Plans MATAPOS nang naging pagtatanong ni Astraea kay Yuna ay naisipan niyang dalawin muna si Paris na kasalukuyan pa ring nasa loob ng klinika at nagpapagaling. Nasaksak ang babae nang makaengkuwentro nila ang mga patalim na bigla na lamang sumulpot na parang bula at tinumbok silang magkakaibigan. "Paris, may dala akong pagka-" ani Astraea habang binubuksan ang pintuan ng silid ngunit hindi na niya naituloy dahil sa nadatnang kaguluhan. "Grabe ang baboy mo naman!" sigaw ni Paris sa isang lalaking nakatalikod sa paningin ni Astraea. "Ang sarap ng mga ito," ngumunguyang sabi ng lalaki. "Hala! Ba't mo inubos, Sebastian?! Binigay pa sa 'kin 'yan ng crush ko!" himutok ni Paris sa lalaki. "Ang sarap, eh," baliwalang sagot ni Sebastian. "Paris, may dala rin akong

