It was already 8 in the morning when I'm awake. Three storage ang resto ko. The last floor was my office with my employees.
Nandito na lahat, from my accountant, mga legal departments na naghahandle ng problema ko from all of my branch, nandito narin ang mga tinatawag kong call center agent ko, nasa iisang kwarto lang kaming lahat pero may kanya-kanya naman silang cubicle.
Malaki ang office ko dahil may kwarto at banyo na sa loob non. Tuwing pumupunta ako dito sa manila ehh di naman ako nagtatagal kaya para makaless sa pera, I came up with the idea na hatiin ang opisina ko at gawing kwarto ang kalahati.
Malaki parin naman ang space sa office ko, pwede paring pagmeetingan ng other investors ko at may mga kailangan sakin.
Katabi ng office ko ay ang office ni Anna, maliit lang ang office na tama lang din sa kanya.
Maagang dumadating si Anna dito sa resto, as far as I know ay 6 am palang andito na sya to help the other employees na magprepare dahil 9 am ay mag-oopen na kami.
Naligo muna ako at nagsuot ng business attire ko. Naka v-neck t-shirt lang ako at pants na color beige with a beige color rin na business coat and a pair of plain white shoes.
Nagheheel lang naman talaga ako tuwing nagmemeeting ehh oh di kaya ay may party sa resto like anniversary or thanks giving.
Paglabas ko ng kwarto ko ay nakahanda na sa mini table ko kaharap ng sofa ko ang breakfast. For sure si Anna ang naghanda nito, si Anna lang naman ang pumapasok sa office ng di kumakatok at wala ng iba.
Saktong natapos akong kumain ay ang pagpasok din ni Anna, kinuha nya muna ang mga plato't kutsara na ginamit ko at sabi niya ay babalik din sya dahil 10 mins. nalang ay bubukas na ang resto.
Tumingin ako sa glass wall at natatanaw ang mga customers na nag-aantay bumukas ang resto ko.
Masarap pero di mahal ang benta ng mga pagkain ko sa resto, 75 pesos ang isang meal kasama na don ang rice ang pinakamababang presyo ng pagkain na sineserve ko kaya di na ako magtataka kung bakit maraming tao ang nakapila at nag-aantay na matikman ang serving food ng resto ko.
I didn't came from a rich family, mahirap lang naman talaga kami but then nag apply ako ng scholarship sa college at luckily ay natanggap ako.
10, 000 php ang tuition every semester sa college at every semester naman ay nakakatanggap ako ng 30, 000 php galing sa scholarship.
Binibigay ko sa parents ko ang 10k habang inipon ko naman ang natira. Nung nagthird year college nako ay pinuhunan ko sa pagpapatayo ng karenderya ang naipon ko, nung una ay hirap na hirap kami dahil di naman pinapansin ang karenderya namin pero di kami sumuko at nagpatuloy parin.
Sa 2 months naming pagkakarenderya ay nagbunga ang paghihirap namin, dumadami ang kumakain sa karenderya namin lumalaki narin ang kita namin.
Nung nag 6 months na ang karenderya namin ay naisipan naming i-renovate at gawing restaurant. At heto na ako ngayon, nakatayo sa isa sa mga branch na pinaghirapan ko. 2 years na nang maipatayo ko ang resto at malapit naring magthree years.
Umupo ako sa swivel chair while reviewing the rate of the resto these past months. Dito sa Manila parating mataas ang ratings ng resto ko at ni minsan ay di pa ito bumababa.
It was 1 pm already, sumasakit ang ulo ko dahil kakatawag lang sakin ng namamanage ng business ko sa Thailand, according to what she told me ay humihina ang ratings ng resto ko dahil may bagong tayong resto sa harap ng resto ko.
I was resting a bit in my chair when Anna came rushing. I look at her and saw her face worried.
"Spill it out", walang ganang sabi ko
Nagdalawang isip pa sya pero di naman nagtagal yun at sinabi din sakin.
"May customer kasing nagwawala sa resto mo ngayon", nakayuko sya
Agad naman akong napatayo at dali-daling lumabas sa office para puntahan ang nagwawalang customer. Nang makarating ako ay nakita kong sinisigawan ng babae yung isang waiter ko.
"Excuse me, I'm the owner of this resto. Do we have a problem?", I ask ng makalapit ako
She look at me from head to toe at makikita sa mukha nya ang pagkadisgust.
"Give me my money back, I don't like your food so give it back to me",
"Excuse me ma'am but If you don't like our food, you shouldn't have come here", I said confidently.
"What?", nagulat sya dahil sa sinabi ko. May pumasok na lalaki at lumapit samin, mukhang kasama nya.
"Is that how you treat your customer?", tanong ng lalaking kasama nya.
Narinig nya siguro ang sinabi ko.
"That's right baby, ipakita mo sa kanila kung sino ang binabangga nila", paawa effect pa talaga tung babaeng to, as if naman na bagay sa kanya ang fitted silver satin dress nya no.
"Why don't you give the money back miss para wala nang gulo and isa pa hindi naman masarap ang hinahain nyo dito", I fake a laugh dahil sa sinabi ng lalaking kausap ko.
"Why would I gave back the money? My restaurant didn't call you para dito kumain. Kayo mismo ang lumapit and also, bawas na yung pastang in-order nyo",
I do give refunds pero di ko alam at pagdating sa kanilang dalawa ay ayaw ko magbigay. Is it because they look like matapobre?!.
Nagulat ako ng biglang itulak ng lalaking kausap ko ngayon ang waitres na katabi ko. Tinulungan naman ni Anna na itayo yung waitres. He smile at me as if like challenging me.
"Tss, good for her. You know what, di na ako magtataka if mukhang basura umasta ang mga waiter dito", he pause and look at me. "Mana sa may-ari", dagdag nya ng may pagkadiin sa huling sinabi while still giving me a challenging smile.
"Cheap w***e", dagdag ng babaeng kung makakapit sa braso nya ay daig pa ang linta
Mas lalong uminit ang ulo ko at nasampal ko ng malakas yung babae. Kinuha ko naman yung plato na may lamang pasta at tinapon dun sa lalaki.
Gulat na gulat yung babae at halatang gagantihan nya ako pero pinigaln sya nung lalaki.
Wala na akong pakealam kung sino man ang makakakita sa amin dito. Basta ang alam ko ay galit ako ngayon at walang kahit na sino ang makakapigil ng galit ko.
"Guard, get them outta here", I said with full of authority.
Pumunta naman ang dalawang guard at hinawakan sila isa-isa pero hinawi lang yun nung lalaki. He looked at me so angry, parang sasabog na sya sa sobrang galit niya.
"I, Vance Laurel, will make you pay for this", pagbabanta nya sakin bago sila umalis.
Laurel?!.
I smiled. Okay Mr. Vance Laurel, I will accept your challenge. Let see kung ano nga kaya ang kaya mong gawin.
Bumalik nako sa office ko while playful smile still draw on my face. Umupo ako sa swivel chair and told Anna to remove the time of my meeting with Mr. Laurel, instead of 5 pm ginawa ko nang 3 pm.
2 palang at may isang oras pako bago sila dumating.
Vance Laurel. Biglang pasok ng pangalan sa utak ko. To be honest gwapo sya, The dark chocolate brown color of his eyes, his pointed nose his thick eyebrows na may maliit na nunal sa gilid ng left eyebrow niya, and his pink lips, mamasa-masa pa iyon nang makita ko. Those looks are so attractive.
Idagdag mo pa ang fully built nyang katawan, meztiso. Makisig din ang pagkakatayo nya, even his walk, napaka manly. Nasa 5'10 or 5'11 siguro yung height nya dahil taga ilong nya lang ako.
Yung white long sleeves nya na tinupi nya para maging 3/4 ay gusot-gusot. Mahahalata mong kagagaling lang nila sa pag-eenjoy sa sarili nila, I don't know kung sa kama ba iyon o sa kotse and I have no right to care.
Even me, myself can call him perfect blessing given by god.
But he has no respect. Sinabihan nya pa talagang hindi masarap ang pagkaing sineserve ng resto ko?! How dare he. Na-ilibre ko tuloy ang mga taong nakakita samin.
Kinuha ko yung folder na nakapatong sa table ko at binasa ulit yung info ng Pahingan de Laurel.
Apollo Laurel?
I search his name and check his background.
There I saw na may dalawang anak pala sya.
Lalaki ang panganay which is a 24 year old, and 4th year college student sa DLSU in Business Management. Graduate ito ng Architect at nag-aral lang ulit ng college taking Business Management because of their company.
And guess what, anak pala ng Apollo Laurel nato ang lalaking sinabihang hindi masarap ang menu ko.
"Apollo Vance Evander Laurel". That's his name.
Mapaglaro nga talaga ang tadhana.
Napangiti ulit ako.
What a great challenge destiny gave me!.