CHAPTER 33: ON THE RUN

1071 Words
ANDREI CASTRIEL  Too many things have happened. At hindi ganoon kadali na ma-absorb ang lahat ng mga nalaman ko. The woman I love is a vampire, and her friend too, Eren. And the man I’ve known since for years is a vampire too and also a friend of Chandra. Small world wasn’t it? Inaamin ko na nabibigla ako sa lahat ng mga nangyayari. Parang ang bilis ng mga pagbabago sa paligid ko. Noong pumunta ako rito sa Addison, ang purpose ko lang ay sumali sa Writer’s Cup. Iyon lang. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang pangyayari sa buhay ko. Bumaling ako sa isang helper na katabi ko. Kinakabahan ako dahil alam kong bampira rin ito. Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang katanungan na, paano kung bigla niya akong kagatin at sipsipin niya ang lahat ng dugo sa katawan ko? Makakasigaw ba ako? Chandra is busy talking with her friends, debating and negotiating on something. At sa tuwing mabibigyan ako ng pagkakataong mapag-isa, hindi ko maiwasang mapaisip. Pakiramdam ko ay nagiging pabigat ako sa kaniya. Ilang sandali lang ang lumipas ay lumabas na rin sila sa meeting room. Nakasunod sa kaniya ang apat niyang kaibigan. Ang helper na katabi ko ay tumayo na at marahang yumuko sa harapan ko bago nagpaalam. “Chandra…” Naputol agad ang sasabihin ko sana nang marinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng main door ng mansiyon. Nanatili ang atensiyon ko roon. Nang mapansin kong wala sa kanila ang gumagalaw sa kanilang kinatatayuan, ako na ang nagkusang maglakad palapit doon. Pero nagulat ako nang biglang hawak na ni Chandra ang braso ko. Her speed was mind-blowing. One second, she’s standing far from me, and then the next second, she’s holding my arms. “Don’t.” That’s the only word she said. Her eyes were fixated on the huge and wide door. Patuloy lang doon ang pagkatok. Mula sa mahina, naging palakas ito nang palakas. “The guards,” saad ni Eren. Nang marinig iyon ng iba sa kanila ay nakita ko ang pagbabago ng ekspresiyon ng mga ito. Kung kanina ay kabado lang sila, ngayon mas kita na sa kanilang mga mata ang labis na pagkabala. “Back door,” pabulong na turo ng isa pa nilang kaibigan na ang pangalan ay Hayden. Nauna ang mga ito patungo roon. Nagulat pa ako noong makita kung gaano kabibilis ang mga kilos nila. Hindi ako sanay na nakakakita ng ganoon. Mabuti nalang ay maayos na naipaliwanag sa akin ni Chandra ang tungkol sa bagay na ito, kundi siguradong nahimatay na ako kung bigla ko lang makikita ang kanilang kakayahan. “Come on,” ani Chandra at mabilis akong hinila patungo sa makipot na pinto na matatagpuan sa likuran ng kanilang mansiyon. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi likurang bahagi ng kanilang bahay ang nakikita ko kundi underground tunnel. “Dito tayo dadaan?” I asked. Sinubukan kong hindi ipakita sa kaniya na kinakabahan ako. That way, at least I am able to help her para hindi niya na ako alalahanin. But something crossed my mind. Kapag dumaan kami rito, kapag sumama ako sa kanila, ibig sabihin ay maiiwan ang kapatid ko sa Camp mag-isa. “What about Neil?” “Neil will be fine. Nandoon sina Halene at Leo para bantayan siya just in case something happened, hindi siya pababayaan ng girlfriend niya.” “Is Halene a vampire too?” kunot-noo kong tanong. She smirked. “Surprise! Mukhang nasa lahi niyong magkapatid ang nai-in love sa mga bampira.” I know she’s just teasing me. She doesn’t know that what she said calmed me. Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. “I can’t lose you, Andrei. If I need to protect you from the council, I’d do it. Whatever it takes.” What she said is heartwarming. I feel like I am an important person in her life. That I am worthy of her sacrifice. At ngayong nandito siya sa harapan ko, habang kasalukuyan niyang ipinapaliwanag kung ano ang dapat naming gawin, mas lalo ko lang siyang minamahal. Hindi na mahalaga kung hindi kami parehong tao. Ang importante sa akin ay yung katotohanan na pareho naming mahal ang isa’t isa. “Ano, diyan nalang kayo? Baka nakakalimutan niyo, may naghahanap sa atin. Kapag nalaman nila na wala tayo, sigurado ako, ipapaalam na nila ang tungkol sa pagtakas natin,” saad ni Hayden. Nagkatinginan kami ni Chandra at sabay na natawa. “Pasensiya ka na. Ganoon lang talaga siya, palaging mainit ang ulo.” Magkahawak ang aming mga kamay habang ang nakasunod kami sa apat niyang kaibigan. Pinangungunahan ni Kiara at Eren ang paglalakad. Madilim ang tunnel. Tanging flashlight lang na dala ni Kiara ang nagsisilbing liwanag ng lugar. Gusto ko sanang mangtanong kung saan patungo ang tunnel na ito pero pinili kong tumahimik at sumunod nalang ako. Malayo ang nilakad namin bago kami nakarating sa dulo nito kung saan mayroong hagdan na gawa sa bakal na kailangang naming akyatin para makarating sa itaas kung saan matatagpuan ang lagusan para makalabas ng tunnel. Pinauna ako ni Chandra na umakyat. Pagkarating ko sa labas, halos wala akong makita dahil sa sobrang dilim. Bukod sa madilim ang paligid, sobrang lamig din doon. “Nasa gubat tayo,” saad ni Eren. Bukas pa rin ang flashlight na hawak ni Kiara kaya kahit paano ay may liwanag sa kinaroroonan namin. Marahang hinubad ni Eren ang kaniyang suot na jacket at binigay iyon sa akin. Tatanggihan ko pa sana pero inabot niya iyon kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin iyon. Lumapit sa akin ang kaibigan nitong si Kiara. “Huwag kang mag-aalala, hindi naman kami nilalamig. Sanay na kami at cold-blooded kami, remember?” Ngumiti lang ako nang tipid bago isinuot ko ang jacket. Pagkalabas ni Chandra sa tunnel, lumapit siya agad sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Malamig ba? Pasensiya ka na, hindi ko nabanggit na malamig dito sa Arkwood. Dito tayo dadaan hanggang makarating sa main road.” Lumapit si Sky sa amin. “Teka nga, gusto ko lang itanong, saan ba talaga tayo pupunta?” Nilingon siya ni Chandra. “Saan pa ba? Edi sa inyo.” Bakas ang pagkagulat sa reaksiyon nito. “What? We’re going to Wesley?” Hayden shakes his head and gave Sky a confused look. “Bakit may iba ka pa bang lugar na naiisip puntahan?” Sky smirked. “Sa Oslo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD