Kabanata 14
Selos
Sumunod ang araw na wala na akong narinig tungkol kay Red. Kahit ang mga maid ay walang binanggit tungkol sa kanya.
"Madam Arcise, papasok ka ngayon?" napatingin ako kay Manuela at tinanguan siya. There is no way in hell na magmumukmok ako sa bahay na ito.
"Yup." Sagot ko.
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at iniwasan ng tingin si Manuela.
Nang matapos ako ay nakita ko nalang si Cynthia na may hawak na cellphone at papunta siya sa gawi ko.
"Ma'am. Cellphone niyo." Matamlay ko nalang itong kinuha at umalis. Tahimik kami ni Manuela sa loob ng Hi-Ace Van at nang makarating kami sa shop ay nakatayo na sa gilid ang dalawang security guards kahit hindi pa kami nagbubukas.
Binati nila ako at dahil wala naman ako sa-mood ay tinanguan ko nalang silang dalawa. Dumiretso ulit akong opisina at nagmukmok nalang. Pagdating ng tanghali, hinatiran ako ni Manuela ng pagkain at paper bag. Napakunot noo ako sad ala niyang paper bag.
"What's that?"
"Ah.. ito. Tingnan mo at nang malaman mo." Inilahad niya sa akin ang paper bag at napatingin ako sa loob niya. Nakita ko ang damit ni Red na plain white tshirt sa loob niyo. Umalingawngaw agad ang pabango nito na parang nandito lang si Red sa tabi ko.
"What is this for, Manuela?" bigla akong nakaramdam ng pagkainis at pagkamiss. I didn't know I am capable of feeling both.
"Well, kaibigan mo ako at alam kong miss na miss mo na siya kaya ako nalang ang gagawa ng galaw para hindi mo siya mamiss. Pinaliguan ko iyan ng pabango niya. At kung nagtataka ka, pinasok ko ang silid niyo. Ngayon, singhutin mo iyan para maibsan ang pangungulila mo. Siguraduin mong maubos ang pabango niyang iyan ha at kung hindi, susunugin ko iyan sa ayaw at sa gusto mo."
"No!" napakunot noo ako agad sa sinabi nitong susunugin.
No way.
"O sige na. Mag-emote ka hanggang kailan mo gusto. Ako na ang bahala sa labas." Naiwan nalang akong tulala sa loob ng opisina.
Dahil totoo naman ang sinabi ni Manuela ay niyakap ko nalang damit niya at hinayaang tumulo ang aking luha. Hindi pa ako nakuntento ay isinoot ko na ito.
Red is like beside me. Sa bango niya at sa damit na soot ko.
Humilig nalang ako sa aking upuan at ipinikit ang mata ko.
I just cannot do this!
Napadilat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Isang overseas number ang tumawag. Kumalabog agad ang puso ko sa aing naisip. Red? Si Red ba ito?
Pipindutin ko na sana ang answer bottom ay napakagat labi ako.
No. manigas siya. Bahala siya sa buhay niya.
Ibinalik ko nalang ang cellphone ko sa aking bulsa at hinayaang mag-ingay ito.
Gusto kong magmura at mamatay! I want to go wild. Hinubad ko damit niya at tumayo. I need to get out of here. Lumabas akong opisina at hindi pinansin si Manuela.
Lumabas din ako ng shop at lumapit naman sa akin ang apat na body guards niya.
"Ma'am, saan po kayo?" sabi ng isa.
"Gusto kong magpahangin." Pumasok ako sa Van pagkatapos kong sabihin iyon.
Halatang gulat ang Driver pero hindi nalang siya nagtanong.
"Saan po tayo Ma'am?" may respetong sabi niya.
"Gusto kong magpahangin. Dalhin mo ako sa tahimik at mahangin na lugar." Nilingon muna ako ng driver at tiningnan ang mata ko. Napataas ako ng kilay at tinanguan niya lang ako.
"Sige po Ma'am."
Isang oras na ang lumipas at nakalabas na kami ng Syudad. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng driver niyang ito pero hindi din naman ako natakot. Nakasunod sa amin ang apat niyang body guard sa likod at gilid ng Van.
Pagkalipas ng ilang minuto, huminto na kami sa harapan ng isang private beach resort. Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang pangalan ng resort. ARCED.
"Binili po ito ni Sir Red last year, Ma'am." Hindi ko na pinakinggan ang sinabi ng driver at bumaba na ako. Binate ako ng guard pagkapasok ko at namimilog ang mga mata nito.
May isang lola akong nakita sa may malapit sa dagat na nagwawalis. Mahangin ang lugar at malalaki ang mga alon. Puno ng coconut tree ang lugar at may malaking cottage sa gitna nito.
"Gusto kong mapagisa. I'm not asking you to leave me alone coz I know you won't. Ang akin lang, magtago kayo at ayaw kong maramdaman ang kahit kaninong presensya ngayon. Sana man lang ay pagbigyan niyo ako." Sabay na tumango ang apat na tauhan niya at umalis sa gilid ko.
Humiga ako agad sa malinis na puting buhangin ng dagat. I didn't know may ganito palang puting-buhangin dito.
Hinayaan ko nalang guluhin ng hangin ag buhok at buong pusong dinama ang malamig na hampas nito sa aking mukha.
Hindi ako sanay sa ganitong katahimikan. Sanay akong lagi siya hinahabol o di kaya ay sa ingay ng bibig ni Manuela.
Ngayon napatanto ko na, na minsan talaga sa buhay natin, kinailangan nating magpag-isa hindi para maranasan lang iyon kundi para makapag-isip ka sa sarili mong buhay.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at tiningnan.
Dalawang missed calls. Magkaiba pero parehong overseas call. May isang mensahe din at binuksan ko ito. Bumungad sa akin ang larawan ni Red na nakahiga sa tiled-floor at may black-eye. May dugo din sa labi nito. Napaupo ako mula sa pagkahiga sa buhangin. Napahawak ang isang kamay ko sa aking dibdib na parang hindi ko na maintindihan ang pagkabog ng puso ko.
Nanghina agad ang buong katawan ko at nabitawan ko ang hawak kong cellphone. Isa sa mga kaibigan niya ang number na iyon.
Napasigaw nalang ako sa gulo ng isipan. Gusto kong puntahan si Red. Pero hindi pwede. Anong nangyari sa kanya? Sinong nambugbog sa kanya? Anong nangyari ulit? Saan siya galing? Bakit siya may black-eye?
Hindi ko na alam!!
"Ma'am, tumawag po si Sir Mike. Sinugod daw sa ospital si Sir Red." Nanigas nalang ako ng tuluyan at hindi pinansin ang guard.
Kinuha ko ang cellphone ko.
Ako:
Kamusta siya?
I know its lame but it's the best thing I can do for him.
May reply agad at binuksan ko ito. Isa na namang larawan ang pinadala sa akin. Nasa hospital bed na si Red at may oxygen sa bibig nito. May babaeng nurse sa tabi nito at nakahawak ang babae sa kanyang braso.
What the heck! Why is that girl holding him? Who the hell is she?
Nagreply ako ulit sa galit.
Ako:
Bagay sila sa nurse na iyan. Pakisabi nalang na alagaan niya ang asawa ko. Hindi na pala ako kailangan diyan.
Iyon nalang ang napadala kong mensahe sa selos na aking nadarama.
Marahas kong itinapon sa buhangin ang cellphone. Gusto kong magmura at sabunutan ang nurse na iyon. How dare her! Asshole!
Tumunog ang cellphone hudyat na may reply. Tumayo ako at pinulot iyon. Para na akong tanga dito at wala akong pakialam!
Unknown Number:
Okay daw sabi ng nurse.
Ugh! Napaiyak nalang ako sa selos. Sasabunutan ko talaga ang babae na iyon.
Ako:
Okay. Sabihin mo din magsama na sila. I'll file for annulment. Dapat niyang pirmahan agad at nang maalagaan na siya ng tama sa nurse na iyan.
Itinapon ko na ng tuluyan ang cellphone at siniguro kong sa tubig ko siya naitapon.
Gago niya.
Marahas akong pumasok ng cottage at dumiretso ako sa malaking water bed sa gitna ng cottage. Ipinikit ko nalang ang mata ko.
Magsama sila.
***
Pangatlong araw ko na itong pagmumukmok sa loob ng cottage. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak. Ang hina ko. Kahit hindi ako nakakatulog na walang kasama ay sa unang pagkakataon, nakatulog akong mag-isa. Siguro sa pagod. I didn't know how I managed to survive this. Pinapaldan nalang nila ako ng pagkain at minsan kumakain ako. Minsan din hindi.
Mamamatay na ata ako sa pagiging ganito kahina.
Naabalidbaran ako nang may kumatok.
"Ma'am?" isa na naman sa mga tauhan niya.
"Ma'am, nakauwi na po si Sir Red. May kasama po." Napahagulhol nalang ako sa iyak. Umuwi na siya at kasama na niya ang nurse. Magpapakasal na sila at iiwan na niya akong mag-isa. Ang bilis naman niyang makamoved-on.
"Ma'am, may tumawag po sa linya ko. Gusto ka daw niyang kausapin."
"Sino!" sigaw ko.
"Si Sir John po."
Tumayo ako at binuksan ng maliit ang pintuan. Kinuha ako ang cellphone niya at sinagot ang tawag.
"Ano?" sabi ko kaagad.
"Arcise? Sabi ni Red nasaan nadaw ang annulment papers at pipirmahan na niya." Mas lalo akong napaiyak at binaba ko kaagad ang tawag.
Wala na.
Ang panget ko na. Ayaw na talaga niya sa akin.
Tatawagan ko siya for the last time. Tutal nandito na siya sa bansa ay gamit na niya ulit ang kanyang number. Dahil memorya ko naman ang cellphone number niya at diretso ko itong naidial.
Tatlong rings lang ay nasagot na niya.
"Ipapahatid ko nalang kay Manuela ang annulment papers bukas. Gabi na." sabi ko agad.
"Kumain ka na?" lang hiyang sagot naman iyan ano!
"Pwede ba Red, I am talking to our annulment!" wala na akong pakialam kung marinig man niyang umiiyak ako.
"Pwede mo bang buksan ang pinto mo. Hindi ako makapasok."
Nalaglag ang panga ko.
"Mataas ang lagnat ko at giniginaw na ako sa labas ng cottage." Napatalon ako ng wala sa oras at binuksan ang pinto. Agad niya akong niyakap at para akong napaso sa init niya.
"Red.." nag-aalalang sambit ko. Inalalayan ko siya papuntang kama at pinahiga. Napakagat labi ako. Nanatili siyang nakapikit at napahiga ako sa tabi nito. Tahimik akong umiyak sa tabi niya.
Hindi ako makapaniwalang nandito na siya sa tabi ko. Talaga bang sinundo niya ako para sa annulment papers? Sana hindi nalang siya pumunta! Nagbibiro lang naman ako. Hindi ko naman inakalang siseryosohin niya.
"Excuse me po, pero kailangan na pong uminom ni Sir Red na gamot." Napatingin ako sa babaeng naka-nurse attire na buglang sumulpot sa loob ng cottage namin.
Umitim agad ang paningin ko nang makita ang mukha niya.
"Umalis ka!" sigaw ko. Nagulat pa siya. Tatayo sana ako para sabunutan niya pero mahigpit na hinawakan ni Red ang beywang ko.
"P-pero Ma'am, mataas po-"
"f**k you. Umalis ka sabi. I can take care of my husband. Get out!" napagahulhol nalang ako ng iyak. Ang landi. May gana pa siyang sumunod sa asawa ko.
"Calm down." Aniya.
Napabalik ako sa tabi niya at yumakap dito.
"I hate you Red. How dare you have someone who is not even pretty. Mahal mo na ba siya agad?" patuloy padin ako sa pag-iyak.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Aniya. Inangat ko nalang ang sarili ko at pumatong sa ibabaw niya habang mahigpit siyang niyakap.
"Walang annulment. I hate you."
"I really don't what you are talking."
"Wag kang magsalita. Ang panget ng nurse mo. I hate you." At papatayin ko si John, bukas na bukas.