bc

Uncontrollable Desire

book_age18+
55
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
opposites attract
dominant
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

WARNING! MATURED CONTENT! R-18

"Whatever your status, I love you."

Dominic is a wealthy and well-known doctor.

Aljane is poor and nothing but a simple nurse.

Dominic believed that poor women were after him to change their status—gold diggers in short!

Aljane believed that rich men are users and target those who are lacking when it comes to money.

Two different beliefs.

Two different statuses.

Two with an ominous past.

Could they stop the uncontrollable desire they feel towards each other just to keep what they believe in?

Or, this uncontrollable desire leads them to an amour relationship.

Author's Note:

Names, places, characters, and incidents are just products of my imagination. Any resemblance to the event in the story is just a coincidence.

Pwera na lang sa mga nagpahiram ng pangalan. God bless all.

chap-preview
Free preview
Prologue Bente na Barya
"TAMA na 'yan, bayad n'yo. Ang tagal naman," reklamo ni Kevin at kanina pa nakalahad ang palad nito. Si Kevin kasi ang nanalo sa pustahan nina Dominic na hindi niya alam kung bakit nakipagpusta rin siya. Natalo pa tuloy siya. Tumayo ang kambal at lumapit dito bago may dinukot sa sariling mga bulsa. Sabay pang iniabot sa palad ni Kevin na ngumisi pa lalo. "Oh, Dominic 'yong sa 'yo nasaan?" Hindi pa rin maawat na singil ni Kevin na akala yata ay napakalaki ng pustahan nila. Napakamot sa ulo si Dominic. "Ahm... Wala akong makitang barya na bente, buo na lang pwede?" "N*kp*uta ka Dominic! Ilang araw na ito hindi ka pa rin nakakahanap. Tanungin mo sila baka meron. Ayoko ng papel gusto ko barya!" Ang arte ng mokong ano kaya pinagkaiba pareho lang naman na bente pesos. "Wala!" sabay-sabay na sambit ng tatlo hindi pa man nabubuksan ni Dominic ang bibig. "Tingnan mo mga ugali! Tangina n'yo bente pesos lang pinagkakait n'yo!Paulanan ko kayo ng milyones, eh!" asar na wika ni Dominic habang masamang tingin ang ibinigay sa mga kaibigan. "Sa kuripot mong 'yan? Bente nga 'di mo pa mailabas, eh!" Binatukan pa siya ni Kenneth. Babawian niya sana ito nang sumigaw si Andrew. "Pwede ba magsilayas na kayong lahat!" Tumawa lang ulit sila. "Bakit hindi ikaw ang umuwi? Ate namin 'yan kaya rito lang kami. Kung pwede na siya umuwi, iuuwi na namin siya," seryoso na saad ni Samuel. Bigla naman ay nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Andrew. Napabuntong-hininga pa ito. "Can you let me take care of your sister? Doon na lang muna siya sa mansion. Don't worry you can visit her. I-I just wanna take care of her," malumanay ng wika ni Andrew. Nagpipigil siya na matawa. Hindi niya akalain na magiging ganito ang kaibigan na dinaig pa ang tigre sa kasungitan noon. Bago pa makapagsalita ang kambal ay may kumatok kaya naagaw ang atensyon nila Dominic dito. Bumukas ang pinto at iniluwal ang isang magandang nurse. Mukhang nahiya ito dahil lahat sila ay nakatingin na rito. Manyak pa man din ang mga kasama niya. "Ahmm, good afternoon po. Pinapunta po ako ni Doctora Romero para alisin na raw po ang IV sa pasyente at pwede na raw po siyang makalabas," magalang na wika ng nurse. "That's good, dahil baka mabaliw na ako kapag nanatili pa rito kasama ng mga may saltik." Narinig nila sabi ni Sandra pero wala may pakialam sa kanila dahil ang atensyon nila ay nasa magandang nurse na pumasok. Natawa siya sa isip dahil maging ang kambal ay nakatingin din dito. Nilapitan na ng nurse si Sandra at sinimulan na asikasuhin habang nakasunod naman ang kanilang mga mata. "Dominic, bilisan mo na ikaw na lang ang walang bayad. Tangina mo hindi uubra sa akin 'yang pagkakuripot mo!" Sinamaan ni Dominic ng tingin si Kevin dahil sa paniningil nito. Hindi makapaghintay kasi. Ibinalik niya ang tingin sa nurse na tapos nang alisin ang IV ni Sandra. Nagpasalamat si Sandra rito. Ang swerte talaga ni Andrew at pinatulan ito ni Sandra. "Ingat po kayo." Ngumiti ang nurse at hindi niya itatanggi na mas gumanda ito sa paningin niya. Naghanda na ito na umalis kaya naman mabilis niya itong hinarang. "Nurse, may bente ka bang barya?" tanong ni Dominic sa nurse. Tutal ayaw tanggapin ni Kevin ang papel na bente, napakaarte. Rumehistro ang pagtataka sa maganda mukha ng nurse saka nahihiyang sumagot, "Me-meron po, doc." Sabay-sabay namang napaubo ng sadya ang mga kasama na ikinangisi niya. Bilib na naman ang mga kaibigan sa kagwapuhan niya. "Pwede ko ba mahingi? Or, pwede ko palitan o bayaran. Kailangan ko lang at baka kasi hindi makatulog ang isa rito!" Pagpaparinig ni Dominic kay Kevin at ngumiti pa siya sa nurse. "Ah, okay po kunin ko lang po sa wallet—" "Samahan na kita," putol niya sa iba pa nitong sasabihin. Mas lalong lumakas ang mga ubo ng mga may saltik. "May sakit po ba kayo? Magpatingin na po kayo baka ano na po 'yan." Natawa sina Sandra at maging ang mommy ni Andrew dahil sa sinabi ng nurse. Si Dominic nga hindi rin napigilan ngumisi. Na ikinasama naman ng timpla ng mukha ng mga kaibigan. "Don't mind them. Let's go." Akay na niya rito at baka kung saan pa mapunta ang usapan. Ayaw niyang sinisingil at nakakarindi 'tong si Kevin. "Nurse, make sure 'yong bente lang ibibigay mo, huh!" habol na sigaw ni Samuel nang palabas na sila. Tanging middle finger ang sinagot niya sa mga kaibigan at tuluyan nang lumabas ng silid kasama ang nurse na maganda. Nauuna ito naglakad habang nakasunod naman siya rito. Ang mga nakakasalubong nila ay binabati siya at bakas ang pagtataka sa mukha ng mga ito. Sino ba hindi magtataka kung nakasunod siya sa isang… mukhang bagong hired na nurse. Huminto ang nurse saka humarap sa kanya na ikinatigil niya. Nasa dulo na sila ng corridor. "Doc, ako na lang ang kukuha. Saan ko po ba ihahatid?" Halatang nahihiya ito dahil hindi ito makatingin sa kanya ng diretso. "Kung maka po ka naman parang ang tanda ko na. Nasa pamilya pa ako ng number 2. So, remove po, nagmumukha akong matanda," sabi niya. Tumango naman agad ito. "Si-sige po. Saan ko nga p— ihahatid." Nailing siya dahil masyado yata magalang ang baguhan 'to. "Are you new here?" Hindi na niya napigilan itanong. "Yes, doc. Kahapon lang ako nag-start pero galing na po ako sa ibang branch." Napatango siya sa sinabi nito. "Okay then. Kunin na natin ang barya na bente pesos at baka magwala ang kaibigan ko. Nangangagat pa man din siya kapag hindi naibigay ang gusto." Nagbibiro lang naman siya pero bakas ang pagkagulat sa mukha nito nang tumingala sa kanya. Matangkad ito, mas matangkad nga lang siya. Pero, umabot na ito sa may baba niya, not bad. "Ako na lang—" "Sasamahan na kita. Saka on-duty ka baka masita ka. At least kung kasama mo ako, walang sisita sa 'yo," mayabang niyang saad. Natural sino ang sisita sa anak ng may-ari ng hospital na 'to? 'Baka sila pa palayasin ko.' Biro lang 'yon. "Let's go." Halatang gusto pa nito kumontra pero mukhang na-realize na tama siya dahil itinikom na nito ang bibig. Naningkit ang kanyang mga mata noong dumako ang tingin niya sa mga labi nito. Hindi lipstick ang nilagay nito roon, parang lip gloss lang at ang lakas ng dating sa kanya. Gusto niya itong isandal sa pader saka sunggaban ang nag-aayayang mga labi nito. "Doc, ayos ka lang?" Nabalik siya sa sarili noong tapikin nito ang mukha niya. "Tara na." Bago pa siya makapagsalita ay nauna na itong naglakad. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang mainit na palad nito na ipinantapik sa pisngi niya. Naipilig niya ang ulo saka sumunod na rito. Nanatili na silang tahimik hanggang sa makarating sila sa locker ng mga empleyado. Mabilis na nagbigay galang ang mga naroon na mukhang pauwi na at ang iba ay break time. Tinanguan niya naman ang mga ito at sinundan ng tingin ang nurse… 'Ano ba kasi pangalan niya? Bakit naman kasi hindi ko naitanong?' "Epi," tawag niya sa isang lalaking nurse na nag-aayos ng sarili at mukhang mag-in pa lang. Mabilis itong lumapit sa kanya. "Yes po, doc." "What is her name?" tanong niya habang tinitingnan ang nurse na ngayon ay may hawak-hawak ng wallet at kinakalkal 'yon. "Si Nurse Aljane, doc," tugon nito. "Bago?" muli niyang tanong na nanatiling nakatingin kay… Aljane. Nice name. "Yes, doc. Kahapon lang siya nag-duty pero running for head nurse pala siya. Galing siya sa isang branch at pinadala rito para makita kung qualified ba talaga siya." Napatango-tango siya sa mga nalaman. 'Matalino, huh' Nang makita niyang pabalik na ito ay tinapik niya sa balikat si Epi at sinenyasan ito na huwag na maingay. Bumalik ito sa ginagawa kanina. "Doc, heto na po." Inilahad ni Aljane ang palad kung nasaan ang dalawang bente pesos na barya. Ang dami kasing alam ni Kevin. Gago talaga 'yon. "How much?" tanong niya. "Hi-hindi na po, doc." "No. I insist, how much?" Pamimilit niya dahil ayaw niya na magkautang na loob kahit kanino. "Magkano po ba 'yan? Ganya na rin po," tugon naman nito na mukhang nakuha na hindi niya hahayaan na hindi ito bayaran. May po na naman sa pananalita nito pero hinayaan na lang niya at may iba silang kasama rito. "Ano po ba gagawin n'yo sa bente na barya, doc?" singit na tanong ni Ria na isa sa mga matagal ng nurse. "Collection," tipid niyang sagot at muling bumaling ang tingin kay Aljane. "Thank you for this. I'll pay later," makahulugan niyang sabi saka tinalikuran na ito. Pwede naman niya bayaran na ora-mismo pero mamaya na lang para may dahilan pa para lapitan niya ito. Isang ngisi ang sumilay sa kanyang labi. HINDI mapigilan ni Aljane na matawa sa huling sinabi ni doc. Obvious naman kasi na gusto pa siya nito makita mamaya. Pwede naman kasi siya bayaran agad. Bakit mamaya pa? "Ang swerte mo naman at napansin ka ni Doc. Dominic, dahil sa 'yo nakausap ko siya. Grabe! Ang gwapo talaga niya, ang higpit nga ng hawak ko sa panty ko at baka biglang malaglag." Natawa lalo siya sa sinabi ni Ria. “Balik na ako at on-duty ako,” sabi ni Aljane saka naglakad na palabas at baka masermunan pa siya. Habang pabalik si Aljane ay napahinto siya dahil pasalubong ang apat na lalaki na nagkukulitan. Maging ang iba naglalakad ay hindi maiwasan tumigil at mapasulyap sa apat na lalaki na talaga naman agad-pansin ang taglay na kagwapuhan. Tumigil ang kulitan ng apat nang mapansin siya at mukhang nakilala siya dahil agad siyang nilapitan. Nanlaki ang mga mata niya at hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan nang palibutan siya ng apat na lalaki. Nakarinig din sila ng singhapan. “Hi pretty nurse, nasaan si Dominic?” tanong ng isang lalaki na sa pagkakatanda niya ay ‘yong naniningil kanina. “Hindi ko po alam. Baka bumalik na po sa duty,” tugon niya at napayuko na lang siya dahil nahihiya siya sa mga ito. Sobra naman kasing gwapo. “Tigilan mo ‘yan, Kevin, at mukhang type ni Dominic.” Nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig. Talaga bang pag-uusapan ng mga ito ang bagay na ‘yon sa harap niya. “Shut up, Samuel—” “Si Sammy ako.” Napaangat tuloy siya ng ulo para tingnan kung sino ang nagsalita. Shutaness! Ang gwapo talaga. Kapit ka lang panty ko. “Hi miss, I'm Sammy and you are?” nakangiti nitong tanong at lumabas ang mapuputi nitong ngiti at pantay-pantay na mas lalong nagpatingkad sa taglay nitong kagwapuhan. “What are you doing?” Napakurap si Aljane nang marinig ang pamilyar na boses kahit kanina niya lang ‘yon narinig. “O, Dominic, nandiyan ka pala. Nakasalubong kasi namin si Nurse ganda, tinatanong lang namin kung nasaan ka,” sagot ni Sammy rito. Mabilis na lumapit sa kanila si Dominic saka siya itinago sa likuran nito na ipinagtaka niya. “Magsilayas na nga kayo at huwag kayong mambiktima rito,” bakas ang asar sa boses ni Dominic. “Binabakuran na agad. May label na ba—” “Shut up, Kenneth! Layas na! Dali! Nakakasira kayo ng image ng hospital,” pagtataboy ni Dominic sa mga lalaki na kung titingnan ay mukhang mga kaibigan naman niya. Sabay-sabay na sumipol ang apat at nakangisi nang nakakaloko habang sinisilip siya. “Ang damot, magpapakilala lang naman, e,” nagtatampong wika ni Kevin. “Tara na, Kevin, at ‘yong kwekwek namin.” Hinila na ni Samuel si Kevin. “Tara na nga,” segunda naman ni Kenneth. “Oo na.” Pero nagulat na lang siya nang mabilis na nakalapit sa kanya si Sammy at hinawakan ang kamay niya saka hinalikan ang likod ng palad niya. “Nice meeting you Nurse Ganda.” Bago pa man makabawi si Aljane ay kumaripas na ng takbo si Sammy at nauna pa sa mga kasama na natatawa na lang na kumaway sa kanila. “Sira ulo talaga kahit kailan.” Humarap si Dominic sa kanya. “Sa susunod na makita mo ang mga ‘yon, iwasan mo agad at may mga rabies ‘yon, naiintindihan mo?” Hindi niya alam pero napatango na lang siya sa sinabi nito. Sumilay ang ngisi sa labi nito saka siya bahagyang tinapik sa braso. “Good girl. Sige na magtrabaho na tayo.” Napapailing na lang si Aljane sa inaasal ng Doctor. Rabies? Sa hayop lang ‘yon, ‘di ba? Meron na rin ba sa tao? Mukhang kailangan niya i-search ‘yon at nang maging alert siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook