Kabanata 18

1331 Words
Kabanata 18 "Hoy!" masayang nilingon ko si Manuela. "Ano, buntis ka na?" seryosong sabi niya. Napahampas na lang ako sa kanyang braso sabay tawa. "Ano ka ba! Gagi! May makakarinig sa iyo at kung ano pa ang isipin nila!" ramdam ko ang panginginit ng aking pisnge sa lakas ng boses ni Manuela. Para ulit akong kinikilig na ewan. "OA. Tama na sa kasiyahan, ateng! May pumunta nga pala dito noong isang araw. Hinahanap ka." Napailing nalang ako kay Manuel. Lalala. Masaya ako. Wala akong papansining masamang vibes simula ngayon. Kahapon ng gabi lang kami nakauwi ni Red, at nang makarating kami bahay, may nangyari ulit. Nababaliw na ata ako sa taglay kong kagandahan at kahit wala pa akong ginagawa, naaakit ko na ang asawa ko. Ngayon, isa na lang ang goal ko. Ang paibigin si Red at paaminin siyang mahal niya ako. Dahil kahit hindi niya sabihin, ramdam kong mahal na mahal niya ako. Yes. I assumed. It's what I felt and I am confident about it. "Ateng, please lang. Pinagtitinginan ka na ng mga tao o. Umaabot na sa noo mo ang ngiti mong nakakakilabot, te! Please." Napairap na lang ako sa kawalan habang nanatili ang ngiti sa aking labi at saka pumasok sa aking opisina. Natigilan ako una nang makita ko ang loob ng opisina. Ilang araw na ang lumipas simula nung huli akong punta dito. But I have to say, Manuela really has a good taste of art. Mas lalong gumamda ang opisina namin dahil sa mga idinagdag niyang mga palamuti at halos kulay pink na ang mga gamit namin dito. Kinuha ko ang papel sa ibabaw ng aking mesa. Umupo ako sa aking swivel chair at humilig. Una kong nabasa ang daily report ng shop na gawa ni Manuela. Tumaas ng 8% ang sales sa panahong wala ako. Napangiti ako. Magaling talaga ang bading na iyon na humawak a. Napahilig na lang ako sa aking upuan at kinuha ang cellphone. Agad akong nagtype para itext si Red. Ako: Hi. Ay ewan ko ba! Para akong kinikilig na ewan. Parang may kung anong umusbong na damdamin sa aking puso. Napangiti akong may reply agad. Red: Hello. You hungry? Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung anong 'hungry ba ang nais iparating ni Red na sa akin. Mapupunit ko na ang labi ko ngayon. Damn it! Binasa ko ulit at may text pa ang dumating galing sa kanya. Red: I'll wait for you here in the office. Nabitiwan ko na ang cellphone ko sa kilig. My gosh! I don't know why that sounds so much love to me. Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Nag-apply ako ng light make-up at saka lumabas. Nakakunot-noong Manuela na naman ang bumungad sa akin pagkalabas ko sa aking opisina. Nginitian ko lang at dinaanan. Hindi na ako makakapaghintay na makita ulit si Red kahit ilang oras pa lang kaming nagkalayo. Paglabas ko, sumabay agad sa akin ang body guards ko at binati ko, dahil walking distance lang ang kompanya ni Red at madali akong nakarating. "Good morning, Ma'am!" bati ng mga tao sa akin pagkapasok ko. Tinanguan ko lang sila at dumiretso ako ng elevator. Nang makarating ako sa floor ni Red ay napataas agad ang kilay ko. Nakita ko si Nadia na nagtitimpla ng kape na nakangiti. I cleared my throat and make her notice me. I succeeded and she noticed me. "Good morning, Ma'am." Aniya na wala na ang ngiti. Lumipad ang isipan ko sa mga pelikulang tungkol sa mga sekretarya pero bumabalik sa aking isipan ang medyo katandaan ni Nadia. Imposible naman atang... oh well. "Is that for my husband?" maarteng tanong ko sa kanya. Tumango siya at dumistansya sa kape. "Ako na ang maghahatid sa kanya ha?" nakangiting sabi ko at napatango siya ulit. Kinuha ko ang kape at pinagbuksan ako ni Nadia ng pintuan sa opisina ni Red. Nagsasalat si Red nang makita ko siya. Kitang-kita ko dito ang adams apple niyang pinuno ko ng halik noong nakaraan. Damn. Napailing ako. Hindi ko dapat isipin ang mga bagay na ganyan at baka kung ano pa ang mangyari sa amin ngayon. "Hi." Bati ko sa sabay lapag ng kape sa kanyang mesa. Napaangat ang tingin niya at nginitian ako. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang hita. "Kamusta na ang shop mo?" napalunok ako sa boses niya at sa init ng kanyang hininga na dumadampi sa aking tenga. God! "O-okay lang. Manuela did a great job there." Sabi ko at humilig sa kanyang dibdib. "That's good." Napalunok ulit ako. ramdam kong hinalikan niya ang aking tenga. Red naman. "Saan mo gustong kumain?" dagdag pa niya. Napatingin ako sa kanyang wrist watch at nakitang mag-aalas onse pa lang ng umaga pero kumalam na ang tiyan ko pagkasabi niyang kumain. "Sa..." napaisip ako. "Panagatan? I wanna try their crab there." sagot at tumayo. Hinarap ko siya at kinuha niya ang kamay ko at hinawakan. "You sure? Sige." Aniya at tumayo din. Pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking beywang at mas lalo akong pinalapit sa kanya. May konting ibinilin siya kay Nadia bago kami bumaba. Dumiretso kaming basement at inalalayan niya ang ako papasok sa kanyang kotse na para akong mababasag anong oras man ngayon. Napakagat labi ulit ako sa pagpipigil na sumigaw sa kilig. ** "Is that Mr. Randolfo?" tanong ko kaagag kay Red pagkapasok namin sa restaurant. "Where?" tanong niya at itinuro ko si Mr. Randolfo. Why do I keep on seeing him? May kasama siyang dalawang lalaki sa kanyang table at nakikita ko sa mukha niya na parang may seryoso silang pinag-usapan. "Yeah, don't mind him. Kain na tayo." Napatango na lang ako at ginabayan ako ni Red na umupo. Kumuha ulit siya ng upuan at itinabi niya sa akin at saka siya umupo. Lumapit ang waiter sa amin at hinayaan ko na lang na umorder si Red. Napatingin ako sa paligid at biglang nawala si Mr. Randolfo sa pwesto kung nasaan sila kanina. "We meet again, Mr. Del Grande." Sabay kaming napatingin ni Red sa lalaking biglang sumulpot sa aming harapan pagkaalis ng waiter. "Mr. Randolfo." Tumayo si Red at nakipagkamay saka bumalik sa pag-upo. "We just had our lunch here and I tell you, the food is so great. Hindi na kami magtatagal at may pupuntahan pa kami. It's nice to meet the both of you." Nakangiting sabi niya at saka umalis. Napabaling na lang ako ng tingin kay Red sa pagtataka. "Don't mind him. Let's eat." Sinunod ko na lang ang utos ni Red at dumating naman ang pagkaing inorder niya. ** "It's so weird! We keep on seeing Mr. Randolfo." Nakapameywang kong sabi kay Manuela. Nakabalik na ako sa shop namin. Dumiretso naman si Red sa kanyang opisina dahil may meeting pa nga raw siya "Wait, ano ba ang mukha ng Mr. Randolfo na iyan? Baka iyan 'yong pumunta dito noong nakaraan na hinanap ka." Napakunot noo ako sa sinabi niya. "May naghahanap sa akin noong nakaraan?" nagtatakang tanong ko. "Yes, ateng! Meron. Idescribe mo nga iyang, Mr. Randolfo." Bumalik sa isipan ko ang mukha ni Mr. Randolfo. "Uh, wait. His skin is like American. Maputi na namumula. Tapos may puti siyang balbas at medyo kalakihan ang mata at..." "May nunal sa kanyang ilong?" singit ni Manuela. "Yes! That's right! May nunal nga siya sa kanyang ilong." "Then si Mr. Randolfo ang pumunta dito noong nakaraan. Hinahanap ka niya at nang sabihin kong wala ka ay bigla na lamang siyang umalis." Natigilan ako sa sinabi ni Manuela. Kinabahan tuloy ako. Parang nakakapagtaka nang makita siya sa kung saan-saan. Ano kaya ang kailangan niya sa akin? "I think, tawagan mo si Red at nang malaman niya kung anong sinabi ko. Hindi naman sa iniisip kong masama 'yong Mr. Randolfo pero I think kailangang malaman ni Red na hinahanap ka ni Mr. Randolfo noong nakaraan." Napatango ako sa sinabi ni Manuela. Tama! Sasabihin ko nga kay Red ang sinabi ni Manuela sa akin mamaya paguwi namin dahil alam kong medyo busy siya ngayon e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD