Chapter 2: First Time

2349 Words
SINIBASIB nito ang kaniyang labi at napakapit siya sa matipunong braso nito. Kakaiba ang dulot sa kaniya ang bawat paggalaw ng labi nito. Hanggang sa ipasok pa nito ang dila sa kaniyang bibig at ginalugad nito ang loob. Halos mapugto ang kaniyang hininga at napahiga siya sa couch. Kaagad nitong dinaklot ang kaniyang dibdib dahilan upang magpakawala siya ng mahinang ungol. Tila nagmamadali itong hinalikan siya sa leeg pababa at lumayo nang bahagya. Nagtama ang tingin nilang dalawa at ngumiti ito sa kaniya. Gusto niyang malaman ang pangalan nito. Nang sandaling iyon ay kakaibang karisma ang nagpaakit sa kaniya. Marahas niyang hinatak ang kwelyo ng lalaki upang yumuko at sinunggaban ng halik. Muli ay pinagsaluhan nila ang mainit na halik. Their hot saliva was mixed. Pinaghiwalay nito ang kaniyang magkabilang hita af diniin ang pagitan nito. Naramdaman niya ang paghagod ng matigas na bagay sa ilalim ang pantalon nito. Hanggang sa hubarin na nito ang kaniyang damit na nagpahinto sa kanilang ginagawa. Napahinto ang lalaki at napatulala. Titig na titig ito sa maputi at malusog niyang dibdib. Wala man siyang maipagmamalaki bukod sa birhen pa siya at isa rin sa asset niya ang malaking dibdib. Tinakpan niya ang dibdib at tila nakamdam ng hiya. “S-Sorry...” naiiyak niyang sabi. Bakit ba siya nagso-sorry? Palagay niya ay dapat siyang matuwa at maging proud. Gumuhit sa labi nito ang pilyong ngiti at nagdesisyon siyang bumangon paupo. Siya na mismo ang mag-aalis ng hook ng suot niyang brassiere, ngunit pinigilan siya nito at natagpuan niyang hawak nito ang kaniyang kamay. “I’ll do it, babe...” namamaos na sabi nito. Nagkalapit ang mukha nilang dalawa at mabigat ang paghinga. Ilang sandali pa ay naalis na nito ang hook at para bang sanay na sanay na ang lalaking kaharap niya. “A-Ano ang pangalan mo?” nahihiya niyang tanong. Lumapad ang ngiti sa labi nito at yumuko. Bahagya itong natawa at ngumiti muli sa kaniya. “Bakit gusto mong malaman?” seryoso nitong tanong. Nanatili silang dalawa habang hawak pa nito ang kaniyang strap. “G-Gusto ko lang malaman...” Marahan nitong inalis ang strap hanggang sa tuluyang nahubad ang kaniyang brassiere. Tumambad sa lalaki ang kaniyang dibdib na tayong-tayo pa ang nip*le. Hiniga siyang muli nito at walang pagkuwan ay naramdaman niya ang dila nito sa kaniyang tuktok. Hindi niya napigilan ang sarili at napasabunot. “S-Sh*t!” usal niya. Walang sawang pinaglaruan ng dila nito ang kaniyang magkabilaang dibdib hanggang sa bumaba pa ang pagdila nito at paghalik sa pusod. Unti-unti ay ibinaba nito ang kaniyang suot na pantalon at naka-undies na lamang siya. Nagpatuloy silang dalawa at tinulungan niya ring maghubad ang lalaki. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ang pangalan. Nakahiga na siyang muli at pinaghiwalay na ang kaniyang hita. Hiyang-hiya siya at pilit na sinasara ang hita niya. Napansin iyon ng lalaki at dumagan sa kaniya. Hinalikan siya at muli ay dinaklot at minasahe ang kaniyang dibdib. Hanggang sa maramdaman niya ang pagtutok ng pagkalal*ki nito. Humagod iyon sa kaniyang gitna. Napaungol siya at marahas na hinawakan ang braso nito. “P-Please... dahan-dahan lang. V-Virg*n pa ‘ko...” pakiusap niya. Namilog ang mga mata nito at itinapat sa tainga niya ang bibig nito. Kinilabutan siya nang maramdaman ang pagtama ng mainit na hininga nito sa balat niya. “Don't worry... I'll be gentle. Just call me, Seb...” Hinalikan siya nito, marahan at para bang nadadala na siya sa ginagawa nito. Para bang naging isa sila nang gabing iyon. Hindi niya maipaliwanag ang paghalik nito na tila may kasamang pag-iingat. Passionate. Iyan ang masasabi niya. Hanggang sa bumaba ito at dinilaan na ang kaniyang p********e. Kasabay noon ang paglabas-masok ng daliri nito habang siya ay napaliyad nang husto. “O-Oh God...” Nang umagat ito ay nagpatuloy ito sa paglabas-masok ng daliri hanggang sa maramdaman niya ang unti-unting pagpasok ng kahabaan nito sa naglalawa niyang pagkabab*e. Kaagad na dumagan sa kaniya ang lalaki at napakislot siya. Naramdaman niya ang mahapdi at tila may napunit sa laman niya. “A-Augh... ang s-sakit!” naiiyak niyang sabi. Huminto ito at tinitigan siya. Tila nawala ang kalasingan niya nang gabing iyon dahil sa sakit. “Are you okay?” Tumango siya at hinalikan ang labi nito. Doon ay dahan-dahang gumalaw ang lalaki sa kaniyang ibabaw. Marahan ang pag-ulos nito hanggang sa maramdaman niyang hindi na gaanong masakit. Napapaungol siya sa bawat pagpasok niyon. “You're fu*cking tight, babe! You're so damn sexy!” Bumilis pa ang pag-ulos nito at laking gulat niya nang huminto ito at binuhat siya. Dinala siya nito sa kama at ngayon ay nakapatong na siya. Medyo masakit pa rin ngunit dala ng init ng katawan ay hindi na niya ininda. “Ah, ah...” mahinang usal ni Corine habang nakapatong sa makisig na katawan ng lalaking hindi niya kilala. Madilim ang kuwarto at tanging ilaw sa lampshade na nakapatong sa side tablele na lang ang nagsilbing liwanag. Dinaklot nito ang kaniyang dibdib sabay halik sa kaniyang leeg habang taas-baba siya sa paggalaw ng kaniyang balakang. “This is heaven!” anas nito. Napakapit siya nang mariin at sinubsob ang mukha niya sa balikat nito at binilisan niya pa ang paggalaw. Bahagyang masakit pa rim ngunit inalalayan siya nito hanggang sa inihiga siya nito muli at ito na ang nagtaas-baba. Hingal na hingal na silang dalawa at pawisan. Bumilis nang bumilis ang paggalaw nito at hinalikan siya. Isang sagad at malalim na pagpasok ang ginawa nito at mabilis na hinugot ang kahabaan nito. Kitang-kita niya ang pagsirit ng puting likido nito mula sa nangngangalit na kahabaan. Tang*na, ang laki pala! Sabi niya sa isipan niya. Napakagat-labi siyang hinawakan ang dibdib nang maramdaman ang malapot at mainit na likido nito sa kaniyang puson. Namumungay ang mga mata nitong tinitigan siya at nginitian. Biniyayaan pa siya nito ng isang matamis na halik at ngumiti. “Thank you so much...” ... Magkasabay silang nagising at nagmadali na itong magbihis. Labis ang sakit ng kaniyang ulo at hindi kaagad siya nakabangon. Namilog ang mga mata nitong lalaking natingin sa kaniya. “A-Aalis ka na?” tanong niya. Alanganing ngumisi ito habang sinusuot ang lukot na polo. “Y-Yeah. May trabaho akong dapat puntahan. Ikaw? Wala ka bang lakad?” Bigla niyang naalala ang usapan nila ng kaniyang ina. Nang tingnan niya ang kaniyang relo ay tanghaling tapat na. Napatayo siya at hinagilap ang kaniyang mga damit. Isa-isa niya iyong pinulot sa sahig. “Hey, gusto ko sanang kalimutan mo na ang nangyari kagabi,” singit nito habang abala ito sa pagbutones. Napaawang na lang ang labi niya. Kagabi ay sobrang bait nito at ngayon ay parang kung sinong boss na nag-uutos. “K-Kalimutan? P-Paano ko makakalimutan? Unang beses ko ‘yon!” “Y-Yeah, I know, I know. We're just drunk. That's it. Kung makita mo man ako or makasalubong, forget it. Forget about us!” Bagsak ang panga niya nang sinundan ng tingin ang lalaking nagpakilalang Seb. Umalis na ito at para bang walang nangyari. “Tsk! Ang tanga-tanga ko! Tama nga siya at lasing lang kaming dalawa.” Sinabunutan niya ang sarili at pabalyang umupo sa kama. ... Habang nakasakay sa taxi ay sinubukan niyang tawagan si Alli at binalita ang nangyari. Inaayos niya rin ang magulong buhok. “Wow! Hindi ka na virg*n?!” “Siraulo! Malamang hindi na! Ang sakit nga, e!” Napatingin pa siya sa driver at tila nahiya kaya yumuko siya. “E, ano ang pangalan niya? Kinuha ba ang number mo?” excited na tanong nito. “Seb ang pangalan niya. 'Y-Yan lang ang alam ko.” Pakiramdam niya ay nalungkot siya dahil kagabi ay tila ang bait nito sa kaniya. Marahan at maingat ang bawat galaw nito habang nagtatalik sila. “Gano’n? Ang hina mo naman kasi. Sana ikaw na ang nanghingi. Aba'y nakuha na nga niya ang virginity mo!” “Hayaan mo na. Experience ko na lang ‘yon. Malapit na ‘ko sa ‘min. Tatawagan na lang kita ulit, ha!” Pagbaba niya ng taxi ay nagtatakbo siyang pumasok ng gate. Hinubad niya kaagad ang suot na sandals at pumasok sa loob. “Late ka na, Corine?!” bulalas ni Liza sa kaniyang likuran. “I-I‘m so sorry. Nakatulog ako at hindi ko namalayan ang oras.” Lumapit ito sa kaniya at inamoy siya. Hindi maipinta ang mukha nitong si Liza. “Amoy alak ka. Hindi ka ba nagtira para sa sarili mo? Late na tayo! Nakakahiya kay Armando. Ano na lang ang sasabihin niya?” “S-Sabihin ko ang totoo. Ako ang dahilan.” “Maligo ka at magbihis ka na! Nakakahiya sa kanila! Hindi ka na talaga natuto, Corine!” ... Nakasakay silang dalawa sa kotse ni Armando at pinasundo silang dalawang mag-ina. Hindi niya pa nakikilala ang lalaking ipinalit ng ina sa kaniyang ama. Ni wala siyang ideya kung saan ito nakilala ng ina. Wala siyang alam sa family background nito. Nang marating nila ang mansyon ni Armando ay nalula siya sa laki niyon at lawak ng bakuran. Hindi niya mapigilang mapatingin sa labas ng bintana. Aminado siyang namangha siya ngunit kinakabahan. “Magpakabait ka, Corine. Magbigay galang ka kay Armando,” paalala ng kaniyang ina. Tumango na lang siya at pinagmasdan ang paligid. Bigla na lamang sumagi sa isipan niya ang nangyari kagabi. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang mukha ng lalaking unang umangkin sa kaniya nang tuluyan. Pinilig niya ang ulo upang maiwaksi sa isipan ang mukha ng lalaking kaniig niya. “Seb...” bulong niya. Binalingan siya ng tingin ni Liza at nanatili siyang tahimik. “May sinasabi ka?” nagtatakang tanong nito. Napaawang ang labi niya at umiling. “A-Ah, wala, po.” Huminto ang kotseng sinasakyan nila at pinagbuksan sila ng katulong sa labas na nag-aabang. “Magandang umaga, po, Ma’am Liza,” bati ng isang katulong na tantya niya ay nasa limampung taong gulang na. “Si Armando?” masungit na usisa ni Liza. Napatda si Corine sa inasal ng kaniyang ina. Ganoon pala si Liza kapag kaharap ang ibang tao. Ngayon niya lang kasi nakasamang lumabas ang ina. Madalas ay abala ito sa bago niyang lalaki at siya naman ay abala sa paghahanap ng trabaho. “Naghihintay, po, siya sa opisina niya, Ma’am Liza.” Kaagad na naglakad papasok sa loob si Liza at naiwan si Corine. Binati rin siya ng katulong at nakangiti ito sa kaniya. “Magandang umaga, po, Ma’am Corine. Ang ganda mo pala sa personal.” Gumuhit ang nahihiya niyang ngiti at yumuko. “Nakakahiya naman, po. Magandang umaga rin, po,” sagot niya. “Corine?” Huminto si Liza at nilingon siya. “P-Po?” “Maglibot ka muna rito sa mansyon. Magpasama ka kay Yaya Arnie.” “Ako na ang bahala sa kaniya, Ma’am Liza.” Umalis nang tuluyan ang kaniyang ina habang siya ay nanatiling namangha sa mansyon. Hinarap siyang muli ni Yaya Arnie at niyaya sa loob. Laking gulat niya nang makita ang malawak na espasyo sa loob ng mansyon. Ang laki ng chandelier na nakasabit sa mataas na kisame. Magkahalong kulay gold at silver iyon na kumikinang sa sobrang ganda. Nangingislap ang mga mata niyang nakatitig doon. “Halika, Ma’am Corine. Ituturo ko sa ‘yo ang kuwarto mo.” Namilog ang mga mata niyang tiningnan ang katulong. “A-Ako? Kwarto ko?” Tumango si Yaya Arnie habang nakangiti. “O-Opo, Ma’am Corine. Hindi ba’t dito na kayo titira ni Ma’am Liza?” Hindi kaagad siya nakasagot at nanlambot ang kaniyang tuhod sa nalaman. Titira siya sa malaking mansyon na iyon at ilang beses siyang kumurap-kurap. “W-Walang sinabi si M— Liza na rito na kami titira.” Hindi niya kayang tawaging mama si Liza dahil pakiramdam niya ay nadudurog siya kapag bibigkasin ang katagang ‘yon. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumama at sumunod kay Yaya Arnie. Nasa ikalawang palapag ang kaniyang kuwarto. Pag-akyat ng hagdan ay makikita ang isang malaking painting ng isang magandang babae. Matangos ang ilong at may mahahabang pilikmata. “S-Sino siya?” usisa niya. “Siya si Señora Victoria. Ang unang asawa ni Señor Armando,” pabulong nitong sagot. Tahimik niyang pinagmasdan ang portrait at niyaya na siya ni Yaya Arnie. Hindi na siyang nag-abala pang magtanong dahil nahihiya siya. Bago makarating ng kaniyang kuwarto ay may nadaanan silang isang pinto na may nakasabit na letrang S na gawa sa isang gold. Nasa gawing dulo na ang kaniyang kuwarto at may bulaklak sa tabi ng pinto at painting na dagat. “Dito ang kuwarto mo, Ma’am Corine. Pasok ka na.” Binuksan ni Yaya Arnie ang pinto at tumambad sa kaniya ang malawak na espasyo niyon. Simple ngunit elegante ang disenyo. Katulad ng disenyo ng buong mansyon at gawa sa black and white ang furniture. Pagkatapos ay tinungo nila ang garden sa likod ng mansyon at may malawak na swimming pool. Marami ring puno sa gawing dulo at iyon ay malawak na lupain ng bagong asawa ng kaniyang ina. Nagpasyang magpaiwan muna si Corine sa may garden at nakaupo siya sa bench. Pinagmamasdan ang mga namumulang rosas doon. Habang tulala ay nagulat siya sa isang lalaking tumalon sa swimming pool. Nakahubad iyon at tanging swimming trunks lang ang suot. Tumayo siya at pinagmasdan ang tahimik na pagsisid nito sa ilalim. Bumalik siya sa pagkakaupo at dahil tahimik ang paligid ay muli niyang naalala ang lalaking nakasiping niya. “Ano ba? Hays...” bulong niya sa sarili at napayuko. Gusto niyang umiyak dahil nagsisisi siyang nawala ang iniingatan niyang p********e sa matagal na panahon at hindi niya pa kilala nang lubusan ang lalaking umangkin niyon. Laking gulat niya nang tumayo siya at tumambad sa kaniyang harapan ang basang matipunong katawan ng isang lalaki. Simula sa paa nito paakyat sa hita, ay mabilis niyang inangat ang paningin sa abs nito at matikas na dibdib. “Who are you?” masungit na tanong ng baritonong boses nito na animo’y pamilyar sa kaniyang pandinig. Nang iangat niya ang mukha niya ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaking umangkin sa kaniya kagabi. “I-Ikaw?!” bulalas niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD