CHANDRA RICAFORT
Kabado ako. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko habang naglalakad kami ni Andrei papasok ng mansiyon. He has been here for once. Noong pumunta sila ng Rivia ng kapatid niyang si Neil at kinailangan naming burahin ang kaniyang alaala.
“Are you sure you want to do this? Bago tayo tuluyang makapasok sa loob, I’m giving you the chance to back out,” saad ko habang nakahinto kami sa paglalakad sa malawak na pathway patungo sa main door ng mansiyon. Sa magkabilang gilid ng pathway ay nakahilera ang mga halaman. At ang magkabilang bahagi niyon ay garden na Mommy ko.
“Chandra, I’ve told you many times that I want to do this. Ngayon pa ba ako magba-back out? Ngayong nandito na tayo?”
Humugot ako ng malalim na hininga at tumango sa kaniya.
“Okay. Whatever happens inside, never react. Palagi kang dapat na nasa likod ko, naiintindihan mo ba?”
“Yes, Ma’am.”
We continued walking until we reached the main door. Bago ko pa man ito hawakan, kusa na itong bumukas. Hindi pa man kami nakakapasok, nakita ko agad sina Kiara, Eren, at Sky sa living room. Pero mayroong nakatayong lalaki na hindi ko inaasahang makikita ko rito ngayon. Ang reaksiyon ko sa pagkakataong ito ay mas malala sa reaksiyon ko nang makita si Sky noong nakaraang araw.
Nang humarap ito, nakita ko agad ang nakasalubong nitong kilay.
“Finally, someone’s back,” the guy said. Sumulyap siya sa aking likuran.
“With an excess baggage, a dangerous excess baggage that could be the reason for you to get killed.”
“Hayden—” magsasalita sana ako, ang kaso ay bigla siyang lumapit sa akin at hinila ako palayo kay Andrei.
“For Pete’s sake, Chandra. Ilang beses kitang pinagtanggol sa konseho tungkol sa bagay na ito, iyon pala ay totoo,” sumigaw na siya. I can see that he’s too disappointed with what I’ve done.
Hinawakan niya ako sa braso at naramdaman ko agad ang init na nakakapaso. That was his gift. He could burn anything and anyone using his hands or his mind.
“Hayden, let me go. It hurts,” mahinang reklamo ko sa kaniya. Tumaas ang kaniyang kilay. He acted like as if he was being offended.
“You’re hurt? Of course, you will! Talagang sasaktan kita, sasaktan ka namin hanggang sa matauhan ka.”
Humakbang palapit sa Andrei pero bumaling sa kaniya si Hayden at inilingan siya nito.
“Don’t try to meddle with us, mortal. Hindi mo alam kung sino ang binabangga mo.”
Hawak niya pa rin ang aking braso at nakikita ko ang unti-unting pagkalapnos nito. Hindi ko na kayang magtimpi pa. Pumikit ako nang mariin at sa muling pagmulat ko ay kusang bumitaw si Hayden sa pagkakahawak sa akin dahil sa pagtilapon ng kaniyang katawan sa dingding. Karamihan sa mga gamit sa living room ay tumilapon din sa sahig.
“Chandra, enough!” saway sa akin ni Kiara.
“Chandra, calm down. Walang mabuting maidudulot ang ganito sa atin. Bakit hindi nalang tayo mag-usap nang maayos. Let’s decide. Nandito na rin naman ito, wala na tayong magagawa. Come on, guys. Kailangan nating pag-usapan ito nang mabuti. Hindi iyong nag-aaway tayo,” Kiara added.
Hindi naman sumagot ang tatlong lalaki. They remained silent. Nang kumalma ako ay bumaling ako kay Andrei.
“I’ll stay with him. I’ll protect him the way he protected me and Eren. I know, this sounds crazy to you, but please, if you can’t help us, it’s fine. Huwag niyo lang kaming pigilan at subukan paghiwalayin.”
Eren stood up and walked towards me.
“I think we should talk about it as a team.” Bumaling siya kay Andrei pero agad din na bumalik sa akin ang kaniyang tingin.
“Without him.”
Kumunot ang noo ko.
“What?”
Sinamaan ako ni Andrei nang tingin.
“He’s not a part of The Quin. Tigilan mo muna ang katigasan ng ulo mo. Just this once. We need to talk without him. Sa paraan lang na iyon tayo magkakaintindihan.”
Nakagat ko ang aking ibabang labi sa labis na inis. It’s the first time Eren questioned my decision. Isa pa, pakiramdam ko, para akong isang bata na pinagsasabihan niya.
I talked to Andrei. Sinabi kong maiwan muna siya sa labas kasama ang isang reliable helper ng aming pamilya dahil kailangan lang naming mag-usap. Good thing, Andrei is an understanding person.
Pagpasok ko sa loob ng meeting room, umupo ako agad sa sentrong upuan. Ganoon din ang ginawa noong apat.
“I think you’re being too much, Chandra,” panimula ni Hayden.
Ibubuka ko palang ang aking bibig pero nagsalita siyang muli.
“What’s wrong with you? Bakit bigla kang naging ganito? You’re not like this. This is not you.”
“What’s wrong about loving someone?” saad ko saka inirapan siya.
Sky gave me a concerned look.
“Walang masama sa pagmamahal. Pero Chandra, baka nakakalimutan mo, bawal sa’yo na magmahal dahil sa responsibilidad na nakaatang sa’yo,” Sky said.
Tumango naman si Eren at Kiara bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Alam ko namang noong una palang ay mali na. Pero anong magagawa ko, nandito na. Nangyari na.
“You have to let him go, Chandra. While there’s still a chance.”
Umiling ako.
“There’s no chance left for us. Alam kong alam na ito ng konseho. Alam kong sa paglipas ng ilang oras, may pupunta na rito. I can’t stay here. I have to leave this mansion or else they’ll be taking him away.”
Eren sighed.
“Now you’re seeing the result of your recklessness. Nagpadala ka kasi sa emosyon mo.”
Hindi ako sumagot dahil tama naman iyong sinabi niya. Totoo namang naging pabaya ako at hindi nag-iingat. Tumayo si Hayden at naglakad patungo sa bintana.
“I can feel that they’re very near now. I think we have to leave.”
Tumayo ako nang marinig ang sinabi niya.
“We?” pag-uulit ko. I had to repeat dahil baka nagkamali lng ako ng pagkarinig.
“We’re leaving and you’re coming?” tanong ko sa kaniya.
Salubong ang kaniyang kilay na bumaling sa akin.
“Why? You don’t want me to come? Oh come on, kahit matigas ang ulo mo, you know I’m still at your side. Whatever happens and whatever decision you’ll make.”
Napatingin ako sa kanilang apat. All of them are nodding at me.
“Ang ibig niyong sabihin, tutulungan niyo ako? Tutulungan niyo kami ni Andrei?”
Kiara smiled and gave me a nod.
“Bata palang tayo, nagtutulungan na tayo, ngayon pa ba hindi?”
But if they do that, ibig sabihin niyon, magiging taksil din sila sa konseho.
“You’ll be marked as traitor as well if you help me. Madi-disappoint sa inyo ang mga magulang niyo.”
Sky shrugged.
“Who cares about that? We’re old enough to decide for ourselves. Isa pa, matagal na rin yung huli nating adventure nang magkakasama.”
Nilingon ko si Hayden.
“And you? Sigurado ka na ba?”
Imbes na sumagot ay pinaningkitan lang niya ako ng mata.
“Kung hindi lang dahil kay Kiara, hindi ako mapipilit na sumama sa gawain na ito. You know I value being me. At hindi ako sanay na gumagawa ng pagkakamali. Not because I want to disappoint my parents. But because I don’t want to disappoint myself.”
I looked at Kiara and mouthed her a thank you.
“Let’s go,” Eren said.
Mabilis akong tumayo at binuksan ang pinto. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang nakaupo pa rin sa sofa sa living room si Andrei.
Ngunit sabay-sabay kaming napabaling sa main door ng mansiyon nang marinig namin ang sunod-sunod na katok doon..