Masochist PANG-ILANG beses na ba niyang dumaan sa harap ng opisina ni Yvo ngayong araw? Hindi na niya mabilang pa. Basta gusto niyang dumaan ulit doon upang makita ang nais makita. Gaya ng dati ay humiwalay na naman siya sa kaniyang mga kasama upang puntahan ang binata na masyadong abala sa loob ng opisina nito. Habang ang kanilang mga kaibigan ay abala sa pagkain ay sinasayang na naman niya ang kaniyang oras para sa lalaking hindi naman siya magugustuhan kahit kailan. At gaya rin ng dati, dahan-dahan at walang katok na naman niyang binuksan ang pinto ng silid ni Yvo. Para lang makakita ng isang hindi magandang senaryo. Si Leana na kaibigan ni Zeiden dati ay nakapatong kay Yvo habang nakabukas ang mga butones ng damit nito. Dahil hindi nakayanan ang nangyari ay pinagp

