Chapter 3: Reality

2392 Words
NAGTAAS ng kanang kilay ang lalaking kaharap niya na nagpakilalang Seb noong gabing iyon. Hindi maipinta ang mukha nito at napasuklay sa basang buhok. “What the hell are you doing here? Sinusundan mo ba ako?” masungit na paratang nito. “A-Ako? Sinusundan ka? Baka ikaw ang sumusunod sa ‘kin?! Sa pagkaalala ko, sabi mo ay kalimutan na lang ang nangyari kagabi, hindi ba?!” “Idiot! This is my house!” “This is your house?! No way?!” bulalas niyang sagot. Sa gulat niya at hindi makapaniwalang sinabi ni Sebastian ay nagmadali siyang tumakbo pabalik ng mansyon at inapuhap ng mga mata niyang namimilog pa sa pagkabila ang kaniyang inang hindi niya alam kung nasaan. Hindi siya mapakali sa paglalakad at sa kabutihang palad ay nakasalubong niya ang kaniyang inang si Liza at may kasama itong lalaki na nasa edad singkwenta na. “L-Liza?” nautal niyang sambit. Bakas sa mga mata ni Liza ang pagkabigla. “C-Corine? Mabuti at narito ka na. Siya si Armando,” bungad nito at ngumiti nang pilit. Yumuko siya bilang pagbibigay galang at muling inangat ang kaniyang mukha. Ginawaran ng matipid na ngiti ang lalaking kapalit ng kaniyang ama. “A-Ako si Corine. Nag-iisang anak ni L-Liza.” Napahinto sila nang may nagsalita sa likuran niya. Pakiramdam niya ay lulubog siya sa kahihiyan kung tama ang kaniyang hinala. “Mukhang may reunion palang nagaganap,” ani Sebastian habang nakangisi. Hindi niya magawang lingunin si Seb dahil hiyang-hiya siya sa ginawa nilang dalawa. Sa palagay niya ay hindi apektado si Seb at mukhang paninindigan nito ang sinabing kalimutan ang nangyari noong gabing iyon. “Hijo, magbihis ka na muna at nakakahiya sa kanila.” “Dapat ba akong mahiya? Bakit ako mahihiya? Narito ako sa pamamahay ko,” litanya nito. Doon ay napagtanto niyang may kagaspangan sa pag-uugali si Seb. Nanatili siyang nakatayo at hindi niya pa rin binalingan ng tingin ang katabing si Seb. Ang lakas ng loob nitong tumayo sa tabi niya. “Hijo, that’s enough. Sumunod ka na lang sa dining room at magsasalo-salo tayo,” ani Armando. “Fine, I'll leave. Kayo na lang ang kumain dahil wala akong gana. Sa labas na lang ako kakain,” sagot nito. Bigla na lamang itong umalis at sinundan niya ito ng tingin. Nakasuot na pala si Seb ng bath robe na bumalot sa matipunong katawan nito. Hindi niya mapigilang alisin ang titig sa lalaking hindi niya kilala nang lubusan. “Pagpasensyahan ninyo si Seb. Mahirap talaga siyang intindihin. Nagmana sa kaniyang ina.” Binundol siya ng matinding kaba at ngayon ay kumpirmado na niyang stepbrother niya ang lalaking nakaniig niya isang gabi. Pinagpapawisan siya at hindi makatingin nang diretso kay Armando. Napagtanto niyang hindi kamukha ni Armando ang binata gayon din sa ina nitong nasa portrait. “Halika, Hija. Sumama sa sa’min ng iyong ina. Pagpasensyahan mo na ang panganay kong anak. Siya si Sebastian. Siya na ngayon ang nagmamay-ari ng kompanyang tinaguyod ko na minana ko pa sa aking mga magulang,” paliwanag ni Armando habang naglalakad sila patungo sa dining room. Nanatili siyang nakabuntot at malalim ang iniisip. Ngayon ay makikilala na niya ang pamilya ni Armando. “Corine, bakit tahimik ka? Nakikinig ka ba?” pabulong na tanong ni Liza. “Ah! Opo! Siya pala si Sebastian. Kung gano’n, ilan po pala ang anak ninyo, S-Sir Armando?” Napahinto sa paglalakad si Armando at nginitian siya. “Siguro ay hindi mo pa ako kayang ituring na ama, Corine. Bibigyan kita ng panahon. Tatlo silang anak ko. Pauwi na galing Europe ang bunsong anak ko na si Analiza. Si Agatha naman ay abala sa fashion industry.” Tumango-tango na lamang ako at hindi na nagsalita. Kailan ba niya sila makikilala? Mababait kaya sila? Tanging katanungan sa kaniyang isipan. Pagkaupo nila ay kumain silang tatlo at nanatili lamang siyang tahmik. Pagkatapos nilang kumain ay sinamahan siya ni Liza sa kwarto niya. Pabalya siyang napaupo sa kama at nangalumbaba pa. “Bakit hindi mo sinasabi sa ‘kin na dito na ako titira? Tayo?” naiinis niyang tanong. “Kapag ba sinabi ko ay sasama ka sa ‘kin?” “Paano si Lola? Walang kasama si Lola.” “Ipinasundo ko na siya sa tiyuhin mo. Hindi mo na obligasyon ang lola mo.” “Sinasabi mo lang ‘yan dahil hindi kayo magkasundo.” “Anak, Corine. Bakit mo pa hahanapin ang lola mo gayong ang ganda ng ating tirahan.” “Tanggap ka ba ng mga anak niya? S-Si Seb! Tanggap ka ba niya? Tayo? Para lang tayong sampid dito.” “Wala akong pakialam kung ayaw nila sa ‘kin o sa atin. Ang mahalaga ay si Armando at ako ay nagkakasundo. Sino ba sila? Anak lang sila. Si Armando ang ama at masusunod.” Napabuntong-hininga siya sa inaasal ng kaniyang ina at pinagpipilitan nito ang sarili sa ina. Ano ba ang alam niya sa buhay pag-ibig nito. Ilang taon lang siya noong iniwan siya nito sa kaniyang ama. Nakamulatan ang amang naghihirap at naghihikahos sa trabaho mabuhay lang siya. Kusang tumulo ang luha sa mga mata niya dahil bigla niyang na-miss ang kaniyang ama. Kung siguro, buhay pa ang kaniyang ama ay hindi siya titira sa bahay na iyon. May rason siyang tumanggi. Iniisip niya rin ang kapakanan ng kaniyang ina. Isa pang dahilan ay makakasama niya sa iisang bubong ang lalaking kumuha ng kaniyang pagkabab*e. Hindi niya yata masikmura at stepbrother pa niya si Seb. “Sorry. Uuwi muna ako sa bahay ngayon. Hindi ko yata kayang magtagal dito.” Tumayo siya at kinuha ang kaniyang dalang shoulder bag at sinabit sa kaniyang balikat. “Corine? Iiwanan mo ako rito?” Nilingon niya si Liza at hindi siya makatingin. Ayaw niyang makita ang mukha nito at baka maawa lang siya at hindi makatanggi sa pakiusap nito. “Saka na siguro kapag handa na ako. Malaki na ako at kaya kong mamuhay mag-isa. Hindi ko kayang tumira sa mansion na ‘to.” Nagpatuloy siya sa paglalakad nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Seb at lumabas ito. Kamuntikan pa silang magkabungguan at mabuti na lamang ay napahinto siya. Binalingan siya ng tingin ni Seb at sumimangot ito. “You?” “Huwag kang mag-alala. Aalis na ‘ko rito sa pamamahay mo.” Naglakad siya at nilagpasan si Seb. Naiwan itong nakatayo at sinundan ng tingin si Liza na humabol kay Corine. Napahinto si Liza sa paglalakad nang hablutin ni Seb ang kamay ni Liza. “Hey, huwag mo na siyang habulin kung ayaw niya.” Masamang titig ang pinukol ni Liza kay Seb at pinalis ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kamay. “Wala kang pakialam at anak ko si Corine.” Napangisi si Seb at nagkasalubong ang magkabilang kilay nito nang maalis ang hawak nito sa kamay ni Liza. Tila hindi maipinta ang mukha ni Seb at hindi nito gusto si Liza para sa ama. “Go on. Mas matutuwa akong makita kayong mag-ina na hindi magkasundo.” Tinalikuran ni Liza si Seb at nagmadaling naglakad upang habulin si Corine. Hindi na siya naabutan ni Liza at lumabas na ng mansion. Nakasalubong niya si Yaya Arnie na may dalang bulaklak. “Saan, po, ang punta mo, Ma’am Corine?” nagtatakang tanong nito sa kaniya. “Uuwi, po, muna ako sa ‘min. Maraming salamat, po, sa pag-asikaso sa ‘kin kanina.” Hindi na niya hinintay pang magsalita si Yaya Arnie at umalis na siya. Lulan ng taxi na kaniyang pinara ay nagdesisyon siyang dumiretso sa bahay ng kaniyang tiyuhin kung nasaan ang kaniyang Lola Minang. Nagdesisyon siyang bumaba sa palengke kung nasaan malapit ang bahay ng kaniyang tiyuhin na si Mario. Inabot niya ang bayad sa taxi driver at tumungo sa loob ng palengke. Pagdating sa bahay ni Mario ay bukas ang pinto at nadatnan niyang sinisigawan ni Mario ang kaniyang Lola Minang. “Ang tigas ng ulo mo! Sabing huwag kang lalabas at dito ka lang! Hindi na babalik ang apo mo!” singhal nito sa matandan na umiiyak na. “Na-mi-miss ko lang ang apo ko. Bakit kailangan akong umalis sa kanilang bahay? Bahay iyon ni Gaspar.” Napalunok siya nang makita ang kawawang matanda. Tumikhim siya at nabaling ang atensyon ng dalawa sa kaniya. “C-Corine! Apo ko! Apo ko!” Tumakbo ang matanda papunta sa kaniya at napakmot ng ulo si Mario. “Hi, Lola! Bakit ka umiiyak? Papangit ka niyan, sige ka. Heto! May pasalubong ako! Ipagluluto kita ng kare-kare!” Lumapit si Mario sa kanilang dalawa at inabot niya ang dalang pinamili sa tiyuhin niya. “Tiyo, huwag ninyo na, po, sana sisigawan si Lola. Kawawa naman…” bulong niya. “Kanina ka pa kasi niya bukang bibig, Corine. Ayaw niyang makinig.” Sinenyasan niya si Mario na dalhi na sa kusina ang mga pinamili niya at niyakap niya nang mahigpit ang kaniyang Lola Minang. “Lola, miss na miss kita! Hayaan mo at dadalawin kita rito parati, ha?” “Talaga, apo? Nasaan na ang bruhang si Liza? Kinuha ka niya sa ‘kin. Kinuha na nga niya sa ‘kin si Gaspar! Pati ba naman ikaw?” naiiyak nitong sambit. “Naku, hayaan ninyo na si Liza, Lola. Masaya na ‘yon doon sa bagong mansion na titirhan niya.” Inabutan siya ng inuming juice ni Mario at umupo sila sa sala. Bakas sa mukha ni Mario ang kalungkutan habang nakatitig kay Lola Minang. “Ang ina mo talaga! Hindi man lang ako naisip! Sana ay hinayaan niya akong makasama ka, apo. Ikaw na lang ang natirang alaala ni Gaspar!” bulalas nito. “Lola, huminahon ka na, okay. Huwag mo na isipin si Liza. Kaya nga nandirito ako. Iniwan ko siya sa mansion na ‘yon.” “Saang mansion?” tanong ni Tiyo Mario niya. “Armando ang pangalan ng bago niyang asawa. May mga anak na,” sagot niya at saka huminga nang malalim. Hindi niya p’wedeng sabihin sa mga ito na naka-one night stand niya ang stepbrother niya na anak ni Armando. Niyaya niya si Lola Minang sa kusina at nagluto siya. Tuwang-tuwa ang matanda habang nakikipagtawanan sa kaniya. Siya naman ang pagdating ng anak ni Mario na si Joy ang kaniyag first cousin sa ama. Tamang-tama at naghahain na si Corine para sa hapunan. “Hi, Joy. Tamang-tama ang pagdating mo.” “Uy, Corine! Kaya pala naaamoy ko ang mabangong ulam sa labas! Hindi ako nagkakamali!” Lumapit ito sa hapagkainan at umupo. Natatakam na ito sa niluto niyang kare-kare. “Oops! Si Lola muna ang unang kukuha ng ulam. Paborito ni Lola!” magiliw niyang sabi. “Joy, si Beth? Hindi pa umuuwi,” singit ni Mario. “Ah, opo, Pa! Nadaanan ko si Mama, ang dami nilang tatahiin pa. Baka gabihin daw siya.” Nalungkot ang mukha ni Tiyo Mario niya sa sinabi ni Joy. Samantala ay pinutol ni Corine ang katahimikan at niyaya niya silang kumain. Ilang oras lang ang inilagi ni Corine sa bahay ng kaniyang tiyuhin sa Caloocan. Uuwi rin siya ng Bulacan at bukas din ay maghahanap siya ng trabaho kasama si Alli ang kaniyang kaibigan. “Lola, huwag kang pasaway kay Tiyo Mario. Baka kung ano ang mangyari sa ‘yo. Dadalawin kita rito every weekend. Ayos ba ‘yon?” nakangiti niyang sabi. “Pangako mo ‘yan ha, apo? Huwag mo dalhin ang bruha mong nanay rito at masisira ang araw ko. Ikaw lang ay sapat na, ha!” Hindi napigilang matawa ni Joy at niyakap nila ang isa’t isa. “Gigil na gigil talaga si Lola kay Tiya Liza, ano?” “Hayaan mo na at kasalanan naman ni Liza,” bulong niya sa pinsan. Kinabukasan ay nagkita sina Alli at Corine. Nakabihis ng formal attire si Corine at naka-long dress naman si Alli na pinatungan ng blazer. Hawak pa ni Corine ang isang folder habang naglalakad sila papunta sa elevator. “Sigurado ka bang okay rito?” tanong niya kay Alli. “Oo naman. Mabait daw ang may-ari nito sabi noong kakilala ko.” Pumasok sila sa elevator. Paglabas nilang dalawa ay nakita nila ang mga empleyadong abala sa kani-kanilang trabaho. “Nakakalula, Alli. Kinakabahan ako.” Nagtapos sila ng parehong kurso at kapwa nag-resign sa dating trabaho nila bilang sales associate dahil sa baba ng pasahod sa kanila at na-bunkcrupt ang kompanya. Heto sila ngayon at napilitang mag-apply sa ibang kompanya. Ngunit nang araw na iyon ay bigo silang matanggap na dalawa dahil nakahanap na raw ng ibang aplikante. Nasa loob sila ng milktea shop at uminom ng milktea. “Hays, saan kaya tayo maghahanap ng trabaho nito, Corine? Ang hirap-hirap ng buhay!” “Hindi ko nga rin alam. Maglakad-lakad tayo mamaya at baka may mahanap tayong bakante.” “Siya nga pala. Hindi ba’t mayaman ang bagong asawa ni Tita Liza? Bakit hindi ka kaya magpatulong?” ngingisi-ngising mungkahi ni Alli. Kunot noo niyang tinitigan si Alli. “Ayoko. Nakakahiya. Isa pa ay hindi ko sila close.” “Sayang naman. Malay mo mabait sila.” “Ewan. Hindi ko alam, Alli.” Hindi niya magawang sabihin kay Alli ang katotohanan tungkol kay Seb. Paglabas nila ng milktea shop ay naglakad-lakad sila. May kotseng huminto sa tabi nila at napahinto sila dahil sa gara ng sasakyan nito. Lumabas ang isang lalaki at napaawang ang labi niyang tinitigan ang bumabang lalaki. “S-Seb?” “Kilala mo?” tanong ni Alli. Sinalubong ito ng isang magandang babae at nakasuot ng white dress at hapit na hapit. Nakasuot pa ito ng high heels. Bago pa man lumingon sa kanila si Seb ay hinila ni Corine si Alli upang magtago sa puno sa tabi ng kalsada. “Tago, bilis!” “Sino ba ‘yon? Ang gwapo niya, ha, infairness! Ang sexy rin ng kasama niya. Siguro girlfriend niya ‘yon. Napakasuwerte naman ng babaeng ‘yon.” “Sshh! Manahimik ka nga,” sita niya sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit inis na inis siya nang mga sandaling iyon lalo na noong makita niyang hinalikan ni Seb ang babaeng sumalubong rito at sumakay sa kotse. “OMG! Sana all! Mukhang masarap humalik ‘yong guy!” Bigla siyang napahawak sa labi niya at kinagat iyon. Sumagi sa isipan niya ang marahang halik ni Seb na parang ingat na ingat na masaktan ang labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD