Kabanata 12

1583 Words
Kabanata 12 Red Flowers Totoong hinintay ko si Red kahit naabutan ako ng alas otsyo ng gabi sa kahihintay. Basta ang importante dumating siya at nahintay ko siya. Pareho kaming tahimik. Nagpasundo nalang kami sa isa sa mga driver niya. Okay lang ako. Sinusubukan kong maging okay para hindi kami mag-away dahil ayaw ko na ng ganoon. Okay lang talaga ako. Ang akin man lang ay sana nagexplain siya kung bakit natagalan siya. I need that. Its all I need now. Pero ano nga ba ang maasahan ko sa kanya? Wala! Tapos pagdating pa niya kanina, siya ang pa ang galit. Ang hirap talagang basahin ni Red kahit kailan. Hindi ko alam ang nangyari sa kanya o bakit bad trip siya. I assume something happened inside his company o baka may palpak na trabaho ang isa sa mga trabahante niya. Pero sana naman, wag niya akong idamay! I patiently waited. And this is all I got? Yeah right. I am always the one who patiently waits. Naligo ako at nagbihis. Kahit narinig ko siyang tinawag ako, hindi ko nalang siya binalingan ng pansin. Dumiretso akong kama at nagtalukbong agad ng kumot. Alam kong gutom ako pero alam ko ding makakaya ko ding huwag munang kumain sa ngayon. "Hey." Aniya. I pretended asleep. Magaling ako dito. Kahit naramdaman ko siyang tumabi sa akin ay hindi ko padin siya pinansin. Hindi lang naman dapat ako ang laging push-over sa aming dalawa. Dapat kasali din siya pero kung ayaw niyang makipag-cooperate, ay bahala nalang. Grand opening namin bukas at ganito kami. Nakakainis lang kasi talaga. Gusto kong magmura at magwala pero ano nga ba ang magagawa ko? ** Nagising ako kalaunan na wala na siya sa tabi ko. Mabigat ang puso ko. Nakatulog akong hindi kami okay at nagising akong wala siya sa tabi ko. Sobrang aga pa, alas syete palang ng  umaga at wala na siya. Iwinaksi ko nalang ang kabigatan ng aking puso. I need to focus on our grand opening. Ito lang dapat ang pagtutoonan ko ng pansin. I need to get him out of my mind. Kahit ngayon lang. Naligo ako at sinoot ko ang cocktail baby blue dress na dati ng nasa closet ko. Palihim akong napangiti ng magkasya pa ito sa akin. Ibig sabihin, hindi ako lumaki o ano. Ganito padin kanipis ang beywang ko. Magkahawak kamay kami ni Manuela papuntang shop. Nanlaki ang mata ko nang pagdating namin doon ay may mga taong nakalinya na sa may entrance namin. 10 am palang kami magbubukas at quarter to nine palang. "Oh my god." Iyon nalang ang lumabas sa aking bibig. I cannot believe this. May ibang may hawak ng camera at video cam. Naiiyak akong makita sila. Sinalubong agad kami ng magazine writer na si Janice pagbaba namin. "As pretty as always, Arcise." Aniya at niyakap ko siya bilang pagbati. "Excited ang ilan. Anong promo mo sa mga early birds?" napangiti ako. Walang patawad ang babaeng ito. "Well." Pagsisimula ko habang naglalakad kami papasok ng shop. "Para sa first 20 ngayon, may libre silang Chocolate shake at Value card sa amin. It means, for two months, kapag ipipresent nila ang card na iyon, may 30% discount silang makukuha sa amin." Masayang sabi ko at binuksan ang opisina namin sa shop. "Wow. 30%? Pwede nadin. Next question, why do you think this shop will live?" aniya at umupo sa couch ng opisina namin. "Siguro kasi maraming kabataan ang inclined ngayon sa pagbabasa. Some of them would want a place where is refreshing and modern kapag nagbabasa. At dahil diyan, ang M and A Book Shop and Snack Bar will give them what they like. Malaki ang lugar naming ito at may parenta din kami ng libro para sa mga kabataang kulang ang pera para bumili ng isang libro. And also with the very affordable snack prices, babalik-balik talaga sila sa shop katulad nito." "Very nice strategy, Arcise. Well, magbubukas palang kayo kaya mamaya na kita lulunurin sa mga tanong." Anito at umalis sa harapan ko. Pumasok si Manuela at katulad ko, hindi nadin mabura sa mukha niya ang excitement. "I can't wait for the opening. Mabuti nalang at naka-hire tayo ng dalawang katulong, Arcise no? Hindi ko alam kung wala sila. Panigurado, haggard na tayo mamaya." Napatawa nalang ako ng mahina. Hindi ito umayon sa aking plano. Ang gusto ko noon, hands-on kami ni Manuela. Pero sa nakita namin kahapon nang magfinalize kami kasama ang aming organizer, mahihirapan kami kung walang tutulong sa amin. Kaya mabuti nalang at may dalawa kaming aplikante na natawagan namin kaagad kahapon. "Ako din. Double check up tayo, Manuela." Pagkasabi ko nun, lumabas na kami at umalalay sa aming kasamahan. May malaking chandelier sa gitna ng aming shop. May halaman din akong nilagay sa bawak sulok ng aming shop. With the wooden tiled floor we have, mas lalong naging eligante ang loob. Nakilala ko na ang dalawa naming katulong dito. Sina Wella at Enna. They are twins actually. Si Wella at Enna ay mga HRM Fresh graduates. That's why sa food and snacks namin sila inilagay at aalalay sa kanila si Manuela na HRM student din pero hindi natapos dahil sa pera. Ako naman ang mag-aasikaso sa mga costumers at books. Sana maging successful ang opening naming ito. ** Alas singko na ng hapon pero mas dumadagsa pa ang mga tao. Karaniwang sa mga ito ay mga estudyante, katulad ng inaasahan namin. Sumasakit na ang likod ko at paanan. Kanina pa ako walang pahinga at kanina pa ako nakatayo. Napalingon ako sa gawi ng entrance ng makarinig ako ng simpleng tilian. Kumalabog agad ang puso ko ng makita si Red na papasok na may kasamang anim na body guards. Pumasok siya at hindi man lang niya pinansin ang mga kabataang bumabati sa akin. May ilan pang kilala ang pangalan niya at kinukunan siya ng litrato. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong nawawalan ng hininga ngayong papalapit siya sa gawi ko. Napalunok pa at biglang siya nalang ang nakita ng mata ko. Na para bang tumahimik ang paligid at kami nalang ang natira sa mundong ito. Walang ekspresyon ang mukha niya pero gwapo padin niya. I can't blame teenagers if they happen to fantasize my husband. "Congratulations." Aniya at humalik sa noo ko. Ngayon ko lang din napansin na may bulaklak pala siyang dala at kulay pula ito. Nanghina ang tuhod ko. I don't know what to do. Nawala lang siya sa isip ko ng ilang oras at ngayon nasa harap ko na siya at may bulaklak pa. May sumiko sa aking braso kaya napabalik ako sa aking katinuan. Tiningnan ko ang may gawa nito at inirapan. Manuela! Panira talaga kahit kailan. "Thank you." Kinikilig kong sabi at humawak sa braso nito at kinuha ang dala niyang bulaklak. Pumunta kami sa may gilid ng maikaila kong nasa gitna pala kami. "Wala ka pang kain sabi ni Manuel." Seryosong sabi niya habang inaayos ang ilang hibla ng buhok ko at inilagay ang mga iyon sa likod ng aking tenga. Napalunok ako sa ginawa niya. "Hindi ko kasi maiwan ang mga coustumer." Sagot ko dito. "Hindi kita pinayagan na magkaroon ng business para kalimutan mo ang pagkain. Kumain ka muna." Napalunok ulit akong makatikim ng pag-aalala sa boses niya. Hindi kami okay kagabi at ito siya. My god! Bakit hindi ko siya mabasa? "Mamaya nalang. Kaya ko pa naman. At paminsan-minsan din akong kumakain ng Hotcakes." Paniniguro ko sa kanya na okay lang talaga ako. Which is true. "Well, if you really are. By the way, may kinuha akong anim na guards mo." Napataas ang kilay ko sa sinabi nito at napabitaw ako mula sa pagkahawak sa braso niya. "Anim? What? My costumers will freak out, Red." "Hindi. okay lang iyan." "No. Red, sobra ang anim. One will do." I cannot believe him. "I know. Dalawa sa mga iyan ay magiging security guards ng shop na ito. Iyong apat, body guards mo. Wag ka ng magreklamo." Napasapo nalang ako sa aking ulo. Hindi ko alam kung ano ang problema ni Red at masyadong madami ang body guards ko pero ayaw ko na ding magreklamo. Alam kong may rason siya at ayaw niyang sabihin sa akin ito. "Okay." Matamlay kong pagsang-ayon sa kanya. If that's what he wants. "Kung pagod ka na, magpahinga ka na." umiling nalang ako sa kanya. "No. I can handle. Matatagalan ka ulit ngayon?" pag-iiba ko ng usapan. "Actually, hindi ako makakauwi sa bahay ngayon. May over time kami sa opisina kasama sina John at Mike at aabutin kami ng madaling araw." Napasimangot agad ako sa sinabi nito. "Talaga? Kung aabutin kayo ng madaling araw, umuwi ka padin." Ito na naman kami. Nang dahil na naman sa trabaho niya. Lecheng trabaho naman iyan at bakit kailangang i-overtime pa nila? Hindi ba iyan mapapabukas? "You need to under-" "No, Red. You need to understand that you have a wife who will wait for you. Kung ganyan ang mangyayari, hindi ako kakain kung hindi ka dadating. Babalik na ako sa aking trabaho." Seryosong sabi ko at umalis sa harap niya. Dumiretso agad ako sa mga customers na nasa book place at sinasagot ang mga tanong nila. Palihim ko siyang tiningnan at nakita ko nalang siya napabuntong hininga. Hindi ko alam ang problema niya pero sana naman wag niya akong balewalain. Asawa niya ako at masyadong marami na ang oras na aming nasayang. Tumili ulit ang ilang kabataan ng dumaan si Red sa gitna nila. Nakita ko nalang siyang umalis at lumabas at bumalik sa kompanya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD