CHANDRA RICAFORT
“You’ve got to be kidding me, Sky. Hindi tayo puwedeng pumunta sa Oslo. We can’t hide in my house.”
Sky shrugged.
“Eh iyon ang naisip kong lugar eh. May iba pa bang puwedeng puntahan? We’ve never gotten to Oslo even before. What if doon nalang tayo ngayon? Para naman may ambag ka, hindi ba, Kiara?”
Kiara nodded as her response to Sky.
We’re still here in the Arkwood. Kanina pa nila pinagtatalunan kung saan kami pupunta. Will it be Oslo or Wesley? Ang problema, itong dalawa, hindi pa rin sila nagkakasundo. Halatang ayaw nila pareho na sa kani-kanilang lugar kami tumuloy. Sa pagdedesisyon palang, ubos na ang oras namin. Kung mananatili kami rito, siguradong maaabutan nila kami.
I sighed heavily.
“Alam niyo, kung ayaw niyo kaming tanggapin sa Oslo at Wesley, ayos lang. Naiintindihan ko naman na ayaw niyo ring madamay sa gulong ginawa ko. Kaya mas mabuti pang dito palang ay maghiwa-hiwalay na tayo. Sky, Hayden, just go back to your places and act like you didn’t know what happened. Isa pa, hindi rin matutuwa ang mga magulang niyo kapag nalaman ang tungkol dito.”
The two of them gave me a concerned look. Halata sa kanilang mga hitsura na nagdadalawang-isip sila.
“We can’t leave you. Para saan pa ang pagkakaibigan natin kung iiwan ka namin sa ere?”
I smiled a little. Iyon na nga, mga kaibigan ko sila, pero hindi porket kaibigan ko sila ay idadamay ko sila sa problemang ito.
“That’s fine. We’ll be fine. Sa tingin ko ay magiging maayos kami ni Andrei. Nandito rin naman sina Eren at Kiara. I’m sure I can make up a good story so that the four of you will not be blamed. We’ll find a way.”
Walang nagawa sina Sky at Hayden kundi sumunod nalang sa naisip kong plano. Instead of going to Wesley, we’ve decided to reroute and travel to Rivia. After a short deliberation a while ago, Kiara offered for us to stay in Rivia.
We walked towards the train station from Addison to Rivia. Kami lang ni Andrei ang sumakay ng train. Sina Eren at Kiara ay kotse ang sinakyan. Mainam na bumiyahe kami nang magkahiwalay nang sa gayon ay walang makakita sa amin na magkakasama kami. Para kung magkahulihan, madali kong maitatanggi na kasabwat namin sila sa pagtakas.
Pagpasok namin sa train, iilan lang ang pasaherong sakay niyon. Puro mga tao at lahat ay mukhang may business na pupuntahan sa Rivia. Pinagpala rin ang Rivia sa mga negosyo. Kaya isa ito sa maituturing na maunlad na bayan. May mga turista ring nagtutungo roon paminsan-minsan para bumisita sa malalawak na taniman at mga kagubatan.
Ang train na sinakyan namin ay hindi ganoon kabilis ang takbo. Kung susumahin ang oras ng magiging biyahe namin ay sigurado akong aabot ito sa halos anim hanggang pitong oras.
Nang marinig ko ang pagbuntong-hininga ni Andrei ay saka lang ako bumaling sa kaniya.
“Okay ka lang ba?”
Lumingon siya sa akin at marahang tumango. Kanina pa siya tahimik. Sa totoo lang, alam ko na marami siyang gustong itanong at sabihin sa kaniya. Ang kaso, wala akong panahon kanina. Masyadong pre-occupied ng mga bagay-bagay ang isip ko.
Kanina pa siya nakayakap sa kaniyang sarili. Kahit na halos doble-doble na ang jacket na suot niya, nilalamig pa rin siya. I know I won’t be able to help if he’s freezing but I want him to feel that I’ll be right here beside him. Marahan kong ikinawit ang aking braso sa kaniya at humilig ako sa kaniyang balikat.
“I’m here. I’m just here.”
Hinawakan niya ang kamay ko at marahang tumango.
“I know. I know that you won’t leave me.”
I closed my eyes even though I know that I won’t be able to sleep. In the whole travel time, I tried to remove all the negative thoughts in my head.
The moment we arrived at the train station in Rivia, I immediately scan the outside bago kami sumakay ng taxi patungo sa mansion nina Kiara. Ngunit naging mailap sa amin ang sasakyan. Ilang oras na kaming nakaabang sa daan pero wala pa ring dumadaan. Ang ibang pasahero naman ay mayroong mga kaniya-kaniyang sundo.
“Ganito ba talaga rito? Madalang ang sasakyan? Umaga na, dapat ay mayroon nang bumabiyaheng sasakyan,” ani Andrei.
Inilibot ko ang aking paningin. Tumingin din ako sa oras sa suot kong wristwatch. Alas siete na ng umaga. Bakit walang katao-tao ang train station. Parang may hindi tama. Hindi normal ang paligid.
“Hindi ko alam.”
Matagal na akong hindi nakakapunta rito. Ang huling beses na sumakay ako ng train ay matagal na panahon na. Noong nagtungo naman kami ni Eren dito, kotse ang sinakyan namin.
Hanggang sa maubos ang tao sa station, hanggang sa kami nalang ang naiwan, wala pa ring mga sasakyan na dumadaan. I am starting to panic. Hindi ko lang pinahahalata kay Andrei. Mayamaya ay isang sasakyan ang huminto sa aming harapan.
I maintained my posture. Nang ibinaba nito ang bintana ng sasakyan, nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang si Kiara ang nagmamaneho ng sasakyan. Si Eren naman ay nakaupo sa shotgun seat.
“Sumakay na kayo.”
Nagmadali kami ni Andrei na sumakay sa backseat. Pinasibad niya rin agad ang sasakyan. May kalakihan ang bayan ng Rivia. Malaking parte nito ang kapatagan ngunit hindi rin maitatanggi na malaki rin ang bahagdan ng kagubatan at kabundukan.
Habang nasa biyahe ay natatanaw ko ang matataas na puno sa mga kabundukan ng Rivia.
“Dadaan muna tayo sa restaurant para makakain kayong dalawa. Hale is a far place. Kailangan niyong kumain muna para hindi kayo magutom sa biyahe.”
I lightly nodded.
“Hale? Saan iyon?” Andrei asked.
Bumaling ako sa kaniya para sumagot.
“Hale is a secluded place here in Rivia. Pag-aari ng pamilya ni Kiara ang lugar na iyon. Walang sinuman ang maaaring pumasok sa lugar na iyon nang walang pahintulot ng miyembro ng kanilang pamilya.”
“A private property you mean?”
“Yes.”
“The two of you will be safe there. For the meantime, stay there. Hangga’t hindi pa sigurado ang kaligtasan ni Andrei, doon lang kayong dalawa. I have a cabin on the Hale Forest. It’s big enough for the two of you. Tungkol naman sa pagkain, kailangan muna nating dumaan ng grocery store, para kahit paano ay mayroon kayong stock doon, dahil sa susunod na linggo pa kami muling makakabalik ni Eren.”
We ate our first meal of the day in a restaurant. Pagkatapos ay dumaan kami sa isang grocery store at bumili na nang maraming stock ng pagkain.
“Make sure to pay me once you already have money,” bulong sa akin ni Kiara bago kami makarating sa counter.
“I have money. But the thing is, I forgot my cards on my wallet. Can you get it for me?”
Ngumisi siya.
“Of course. Ako pa ba.”
“You’ve got nothing to worry about, Chandra. Ako na ang magbabayad kay Kiara,” saad ni Eren na mukhang kanina pa nakikinig sa pinag-uusapan namin ni Kiara.
Kiara smirked at him.
“Bakit kaya hindi nalang kiss ang bayad mo sa ginawa ko?” pang-aasar niya kay Eren.
Eren just shook his head.
“Stop it, Kiara. It’s not funny,” saway sa kaniya ni Eren. Tinawanan ko lang silang dalawa dahil sa asaran nila.
Si Andrei naman, nasa tabi ko. Seryoso ang ekspresiyon ng kaniyang mukha. I wonder what he was thinking at the moment.
Totoo ngang matagal ang biyahe patungong Hale. Maliwanag pa noong bumabiyahe kami, pero gabi na noong dumating kami. Kiara showed us her cabin in the woods. Malaki nga iyon. May dalawang kuwarto, may maayos na lutuan. Ginamit niya lang ang lutuang iyon noong buhay pa ang kaniyang dating nobyo. Sa itaas ng bubong ng cabin ay may nakakabit na solar panels na siyang nagsu-supply ng elektrisidad sa cabin tuwing sasapit ang gabi. Dalawa lang ang electric bulb na nakakabit sa itaas. Bawat kuwarto ay mayroong electric heater. Mayroon pang mga appliances na ginagamitan din ng solar energy para gumana. Pero ang pinaka-kailangan namin ay heater. Dahil kung malamig sa Adisson, mas malamig dito sa Rivia. Para sa akin, ayos naman ang lugar. Napansin ko lang na talagang hindi na ito gaanong naalagaan. Matagal na rin talaga magmula noong huling nagtungo rito si Kiara.
“Mukhang matagal na nabakante ito ah.”
Tumango naman siya.
“Matagal na nga. Halos sampung taon din. Pero huwag kang mag-alala, linggo-linggo ko pinalilinisan ang lugar na ito kaya lahat ng gamit ay hindi gaanong maalikabok.”
Hinawakan ko siya sa braso at marahang hinila palabas ng cabin.
“Maraming salamat sa tulong mo Kiara, hayaan mo, darating ang panahon na makakabawi rin ako sa’yo.”
Ngumiti siya sa akin.
“Hindi mo kailangang bayaran ang tulong ko sa iyo, matalik na magkaibigan tayo, Chandra, at handa akong gawin ang makakaya ko para matulungan ka.”
Yumakap ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay kahit paano gumaan ang pakiramdam ko sa simpleng yakap na iyon. Maging si Eren ay niyakap ko rin bago sila umalis ng Hale. Pareho naming pinagmasdan ni Andrei ang papaalis na sasakyan.
“We’ll be alright, right?”
I nodded as my respond.
“We’ll be alright.”