Kabanata 13
The War Had Begun
Sabi nila, in order to make things better, you need to work for it. Sabi ko naman, how will you work for it kung sa tuwing lalapitan mo ito ay bigla nalang naglalaho?
Hindi ako nakatulog. Hinintay ko ulit si Red na siya namang hindi umuwi. Tumawag si Red sa akin kanina alas kwarto y medya at gising na gising pa ako nun. Hindi siya nakinig sa akin. Hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Kaya hindi ko nalang sinagot ang tawag niya.
Napatingin ako sa aking cellphone, limang missed calls na.
Napailing nalang ako sa kawalan. Siguro, galit na si Red sa akin ngayon. Natakasan ko ang body guards niya all thanks to Cynthia. Naiimagine ko ang pamumula na kanyang tenga. Ha! Manigas ka.
Kakalabas palang ng araw ay tahimik na akong nakaupo sa ibabaw ng puntod nila Mama at Papa. Sa mga panahong katulad nito, ang magulang mo lang ang matatakbuhan. Iyon nga lang, hindi na sila sasagot sa akin. Alam ko namang nandiyan lang sila sa tabi-tabi at nakikinig sa akin eh.
Tumawag ulit si Red. Ano kaya ang nasa isip niya ngayon? Nag-alala na kaya siya sa akin?
Binagabag ako sa mga sinabi ni Manuela noong isang araw.
Alam ko namang may kasalanan ako at dapat ako ang gumawa ng paraan sa aming dalawa pero ano? Wala padin. Kahit lumuhod siguro ako sa harapan niya, uunahin padin niya ang kanyang kompanya.
Nasanay na talaga siyang wala ako sa tabi niya. Nasanay na siyang walang iniisip na iba kapag nasa kompanya siya. Nasanay na siyang mag-isa. Kaya ngayong bumalik ako, nahihirapan siyang pansinin ako dahil sa nakasanayan niya na.
Maybe.. maybe the best thing I can just do for now to let him work on his own. Na hayaan nalang muna siya sa kanyang nakasanayan.. Its probably what is the best for him. I only want his best even if means, no Arcise beside him. Humiga ako sa ibabaw ng puntod ni Mama at tumingin sa kalangitan. Maraming ibon ang nagsiliparan at malaya silang lahat. Ngayong nakapag-isip na ako, uuwi na ako sa amin. Dapat ko ding isipin na may trabaho akong naghihintay pa sa akin. May Manuela pa ang aasa sa akin at may mga taong paniguradong nadamay na sa ginawa ko.
Patuloy padin sa pagtawag si Red. 11 missed calls. Oras na sagutin ko ang tawag na ito, malalaman na niya kung nasaan ako. Call-tracker.
Uuwi ako at hindi ko sasagutin ang tawag niya.
Bumangon ako at mahinang nagpaalam kina Mama at Papa. Agad akong pumara ng taxi at sinabi dito ang subdibisyon namin. Hindi ko na pinapasok ang taxi sa loob ng sibdibisyon. Bumaba na ako sa labas palang nito. Agad kong natanaw ang labas ng bahay na may iba't ibang sasakyan ang nakaparada. May mga tauhan din niyang mukhang namomoblema sa gilid ng mga sasakyan.
Pagdaan ko sa may aso sa gilid ng kalsada, bigla itong tumahol sa harapan ko dahilan para mapatingin dito lahat ng mga tao na nasa labas.
Napakagat labi ako. Damn that dog!
Kita ko ang pagkasunod-sunod na paglaki ng kanilang mga mata at lumapit ang iba sa akin. Yong iba naman ay pumasok sa bahay. Ang ilan naman ay nakatitig lang sakin. Bago paman ako makapasok sa bahay ay nakita ko nang lumabas si Red na hindi na mahitsura ang mukha niya.
Kulang lang kung sabihin kong galit na galit siya.
Binalewala ko muna ang takot sa aking dibdib at lumunok. Hindi ko siya pinansin at pumasok akong bahay.
Nandito lahat ng kaibigan niya. And I don't know why. May pupuntahan ba sila? Matipid ko silang nginitian lahat at umalis din sa harapan nila. Dumiretso akong kwarto namin at pumasok ng banyo. Naligo ako. I feel so tired all of the sudden and hungry.
Nagbihis ako at inayos ang mukha ko.
"Where the hell have you been?" aniya nang makapasok sa kwarto. Hindi ko ulit siya binalingan ng atensyon. Ngayon ko lang napansin ang basag naming Plasma TV sa sahig. Pati nadin ang lamp shade sa gilid nito.
"What happened to our room, Red?" patay malisya kong sabi.
"Where the f*****g hell have you been?!!" nabitawan ko ang hawak kong suklay at napakuyom nalang ako sa aking palad nang biglang pagtaas ng kanyang boses.
"Sinisigawan mo ako?" I managed to calm my voice.
"Putang ina Arcise! Hindi ko alam kung anong laro ang gusto mo at ginaganito mo ako!" kusa nalang tumulo ang luha ko sa sinabi niya at sa basag na basag niyang boses. Bigla siyang umupo sa sahig at itinago ang mukha sa kanyang palad.
Kung may awa man siguro ako ngayon, yayakapin ko na siya at susuyuin. Dahil iyon ang Arcise na nakilala niya at iyon ang Arcise na mahal na mahal siya. Pero ganito talaga ang nangyayari kapag kailangan mo ng distansya, nagiging matigas ka nalang.
"I went to my mom and dad, Red. Ngayong alam mo na, masaya ka na? And you know what, let's just get back to our life. From now on, hindi na pakikialaman o hahanapin. Hindi na din ako magtatanong sa iyo kung ano ang ginagawa mo. I think it will be better for us, right? Coz I feel like an extra baggage to you. It weird but its what I felt. I'm sorry for making you worry."
Humugot ulit ako ng hininga at tinalikoran siya. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nang makita ko pa ang mga kaibigan niya sa labas, pinahidan ko kaagad ang mga luha sa aking mukha. Dumiretso akong kusina at naghanap ng pagkain. Lumapit si Cynthia sa akin at binigyan niya ako ng kanin na may hotdog at ham. Matamlay ang ngiting binibigay niya sa akin at ng ibang kasambahay.
Hinayaan ko silang tingnan ako habang kumakain. Kahit mahirap lunukin ay umiinom nalang din ako ng tubig para makain ko ito ng tuluyan.
Tahimik lahat. Kahit ang mga kaibigan niya ay walang imik. Kahit si John na palangiti ay sa unang pagkakataon nakita ko siyang walang ekspresyon sa mukha.
I thought of the bright side. Hindi ko na sila pakikialaman sa ngayon.
"I'll be home later. Kayo nalang ang magluto ng hapunan ha? Didiretso na akong shop. Kung may kailangan kayo, call me." Sabi ko at nagpunas ng labi. Wala akong dala. Nasa itaas ang cellphone ko at gamit.
Hinanap ng mata ko ang driver niya. Nakatayo ito sa gilid at nakayuko.
"Simula ngayon, ikaw na ang maghahatid-sundo sa akin. Aasahan kita. Now, let's go." Una akong lumabas at tahimik padin ang mga kaibigan niya ng daanan ko sila.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kaming shop.
Wala akong imik kina Manuela pagdating ko. Nasa loob lang ako opisina. Hindi ko mabasa si Red at hindi ko din alam kung ano na ang tumatakbo sa isipan nun.
Wala akong ginawa, nakatanga lang ako at sinusubukang walain sa isipan si Red. Pero ganoon na siguro ang ikinatigas ng kapit niya sa puso at isipan ko at hindi ko siya maiwala.
Nag-off ako agad at dumiretso ng bahay. Wala akong narinig galing kay Manuela. And its all I ever wanted today. Ang tahimik na buhay.
Mag-isa akong kumain. Walang imik ang lahat.
I'm a mess. And Red is nowhere.
Muntik na akong mapatalon ng makitang may tatlong babae sa likoran ko na biglang dumating.
"Hi." Nakilala ko sila agad.
"Arcise. You look lovely." Wala akong naramdaman na kahit anong emosyon nang sabihin iyon ni Marianne.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko nang makabalik na ako sa pagkabigla.
"Well, we are planning to go to the bar. At isasama ka sana namin." Ani Jullian.
"I'm really tired, ladies."
"Arcise, our husbands are in Europe. May business trip sila doon. Alam kong hindi mo iyon alam kasi hindi ka naman sinabihan ni Red but I am telling you now."
Napatikom nalang ako ng bibig. Well, now I know. Ano ba ang maaasahan ko? Nagkibit balikat nalang ako sa kanya.
"I'm sorry. Maybe next time. Im really tired. Wala pa akong tulog. Sorry talaga." Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila't umakyat na akong kwarto. Malinis na ito. Wala na ang basag na TV at bago na ang lamp shade sa gilid ng kama.
I can't sleep alone. I know that and that is a problem.
Fine. Nagbihis ako at kumuha ng unan at kumot. Bumaba din ako at nakitang wala na sila Jullian sa ibaba. Dinaanan ko muna ang kwarto nila Manuela at tinanaw siya. Nakita kong tulog na ito at pati nadin ang anak-anakan nito.
Dumiretso nalang akong maid quarters at napabangon silang lahat ng makita ako.
"I'm sorry. Hindi kasi ako makakatulog ng mag-isa. Pwede bang dito nalang muna ako?" nanatili silang nakanganga sa gulat.
Nang makita ng mata ko si Cynthia, lumapit ako dito at inayos ang unan sa tabi nito. Medyo may kalakihan naman ang kama niya kaya kakasya kami.
"Sige, Ma'am. Good night." Isiniksik ko nalang ang mukha ko sa aking unan at mahinang umiyak.
Ang bigat niya. Ang tigas din niya. Kapag talaga trabaho na niya ang kalaban ko, lagi akong talo. Kahit anong laban ang gawin ko.