Chapter Four

2005 Words
Cyril stopped on his tracks and looked at his sister’s back. Gusto niya na tawagin ito para sabihin na hindi na siya lalabas dahil nakatingin pa lamang siya sa pintong lalabasan nila ay umuurong na siya at lumalakas ang pagkabog ng puso niya sa nerbiyos. Of course, this is his first time attending a party like this and he’s not used to it. Idagdag pa na naririnig na niya ang ingay nila sa labas ay nagsisimula nang sumakit ang ulo niya, paano pa kaya kapag naroon na siya at siya pa ang center of attention nila. Can he still calm his nerve? Kaya ba niya na kontrolin ang sarili at hindi maging harsh sa kanila? Baka pa masira niya ang party nang hindi niya namamalayan. Huminto rin si Jane at nagtatanong ang mata na lumingon sa kanya. Blangko lang ang mukhang sinalubong niya ang tingin nito kaya wala itong kamalay-malay na kinakabahan talaga siya. “K-Kuya,” alanganing tawag nito sa kanya. “Y-You’re not planning on backing out, right?” Pailalim na tinignan niya siya bago kumuyom ang kamao niya at nagpatuloy sa paglalakad. Saka lang ngumiti si Jane at lumabas na ng pinto. He pursed his lips into a thin line and then followed her. When he walked out of the door, everyone stopped talking and looked over his way with their gazes that is full of admiration and amazement. He was like rooted at the ground and can’t drag his feet. He unconsciously clenched his hand and he felt his knees trembled because of nervousness, ang utak niya ay sumisigaw na bumalik na rin siya sa loob. Ganito ba ang maging sentro ng atensyon ng lahat? Pakiramdam niya ay para siyang sinusukol sa mga tingin nila at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan.  His chest tightened when a woman approached him. When he looked at her, he realized that she was the girl her sister was talking to the last time at the library. Mukhang hindi siya nito namukhaan dahil puno ng gulat at tuwa ang mata nito hindi katulad ng araw na ‘yon na namumutla sa takot at kumaripas pa ng takbo. “Am I dreaming?” she murmured and look at him in bewilderment. Parang naging hudyat ang tinig nito para mabasag ang katahimikan sa buong paligid at nagka-ingay. Narinig niya ang gulat na pagbulalas nila sa pangalan ng character at kung gaano siya kaganda. He suppressed himself to frown and rub his head. He coldy glanced at his sister. Ang lawak ng ngiti nito na pinagmamasdan ang kaibigan nito kaya hindi napansin ang pagsulyap niya rito. Bahagyang nagtagis ang bagang niya dahil ito at masaya ito habang siya ay pilit ikinukubli ang nerbiyos at sakit ng ulo niya. “Oh my gosh! It’s Yuri, right? Yuri from the Red Hood!!!” tumitiling saad ng kaibigan ng kanyang kapatid kaya bumalik ang tingin niya rito. “Yes,” nakangiting sagot ni Jane.  Kumikislap ang mata nito at agad na inilabas ang sariling cellphone. Lumapit siya sa kanya at excited na ngumiti. Kumikislap ang matang pinasadahan pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa dahilan para makaramdam siya ng pagkaasiwa. Ito ang unang beses na may isang taong nagawang gawin ‘yon sa kanya na walang ano mang bahid ng takot ang kanyang mukha. “Picture tayo!!” pagkatapos nitong makontento sa pagtingin sa kanya ay natutuwang bigkas nito at dumikit sa kanya. He stiffened and almost pushed her away. “Smile, Miss Yuki. Let's take a picture together.” His eyes contracted. Smile? Paano nga ba ang ngumiti? Wala siyang maalala na ngumiti siya kahit pa kapag nagbabasa siya ng libro. Kumibot ang labi niya, and then a little while later a strained smile appeared on his lips along with the flash of the camera. “Oh! Gad! you’re so beautiful!” she cheerfully praised him. Para itong nanalo sa isang raffle dahil sa hindi matatawarang kaligayahan sa mata nito. A hint of embarrassment crossed his eyes but immediately faded. Sa halip na magalit ay ‘yon ang naging reaksyon niya. Ang makatanggap siya ng puri ng harap-harapan ay hindi man lang niya naisip noon. He’s aware that the one she praised is the character he’s imitating and not the man himself but still, nahiya pa rin siya na marinig iyon. Contrary to what he had reacted to his own sister when she said he’s beautiful. Pinagmasdan nito ang kuha nilang larawan kaya nagbawi na siya ng tingin. Hindi pa rin niya masabi kung ngiti pa ba ang nakapaskil sa kanyang bibig na iginala niya ang mata sa mga bisita ng kapatid na humahanga pa rin na nakamasid sa kanya. His mouth twitches when he saw them taking a picture of him. Parang nakikinita na niya na iikot sa buong university ang larawan niya bilang si Yuri. And then a man came to his side and smiled. “Hi, can we take a picture together?” he asked. He pursed his lips before nodding his head. Mabilis na lumapit ito sa kanya at inakbayan siya, iniwasan niya ang mapalayo rito nang bahagyang inilapit nito ang ulo sa ulo niya. Itinaas nito ang kamay at aktong pipindutin ang camera ng cellphone nito ngunit sabay sila na napatingin sa matangkad na lalaking mabilis ang hakbang at palapit sa kanila. He furrowed his brows and tried to think who is this man, he seems to be familiar to him. Nag-flash sa utak niya ang palaging pinag-uusapan ng mga kaklase niya na sinasabi nilang prinsipe ng kanilang campus. This man who is approaching them is no other than Adam Santander, the captain and varsity player of their university. Kumikinang ang mata nito habang nakatutok ang mata sa kanya na parang nakakita ng interesanting bagay na naka-agaw ng kanyang atensyon. As if he’s smitten to something. “Lagot na!” the man beside him whispered and look at him. Hindi niya maintindihan ang gusto nitong ipahiwatig kaya clueless at kunot-noong nilinga niya siya. Itinuro nito ang lalaking ilang hakbang na lang ang layo sa kanila kaya bumalik ang tingin niya sa paparating. But to his shock, the man who had already approached him stretches his hand and gently held his waist. Hindi siya nakapag-react nang malakas na hinila siya nito palapit sa kanyang katawan. Cyril forgot to blink and his world exploded when he leaned closer and relentlessly kissed him firmly on his lips. A loud gasps and whispers entered his ears. Kumulo ang dugo niya at agad iyong umakyat sa kanyang ulo. He pushed him hard and full of anger and furry, he punched him in his stomach. Napaubo ito at nakangiwing napahawak sa tiyan. Nagliliyab ang mata niya sa galit na tinignan niya siya. And then he instantly raised his head and look around them. There, he saw everyone is looking at them, and some of them is looking at him maliciously. Mas lalong kumulo ang dugo niya roon kaya nagmamadali na siyang tumalikod at naglakad pabalik sa loob ng kanilang bahay. Pakiramdam niya ay sasabog na siya sa galit. Namumuti na rin ang kamao niya sa mahigpit na pagkakakuyom niya roon. His face is grim as he went straight to his room and the hinge of the door almost gave out as he opened and then closed it. Nanginginig sa galit na inalis niya ang wig at iniitsa sa sulok. Pasipang inalis din niya ang suot na boots at pahaklit na inalis ang cloak na suot niya at nilukot bago ibinato sa sofa. Pakiramdam niya ay sasabog na siya sa galit sa oras na ‘yon. In his 19 years of his life, he had never experienced such anger like this. At wala rin nakagawa ‘non. Tanging si Adam lang. “Don’t let me see your face again because I don’t know if I can control myself from ruining it,” he said between his clenched teeth. ON THE other hand, Adam is still holding his stomach but didn’t mind the pain and still staring at where the cosplayer disappeared from his sight. Hindi pa rin nawawala sa mukha niya ang paghanga at kislap sa mata niya. Pakiramdam niya ay pinana ni kupido ang puso niya at na-starstruck sa magandang dalaga. Walang panama ang lahat ng mga babaeng dumaan sa buhay niya sa angking ganda ng babae. Para siyang isang galing sa planeta para kunin ang atensyon ng mga kabinatahan na katulad niya. May panghihinayang sa kanyang puso at gusto niya siyang sundan para makilala ngunit may umakbay na sa kanya. Napasimangot siya nang makitang si Hammer iyon na nakangisi sa kanya. “You’re interested?” he asked teasingly. “Oh, hell! Yes. Gusto ko siya na makilala at malaman ang pangalan niya,” tugon niya at kumawala sa pagkaka-akbay nito. Humarap siya sa lahat na mapanudyong nakatingin sa kanya. Lahat naman ng mga dumalo rito ay kilala siya at ang iba ay naging kasintahan pa niya noon. He claps his hand and everyone shut their mouth. “I just want to ask kung may isa sa inyo ang nakakakilala sa kanya,” wika niya at tumingin kay Jane na agad umiling at itinaas ang kamay. Naaalala niya na depressed ito last time dahil hindi matutuloy ang plano nito, at nahulaan na niya ngayon na dahil sa walang magko-cosplay sa party na ‘to. Pero ngayon ay natuloy pa rin ang gusto nito. At kilala nito ang cosplayer. “Bahala kang mag-research kung sino siya,” mabilis na tanggi nito at matigas na umiling. “Bakit parang takot ka na sabihin kung sino siya?” tanong niya pero umiling lang ito. Bumuntong-hininga siya, kilala na niya ang dalaga na kapag ayaw nitong magsalita ay hindi na niya mapipilit na buksan nito ang bibig. “Use his picture, I’m sure may makakakilala sa kanya,” suhestiyon ni Cloud na lumapit sa kanila at ipinakita ang kuhang larawan nila nang hinalikan niya ang dilag.  Nagliwanag ang mukha niya at kinuha ang cellphone rito at pinakatitigan ang larawan. “Send mo sa akin ito para gawin kong wallpaper ng phone ko,” turan niya at nag-swipe. Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya nang makitang picture ng babae ang sumunod. Mukhang nag-zoom si Cloud dahil close-up na mukha nito ang larawan. Kahit pilit ang ngiti at walang emosyon ang mata nito ay napakaganda pa rin at bumagay sa maliit nitong mukha ang kulay emerald-green na mata nito, though halatang contact lens iyon. “Aw! It seems that our prince found someone to be his next target!” malakas na sabi ni Britany, ang sikat na cheerleader ng kanilang university. Nang marinig ang ‘target’ na word ay parang nasuntok muli siya ng pangalawang beses sa kanyang sikmura. Tumutol agad ang puso niya kaya nilingon niya ito at sinamaan ito ng tingin. She smiled sweetly and then said, “if you look at me that way, I won’t tell you who she is.” His face brightened. Mabilis na humakbang siya palapit dito at hinawakan siya sa kamay. May pag-asam na nginitian pa niya siya. “Kilala mo siya? What’s ‘her’ name?” Tumaas ang sulok ng bibig nito at tumango. Bahagya nitong inilapit ang bibig sa taynga niya. “Kung masasagot mo ng maayos ang tanong ko ngayon ay sasaihin ko sa’yo.” Nagsalubong ang kilay niya at lumayo rito na nakahawak sa taynga, ito kasi ang sensitive na parte ng katawan niya. Lumawak ang ngiti nito at muling bumulong sa taynga niya. “Meron bang girlfriend si Cloud? Noong tinanong ko siya, ang sabi niya ay meron daw.” “He’s single,” walang pagdadalawang-isip na panlalaglag niya sa kaibigan. “And I’m telling the truth.” Lumuwang ang ngiti nito at lumayo sa kanya. “He’s Cyril Dixon. Siya ang kuya ni Jane,” malakas na bigkas nito at tinignan ang huli na namutla na parang mas lalo pa atang natakot dahil sa pagbanggit ni Britany sa pangalan ng kuya nito. Ngunit siya man din ay natigilan. “Cyril?” paulit na tanong niya. That beautiful cosplayer is a….. MAN??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD