Kabanata 19

1112 Words
Kabanata 19 Una akong nakarating sa bahay at may trabaho pa nga rawng aayusin si Red. Kumain na din ako una dahil sabi niya medyo matatagalan talaga sila ngayon. Kahit mabigat sa puso ko ay ikinalma ko na lang ang sarili ko. Naiintindihan ko naman na kailangang bumawi din ni Red sa kanyang company dahil ilang araw kaming nawala. Naiintindihan ko ding siya ang may-ari ng kompanya at hindi niya dapat pabayaan iyan. Pero basta hindi niya ako kalimutan at magiging maayos lang ako. Naghugas ako ng kamay at pinunasan ang aking bibig pagkatapos kong kainin ang inihanda nilang sinigang para sa akin. Si Manuela naman, sa silid na lang niya kumain dahil susubuan pa nga raw niya ang kanyang anak na ayaw iwanan ang TV sa loob ng kuwarto nila. Lumapit ako sa door ng fridge para tingnan ang mga nakasabit doon. May nakita akong billing ng telepono, internet at may billing din sa ilaw at tubig. Ang dami naman ng babayaran ni Red ngayon. Maybe, I can help him pay these. May pera naman akong bigay niya. Iyon nga, bigay pa din niya. Napangiti na lang ako. Nakadepende pala talaga ako kay Red ngayon at kung sa business naman ni Manuela ay hindi ko pa nagagalaw ang pera namin doon. Saka na kapag may marami na talaga kaming customers. "Ma'am?" napalingon ako sa tawag ni Cynthia. "Yes?" "May tumawag nga po pala dito kanina. Hinahanap ka." Aniya na nakayuko. Napakunot noo ako sa sinabi niya. "Tumawag? Sino?" "Ah, hindi po nagsabi ng pangalan Ma'am eh. Pero lalaki po ang tumawag." Mas lalong kumunot ang noo ko. Pumasok agad sa isipan ko si Mr. Randolfo sa hindi ko sinasadyang isipin. Maybe its because I keep on seeing him and I feel weird about it. "Talaga? Sige. Kung tumawag ulit sabihin mo ako." Sabi ko kay Cynthia at napatango na lang siya saka umalis ng dahan-dahan sa aking harapan. Nagsimula akong maglakad paakyat sa aming silid at naligo ako agad. Nang matapos akong ayusin ang sarili ko ay dumiretso akong kama namin at kinuha ang cellphone ko. Napatitig na lang ako dito. Gusto kong tawagan si Red pero baka maisturbo ko siya at mainis pa siya sa akin. I don't want that. Kaya imbes na tawagan ko siya, inilagay ko na lang ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan. Humiga ako at napatingin sa ceiling. I want to assume na okay na kami ni Red. Na wala ng invisible wall ang maghahati sa amin at maglalayo sa aming dalawa. Gusto ko ding isipin na magsisimula kami ulit sa pamamaraang gusto ko. I want him to be fully open to me and to me only. Siguro, parte na sa tao ang kabiguan at kung mabibigo pa din ako ngayon at kung hindi pa din maiwala sa amin ang invisible wall na iyan, ay susubukan ko ulit na gibain. I'm inlove with Red so much and I am willing to do everything para maging maayos kami. Even if it means, losing me. I know my plan may be a desperate one pero mas lalong hindi ko kakayaning mawala si Red sa akin. Napalingon ako sa aking cellphone nang bigla itong tumunog. Bahagya akong umupo at kinuha ito. Nakita kong si John ang tumatawag. Umupo muna ako ng maayos at saka sinagot. "Arcise, the Red's queen," napangiti ako sa magiliwng boses ng kaibigan niyang may sayad ata sa utak. Akala niya nakalimutan ko ang ginawa niyang pagpapaselos sa akin? Naah. "What?" natatawang sagot ko. "Kamusta ka na? Buntis ka na ba?" napakagat labi ako sa sinabi niya. Gusto kong magmura o di kaya sapakin siya. Damn John! "Whatever John. You tricked me back there, stupid! Ang galing mo talagang maglaro!" sabi ko at narinig ko na lang ang gagong lalaki na humalakhak ng tawa sa kabilang linya. "Okay. I know. I only did that to help my friend. Mas mahal ko si Red kumpara sa iyo kaya tinutulungan ko lang siya. Effective naman di ba? Nag honeymoon pa kayo! You should really thank me." Napakagat labi ulit ako. Nakagawalian ko na ata ito tuwing nagpipigil ako sa kilig. "Paano mo nalaman, aber?" "Red shared his happiness to us earlier, Arcise. Not in a verbal way but in his actions. Halos mapunit na nga ang labi nun sa kakangiti at sa kasiyahan. He didn't tell us the exact happenings but he keeps on saying 'I'm really sure I'll have my little red few months from now.' At kahit hindi man niya sabihin sa amin, alam naming naghoneymoon kayo. Ha-ha-ha. Funny how that guy becomes crazy." Ramdam ko ang pamumula ng aking pisnge sa sinabi ni John. Uminit agad ang gilid ng aking mata sa sinabi niya at para akong naluluha. "Talaga?" naiiyak kong sabi. "Yep. Kung alam mo lang Arcise kung gaano kasaya ang mukha niya, para na siyang nanalo ng raffle na puso mo ang prize. Damn. Why did I say that? So gayshit!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaluha na lang ako. "At isa pa, lahat nang proceeds sa meeting namin kanina, nasa iyo palagi ang huling sabi. He would always say, "Sasabihin ko muna kay Arcise ito. If she's okay with this and I'm fine." See? Ano ba ang pinainom mo doon at ikaw lagi nasa utak niya?" napapunas na lang ako sa aking luha at napatingala. Mag-aassume ba ako? e ito na. I can't wait for him to be home then pupunuin ko siya ng halik at pagmamahal. "Secret lang natin ito a." dagdag pa ni John sa kabila at napangiti na lang ako. "Thanks for telling me that, John. Kung hindi mo sinabi, I could have live in doubt." "Doubt? Seryoso ka? He's f*****g smitten inlove with his wife. Anong doubt meron doon?" then he loves me? Damn! Mas lalo akong nanabik sa kanyang pag-uwi a. "Anyways, the main reason why I called ay para hanapin ang asawa mo. Nasaan na ba siya? Kanina pa kami naghihintay ni Mike dito sa kanyang opisina a." Para akong natigilan sa kanyang naging tanong. "What? He's there. Hindi pa nga siya umuuwi dahil may trabaho pa nga raw siyang gagawin." "Talaga? Maybe may inasikaso pa siya sa baba. Sige, bye arcise. We wished you a happy life. Hehehe." Akala ko pa naman kung ano na. Damn. Napatalukbong na lang ako sa aming kumot habang paulit-ulit na tinitingnan ang orasan sa aking cellphone. Para akong nabunutan ng tinik sa mga sinabi ni John sa akin. How magical can be those words to make my heart so lighter than before. Red is inlove with me. Ang kailangan ko lang gawin ay paaminin siya dahil parang wala siyang plano na sabihan ako. ("A
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD