1 Aeykha
"Hanggang kailan ka ba don ven?", malungkot na tanong sakin ng bestfriend ko, si Clover.
Pupunta akong Manila bukas dahil pinapapunta ako ni Anna, ang nagmamanage ng resto ko doon.
She told me that there is someone who is interested sa resto ko, isang owner ng hotel daw, gusto magpaset ng meeting sakin.
She also told me na baka mas lalo pang maging well known ang resto ko because of the person na tinutukoy niya.
"2 weeks lang ako dun Clove tapos pupunta akong Canada to check my other resto", I told her habang nag-iimpake
It was 4 in the afternoon already at 8 pm ay kailangan nasa airport na ako dahil 10 pm ang flight ko papuntang manila
Dapat kahapon pa ay ready na ako but Clove suddenly called me to assist her on her botique dahil nagday-off yung assistant niya. Dumating kasi ang anak ng Mayor namin para bumili ng dress and ang botique ni Clove ang napili niyang puntahan dahil narin sa usap-usapan ang mga magagandang damit na ginawa niya.
"Baka magtagal ka ron dahil ayaw mong makita si Anton. I heard bibisita sya sa parents mo tomorrow kasama yung mga tropa niya", she said, Marites talaga ang bilis makakalap ng balita
Anton Vincent Espino, ang lalaking hanggang ngayon ay di ko parin malimot-limutan.
He was my ex, it's been 1 year since we broke up pero hanggang ngayon masakit parin sakin yung break up namin. I still love him at tatanggapin ko parin sya if ever na bumalik sya.
Bakit kami naghiwalay?
~
To: Anton
Asan kana? Naglalaro ka na naman ba ng ml?
Anton?
Kailan ka pa ba matatapos?
I miss you, online kana ohh. I need you right now. I need your comfort.
Chat ko sa kanya, I am not okay right now, nalulugi ang business ko at nasa-ospital ang lola ko. Kailangan namin ng malaking pera para ipangbayad sa pag-oopera niya at di ko na alam ang gagawin ko
Umiiyak ako at nag-aantay sa reply nya. It's been 1 am but I recieved no replies from him. Masyado na syang naaadik sa paglalaro
Naiyak na naman ako hanggang sa nakatulog ako
8 am ng magising ako, still, I got no replies from him. Naiinis na ako at nawawalan nako ng gana. I was so devastated and I need his comfort pero wala sya
Ayoko na.
From: Anton
(10:02 am)
Good morning, Sorry di ako nakapagreply kagabi. Dire-diretso kasi winstreak namin ehh. Btw, kumain kana.
I'm so tired of this, sa isang taon ganito nalang palagi.
To: Anton
(10:06 am)
Let's break up, ayoko na.
~
A tear escape from my eye. Pinagsisihan kong nakipaghiwalay ako sa kanya.
Nagkaron kami ng closure after 1 month, he said na mas mabuti na rin sigurong maghiwalay kami dahil wala na syang oras sakin which is I didn't expect him to say it, instead, I am expecting na ayusin namin yung relasyon namin, na magbabago sya.
"Ven", I felt her hand holding my hand with her worried face.
I wiped away my tears and forced a smile. I know na nasasaktan din si Clover habang nakikita akong nasasaktan.
"Ven he's not worth your tears".
I just fake a smile. Kahit ayaw na nila kay Anton ay di ko parin mapigilan ang sarili kong mahalin sya.
"Tumawag ka kaagad nak ha pagdating mo sa Maynila, wag na wag kang aalis na hindi mo kasabay si Anna", bilin sakin ni Mama
Nasa airport na kami ngayon, hinahatid nila ako kapag may oras sila sa tuwing umaalis ako ng ibang bansa o lugar sa Pilipinas.
"Mag-iingat ka don, gamitin mo yung tinuro kong karate sayo pag may nambastos sayo", bilin naman ni papa kaya napatawa ako
"Ate, may pasalubong po ha", si Gavril naman ang nagsalita, my little sister. Spoiled sya samin dahil 8 years old pa lamang sya.
"Bye sis, ingat ka dun, wag agad papa-uto sa boys", inirapan ko si ate Lea, of course ako paba.
I hug them at nagpaalam na bago pumasok sa loob. Isa't kalahating oras ako naghintay bago nakapasok sa loob ng eroplano.
Nag-antay muna ako ng 30 minutes bago umandar ang sinasakyan ko at lumipad patungong Maynila.
"Ms. Rodrigo dito po", narinig kong sigaw ni Anna sa di kalayuan habang kumakaway
Halos maagaw na nya ang atensyon ng karamihan. Pa-iling-iling naman akong pumunta sa kanya.
She just led me the way ng sasakyan ko na ginagamit niya. Siya narin ang naglagay ng maleta ko sa luggage ng sasakyan. I told him na ako na but she insisted.
Nasa passenger seat ako habang nasa driver seat naman sya. Binigay nya sa akin ang isang folder and told me to open it.
"It was "Pahingahan de Laurel" info Ms. Rodrigo, I have already set up a meeting sa opisina nyo tomorrow 5 pm."
"Pahingahan de Laurel"
It was build by Apollo Laurel and Ernesto Juan Felipe on May 14, 2018 with a four storage and a cheap price.
"Pahingahan de Laurel" also known as "Laurel's Pahingahan" became well known after two years because of its very well accomodation.
It has been awarded as the "Hotel's Best Cheap Price". More investors have invest and slowly make the company got bigger and bigger.
After 3 years of hardwork "Pahingahan de Laurel" is now one of the top 10's most famous hotel with a cheap price.
May picture na naka-attach sa ilalim non, the before and after of the hotel.
I flip it to the next page, nakasaad doon na nagpatayo sila ng resort-hotel sa batangas.
They name still at it is, "Pahingahan de Laurel" pero this time pangfive-star hotel na ito, the modern designs na nakalagay sa next page explains how luxury the next "Pahingahan de Laurel" is.
I closed the folder and look outside the window.
"Anna-", tawag ko sa kanya habang nakatingin parin sa labas.
Di paman ako natatapos ay nagsalita na sya
"Yes Ms. Rodrigo?", napailing naman ako
"I told you, stop calling me Ms. Rodrigo, call me as casual as Aeykha", sabi ko sa
kanya
"But your still my boss Ms.-", di nya natapos ang sasabihin nya dahil tinitigan ko sya. "I mean, A-aeykha", she's not comfortable with it pero I know na masasanay din sya.
"By the way, why do they need me? Hindi naman hotel ang business ko kundi restaurant and isa pa, anong gagawin ng restaurant ko sa hotel nila? Mas sasang-ayon pa ako kung mall ang ipapatayo nila hindi hotel", I said while confusion cover all my face.
Napatawa sya sa akin while still looking at the road. Mas lalo naman akong naconfuse dahil sa pagtawa nya
"You know what, I envy you kasi graduate ka ng c*m laude in Business Management pero minsan di mo rin pala ginagamit yang utak mo", she said, natatawa parin
"What?", insulto ba yun o joke?
Nagulat naman sya sa reaksyon ko at parang nagsisisi nang sabihin nya ang mga salitang iyon.
"A-ah I-im s-sorry M-Ms Rod- I-i mean A-aeykha pala", what's gotten into her? nagiging bobo na nga kaya ako?
"They want their resort-hotel na parang maging kapantay din ng isang five-star hotel and isa pa, mahal na ang bayad doon so para walang magreklamo ay may libre nang food na pwedeng don nalang sila kumain while staying in. They want their customers feel na worth it ang babayaraan nila, from accomodation, food, beach and other curricular activities na pwede nilang gawin while staying in", pag-eexplain nya sakin ng makahinga na sya ng maluwag.
"Bakit nila napili ang resto?"
"What's with that question?", tiningnan nya ko sandali bago binalik ang tingin sa daan
"Diba dapat you should be thankful dahil napili ang resto mo to be one of their accompanist?", tinanong ko sya pero parang patanong din ang sagot nya sakin
"Nagiging well known na sa Manila ang resto mo kaya di kana dapat magulat kung mga bigatin na ang kukuha sayo para mag-invest sa company nila",
"I don't feel like accompanying them, the Laurel's surname made me feel na maling pumasok sa buhay nila", nasabi ko nang wala sa sarili.