Kabanata 20

1557 Words
Kabanata 20 Nagising ako sa ingay ng labas ng kwarto namin. Napatingin ako sa orasan ng aking cellphone at nakitang pasado alas dos na ng madaling araw. Wala si Red sa tabi ko. Hindi pa siya nakauwi? Napatayo ako at nagmamadaling lumabas. Natigilan akong makita ang mukha ni John sa ibaba at may mga pulis sa kanyang tabi. Hinanap ko si Red pero hindi ko nakita ang mukha niya. "John? What is happening?" sigaw ko nang makabawi ako sa pagkagulat. Napatingin silang lahat sa akin at nagmamadali akong bumaba at nilapitan si John. Niyakap ako bigla ni John at nagsimulang kumalabog ang puso ko sa kaba. What the hell is happening? Bakit may mga pulis? Anong nangyayari? "Sorry Arcise. Nawawala si Red." Agad akong kumalas kay John at tiningnan siya ng masama. Napatingin naman ako sa mga pulis na ngayon ay nakayuko na. "Prank ba ito, John? Dahil hindi ako nasisiyahan! Nagbibiro ka lang hindi ba?" naiinis kong sabi. Alam ko namang malala na si John hindi ko lang inasahan na dadating pa siya sa puntong magdadala ng pulis. "Arcise?" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko agad si Red na nagpupunas ng kamay. Tinakbuhan ko agad siya at tinalunan ng yakap. Pinulupot ko din ang binti ko sa beywang niya at niyakap siya ng mahigpit sa kanyang leeg. Damn John. Ang gago! Pinakaba ako doon a. "Are you okay?" tanong ni Red sa akin habang nagsimula siyang lumakad papalapit kay John. Narinig ko naman ang halakhak ni John at napatingin ako sa kanya. Pinaningkitan ko siya ng mata at inirapan. "Akala ko talaga maniniwala ka na sa sinabi ko." tawang-tawa si John habang umupo siya sa couch namin. Gusto ko sanang bumaba para masapak ang gago pero mas lalong humigpit ang pagkahawak ni Red sa akin. Nakita kong napatingin halos lahat ng pulis sa amin at naitago ko na lang ang mukha ko sa kahihiyan. Nakalimutan kong may iba palang tao ito at kung anu-ano pa ang ginagawa ko kay Red. Gumalaw si Red at umupo siya sa tabi ni John. Ngayon, nakaupo na ako sa kanyang hita. Dahil abot kamay ko na ngayon si John ay ginamit ko ang pagkakataong ito para masapak siya. "Sadista!" Inirapan ko na lang at niyakap ulit si Red. "May bombang inilagay kanina sa labas ng gate. Mabuti na lang at nakarating agad ang bomb squad at nakuha nila bago ito sumabog. Tulog na tulog ka at hindi mo napansin ang ingay ng paligid. Are you still tired?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Red at tono ng pananalita niya na parang ayos lang ang nangyari sa kalmado ng kanyang boses. "What?" napasigaw ako sa kanyang sinabi. Naramdaman kong pinalibot niya ang kanyang palad sa aking ulo at pinasubsob ako sa kanyang dibdib. "It's okay now. You don't need to worry. Naayos na pero mas paparamihin ko pa ang babantay sa atin, sa iyo at sa bahay." Bulong niya sa akin. Gusto ko siyang tingnan pero pinapapasubsob pa din niya ako sa kanyang dibdib. "Ano ba kasi ang nangyari?" para akong nawalan ng kulay sa takot na gumapang sa aking sestema sa nalaman. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. "Walang may alam. Nagiimbestiga pa ang mga kinuha ko." Gusto kong matakot pero sa kalmado ng boses ni Red ay parang nawawala ang takot ko. Hindi ko alam kung sinadya ba niyang maging kalmado o ganito lang talaga siya humawak ng takot. Dahil kung ako si Red, nagtago na ako sa takot at umalis na ako sa bahay. For god sake bomba ang pinaguusapan dito. Kung sumabog iyon. Ewan ko nalang. "If you want to sleep, matulog ka na lang muna." Bulong pa niya sa akin at narinig ko na naman ang halakhak ni John sa gilid. Pilit kong ipinipikit ang mata ko pero tuwing naiisip ko ang bomba at napapadilat ako. Hindi biro ito. Dapat malaman namin agad kung sino at ano ang gusto ng naglagay nun doon. Baka may nakaaway si Red o ano. "Arcise, you should stop over-thinking. That's bad." Bulong niya ulit sa akin. Gusto ko siyang tingnan pero nanatili pa din ang kamay niya sa likod ng ulo ko at hindi ako makagalaw. "Gusto mo sa loob na lang tayo ng kwarto?" Hindi ko magawang tumango sa tigas ng kamay niya sa akung ulo. Hindi pa nga ako makasagot sa kanya ay tumayo na siya. Awtomatiko kong niyakap ang leeg niya at pinulupot ang binti sa kanyang beywang. Pumasok kami sa loob ng kwarto at inihiga niya ako sa kama. Tumabi naman siya sa akin at niyakap ako. Palihim akong napangiti sa ginawa niya. "Sleep." Aniya. "I love you, Red." Bulong ko at saka tinaguan ang mukha sa kanyang dibdib. "Matulog ka na, magiging okay din ang lahat." Nakaramdam ako nang bigat sa aking puso sa naging sagot niya. Bakit hindi niya magawang sabihin sa akin na mahal din niya ako? Mahirap ba iyon? Ipinikit ko na lang ang aking mata at kasabay nun isinintabi ko na lang muna ang takot sa bomba. ** Nagising akong wala si Red sa aking tabi. Napatingin ako sa bukas naming pinto at nakarinig din ako ng mga pag-uusap sa labas. Inayos ko muna ang sarili ko at nagsipilyo bago bumaba. Nakita ko agad si Red na basa ang buhok na may kausap na dalawang pulis na nakapameywang sa kanyang harapan. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at dahil nakatalikod siya sa akin ay niyakap ko siya kaagad sa kanyang likoran. He is fresh from bath. At naka three piece suit na siya. He is leaving? "Good morning, Ma'am." Bati ng dalawang pulis sa akin habang kumalas ako ng yakap kay Red sa kanyang likod at tinabihan siya. "Good morning officer." Ganti kong bati sa dalawang pulis. "Good morning Red." Bati ko din kay Red. Yumuko siya at akala ko ay hahalikan niya ako sa pinsge pero aksidenteng dumapo ang labi niya sa labi ko. "Good morning. You sleep well?" tanong niya sa akin at pinulupot ang kanyang kamay sa aking beywang at saka hinalikan ang aking noo. Uminit ang pisnge ko sa ginawa niya dahil nasa harapan kami ng dalawang pulis. "Yep." Nahihiyang sagot ko. "Sa labas na lang kami maghihintay sa iyo, Sir." Singit ng pulis sa amin. Tinanguan na lang sila ni Red at saka umalis. Nang mawala ang dalawang pulis sa aming harapan ay niyakap ko agad siya. "Aalis muna ako. I'll check the investigations. Pwede bang huwag ka munang lumabas ng bahay habang wala ako?" kumalas ako ng yakap sa tanong niya at tiningnan siya. "Okay. Mag-ingat ka Red. Mahal na mahal kita." Again, ngiti lang ang naging sagot niya sa sinabi ko. Alam ko namang hindi tanong ang mahal kita pero dapat may reply siya sa sinabi kong iyon. Nilunok ko nalang ulit ang bigat ng aking puso at nginitian din siya. Hinalikan niya ulit ako sa noo bago siya umalis. Pinanood ko muna siyang lumabas ng bahay at nang mawala siya sa paningin ko ay saka pa ako gumalaw. Pagtalikod ko, lahat ng mga kasambahay ni Red ay nakatingin sa akin. "Kamusta kayo?" tanong ko agad sa kanila. "Okay lang kami Ma'am. Sinabihan po kami ni Sir na hindi kami dapat matakot." Sagot ni Nana na siyang pinakamatanda sa kanilang dalawa. Kahit sabihin niyang huwag matakot at ramdam ko pa din ang panginginig ng kanyang boses. "Magpahinga muna kayo ngayon. Nasaan si Manuela?" sabay nilang tinuro ang kwarto ni Manuela at tinanguan ko na lang sila. Lumapit ako sa kwarto ni Manuela at agad iyong binuksan. Nakita ko siyang nakahiga sa kama habang nasa tabi niya si Rica nakaupo na may hawak na laruan. "Manuela?" pumasok ako ng tuluyan at isinara ang pinto. Napatalon siya sa kama at nilapitan ako. napahawak siya sa magkabilang balikat ko at kita ko ang takot sa kanyang mata. "Are we still safe, arcise?" tanong niya. "We are. Umalis si Red para kamustahina ng investigation." "Baka plano nilang patayin tayo." "No." napailing ako. "O baka naman sa sobrang ganda mo ay may gustong pumatay sa iyo? O kung hindi may gustong pumatay kay Red? Iyan na nga ba ang sabi ko. Masama ang sobrang kagandahan. Nalalagay ka sa peligro e." nasapak ko siya ng wala sa oras. Kung anu-ano ang sinasabi ng kurimaw. Nakita ko na lang ang sarili ko na natawa sa sinabi ni Manuela. Kahit kailan talaga panira ang isang ito. "Why do we just sit and wait for my husband?" singit ko sa kanya. Tumango naman siya at binitiwan ako. Umupo kami sa kama nila at tiningnan si Rica. "Hi Rica!" bati ko sa bata. Nginitian lang niya ako at ibinalik ang tingin sa kanyang laruan. "Saan galing ang Barbie doll mo?" tanong ko ulit pero hindi niya ako pinansin. "Naku, may nagbigay daw sa kanya sa labas ng bahay. Good Samaritan ata na namimigay ng laruan. Mukhang mahal pa ang barbie'ng ito." Sagot na lang ni Manuela sa akin. Wow. ang ganda naman. Maybe we can do that too. Ang mamigay ng laruan sa mga bata. "Arcise, natatakot ka ba?" binalingan ko ng tingin si Manuela at tinanguan. "Gusto kong matakot pero ayaw ni Red." Sabi ko. Sana wala akong ikatakot. Sana maging okay ang lahat at sana malaman namin kung sino ang may gawa nito. "Mahal mo talaga siya ano?" nginitian ko na lang si Manuela ng matamlay. Sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD