Foundation "GUYS, paano na niyan? Tapos na itong kastilyo natin pero wala pang kahit na anong maganda. Iyong mga obstacles natin, wala pa kahit isa," nag-aalalang sambit ni Yuna. Kasalukuyan silang nasa loob ng kastilyong kanilang ginawa. Saglit na nagpapahinga bago magpatuloy sa pag-aayos. "Kaya natin 'to. Tiwala lang," nakangiting sambit ni Yvonne. "Okay, guys! Eyes on me! Gagawin na raw natin ang mga obstacles," pagkuha ni Lumina sa kanilang atensyon dahilan upang lahat sila ay tinignan ito. Sa tabi ni Luna ay si Yvo na dinidikta rito ang kaniyang mga dapat sabihin. "Ngayon, ang lahat ng mga may mahika na konektado sa lupa ay sumama kay Cyclone. Kayo ang mga gagawa ng daraanan ng mga magiging customers natin. Dapat ang magiging itsura ng daanan ay hindi patag o n

