Chapter Five

1700 Words
Mas lalong lumakas ang singhap nilang lahat pagkatapos marinig ang sinabi ni Britany. Everyone looked at him with a shock expression. Of course, sino ba naman ang hindi magugulat kung malalaman mong ang hinalikan mo pala niya ay isang lalaki. Wala siguro sa kanila ang mag-aakalang ang magandang cosplayer ay isa palang lalaki. Napakaganda niya na hindi mo talaga iisiping babae siya especially that his red long hair concealed his manly features. Kung ang pagbabasehan ay ang kanyang tangkad, marami namang babae ang matangkad diyan. “As in, si Cyril Dixon ‘yon?” bulalas ng isang babae, “impossible! I know him for being so cold and distant. Kapag nagsasalubong kayo ay para ka lang hangin na nilampasan niya kaya naman paanong papayag siya na mag-cosplay sa ganitong kasiyahan?” hindi naniniwalang pagpapatuloy nito. “He is!” giit ni Britany. “So, ano ang pakiramdam na ang hinalikan mo ay kapareho mong Adan?” She arched her brows. “At mukhang….” An ambiguous smiled form on her lips. Adam touch his chest at pinakiramdaman ang kanyang sarili. Did he feel disappointed knowing that he’s a man? His heart just beats wildly so the answer is ‘NO’. He’s even more excited and his nerves are yelling to run after him. But he suppressed himself from doing so nang makita niya na parang naghihintay sila sa susunod na kilos niya. Nakita rin niya sa mata ni Jane na gusto siya nitong pigilan. Hindi naman sa maaapektuhan siya sa sasabihin ng iba ngunit naisip niya ang reaksyon ni Cyril kanina na nababalutan ng yelo. Nahuhulaan na niya na hindi nito magugustuhan kapag umikot sa buong university na interesado siya rito. “I never thought he’s a man,” kaswal na turan niya pero alam niyang iba ang ang sinasabi ng ekspresyon ng mukha niya. Inakbayan siya ni Greco at bumulong sa taynga niya, “do you know that your eyes are twinkling? If I didn’t know that you’re straight, I will think that you are bent.” He glanced at him and then the corner of his lips perked up. The teasing smile in Greco’s face instantly faded and became serious. Hindi kasi nabura sa mata niya ang kaseryosohan at determinadong sundan si Cyril. Hinila siya nito at pumunta sila sa may sulok, bumalik naman ang lahat sa sarili nilang ginagawa though ang topic pa rin nila ay ang binata. Sumunod ang mga kaibigan niya at naupo silang lahat sa mga silya roon. Inabot niya ang baso na may lamang alak at sumimsim doon pagkatapos ay inilapag muli at tinignan ang mga kaibigan na nakamasid sa kanya. “Adam, you are not planning on telling us that you’re interested in him, right? I mean…. you’re straight and maybe you just got curious because he’s more beautiful than every woman presents here,” sabi Greco pagkaupo pa lamang nila. He sighed. Of course, he’s as straight as a pole but he doesn’t know how did it happened. Earlier, when he and his friend are talking about girls, ginawa pa niya silang menu ng mga pagkain at inisa-isa silang binigyan ng pangalan katulad ng kare-kare, adobo, bibingka at marami pang klase ng mga ulam at deserts. Balak pa nga sana niya na lapitan ang isang babae but he immediately stopped. Bumungad kasi si Cyril kanina at para siyang na-starstruck. Pakiramdam niya ay nagliwanag ang kanyang buong paligid nang mapagmasdan ang napakaganda niyang mukha at malakas na kumabog ang puso niya. Ito pa lamang ang unang pagkakataon na nangyari sa kanya ang ganito at alam niya na iba ito sa mga babaeng dumaan sa mga kamay niya. Kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at mabilis na nilapitan ito at halikan sa labi. And after knowing that he’s a man, feeling niya ay mas na-excite pa siya at hindi nadismaya. Wala man lang siyang naramdaman kahit kunting pandidiri man lang. For him, Cyril’s lips are the sweetest and softest lips he had ever tasted. “I know I’m straight,” saad niya. “And I’m sure it’s not only because of curiosity. Ni hindi nga ako nadismaya na lalaki siya.” “Naguguluhan ka lang,” turan ni Cloud. Umiling siya at uminom ng alak sa baso niya. Kung naguguluhan siya bakit pakiramdam niya ay inuutusan siya ng kanyang puso na hanapin ang binata sa loob ng kanilang bahay para masilayan ito? “Nagka-interes ka lang dahil ngayon ka lang nakakita ng lalaking personal na nag-cosplay.” “That’s not it!” he interrupted Butch who is still talking. “Aminin ko na akala ko babae siya nang bumungad siya pero pagkatapos ko pa rin malaman na lalaki siya ay ‘di ba dapat nawalan na ako ng interest,” his brows knitted together. "Eh, bakit parang gusto ko pa siyang habulin para kausapin?" Itinaas nito ang kamay. “Alright, hindi na kami makiki-debati sa’yo tungkol diyan. Ngayon ka lang naging ganito na nagka-interest sa isang tao at iginiit ang gusto mo, hindi katulad sa mga naging flings mo.” Hindi siya nagkomento sa sinabi nito dahil totoo naman. Kapag sinabi nila na bukas ay nagsawa na siya sa karelasyon niya ay tatawa lamang siya dahil isa lang naman ito sa pagpapalipasan lamang niya ng oras. “I don’t even know if you knew that he existed dahil umiikot ang mundo mo sa mga babae at sa basketball. So, I just want to tell you that he is known to be unfriendly and distant. There are also others who say he is a weirdo because he prefers to read books and don’t socialize with people. When you try to talk to him, he will just look at you coldly as his response,” wika ni Hammer. “Besides, may kasalanan ka pa sa kanya.” “Hihingi ako ng sorry sa kanya,” determinadong bigkas niya. Sabay na bumuntong-hininga ang mga kaibigan niya at napailing. Hindi niya sila pinansin dahil ngayon pa lang ay gumagawa na ng plano ang utak niya kung paano niya lalapitan ang binata. Kung talagang unsociable siya, kailangan niya na magtiyaga para makuha ang loob nito. HINDI PA rin humuhupa ang init ng ulo ni Cyril na pumasok siya ng washroom at pahablot na kinuha ang toothbrush niya. Nilagyan niya iyon ng maraming toothpaste at nagmumog bago nag-brush. Tinignan niya ang namumulang mukha niya dahil sa galit sa salamin. Hindi niya alam kung may taong namukhaan siya kanina, this is one of the reasons why he is so angry. Because in his peripheral view everyone took a picture of them kissing. At kung papasok siya sa lunes ay sigurado na siyang tututok ang mata nila sa kanya na siyang ayaw niyang nangyayari. Mabilis na tinapos niya ang pag-toothbrush at naghubad pagkatapos ay pumasok sa shower room na karugtong ng washroom at binuksan ang dutsa. Tumapat siya roon at mariing pumikit para burahin sa utak ang ginawang paghalik ni Adam sa kanya but to no avail, it keeps on playing in his mind. “Sh*t!!!” malakas na mura niya at iritadong nagmulat ng mata. Pahablot na kinuha niya ang shampoo at nilagyan ang buhok at doon ibinuhos ang inis niya. Pati ang paglagay ng sabon sa katawan ay kinuskos niya ang katawan niya hanggang sa mamula. Ngunit hanggang sa matapos siya sa paliligo ay wala pa ring bawas ang init ng ulo niya. “Kung hindi ako pumayag sa pakiusap ni Jane, hindi manyayari ‘to!” wika niya at napahilamos sa mukha. Subalit hindi naman niya puwedeng ibunton ang sisi sa kapatid dahil hindi nito inutusan si Adam na gawin sa kanya iyon. Madilim ang mukhang isinuot niya ang blue na robe at lumabas ng banyo na pinupunasan ang kanyang basang buhok. Ngunit natigil siya sa ginagawa nang makita niya ang kanyang pinsan na si Tim na prenteng nakaupo sa sofa at hawak ang librong binabasa niya na The Adventurer. Pilyo ang ngiting nag-angat ito ng mukha at tinignan siya. Lalong tumindi ang pagkayamot niya nang makita ang paraan ng ngiti nito. Pailalim niya siyang tinignan. “I came here to show you this,” he said. Tumayo ito at ibinigay sa kanya ang cellphone nito. His eyes tuned cold and snatch his phone and smash it to the floor. Sa lakas ng ginawa niya ay literal na nawasak ang screen niyon. “Hell! My phone!” malakas at gulat na bulalas ni Tim. Mabilis pa sa alas kuwatrong pinulot nito ang cellphone at ininspeksyon iyon at sinubukan na buksan pero hindi gumana. Lukot ang mukhang tinignan siya nito pero pinaningkitan niya ito ng mata. “Get out!” mariin at malamig na bigkas niya. “Oh! Man, ngayon lang kita nakitang nagalit ng ganyan at dahil pa kay Adam,” he stated. “Mukhang magiging number one sa listahan mo siya na ihahagis sa Mount Pinatubo.” Hindi siya sumagot at marahas na hinawakan ang kanyang braso. Hinila niya ito at itinulak palabas ng kuwarto niya. Agad itong nagreklamo at kumapit sa hamba ng pinto. “T-Teka lang! Paano ang cellphone ko?” “I’ll buy you a new one,” he toned down and then push him out and closed the door. Narinig niya ang malakas na pagsinghap nito sa labas. “Ahh!! My nose!!” malakas na bulalas nito. Humugot siya ng malalim na hininga. Tim is his cousin from his mother’s side at sobra ito sa kakulitan, kapag nagsimulang bumukas ang bibig nito ay aasahan mo nang hindi iyon titigil hangga’t hindi mo tinatakpan ang kanyang bibig. Ito ang kanyang pinsan na hindi niya gustong nakakaharap dahil nga sa tabil ng dila nito na parang babae. Makita pa lamang niya siya ay sumasakit na ang ulo niya. “Damn it! So annoying!” he whispered and then rub his temple. Lumapit siya sa closet at kumuha ng pajama niya roon at nagpalit na ng kanyang damit. Pagkatapos ay kinuha niya ang libro sa sofa at pumunta sa kama, sumandal siya sa headboard at binuklat ang libro kung saan siya huminto ngunit hindi niya magawang maitutok ang konsentrasyon niya roon. Naiiritang isinara niya ang libro at inilapag sa bedside table. “This is making me crazy!” mariing sambit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD