Blangko ang mukhang ipinarada ni Cyril ang kanyang sasakyan sa parking space sa university at pinatay ang makina no'n. Inayos niya saglit ang bag niya bago bumaba ng sasakyan at ni-lock. Pagharap niya ay bahgya pa siyang napaiktad at umatras nang bumungad sa kanya ang mga babaeng parang inaasahan na talaga ang kanyang pagdating. His face darkened and his head begun to throb when they started murmuring and whispered to each other. Pumasok na sa isip niya na mangyayari na ‘to lalo pa at kahit nakita niya ang takot sa mukha ni Jane kahapon habang kinakausap siya ay ipinaalam pa rin nito na kilala nila siya. Hindi nga lang siya handang ganito karami ang makikita niya. At parang ganito rin ang nabubungaran niya sa umaga kapag papasok siya noon. Ang kaibahan lang ay siya naman ngayon ang hinihnt

