinagsisisihan mo ang nangyari sa atin ngayong gabi.” Tipid akong ngumiti. “Hindi naman siguro.” Dahil madaling araw na, sinabi niya sa akin na mas mabuti kung magtungo na kami sa kaniyang silid sa Menos Grande. Nilalamig na rin daw kasi siya. Kahit na gustuhin ko mang tumanggi, hindi ko na ginawa dahil ayokong isipin niya na mayroong mali sa nangyari sa aming dalawa. Ingat na ingat pa kami dahil baka mahagip kami ng CCTV malapit sa hallway. Mahigpit pa naman ang rule na bawal magsama sa isang kuwarto ang babae at lalaki. Nang makapasok na kami sa kaniyang kuwarto, nakita ko agad ang malinis at maayos niyang mga gamit. Maayos din ang kama. Walang kalat sa sahig. “Dito ka na matulog sa kama. Ako nalang sa sahig. Maglalatag nalang ako na makapal na comforter para hindi malamigan ang likod ko,” aniya. Umiling naman ako agad. “Naku, hindi na. Ako ang makikitulog dito kaya dapat ako na ang sa sahig.” Halos ilang minuto rin kaming hindi nagkasundo. Dahil pareho naming ayaw na matulog ang isa’t isa sa sahig, ang ending ay sa kama na kaming dalawa humiga. Nilagyan niya nalang ng harang na mga unan para magkaroon kami ng sarili naming espasyo. “Okay ka lang?” tanong niya. Tumango naman ako. “Hindi ka pa ba inaantok?” Lumingon ako sa kaniya at umiling. Gusto kong sabihin na hindi naman talaga kami inaantok at hindi rin kami natutulog. “You feel cold. Normal ba sa iyo na malamig talaga ang katawan mo?” So, he felt it. Akala ko ay hindi niya na iyon mararamdaman. Natural sa aming mga bampira na malamig ang aming katawan. Iyon ang kaibahan namin sa mga tao. “Malamig lang talaga ang panahon dito sa Addison. Sometimes, it snows here. Kaso hindi mo iyon maaabutan dahil ilang linggo lang naman kayong mananatili rito.” “I want to be here when it snows. I want to be with you.” Naramdaman ko ang pagbilis na ng t***k ng puso ko. “Can you please don’t be like that? Nadadala ako sa sitwasyon kapag naglalambing ka eh.” Tumawa siya nang mahina. “Why? What do you feel right now?” Mula sa kaniyang mata ay bumaba ang aking tingin sa kaniyang labi. “I want to kiss you,” matapang na sagot ko. I saw him bit his lower lip and then shakes his head. “Don’t. Baka kung saan pa tayo mapunta.” I pouted. “Promise, it’s just a kiss. Halik lang.” Pinaningkitan niya ako ng mata. Tumawa siya at umiling nang ilang beses. “No. The only thing that I can give you right now is a hug. Come here, let me hug you.” Wala naman akong nagawa. Ang lakas din niya kasing mag-control ng sarili. Kapag sinabi niyang yakap lang, yakap lang talaga ang ibinigay niya sa akin. I wish this won’t end fast. But I know everything has its end. Nang maramdaman kong tulog na siya. Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Maging ang paglalakad ko palabas ng kuwarto niya ay ingat na ingat din akong gumawa ng ingay. Pagkalabas ko ng kuwarto ay agad akong napahinto nang makitang mayroong nakatayo na lalaki sa bandang gilid ko. Hindi na ako nagulat nang makita ito. “Hinahanap mo raw ako,” saad ni Leo. Tumango naman ako. “May kailangan ka sa akin?” Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa bulsa ng suot kong trench coat. “Oo, maaari ba kitang mapagkatiwalaan sa bagay na ito?” He gave me a small smile and nodded. “Of course, I got you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD