Chapter 1 Attracted

1196 Words
HINDI nawalan sa isip ni Dominic ang magandang mukha ng bago nilang nurse to the point na kinuha niya pa ang files nito para tingnan. And he was impressed on her record from her previous workplace na isa rin sa branch ng Hospital nila. Napasandal siya sa kinauupuan habang pinakatititigan ang mukha ni Aljane. Even her name is so smooth in his mouth. Para bang nakaukit talaga roon ang pangalan nito. Napailing si Dominic sa pumapasok sa isip niya. Yes, she’s pretty and smart but how about her status. Galing ba siya sa kilalang pamilya? Biglang siya umayos ng upo para tingnan ang status nito nang tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya ‘yon ay ang kanyang ama ang tumatawag kaya mas inuna niyang sagutin ‘yon bago pa mag-alburuto ang ama na hindi niya malaman kung bakit hindi na lang magliwaliw sa buhay. Kaya na naman niya palakarin ang kanilang hospital pero ayaw pang ibigay sa kanya keso inexperience pa raw siya at marami pang dapat matutunan. “Hello, Dad,” sagot niya sa tawag. “Come to my office now.” Napailing na lang si Dominic nang mamatay ang tawag. Sanay na rin naman siya sa laging ginagawa ng ama. Ano na naman kaya ang kailangan niya? Nagpakawala muna siya ng isang buntung-hininga bago tumayo at inayos ang sarili. Nakalimutan na nga rin niya ang balak sana pagtingin sa status ni Aljane. Hindi niya kasi pwede paghintayin ang ama kung ayaw niya ng gulo. Nang masiguro ni Dominic na maayos na ang sarili ay nagdesisyon na siyang lumabas para magpunta sa opisina ng ama na nasa kaparehong floor lang naman. Nang makita si Dominic ng secretary ng ama ay kaagad itong tumayo at binati siya na tango lang naman ang isinagot niya saka siya nito sinamahan para pagbuksan ng pinto. Naabutan ni Dominic ang ama na prenteng nakaupo sa single couch habang sumisimsim ng alak. Kumunot ang noo niya sa itsura nito. Hindi naman kasi ito umiinom sa oras ng trabaho pwera na lang kung may problema ito. Mukhang nag-away sila ni Tita Cecilia. Tita Cecilia is his stepmother. At the age of 2 ay inambandona siya ng kanyang sariling ina. Kung ano man ang dahilan ay ayaw na niyang alalahanin pa. “Why did you call me?” diretsong tanong ni Dominic saka namulsa habang nakatayo paharap sa ama. “Take a seat, iho.” “Just tell me, Dad. I have a lot of work to do,” he boringly said. Kung ano man ang sasabihin nito ay sigurado siya na hindi naman mahalaga unless it is about passing his position to him baka magkaroon pa siya ng interest. Dencio Salazar shook his head as he watched him still standing in front of him. Binitawan nito ang baso na hawak saka sumandal at nag-de kwuatro ng upo. “When are you planning to get married?” Dominic's eyes narrowed as what his father said. Para iyong bomba na bigla na lang sumabog ng walang babala. Married? Fvck! He never thinks about it. Not that he's not interested but not as of today. Masyado niya pa mahal ang pagkabinata para pagtuunan ng pansin ang pag-aasawa. “Dr. Addilynn Gallegos is a perfect woman for you and she is the only one I want for you, son. You may have a chance to get to know each other because tomorrow she will be assigned here as one of our OB-GYNE doctors,” his father said without a doubt in his voice. Na para bang papayag siya. “What did you say, Dad?” “You hear me right and clear, iho. Bukas, inaasahan ko na ikaw mismo ang mag-welcome kay Dr. Addilynn. You may leave.” Muling kinuha ng ama ang baso ng alak saka nagsalin doon. “Dad!” “Don't raise your voice at me, Dominic!” Maawtoridad na saway ng ama sa kanya dahilan para magtagis ang bagang niya at maikuyom ang mga kamao. “I'm sorry po. Pero hindi pa po ako handa magpakasal. I'm still enjoying my freedom, Daddy. Marami pa ako gustong gawin at patunayan and getting married is not even on it,” mahinahon na niyang paliwanag. Dahil kung kokontrahin niya ang ama ay mas lalo nito ipagtutulakan ang gusto nito. “I didn't say you need to marry her now. But I want you to court her and at least make her fall for you. I want her to be my daughter-in-law, just her. Are we clear, son?” Dominic sigh. Sa tono ng pananalita ng ama niya ay halatang hindi nito tatanggapin kung kumontra man siya. Well, not bad at all. He still has the time for himself to figure out how to escape this arranged marriage. Wala rin naman siyang girlfriend at puro fling lang kaya ayos lang. “If you marry her, I'm willing to give you full access to our hospital. How about that?” Dominic's eyes widened. This is what he wants. Marrying is not bad after all but not for now. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. “If that is the case, then, sure. I'm willing to marry her but not today. Sabi n'yo nga po bibigyan n'yo kami ng panahon to get to know each other,” tugon niya rito na ikinatuwa ng ama niya. “Then, it's a deal, son. Now, go back to your work at ayokong masabihan na incompetent ka.” Dominic just smirked. Incompetent? Siya? Pagsisipain niya kaya palabas ng hospital ang mga gágong naninira sa kanya. Kaya hindi magawa ibigay ng ama ang position nito dahil nagpapaniwala sa mga sabi-sabi. Minsan nagdududa na rin siya kung anak ba talaga siya nito dahil mas pinaniniwalaan ang iba kaysa sa kanya. Pero ang pagkakahawig nila ang isa sa katunayan na ito nga ang ama niya. “Don't drink too much,” bilin niya saka tuluyan ng nagpaalam. Hanggang sa makabalik siya sa kanyang opisina ay hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. Pagkaupo niya sa swivel chair ay agad niyang hinanap ang tungkol kay Dr. Addilynn Gallegos, pamilyar siya sa apelyido kung hindi siya nagkakamali ay isa ito sa kanilang Board of Trustees. Kaya pala atat ang ama na ito ang pakasalanan niya, may sinasabi nga naman. As Dominic read Dr. Gallegos profile his head also nodding as if he was convinced on what he's reading. At hindi rin magpapahuli ito kung usapang panlabas na itsura. Maliit ang mukha na bumagay sa katawan nitong may kurba, matangos ang ilong, medyo may kakapalan ang mga labi pero mas nagbigay ng kakaibang awra sa itsura nito and those eyes na parang hihigupin ang kaluluwa mo. Palaban ang ganda nito pero hindi niya alam kung bakit wala itong dating sa kanya. And suddenly, while staring at Dr. Gallegos picture ay biglang lumabas ang itsura ni Nurse Aljane. “Fvck!” Napamura na lang si Dominic saka napasandal habang nakatingin sa kisame at hanggang doon ay malinaw niyang nakikita ang magandang mukha ng babae. Na kung tutuusin ay mas maganda pa rito si Dr. Gallegos pero bakit may dating ang nurse na ‘yon sa kanya. Natawa na nailing siya. “Am I attracted to her?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD