WARNING: SPG. (Puno ng SPG. Hahaha. Sisihin niyo si Arcise, please. Lul.) Kabanata 21 Sumusubo ako ng ulam nang lumitaw ang mukha ni Red sa aking harapan. Halos mabulunan ako sa aking nakita. Nakangiti siya at may dalang bouquet ng rosas. Pero mas agaw pansin ang mukha niyang nakakapanghina ng tuhod. Damn, arcise! Minamanyak mo na naman ang asawa mo! Kahit hindi ko pa naayos ang pagkain sa loob ng aking bibig ay napalunok ako ng wala sa oras at napainom ng tubig. "Hi." Aniya sa akin na parang slow motion pa ang pagkasabi niya doon. Tumayo ako at nilapitan siya. Hindi ko pinansin ang inilahad niyang bouquet dahil sa kasabikan kong mayakap siya. "I miss you. Kamusta?" sabi ko agad sa kanya at dinampian siya ng halik sa kanyang labi. "It's still in the process. Walang ma-trace e." sab

