LORNA'S POV
"Guys, chill okay?" Kiming tumawa si Ninang Aya dahil ramdam nila ang pagkadisgusto namin sa isa't isa ng anak niya.
"Parang gusto niyo nang magkagatan," biro pa niya kaya nagtawanan silang lahat, ako lang ang hindi. Kahit itong lalaking ito ay nakitawa rin.
"I have no problem with her," paglilinaw ni Zandrick sa mga magulang namin. "At some point I just found her lack of comprehension. I guess?" Inarkuhan niya pa ako ng isang kilay at sinabayan ng nakakainsultong pag-tawa. Literal na siyang nangiinsulto, at halatang sinasadya niya na.
He don't like me obviously, and I don't like him too. Bigyan niya lang ako ng panahong ipakitang pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa. Kapal ng ap*g niya.
"Zandrick, you're infront of her parents. Have a break. Watch your words," ma-autoridad na saway ni Ninong Kandrick sa anak niya pero itong lalaking ito mukang walang pakiramdam.
"I'm sorry Tito, Tita. That's my first impression of your daughter after seeing her less than a two decades." Humingi nga ng paunmanhin pero hindI niya binawi ang sinabing insulto sa akin at sa halip pinanindigan pa niya, waring hindi siya pasasaway.
"Pero kahit na ganoon, hindi maikakailang lumaki siyang maganda." Bigla niya akong tiningnan sabay kindat sa akin kaya ramdam ko ang pisngi ko nag-ala kamatis at ang mga mata ko automatikong nanlaki.
What the heck is his problem? Lalaitin niya ako tapos bigla naman pupurihin? My breath hitched and became uneven because of anger.
Bigla naman akong kinapitan ni Mama sa braso dahil alam na nilang anumang oras pwede na ako makasakit. Idinaan ni Mama sa tawa ang nerbyos pero kimi iyon at hilaw.
"It's okay hijo, we admit that my daughter has an issue when it comes to her behavior pero pasuyo na ikaw na lang ang mag-adjust maybe lessen... your frank and inaapropriate terms even... a little bit when you are talking to her because she's still my daughter." Ang boses ni Mama ay mahinahon kaya kahit papaano nakaramdam ako ng gaan na mayroong taong natayo sa tabi ko.
She's still standing as my mother, ayaw niyang may kumukutya sa akin sa kabila ng hindi ko magandang asal din. Ganito naman parati, unang kita palang sa akin ng mga tao na bagong kakilala, hindi na nila ako kaagad gusto dahil basa kaagad nila na mahirap ako pakisamahan, at kahit pa maraming beses na akong nakakarinig ng 'di magandang komento sa akin, nanginginit pa rin ako.
Masiyado akong magagalitin kaya ang tingin sa akin ay agresibo bagay na dahil ko kaya kontrolin.
Ninang Aya suddenly meddled. "Marilou! Pasensya ka na sa anak ko. He's a little bit rude sometimes, but he's a good man." She defends her son nervously while she's thinking about our impression of his son who is now in an apologetic manner.
Hinarap niya ang anak niya. "Zandrick you better apologize. Talking rudely isn't nice, act like a man!" Parang gusto pa niyang kurutin ito.
And this arrogant man suddenly looks apologetic to my mother pero alam kong peke iyon. "I'm sorry Tita. Hayaan niyo I will watch my words next time," iyon lamang ang sinabi niya pero para namang labas sa ilong at nakikita kong palubag loob lamang iyon.
Nararamdaman ko, hindi niya rin ako gustong nandidito ako, pero tanungin muna niya ako kung gusto ko ba rito at kung gusto ko rin ba siya.
"Sweetie, hayaan mo na ang mga bata," biglang sinabi ni Papa hinawakan si Mama sa balikat batid na hayaan na lang nilang ganunin ako kaya napatingin ako rito.
"Zandrick didn't mean his words to Lorna that's their impression of each other so we can't do something about it," he defended someone else's son kaya hindi ko napigilang tabang na matawa at bahagyang umawang ang bibig.
Kahit kailan ka talaga Papa... you're not my side eversince. You prefer seeing me hurt and insulted by people because you see this as part of the teachings...
Hindi ko napansin na nakatitig pala sa akin si Zandrick kaya nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya tumalim ang mga mata ko.
He grinned. "Your eyes look like you're about to stab me. Parang gusto mong manaksak sa paraan kung paano mo 'ko tingnan." Paano niya nagagawang maging casual sa akin? Tumawa pa siya. "Chill ka lang, Ms Taray."
Ms Taray?
Walang imik ko lang siyang tiningnan, nakita kong hinawakan siya ni Ninong Kandrick sa balikat at may ibinulong ito sa kanya na ikinapalis ng ngiti niya.
"Ladies and gentlemen, can we proceed to the dinning room nang makakain na tayo? Hayaan na natin ang mga bata, mayroon silang kanya-kanyang mga personalidad pero pasasaan ba eh, they will be good friends," saad ni Ninang Aya na may malawak na ngiti sa mukha pilit na pinagagaan ang atmospera.
Tumango na lamang ang lahat at sinang-ayunan ang sinabi nito, maliban na lang sa amin ni Zandrick. Hindi ako sumang-ayon ganoon din siya.
Ang lalaking 'to magiging kaibigan ko? Mas masama pa ang tabas ng dila niya kaysa sa akin kaya 'di ko magawang makita ang sarili kong makakasundo ko siya, baka sa pagputi ng mata.
Inanyayahan na nila lahat na tumungo sa dinning room ngunit natigilan sandali nang magsalita si Zandrick.
"Una na kayo, Mom susunod na lang kami nitong kinakapatid ko. I just want to ask her some private questions." He is asking for our privacy which made me stunned a little.
Nagkatinginan naman ang mga magulang namin at nagsalita si Ninang Aya. "At bakit? Hindi ba kayo sasabay sa pananghalian?" Kahit ito nagulat.
"Sasabay. Umuna na kayo susunod na lang kami," sagot na lang ni Zandrick na wala na masiyadong paliwanag hindi man lang niya ako tinanong kung gusto ko ba mapag-isa kasama siya.
I don't like this idea talking to him, alone. I don't like private conversations with someone I don't like, I hate it. Magsasalita na sana ako para umapela pero naunahan ako ni Papa.
"Sure. Pero sumunod din kayo agad." Ngumiti pa siya kay Zandrick at dumako kina Ninong Kandrick at Ninang Aya. "Pabayaan na muna natin kaya ang mga bata. Your son is asking for privacy to personally know our daughter so let them be." Pagak pang tumawa na waring natutuwa pa.
"Nga naman!" Tuwang biglang pinag-daop naman ni Ninang Aya ang dalawang palad na tila nakuha ang mensaheng ibig ipabatid ni Papa sa kanila.
"Siya, sige! Maiwan na muna namin kayo o kung gusto niyo doon kayo sa may garden ipadadala ko na lang ang pagkain niyo ro'n what do you think, son?" Ninang Aya's tone sounds malicious but feeling delighted like something came up in her naughty mind.
"Better idea, Mom. Please, tell the maids to bring our food near the garden. Gusto kong sarilinan makausap itong aalagaan ko... you know, to know her even more," he answered his mother dahilan para magpalitan sila ng mga makahulugang tinginan.
Why do these people look controlling? Walang ni isang nagtatanong sa akin kung ayos lang ba sa akin o kung payag ba ako. Do I have no rights to say no?
Aapela sana ako pero bigla na silang umalis, sabay-sabay silang umalis sa harapan namin at malakas na mga nagkwentuhan na para bang sinadya nilang hindi ako bigyan ng pagkakataong mag-protesta.
Tuluyan na nga silang nawala sa paningin namin at tumungo na sila sa dinning room kaya naiwan ako kasama ng anak nila...
Narinig ko si Zandrick na nag-salita. "So, let's go now to the garden so we could talk?" anyaya niya na sa akin buhat ng buhay at magiliw na boses.
Yumuko ako at dumako ang tingin ko sa muwebles nilang sahig. "Ayoko," matigas kong tanggi at unti-unti rin naman ako nag-angat ng tingin sa kanya.
"Ang akala mo ba, gusto ko rito?" Pasinghal akong natawa, tawang hindi natutuwa. "Sino ka ba sa palagay mo?" Ginawaran ko pa siya ng isang mapanginsultong tingin. "Ang kapal naman niyang ap*g mo para insultuhin ako na kaharap pa ang mga magulang ko?" Bahagya ko pa siyang pinandilatan.
His face looks surprised. "Hindi ka pala pipi, at mas lalong hindi ka bingi?" Bigla siyang tumawa kaya lalo akong nagpuyos.
"I really thought you were deaf," he said playfully hindi ako siniseryoso. Ginawa niya kakatawanan ang sinabi ko. "How come na marunong ka pala makipag-usap samantala kanina ay para kang tuod, while everyone is talking to you," he sounds like he's turned off.
"I just want you to know na ayoko sa mga taong nasa loob ang kulo." Mula ulo pababa tiningnan niya ako. "Kwento palang tungkol sa iyo ramdam ko nang may sayad ka at napatunayan ko ngayong araw na 'to matapos kitang makita."
Nagpuyos lalo ang kalooban ko.
Ako? May sayad?
"Hindi ko pipiliin ang mga salita ko h'wag ka lang masaktan. Malinaw naman na siguro sa iyo kung anong klaseng tao ang kaharap mo ngayon?" batid niyang hindi siya para maging mapagpanggap.
"Kagabi ko pa iniisip, at the age of 18 bakit hindi p'wedeng walang titingin sa iyo? Why? Dahil may sayad ka, hindi ba?" Humakbang pa siya papalapit sa akin, at 'di naman ako natinag.
Pero inaamin ko, nasasaktan ako sa mga salitang ibinabato niya sa akin gayong hindi naman niya ako lubusang kilala.
"Bakit pati ibang tao kailangan abalahin ng mga magulang mo para lang makiusap na bantayan ka? Do you have any idea kung gaano kalaking abala 'to sa 'kin?" Tumaas ang dalawa niyang kilay habang ang lapit niya na.
"P'wede kang tumanggi," saad ko. "P'wede mo tanggihan kung ayaw mo talaga. May choice ka—"
Bigla na naman siyang tumawa, pero iyung tawa niya frustrated at bwisit. "Wala akong choice Miss dahil kahiyaan na." Pinanlakihan niya pa ako ng mata. "Alam mo ba iyong ibig kong sabihin? Kahiyaan nang tanggihan ang pabor na hinihingi ng mga magulang mo."
"Mga magulang ko na lang ang nahiya. Dapat nga 'di ka na nagpapahirap sa kanila. Matanda ka na, 18? Legal age na at dapat nagtatrabaho na. Hindi ka naman PWD at mas lalong 'di ka naman autistic. Muka ka namang matino, pero bakit hindi mo kaya maging normal?" Ang sakit niyang mag-salita...
Hindi niya alam ang sinasabi niya. Napatiim bagang na lang ako at naramdaman ko ang panginginit ng mga mata ko. Wala talagang kaya umunawa sa akin, wala.
"Alam kong ayaw mo sa 'kin, kitang-kita ko," sagot ko sa mga ibinabato niyang salita sa akin. "Pero h'wag kang magsalita na para bang alam mo ang pinaggagalingan ko."
"Kung ayaw mo sa akin, mas lalong ayaw ko naman sa mga aroganteng katulad mo na kung magsalita ang taas-taas ng tingin sa sarili." Hindi ako nakasigaw, katamtaman lang, sapat na para marinig niya.
"Ayaw mo sa akin? Ayaw mo sa mga tulad kong palagay mo nasa loob ang kulo?" may tanong kong bawi. "Tanungin mo muna ako kung gusto ba kita."
Ang mukha niya hindi malaman kung tatawa ba o maiinsulto sa mga sinabi ko pero sa huli napatawa siya bigla sabay nagpamaywang niya akong tiningnan at tila bago pa lamang rumerehistro sa isip niya ang narinig niya.
"Hindi ko naman gusto rito eh, akala mo ba?" Nanunubig ang mga mata ko habang rekta ko siyang tinitingnan sa mga mata. "Ayaw ko rito, I prefer to go back to US and walked in to my room, to my safest and quiet place..."
Hindi siya nagsalita habang nakatitig siya sa akin. Hindi ako nagpapaawa, I'm defending myself, iyon lang ang ginagawa ko.
"I want a quiet place kung saan ako lang mag-isa. Call me crazy but I prefer to live alone! Hindi ko kailangan ng mga taong huhusgahan lang ako."
Tinalikuran ko na siya at aalis na sana ko sa harapan niya nang magsalita siya. "Ano bang pinaggagalingan niyan?" tanong niya waring gusto niyang malaman kaya natigilan ako.
"What's the root of your strange behavior?" he asked again. "Because you know what, that's not normal," he added giving his opinion.
"Walang taong nabubuhay nang mag-isa, walang taong kaya mabuhay nang walang katuwang kahit isa. How come na makakaya mo ang ganoon Miss?" dagdag pa niya at tila may panguusig doon.
"Sa nakikita ko naman, mahal ka ng mga magulang mo... nagiisa ka nilang anak kaya imposibleng hindi nila ibigay sa 'yo lahat?" He is really curious where I am coming from...
Kahit ako tanong ko rin iyan... kung bakit... bakit hindi ko kayang makisama kung bakit nahihirapan ako makitungo sa iba, at kung bakit ang sama-sama ng ugali ko.
"Or... is it because they spoiled you too much so you think your feelings is the most and very important?" he asked again, thinking these are the possible reasons...
"Kasi alam mo... if you continue that life you supposedly change the way it is, magiging abala ka lang hindi lang sa mga magulang mo, kundi pati na rin sa ibang tao."
"H'wag na tayong lumayo, kahit sa akin na lang, napaka-laking abala mo, magaalaga ako ng isang spoiled brat na malakas ang saltik. Come to think of it, 'di naman kita kaano-ano pero ako itong nakatokang tingnan-tingnan ka."
Nakuyom ko muli ang dalawa kong palad, hindi niya naman iyon kailangang gawin, 'di ako nagpapaalaga! Nanatili lamang akong nakatalikod mula sa kanya at hindi na ako nag-abalang humarap.
"Don't you imagine how busy a person I am?" hirit pa niya sanay pagak na tumawa. "If you have time, try to find that out." Matapos niya iyong sabihin siya na ang naunang umalis at nag-tungo siya sa dinning room... at iniwan niya akong mag-isa.