CHANDRA RICAFORT
Pagpasok namin sa loob ng cabin, nagsimula na kaming mag-asikaso ng mga gamit sa kaniya-kaniya naming kuwarto. Bawat silid ay mayroong lagayan ng damit. Ang ibang naroon ay damit ni Kiara. Sinabi niya sa akin na puwede kong gamitin ang mga iyon. Ganoon din ang damit ng dati niyang nobyo. Pumayag siyang ipagamit ang mga iyon kay Andrei.
“Sigurado ba si Kiara na ayos lang sa kaniya na gamitin ko ang mga damit ng dati niyang nobyo?”
Bumaling ako kay Andrei na kasalukuyang nakadungaw sa kuwarto ko. Nasa labas siya at tanging ulo lang niya ang nakasilip sa pinto.
“Pasok ka,” saad ko habang inaayos ang mga gamit sa dating kuwarto ni Kiara.
Pumasok naman siya at umupo sa dulong bahagi ng kama.
“Pumayag naman siya kaya okay lang iyon. Isa pa, wala na rin namang gagamit niyan dahil matagal nang wala Elliot.”
“Elliot?”
Tumango ako.
“Elliot ang pangalan ng kaniyang dating boyfriend. Nakilala ko rin iyon noon dahil ipinakilala niya ang lalaki sa akin. Guwapo, mabait, at higit sa lahat, masayahin. Kaya gustong-gusto iyon ni Kiara dahil malakas ang humor niyon eh.”
Sandali siyang tumahimik.
“Puwede ko bang malaman kung bakit siya nawala?” alanganin niyang tanong. Kita ko ang kaniyang pag-aalangan pero mas nanaig ang kursiyusidad sa kaniyang sistema.
“Namatay siya dahil sa mga rouges.”
His forehead creased.
“Rouges?”
Once again, I nodded.
“Rouges. Katulad din namin sila. Bampira rin sila. Ibang uri nga lang.”
“May ibang uri ng mga bampira? Ibig sabihin, hindi lang kayo? Paano nangyari iyon?”
Matagal akong tumitig sa kaniya. Dati, pinag-iisipan kong mabuti kung paano sasabihin ang mga bagay na ito sa kaniya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano sisimulan.
“It was complicated, Andrei. Mahirap ikuwento. Masyadong mahaba.”
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
“Then start in the beginning of it. Tell me the story so I know what kind of creatures I am dealing with. Para hindi ako nanghuhula. Handa naman akong makinig, Chandra. Kahit abutin pa tayo ng magdamag. Kahit hanggang kinabukasan.”
Nakagat ko ang aking ibabang labi bago muling tumingin sa kaniya. Mahirap para sa akin na magkuwento sa isang tao ng tungkol sa aming lahi. But I do believe in Andrie that he’ll keep it. So, I told him everything I know about us. The gifts that each of us have and my importance to our race. That I am the sole reaper of our kind.
“Ang ibig mong sabihin, kaya mo ako nagustuhan ay dahil sa dugo ko?”
I even told him about it. Mas maganda na rin siguro ito para alam niya kung saan at paano nagsimula ang pagkakaroon ko ng interes sa kaniya.
“Your blood is like a perfume to us. Kaya noong unang beses kitang nakita, ang sabi ko sa sarili ko, balang-araw, gagawa ako ng paraan para makalapit sa’yo. Kakaibiganin kita at makikipagkasundo ako sa’yo.”
Napangiti siya sa sinabi ko.
“And why would you do that?”
“Gaya nga nang sinabi ko, your blood is important. Intresado ang mga rouges sa ganiyang dugo kagaya ng sa iyo. Kapag naamoy nila ang dugo mo, lalapit sila sa iyo, at iyon na mismo ang pagkakataon ko para mahuli sila. Your blood is a big help so I could destroy and kill them all.”
“I didn’t know things like these do exist in real life. Ang akala ko noon, sa libro at mga pelikula lang ito nangyayari.”
“Trust me, mas marami ka pang malalaman lalo na kapag matagal mo pa akong nakasama.”
He nodded. Umusod siya palapit sa akin at kinantilan ako ng halik sa noo.
“We’ll stay together. Hangga’t kailangan mo ako, mananatili ako sa tabi mo.”
Pagkatapos naming magligpit ng mga gamit, pumunta ako sa kusina para ayusin ang supply ng mga pagkain na pinamili namin. Mayroong maliit na fridge sa bandang gilid. Doon ko nilagay ang ibang pagkain na kailangan pang lutuin kagaya ng gulay, karne, at isda. Habang nagsasalansan ako niyon ay mayroon akong napansin na dalawang bote na may lamang kulay pulang likido. Kinuha ko iyon at binuksan para amuyin ang laman nito. Mabilis kong inilayo ito sa ilong ko nang malamang dugo iyon.
Nang ikutin ko ang bote, may nakasulat na note roon.
Drink once in a while.
For you to remain strong.
You need it.
From: Eren
Inilagay ko ang bote sa pinakadulong bahagi ng fridge at tinabunan ng mga de latang pagkain. Pagbalik ko ng kuwarto ay naligo na ako. Ang sabi ni Andrei siya na ang magluluto. Natuwa ako dahil siya ang nagpresinta. Hindi kasi ako magaling magluto. Baka mapurnada pa ang pagkain kapag ako ang nag-asikaso.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na ako ng silid at nagtungo sa lamesa kung saan naroon na ang mga nakahandang pagkain.
“Hindi ko maiwasang magtaka, paanong nakakakain ka ng pagkain ng mga mortal kung isa kang bampira.” Siya na ang bumasag sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Tahimik lang kami noong nagsimula kaming kumain.
“Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Ang sabi ng mga magulang ko, kakayahan ko rin daw iyon na hindi kayang gawin ng iba pang bampira. Malaking tulong din sa akin ang kakayahan ito dahil madali akong nakakasabay sa gawain ng mga tao.”
Inilapag niya ang hawak na tinidor sa kaniyang pinggan saka niya itinuon ang kaniyang buong atensiyon sa akin.
“Eh yung tungkol naman sa sikat ng araw, hindi ba kayo nasusunog kapag tinamaan kayo ng araw sa balat?”
Mahina akong natawa saka umiling.
“That’s an urban legend, Andrei. Hindi kami nasusunog sa araw. Ang nangyayari lang sa amin once na mataman ng araw ang aming balat, namumula kami. It’s like we’re getting a sunburn pero hindi kami nasusunog. Madali lang gamutin iyon.”
“Mahirap bang maging isang katulad niyo?”
I shrugged.
“What do you think?” I fired back the question. Hindi naman siya nakasagot.
Pagkatapos naming kumain, pinagtulungan na naming dalawa ang pagliligpit. Nang matapos na, kaniya-kaniya na kaming pumasok sa aming kuwarto.
Humiga ako agad sa kama at tumitig sa kisame ng cabin. Habang nakatingin doon, hindi ko maiwasang isipin ang lahat ng nangyari sa amin ni Andrei. I can’t help but to think of him kahit magkasama naman kami palagi.
Halos dalawang oras akong nakatitig lang sa kisame. Matagal din ako bago nagdesisyon na bumangon at lumabas ng kuwarto para pumunta kay Andrei.
Kumatok ako nang marahan sa pinto.
“Andrei, gising ka pa ba?”
Ilang sandali lang ay nakita ko ang pagpihit ng seradura ng pinto at bumukas ito. Andrei was standing there, smiling to me.
“I can’t sleep,” he said.
“Okay lang ba sa’yo kung dito muna ako?”
Niluwangan niya agad ang pagkakabukas ng pinto. Hinintay niya akong makapasok sa loob bago niya sinara ang pinto. Humiga siya agad sa kama. Tinapik niya ang malaking space sa kaniyang tabi. Humiga na rin ako roon. Nakaunan ako sa kaniyang braso.
Tumagilid siya nang higa para mapaharap siya sa akin.
“What’s bothering you?” tanong niya habang hinahaplos ang aking buhok.
“A lot of things.”
Tahimik siya habang patuloy na sinusuklay ang aking buhok gamit ang kaniyang daliri.
“I’m sorry,” mayamaya ay sabi niya.
Diretso ko siyang tiningnan sa kaniyang mga mata.
“Bakit ka nags-sorry? Dapat ako. Kasi ako ang may kasalanan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ka. I’m sorry, Andrei.”
Umiling siya.
“There’s nothing to say sorry for. I know you can’t sleep. But please stay by my side while I sleep tonight.”
I smiled at him and nodded.
All throughout the night, wala akong ibang ginawa kundi pagmasdan ang kaniyang mukha. He really has the most wonderful face. He looks so calm when he’s sleeping.
I tried closing my eyes thinking that I might be able to sleep, pero hindi ko magawa. Nakapikit lang ako pero gising na gising ang diwa ko. Sometimes it’s frustrating to be someone you don’t want to be in the first place. If I were to be given a chance to choose what I’d going to be in my next life, I’d definitely wanted to be a human.