CHAPTER THREE

2197 Words
THIRD PERSON'S POV Nakatayo si Lorna sa tapat ng malaking mansyon ng pamilya Del Fuego, malaki ang bahay nila sa US pero mas malaki ito at mas maganda... makabago. Kabababa niya lang ng sasakyan ganoon din ang mga magulang na inutusan ang mga tao nila na ibaba na ang mga gamit niya. May lumabas namang mga kasambahay galing loob ng mansiyon at sinalubong sila na may magiliw na pagbati. Hindi siya tumugon, ang mga magulang niya lang ang tanging kumausap sa kanila at sinabi na ng mga ito kanina pa raw sila hinihintay sa loob ng may-ari ng bahay. Tiningnan niya lang ang mga kasambahay na kunin sa mga tao nila ang mga naglalakihan niyang bagahe. Wala na siya nagawa pa kundi ang sumama na lang papunta dito kagaya ng gusto nilang mangyari. Pinag-leave rin nila ang mga bagong kasambahay nila sa old house maliban na lang sa isang mayordoma. Sinadya nilang gawin iyon para lang mapilitan siya sa gusto nila na dito sa bahay ng mga Del Fuego tumuloy dahil wala siyang mauutusan. Hindi pa man din siya marunong sa mga gawaing bahay kaya tinanggalan siya ng mga bagong hired na maids na last week lang na-hire pero ilang araw lang ang tinagal noong mga nauna dahil hindi mga nakayanan makisama sa kanya. "Let's go," magiliw na yakag na sa kanya ng Mama Marilou niya. Hinawakan siya nito sa kamay at dinala na papasok sa loob kasunod ang Papa niya. Hindi naman maipinta ang mukha niya habang papasok sila sa loob ang mga paa niya'y mabigat ng bawat hakbang. Pagkapasok nila agad din silang sinalubong ng isang mag-asawa, ang ganda ng babae, at gwapo rin ang lalaki wari niya noong kabataan ng mga ito mas gwapo at maganda pa. "Marilou!!" Napatili si Aya nang makita ang kaibigan na kumulang dalawang dekada nitong hindi nakita. "Aya!" Tuwa rin si Marilou makita ito. Nagkamayan naman ang Papa niya at si Kandrick matalik na mga magkakabigan. Ang Papa niya nga pala dating pulis din, pero maagang nag-retiro dahil mas piniling na lang mag-negosyo. Nagbatian at nagkamayan silang apat na may labis na tuwa at kagalakan sa mga mukha. Bukod tanging siya lang ang 'di natutuwa habang tahimik lang siyang pinapanuod sila. "Oh! My... ito na ba siya??" bulalas ni Aya nang makita siya. Nangunot naman ang noo niya nang bigla siya nito hinawakan sa braso sabay niyakap nang mahigpit. Hindi siya makahinga. Gusto niya ito itulak pero alam niyang mali iyon kaya hindi niya ginawa at isa pa ay kaibigan ito ng mga magulang niya. Pero kung sa iba-iba ito kanina pa tumalsik. Ayaw niyang hinahawakan nang walang permiso niya, pero sa pagkakataong ito hinayaan niya. Ito rin naman ang unang kumalas mula sa pagkakayakap at muli siya hinawakan sa magkabilang braso at pinakatitigan ng mabuti ang mukha niya kaya siya nailang. "Ang gandang bata!" puri nito sa kanya ngunit nanatili siyang walang reaksyon. Nakatingin lang siya sa maganda nitong mukha kahit may edad na pero 'di naman halata dahil halatang alaga rin ng beauty clinic tulad lamang ng Mama niya. She looks like she's just in her late 40's pero wari niyang nasa early 50's na ito but she's amazed by her beauty at her age. "Yes, Aya. Siya na nga iyan ngayon," Marilou said proudly and her Papa gave her a stare like he's telling her to 'smile' but she didn't. Her face remains stoic,. nonchalant in front of these people. She remains emotionless, showing neutral. "Aww, she's very pretty! She looks like a living doll! Can't wait for Zandrick to see her!" Aya seems excited but Lorna looks really not interested. "Baby pa siya noong nakita namin. 18 years ago, since you brought her to the US and now you went back with her she grew up like a real lady," saad naman ni Kandrick na tuwa rin makita ang dating baby lang. Ginawaran pa nga siya ng magaan na ngiti at sinuklian naman niya ng isang tipid lang na ngiti rin na halos hindi kumibot ang labi niya. Para sa kanya ngiti na iyon kahit mukang parang wala lang, hindi niya alam kung ba nakita nila na ngumiti siya kahit na kaunti. These people are very... welcoming. I guess so, she said in her mind in an observing manner. Pakiramdam niya ang mga tao na ito hindi siya huhusgahan kahit na walang kagiliw-giliw sa mukha niya pero tuwa pa rin ang mga ito sa pagdating niya sa bahay nila. Ramdam ng mga ito na hindi siya natutuwa pero kahit na ganoon magiliw at masaya pa rin ang salubong sa kanya kahit na hindi siya katuwa-tuwang kausapin. "Oo nga pare, ang tagal namin hindi umuwi alam mo naman kung bakit, mahirap na," may laman na sinabi ni Sebastian sabay bumaling sa anak at ibinalik din naman ang tingin sa kumapare. "We wanted her to spend her time dito sa Piliipnas na para naman maranasan niya ang buhay rito," ani pa ni Sebastian. Tumango naman si Kandrick. "We're glad naisipan niyong iuwi siya." Muli namang tiningnan nila si Lorna na nakikinig lang. "Dati baby ka pa noong huling kita namin sa iyo, pero ngayon you've grown up." Tuwa pa itong ginulo ang buhok niya kaya napayuko siya at hindi nakaiwas. Hindi naman siya nakaramdaman ng iritasyon... sa halip pakiramdam niya, muka namang mababait sila. "Kaya nga honey! Noong binyag at birthday natin siya huling nakita hindi ba? I remember pa nga! Zandrick carried her!" Tuwa namang inalala ni Aya ang binata nilang minsan pala siyang nakarga noon? "Oh my... I remember those lovely scenes when my son Zandrick held your delicate and little hands..." Pinagdaop pa ni Aya ang mga palad habang masayang bumabalik sa matamis na alaala kaya nagtawanan sila. Siya lang ang hindi. Kaya hindi niya kilala ang Zandrick na iyon dahil simula napaka-baby niya pa lang umalis na sila kaya 'di niya nakilala ang nasabing kinakapatid. "Kaya mabuti naman talaga umuwi kayo! Ang akala namin ay doon na kayo forever eh!" Tumawa pa ang Ninang Aya niya at hindi na naubusan ng sasabihin panay kwento. "Nagulat pa nga ang anak namin nang malaman na iyung dati niyang kinarga noomg baby ay iyon ang titira dito sa bahay. She's importeids sabi ko kaya kako umayos siya!" maarteng sinabi pa nga ni Aya kaya muli silang nagtawanan maliban ulit sa kanya. Hindi siya maka-relate. Harap-harapang siya ang topic hindi rin siya nakakaramdam ng pagka-giliw kahit na anong saya ng atmospera. "Kilala na ni Zandrick si Lorna, kasi noong baby siya may isip naman na ang anak ko noon at may picture din silang dalawa na si Zandrick karga-karga ka habang kiss ka niya!" tuwa pang paglalahad ni Aya. Natigilan siya at napakurap. "Pero itong anak niyo hindi siya kilala kasi nga baby pa nga siya no'n, pero it's okay, ngayon naman magkikita na ulit sila!" dagdag pa nito na mukang mas excited pa. Ano kayang nakaka-excite na ma-meet ang anak nila? Gusto niyang umismid pero pinili niya manahimik na lang at h'wag nang magpakita ng reaksyon. Tumingin naman muli sa gawi niya ang Ninong Kandrick niya na muli pa siyang ginawaran ng ngiti na magaan kahit na makikita sa mukha niya ang labis na pagkadisgusto niyang nandito siya. "Eh, sandali! Nasaan na ba ang batang iyon?" Hinanap naman ng mata ni Marilou si Zandrick. "Pababa na iyon, may tinatapos lang—Oh! Ayan na pala siya!" turan ni Aya sa anak na pababa na pala ng hagdanan. Lahat sila ay napatingin sa direksyon ng lalaking kasalukuyan nang pababa, agad na nagtama ang mga mata nila ni Lorna. Tumalim naman ang mga mata ni Zandrick pero ang pahinga niya hindi nagpapantay pero pilit niya kinakalma ang sarili nang makita ang dalaga. He hitch his breath seeing her now... Pinagmamasdan din sita nito sa suot niyang puting loose fit t-shirt at maong jeans, clean cut ang gupit ng buhok niya at may kanipisan na bigote. Hindi talaga maikakaila ang propesyon itsura pa lang matikas na, a very class man idagdag pa na tunay nga naman napaka-linis tingnan at muka pang mabango at higit napaka-gwapo. Pero hindi nagbigay ng anumang reaksyon si Lorna habang nakasunod lang siya ng tingin dito papalapit sa kinaroronan nila. "Son, come here!" Aya called him excitedly hanggang tuluyan na itong makalapit at ang mga mata nanatiling nakatitig kay Lorna. Zandrick stopped in front of them, bakas naman sa mga mukha nina Sebastian at Marilou ang pagkamanghang makita ang binatang anak ng kanilang kaibigan. Inangkla naman ni Aya ang braso sa malaking braso ng anak. "Sebastian, Marilou, this is him now! Our very good looking man, our son Zandrick," buong pagmamalaking ipinaglandakan ni Aya ang binata sa mga ito. Zandrick gave them a very warm and pleasant smile. "Good morning, Tito, Tita, it's been a long time," he greets them cooly with happy tone. Marilou suddenly hugged him which made him chuckle and hugged her too. "Ang laki-laki mo na Zandrick! You are such a man now! Samantalang noon halos patpatin ka pa!" tuwang bulalas nito na ikinatawa nila at ito rin ang unang humiwalay ng yakap. Zandrick chuckled. "Time flies Tita." "Akalain mong may mas igu-gwapo ka pa pala?" tuwa namang salubong ni Sebestian dito at tuwang nag-akapan din sila. While Lorna felt out of place. "Magtataka pa ba kayo, tumingin na lang kayo sa mga pinanggalingan ko," pilyong sagot naman ni Zandrick sabay kindat sa mga magulang niya na ikinatawa na lang nila buhat ng pagiging maloko. Yabang. Sa isip-isip pa ni Lorna. "Siya nga naman! Hindi naman kataka-taka magandang lahi ang pinanggalingan!" saad ni Marilou kaya nagtawanan sila ulit. "Pero itong anak namin tanda mo pa ba??" Bigla naman siya isiningit ng Mama niya sa usapan nila. Bigla siya nitong hinawakan sa braso hinila siya ng bahagya para mas ilapit siya sa kanila kaya dumako muli ang tingin ng binata sa kanya na mula ulo hanggang baba pati ata kaluluwa niya ata pinagmamasdan nito. Ba't ganito 'to makatingin? "O..." Zandrick's lips turned into an O. "Yes." He chuckled while he's looking at the young lady who looked snobbish. Tiningnan niya ang mag-asawang Sebastian at Marilou. "I remember her. I actually shocked Tita na kayo pala itong tinutukoy ng mga magulang ko na may anak na... alagain pa?" Umarko pa ang kilay ni Zandrick nang muling balingan niya ang dalaga. Agad namang kumulo ang dugo ni Lorna sa huling sinabi nita na naghatid insulto dito. Siya, alagain? Iyon ang tingin nito sa kanya? Lihim itong napatiim bagang. Mas lalo siyang naasar nang tumawa pa nga siya sa nakita niyang reaksyon nito. "Zandrick," biglang saway ni Aya sa anak pero tumawa lang muli ang binata sabay nagpamulsa. "Bago nila sabihin kung kanino bang anak ang kailangan ko bantayan, I was really mad because they obviously know how busy a person I am," Zandrick said frankly. Nahigit naman ni Lorna ang paghinga, pakiramdam niya nanginit siya sa kung paanong makipag-usap si Zandrick sa kanya. "Pero nang malaman ko na iyung baby pala na minsan kong kinarga noon 18 years ago?" Natawa pa si Zandrick. "Anak niyo pala." "Biglang nag-bago ang isip ko. And I decided to accept and and said to my parents, why not coconut?" ginawa pa nitong biro kaya ang isang kilay ni Lorna ay hindi napigilan umarko dahil sa iritasyon. "Nagalit ka pala, ayaw mo naman pala, ba't ka pa pumayag?" asar na tanong ni Lorna dahil ang hatid ng lalaking ito sa kanya ay pagkasuya. "Bingi ka?" patuyang tanong bigla ni Zandrick na ikinabigla nila. Hindi niya inaasahang agad siya nitong babarahin kahit na kaharap ang mga magulang nila. "Zandrick. Stop," may pananaway namang tawag ng Papa niya pero nagpatuloy siya. Ang tingin ni Zandrick ay na kay Lorna lang. Hindi niya lubos maisip na ito na pala ang baby na kinarga niya noong dose anyos pa siya. "Kasasabi ko lang ng dahilan kung bakit ako pumayag, I said you were that baby I carried a long time ago and your parents are close to my family. So please comprehend it." His words are insulting and kinda harsh for her but his expression is light, looks delighted into something. Napakuyom na lang ng palad si Lorna at nang tingnan niya ang mga magulang ay nadismaya siya dahil hinahayaan lang na harap-harapan siya kausapin ng ganito ng lalaking 'to. Akmang sasagot na sana siya nang magsalita si Aya, binabasag na ang namumuong sama ng panahon sa pagitan nilang dalawa ng binata. "Baka gutom na kayo! Tara na kaya at kumain na?" yakag na ni Aya at kiming tumawa dahil ramdam nila wala pang kalahating oras na nagkita ang dalawa may diklapan na agad na namumuo. Peke naman tumawa si Marilou para lang pagaanin ang paligid at ilihis na rin ang usapan. "Halina na nga, gutom na rin kami!" Mga kiming nagtawanan sila pero ang mga mata ng mga magulang nila ay makahulugan nagpapalitan ng tingin. Hinawakan naman ni Sebastian sa likod si Lorna at may ibinulong sa bandang tainga niya. "Calm down, you're not in your place." Her father wants her to behave. Kilalang-kilala talaga siya ng mga magulang niya at alam nila na galit na siya at anumang oras mananakit na siya pero kumalma siya wala siya sa sarili nilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD