Kabanata 11
Boomerang
Nagmamadali akong bumaba kahit na hindi ko pa nasusuot ng maayos ang damit ko. Wala na akong pakialam sa mga kasambahay na makakakita sa aking katawan. Muntik ko ng makalimutan ang niluluto kong sinigang. Napasobra ata ang pagligo ko at eto ang nangyari.
Pagkatingin ko muntik na siyang mawalan ng sabaw.
"Damn it!" napatapik ako ng marahas sa sink. Patay!
"Are you okay?" dumating bigla sa likod ko si Red at inayos ang damit ko. "Wag na wag kang lalabas ulit sa kwarto natin kapag ganito ka."
Nawala lahat ng pagkainis ko sa simpleng mga salita ni Red na nagpayanig sa sestema ko. I know its nothing but I can't help it.
Nakabusiness attire na siya kahit mukhang kagigising lang niya. Saan siya naligo? Sa labas? Kasi pagkalabas ko kanina sa CR, wala na siya sa kama niya eh.
"Sorry. Nakalimutan ko kasi ang niluto ko. Anyways, kain na tayo." Masayang sabi ko sa kanya habang inayos ang pagkain.
"I can't. I have a meeting with the HGC today and I am almost late." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa sinabi niya. Ang saya na naramdaman biglang naglaho sa simpleng pananalita din niya.
This is really life.
"Okay." Matamlay ko nalang sabi habang tinatanaw siyang lumalabas ng bahay.
Napatalikod nalang ako at napabuntong hininga.
Sinadya ko pa namang gumising ng maaga para malutuan siya tapos ganito padin pala. Hello Red again. Ganito padin pala kami.
Parang lahat ng efforts mo, wala din nagawa upang serbisyuan ang taong sinadya mong alagaan kung iyong tao mismo hindi man marunong mag-appreciate.
Umiling nalang ako at bumuntong hininga ulit.
Sana pala sinunog ko nalang ang niluto ko.
Bumalik nalang ako sa kwarto ko at nagbihis. Doon nalang ako sa aming business ni Manuela. Umuna na siya kanina at maglilinis padaw siya. Final touch up na namin ngayon at bukas na ang grand opening. May inimbitahan nadin akong Magazine Writer at gusto kong i-feature and business naming ito.
"Lalalala." Maingay si Manuela nang makarating ako. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at ganyan siya kasigla. Hindi ko din alam kung ano ang kinanta niya. Hindi ko makuha ang tono o ang lyrics. Puro-lalalala.
"Hello Madam! Magandang umaga!" napairap ako dito. Anong maganda sa umaga?
"Hala! Hala! Why are you rolling your eyes to me Madam?" painosenteng tanong niya.
"Itanong mo sa bwesit mong boss." Sabi ko at sumalampak ng pag-upo sa swivel chair.
"What? Nag-away na naman kayo? Sabi ko naman kasi sa iyo eh. Lahat ng lalaki wala sa mood kapag in-heat. Laging mainit ang ulo nila. In-heat madam! Kailangan ka niya!"
Unbelievable!
Napatahimik nalang ako. Hindi in-heat iyon eh. Its always about priorities. At sa kasamaang palad, hindi ang effort ko ang priority niya sa ngayon! I hate him!
"Ano ba kasi ang nangyari?" lumapit siya sa akin at umupo sa harapan ko.
"Nagluto ako Manuela. Nag-effort ako. Tapos.. tapos..." naiiyak kong sabi. Ang effort eh! Ang sayang!
"Tapos umalis lang siya at inuna ang trabaho." Tumango ako sa hula niya.
"Alam mo ateng.. nag-aadjust pa iyang si Sir Red. Ilang taon kang nawala? Syempre, nasanay siya na iyon lagi ang ginagawa niya noong wala ka. At ngayong nagbalik ka, panigurado, naiilang pa iyon."
"I am his wife, Manuela!" pasigaw kong sabi.
"That's the point, Madam. You are his wife and you were gone for several years. You weren't there to serve him. Nasanay na siyang walang asawa ang umaalaga sa kanya dahil mas pinili mong magpakalayo. Can you really blame him?" napalipad ang isipan ko.
"Of course I can blame him, Manuela! Dahil sa kanya kung bakit ako umalis! Dahil sa kanya..." uminit ang mata ko.
"Dahil din saiyo kung bakit mas lumayo siya ng tuluyan sa iyo."
It was a slap. Hindi lang sa realisasyon ko kundi sa buong pagkatao ko.
Nanatili akong tahimik at walang imik. May dumating na organizer at si Manuela nalang ang ipinaharap ko. Alam nadin naman niya ang gusto kong mangyari.
Kung totoong dahil sa akin kung bakit lumayo si Red, dapat ako din ang gagawa ulit ng paraan para mapalapit siya sa akin. Tama! Ang problema ko nalang ngayon ay kung saan ako magsisimula.
What if.. magparamdam nalang kaya ako sa kanya? Iyon bang.. dahan-dahan muna. Iyong kahit dahan-dahan, malaking impact sa utak niya. Iyong hindi mawawala sa utak niya ang larawan ko.. Dahan-dahan.
Kinuha ko ang cellphone ko at di-nial agad ang numero niya. Ilang ring pa ang dumaan bago niya ito sinagot.
"Hello?" napahawak ako sa aking labi sa ganda ng boses niya. Naiimagine ko ulit kung paano niya ako kantahan noong first anniversary bilang magsyota pa.
Kahit hindi palasalita noon si Red, ramdam ko naman sa mga galaw niya kung gaano ako ka espesyal sa buhay niya. But it was a little bit confusing. Actions without words, that's confusing..
Gusto mong mag-assume pero hindi ka makakaasa ng 100 percent dahil walang paliwanag. Iyon ang mahirap at hanggang ngayon, ramdam ko padin ang kabigatan nun.
"Hello." napabalik ang isipan ko ng biglang sumeryoso ang boses niya sa linya. Masyado ata akong space-out.
"Ah, Red." Malambing kong sabi. Dahan-dahan. I need to be very slow.
"Yes?" lumambot din ang boses niya. Kailangan kong makuha ang isipan niya.
"Uh-wala. Gusto ko lang marinig ang boses mo." Napakagat labi ako pagkatapos ko iyong sabihin sa malambing na malambot na paraan. "Iyon lang. Sorry sa disturbo." Saka ko binaba agad ang tawag.
Napangiti nalang ako sa kabaliwan ko. I hope that will work. Or kung hindi man, I need to do it again later. Or kung hindi padin, maybe I need another method.
Biglang tumunog ang cellphone ko at napatalon agad ang puso ko. Nanlaki ang mata ko sabay ng pagluwa ng rainbow sa aking puso. Nag-call back si Red. Oh my god! Oh my god. I need to compose myself. Dapat hindi ganoon ka halata na talagang hinintay kong tumawag siya.
"Yes?" diretsong sagot ko. Damn it! I shouldn't do that. Dapat siya ang pinauna ko. Baka mahalata niyang excited ako masyado. Arcise naman eh.
"At ayon sa survey..." narinig ko iyon sa linya niya. Nasa meeting siya? Then why is he calling?
"Excuse me, please hold on for a second.." aniya sa kabilang linya. Nasa meeting nga siya.. naman! Wrong timing pala ako.
"Red? Mamaya ka nalang tumawag. Nasa meeting ka pala. Baka nakaistorbo ako." Napakagat labi ako sa hiya. Ano nalang ang sasabihin ng mga kasamahan niya ngayon!
"Its okay. Pupuntahan kita diyan kapag tapos na ako dito. We'll have lunch together.. Be safe." Napanganga nalang ako.
Kusang huminto sa pag-ikot ang mundo ko.. pupuntahan niya ako? Pupuntahan niya ako!! Oh my god! Effective! I can't believe it. Its effective.. napasigaw nalang ako sa kilig at napatalon-talon.
Biglang pumasok si Manuela na may mukhang nag-aalala.
"Anong nangyari? Saan ang masakit?" nag-aalalang tanong niya. Tumatalon-talon ulit ako at binigyan siya ng ngiti.
"Wala. Pupuntahan ako ni Red, Manuela. Oh my god." Napahinto ako sa pagtalon ng biglang bumusangot ang mukha niya. "What?" tanong ko.
"Gaga! Akala ko pa naman kung napano ka! Hahay! Lovesick s**t people!" at marahas niyang sinarado ang pintuan ng opisina namin. What was that?
Pero hindi. Hindi na mawala ang ngiti sa mukha ko eh.
**
Ikinalma ko ang sarili ko nang makita kong paparating na si Red. Handa na ako at nagpaganda ng sobra pero hindi ganoon ka halata. Bukas na ang grand-opening namin pero na'kay Red ang buong isipan ko sa ngayon. Dahil naka one-way wall glass ang shop namin katulad sa opisina ni Red ay talagang kitang-kita ko ang bawat galaw ng buhok niya habang papasok dito.
Lumunok muna ako at umaktong hindi ko alam na nandito siya. Dahan-dahan ko siyang nilingon at binati ng ngiti. "Hi." Sabi ko habang nagpipigil hininga. This is harder than I thought. Help me god!
"Good noon Mr. Red." Bati din ni Manuela dito at tinanguan niya lang ito.
"I think.. I think we'll just have to call for delivery. Let's just eat inside your office." Sobrang taas ng buhok ko sa mga oras na ito at napatango nalang ako sa sinabi nito. Whatever you like, darling.
Hindi ko alam kung sino ang tinawagan ni Red at narinig ko nalang siyang umorder ng mga kakainin. Umupo siya sa swivel chair ko at dahil business namin itong dalawa ni Manuela, kinuha ko din ang swivel chair niya. Tumabi ako kay Red at inabot ang kamay niya. Hinawakan ko at mas lalong nanghina ang puso ko nang gumanti siya ng hawak dito.
Dumating ang pagkain namin at tahimik lang kaming pareho. Iisa lang ang inumin namin. Hindi ko kaya ang katahimikang ito pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sobrang komportable ako sa mga oras na ito.
Sabay kaming nagpunas nang matapos kami. Hindi na sumingit dito sa amin si Manuela at sa labas nalang siya kumain kasama ang organizer namin.
"Sabay tayong uuwi mamaya. Wait for me." Aniya.
"Okay." Masayang sabi ko.
Sinamahan ko siya palabas ng opisina ko habang nakakapit ako sa braso niya. Inirapan agad ako ni Manuela nang makita kami. Pagkalabas namin, bahagya siyang huminto at lumapit sa akin. Dinampian niya ng halik ang noo ko at kumalabog ang puso ko. Parang mahuhulog na ata ito sa dibdib ko.
"Dito ka nalang." Aniya at umalis. Pinanood ko siyang pabalik ng kompanya at bago siya tuluyang pumasok, lumingon muna siya sa akin at agad akong kumaway dito sabay ngiti. Tumango lang siya at pumasok ng tuluyan.
Nagmamadali akong pumasok at kinaladkad ko si Manuela papasok ng opisina namin.
"AHHHHHHHHH." Sigaw ko. Sinapak niya lang ako pero parang wala akong naramdaman. Kahit walang sinabi si Red alam kong espesyal iyon sa kanya.
"O.A. Wag pasobra. Masasaktan kalang sa huli." Natatawang sabi niya. Alam ko kaya nga nilubos-lubos ko na ang pangyayaring ito eh.
Tumunog bigla ang cellphone ko sa aking mesa at pareho kaming napatahimik ni Manuela. Lumapit ako dito at nakita kong si Red ang tumawag. Agad ko itong sinagot. May nagyari ba? May nakalimutan siya? Ano?
"Hello?" nag-aalalang sabi ko.
"Hi. Iyon lang. Ah, keep safe." Napaawang nalang ang bibig ko sa sinabi niya at nawala siya sa linya.
Naiiyak ako. Thank you so much lord. Ang laking improvement ito.. hindi ako makahinga ng tama sa kilig.. pinagsasapak ko ulit si Manuela habang ipinapalayo naman niya ako sa kanya.
Hindi ako makakatulog nito.