LORNA'S POV
"Hindi ko kailangan ng bantay," malamig kong pagtutol sa gusto ng mga magulang ko. Gusto nila akong pabantayan sa taong hindi ko naman kilala.
"I'm not a kid anymore. You have a business trip? Then go ahead, dito lang ako sa bahay kaya ko nang mag-isa. H'wag niyo na akong itrato na parang bata."
Nakatayo sila sa harapan ko habang nakaupo lang ako sa kama nakasandal sa headrest yakap-yakap ang paborito kong unan.
Kauuwi lang namin ng Pilipinas last week lang at dito kami tumuloy sa isang old house nila na sabi pagmamayari daw nina Lolo at Lola na matagal nang yumao.
And now, they're forcing me tumira doon sa bahay ng kaibigan nila para daw may kasama ako habang wala sila gayong pwede naman ako dito mag-isa.
"Lorna, we can't leave you alone here. H'wag namang matigas ang ulo. You're not in your right state—"
"I'm okay Mom! Paulit-ulit ko nang sinasabi na ayos lang ako pero nagpipilit pa rin kayo na may sakit ako sa pag-iisip!" Tumaas bigla ang boses ko kaya natigilan sila.
Si Papa ay namuo naman bigla ang galit sa mukha dahil sa hindi ko na naman sinasadya na pagsigaw kay Mama...
"Lorna." His voice boomed in the whole room na ikinapitlag ko, his gaze warned me because of my improper behavior.
Kaya agad naman akong humingi ng tawad buhat ng paglamlam ng mga mata kong tiningnan si Mama.
"I... I'm sorry," I apologized for shouting at her at mariin akong pumikit, gusto ko na namang suntukin ang sarili ko pero hindi ko ginawa.
They think I have a mental illness that have to cure. Wala akong sakit sa utak, madalas lang hindi ko ma-kontrol ang emosyon ko lalo't kapag nagagalit ako o naiirita...
"Iyan ba ang hindi babantayin, Lorna?" sarkastikong tanong sa akin ni Papa.
"Ipapaala ko lang. How many times do you committed suicide again? Not just once, not just twice, more than thrice! Tingin mo nasa tamang pagiisip ka sa lagay na iyan?" may riin pang sinabi nito kung bakit kailangan ko ng kasama...
Hindi ako umimik.
"Wala kang nakakasundo, kahit nga mga kasambahay dito nilalayasan ka, mapa-America o dito sa Pilipinas lahat suko sa iyo!" muli nitong sigaw kaya hindi ako lalong nakapagsalita.
"Kahit mga kamag-anak natin dito isang linggo ka pa lang nakakasama ayaw ka na ring pakisamahan dahil sa pagiging agresibo mo! Now tell me, kanino may problema at kung bakit hindi ka namin p'wede pabayaan?"
Then why they don't leave me alone? I've only caused problems to these people so why do they keep insisting I should be with people just to watch me?
O kaya ilagay na lang nila ako sa mental institution kung tingin nila ay nasisiraan na talaga ako ng bait!
Napatiim bagang na lang ako. Si Mama hinawakan sa braso si Papa batid na hinay lamang sa tono ng pagpapagalit sa akin. Inaamin ko na sa akin naman talaga mayroong problema.
"Kaya nga po gusto ko mapag-isa eh! Walang may gusto sa akin, walang may gusto makisama sa akin dahil tingin nila nasisiraan na ako ng bait! No one can understand me Papa... no one..."
Alinsunod akong umiling. "Even you..."
"Even you, Papa can't understand what I'm going through day by day..." I'm trying my best not to crack my voice. Past is always haunting me so I can't be at peace.
Lumamlam ang mga mata ni Mama at nilapitan ako at naupo sa tabi ko sabay umiling at hinawakan ang mukha ko.
"No anak... Papa and I, understand what you're going through so don't think of that. Don't," she's trying to enlighten my mind just to calm me na mali ang iniisip ko, na totoong naiintindihan nila ako...
Hindi ako nagsalita.
Totoong likas na may problema ako sa ugali, masiyadong mainitin ang ulo ko, hirap akong makisama at mas lalo pang lumala nang magkaroon ako ng malalang depresyon.
Pero sa kabila ng sinabi ni Mama, nagpatuloy lang sa pagpapagalit sa akin si Papa. "Anong akala mo Lorna, ikaw lang ang nahihirapan?"
"Akala mo ikaw lang?!" Muling tumaas ang boses ni Papa nang wala siyang narinig na sagot mula sa akin at naramdaman ko na lang ang panginginit ng mga mata ko.
"Kung hindi mo tutulungan iyang sarili mo, kung hindi mo aayusin iyang ugali mo, wala, wala ka talagang makakasundo, wala kahit na sinong tatagal sa 'yo!" Umiling na lang siya dala ng pagkadismaya sa akin.
Tumingala ako at tiningnan ko ang galit na mukha ng Papa ko. "Even how much I try to be a good girl, there's some point where I can't control my emotions..."
Sarili ko ang kalaban ko... I became silent the whole time after that incident happened and I bought my own world inside my head na ako lang ang tanging taong nakatira.
Madalas pa napagkakamalan akong pipi at bingi dahil madalas ang mga kumakausap sa akin napapanis na lang ang laway nila lahat-lahat wala pa sila naririnig na salita mula sa akin.
I feel like I lost my interest in everything...
Galit ako sa sarili ko, at madalas naibubunton ko sa ibang tao lalo na kapag sinasabi nilang ako ang may kasalanan kahit... hindi ko naman yon intensyon at hindi ko ginustong mangyari...
I am not the one they should blame dahil biktima lang din ako... pero si Papa kahit ito sinisisi ako sa mga nangyari... kung bakit 'di na namin kasama ang nakakatanda kong kapatid.
And the only person who can understand me is my Mom... no one else, wala nang iba pa, siya lang ang bukod tanging hindi ko naringgan na sinisisi niya ako.
Pero kahit na sarili ko, sinisisi ko kung bakit ako umabot sa puntong naging ganito ako, kung bakit lahat na ng tao kinagagalitan ko dahil pakiramdam ko hinuhusgahan nila ako lalo kapag nakatalikod ko, o baka iniisip ko lamang iyon? Hindi ko na alam.
Sinisisi ko na nga ang sarili ko pero mas lalo nadadagdagan ang bigat na dala-dala ko buhat ng mga taong tuwing nakikita ako, hinuhusgahan ako sa tingin pa lang.
Meron namang mga taong lantaran kung magsalita katulad na lang ni Daddy na pag nagagalit siya sa akin hindi niya mapigilang ungakatin ang pangyayari.
"Kung tutuusin, hindi ka naman dapat nagkakaganiyan, Lorna," pagod nang saad ni Papa habang yakap-yakap na lang ako ni Mama at wala na akong imik.
"Kahit bilang bawi na lang sa amin sa nagawa mo, bumalik ka na lang sana sa katinuan mo bawi ka na!" Ang sinabi niya naghatid lang ng paninikip sa dibdib ko.
"Sebastian, tama na! Pinalalala mo lang ang nararamdaman niya hindi mo na iyan dapat pang sinasabi at bilin na bilin ng psychologist niya na h'wag nang maguungkat pa!" pagalit ni Mama kay Papa pero huli na dahil kada salita niya bumabaon sa akin.
Oo na, kasalanan ko na.
"Hindi ko naman po tinatanggi na kasalanan ko Papa," matatas kong sagot at kumalas ako sa pagkakayakap ni Mama.
Tumayo ako at tinapatan si Papa. "Alam ko po na sa akin niyo lahat isinisisi..." Pagak pa akong natawa pero mapait iyon.
"Pero ano pa bang magagawa ko? Kaya ko bang ibalik ang buhay niya?" Sinadya kong mag-mukang insensitibo ang tono ko kaya namula ang mukha niya sa pagusbong ng niya galit sa akin.
Agad namang pumagitna si Mama sa amin dahil alam niyang tatamaan ako kay Papa... alam niyang hindi ito makakapag-timpi at agad nang inunahan ng awat nang hawakan niya ito sa dibdib.
"Sebastian, intindihin mo na lang," pakiusap ni Mama dito pero ang mga mata ni Papa ay namumula at nanunubig sa galit sa akin.
Paulit-ulit man niya itanggi ay lumalabas pa rin mula sa mismong bibig nito sa mga ganitong pagkakataon na ako talaga ang sinsisi niya.
"Papa," tawag ko sa kanya buhat ng matatas kong boses. "Sorry kung dahil sa akin, nawala siya." Pinigilan ko ang sarili ko maging emosyonal.
"Pero maniwala kayo at sa hindi, sinisisi ko rin ho ang sarili ko." Kamuntikan akong pumiyok.
Kumurap ako at nag-iwas ng tingin, ang mukha niya ay kahit papaano lumambot matapos marinig ang sinabi ko.
"Akala niyo ata gusto ko 'tong nangyayari sa 'kin." Pagak pa akong natawa sabay umiling. "Hindi po, Papa."
Si Mama maluha-luha ako pinagmasdan pero nanatiling seryoso lang ang mukha ko. Wala akong karapatan umiyak malaki ang kasalanan ko.
"Kaya nga gusto ko na lang mag-isa para mapagbayaran ko ang nagawa ko para kahit na papaano gumaan ang loob ko." Huminga ako ng malalim buhat ng pamimigat na dibdib.
"Lorna..." naaawang tawag sa akin ni Mama.
"Ma, buti ka pa." Mapait na lang akong ngumiti. "Sa lahat ng tao kayo lang ang may tiyagang intindihin ako."
Bumakas naman ang pagkakonsensya sa mukha ni Papa, hindi siya nagsalita, tanging tingin na lamang ang iginawad niya sa akin.
"Pero gusto ko hayaan niyo ako... hayaan niyo ako kung saan ako komportable at kung gusto ko mapag-isa, hayaan niyo ako—"
"Hindi," putol ni Papa sa akin.Hindi pa rin siya sang-ayon sa kagustuhan ko kahit wala sila kaya ko mag-isa sa bahay.
"Pansamantala ka munang tutuloy sa bahay ng mga Del Fuego, nakausap na namin sila, sa bahay ka nila titira habang wala kami ng Mama mo," may pinalidad na sinabi niya.
Tutututol pa sana ako pero nakita ko kung gaano siya ka-seryoso kaya hindi na ako nakapagsalita pa.
Namimigat ang dibdib ko. Bakit kailangan ko pang makisama sa sinasabi nilang Ninong at Ninang ko kasama rin ang anak nilang binata sa iisang bahay?
Ayos na ayos na ako rito sa lumanag bahay kahit h'wag na nila ako intindihin. Basta may pagkain naman at internet 'e kayang-kaya ko namang mabuhay nang hindi nalabas ng bahay kaya bakit?
Napakuyom na lang ako. "Ang hirap sa inyo ang hilig niyong magdesisyon nang hindi muna ako tinatanong," pagalit kong sinabi pero desisyon pa rin nila ang nasusunod.
"You don't have a choice but to live with them," he said in a period kaya napatiim bagang na lang ako.
And what do they think I would do with their house? Sigurado magiging pabigat lang ako sa mga taong iyon!
"Mahirap akong pakisamahan," rason ko kung bakit ayoko. "Masama ang ugali ko, magiging sakit lang nila ako sa ulo."
"Iba ang mga taong iyon sa pangkaraniwang nakakasalamuha mo... mahaba ang pasensya nila pagdating sa mga katulad mo, Lorna." Tila hindi na magbabago pa ang desisyon nila.
Kaya sinubukan ko ulit.
"Makakaaway ko ang mga kasambahay nila."
"Mababait ang mga kasambahay nila kaya mahihiya kang awayin sila dahil hindi natin sila pasahod."
Muli akong napatiim bagang. "Hindi ko makakasundo ang anak nila," huling hirit ko pa at nagbabaka-sakaling magbago pa ang isip nila pero nagkatinginan lang sila at panabay na natawa, tawang kakatwa.
"Iyung anak ba kamo?" tila may malisyosong tono ang ginamit si Papa nang banggitin ko ang kinakapatid ko na hindi ko pa nakikita. Kahit kailan.
"Tungkol naman sa binata nila, sigurado makakasundo mo siya... mabait na binata iyang si Zandrick at sigurado kami ng Mama mo na magkakasundo kayong dalawa," may giit sinabi pa nito kaya pakiramdam ko tuloy nag-usok ang ilong ko.
Pangalan niya pa lang, pakiramdam ko ayoko na agad sa kanya. His name brought me an uneasy vibe, uneasy feeling na hindi ko siya magugustuhan pakisamahan.