Kabanata 10

1625 Words
Kabanata 10 Sleep "Madam Arcise, catch!" dali-dali kong sinalo ang inihagis niyang papel sa akin. Pinandilatan ko agad ng mata si Manuela at inirapan. "Seriously?!" sigaw ko dito. "Ang O.A. Para doon lang, galit na? basahin mo na!" inirapan ko ulit at binasa ang papel na ibinigay niya sa akin. Isang application letter pala ito. Napakunot noo ako. Ang bilis! Wala pa nga akong inanunsyo na magha-hire na kami ng mga trabahador eh. Inilagay ko nalang ang papel sa folder na nasa harapan ko. Excited na kami ni Manuela at todo kayod nadin kasi sa bukas makalawa na ang grand opening namin. Nagpapasalamat din ako kay Red dahil siya ang number one supporter ko. Sa pera at sa mga kagamitan ay inako niya lahat. Isang book shop ang bubuksan namin. Kung saan pwede silang makabili, makirenta ng libro at makapagbasa sa loob ng book shop namin. Mag-ooffer din kami ng snacks and pastries sa lugar. Its all perfect as of now. Malapit lang ang book shop na ito sa isang matanyag na unibersidad. At ang pinakagusto ko, ay sobrang lapit lang nito sa kompanya ni Red. Kung gusto ko siyang makita o puntahan, nasa harapan ko lang siya. Nakadungaw din sa book shop naming ito ang opisina ni Red since nasa pinakataas siya ng Del Grande Building. "Arcise, lunch break na. Gutom na ang asawa mo ngayon." Napatingin ako sa orasan sa sinabi ni Manuela. Insaktong alas onse y medya na. "May baon ka di ba? Huwag kang umalis dito ah at aakitin ko muna ang asawa ko." Birong sabi ko sa kanya. Pero joke lang iyon. "Aysus, mabuti pa nga at nang mabuntis ka." Napatawa nalang ako. "Adik." Sigaw ko saka lumabas ng opisina namin. Umayos ako sa pagtayo sa labas ng opisina ko at saka kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa. Di-nial ko ang ko numero ni Red at agad niya itong sinagod. "Hi." Masiglang bati ko. "Hi." Napangiti ako sa tugon ko. "Nasaan ka?" "Nasa opisina. Ikaw?" "Nasa labas. Dumungaw ka dali at nang makita kita." Narinig ko siyang gumalaw sa kabilang linya. "Nakita na kita." Agad akong ngumiti sa sinabi at sa kalokohan ko. Kahit hindi ko siya nakikita dahil alam kong one way glass wall naman ang opisina niya at iwinagayway ko pa din ang kamay ko sa kanya kahit na para na akong timang dito. "Hi, Red. Aakyat na ako diyan." "I'll wait." Saka ko binaba ang linya. Okay nadin. Wala padin namang nagbago kay Red. Ganoon padin siya, hot and cold pero kadalasan talaga ay Hot and hot. Nagmamadali akong pumasok sa kompanya niya at nginitian ko nalang ang mga bumabati sa akin. Sinalubong agad ako ng sekretarya niyang hindi ko talaga feel kahit kailan. I don't know. Pagkapasok ko sa opisina niya at sumilay ang malalaking ngiti ng mga taong hindi ko kilala. Tatlo sila at mukhang kasosyo ito ni Red sa negosyo niya ah. Lumapit ako kay Red at umupo sa hita niya. Wala akong pakialam kung ano ang masasabi nila basta namiss ko talaga si Red kahit ilang oras lang kaming nagkalayo. Mariin kong hinalikan ang pisnge niya at bumakat dito ang lipstick kong Red. Ang ganda! "Hi." Bati ko sa kanilang lahat at ramdam kong ipinulupot na ni Red ang braso sa beywang ko. "Good noon Mrs. Del Grande. I am Randolfo Sanchez and these are my cousins." Aniya sabay pakilala pa sa mga kasamahan niya. Randolfo Sanchez? Very familiar. "Kaibigan kayo ni Mama right?" diretsong sabi ko. Nakita kong napalaki ang ngiti niya at tumango. "I see. Taga saan kayo?" "Sydney Ma'am at nandito kami para makipag-isa kay Mr. Del Grande para sa aming charity project sa Africa." "Bakit Africa? Ang layo naman. Dapat unahin muna natin ang mga less fortunate sa pilipinas bago international." Pangangatwiran ko. Ganyan ang natutunan ko kanila Mommy. Pero nang mamatay sila ni Daddy, pamilya na ni Red ang umalaga sa kompanya nila Mommy sa Europe. Pati nadin ang mga charity cases namin sa pilipinas. Balita ko pa last week ay buhay padin ang charity namin. Ang magulang nga lang ni Red ang nag-aalaga noon. "I think my wife is correct, Mr. Sanchez." Napangiti ako sa sinabing My Wife ni Red. "Ay ganun ba Mr. Del Grande? Well if that is the case, if ever magtatayo kami ng charity project dito sa pinas ay maaasahan ba namin ang suporta ninyo?" walang naging sagot si Red. Lumapit lang si Mr. Sanchez sa kanya at nakipagkamay. Tinanggap iyon ni Red at tatayo sana ako dahil nakita kong inaabot ni Mr. Sanchez ang kamay niya sa layo. Idagdag ko pang nakaupo ako sa hita nito kaya hindi makakagalaw si Red pero pinigilan niya ako. "Its been a pleasure to talk to you Mr. Del Grande at saiyo din Mrs. Del Grande. Aalis na po kami at have a nice day." Nang makaalis na ng tuluyan ang bisita ni Red at saka ko siya nilingon. "Gutom na ako." Malambing kong sabi dito. Bahagyan lang siyang tumango at kinuha ang telepono sa tabi niya. May numero siyang ipinindot doon at napataas ang kilay ko. May meeting pa ba siya? " I box of Italian pizza and 1 box of ham and cheese. Medium sizes. Yes. Pakidalian." ang bossy talaga ni Red kahit kailan. "Saglit lang. You want wine?" umiling ako. I want him. Pero syempre hindi ko sasabihin. "Then, we'll stay." Humilig ako sa dibdib niya pagkasabi niya ng ganoon. Pumalibot naman ang kamay niya sa beywang ko. Tumagilid ako para mayakap siya. I just want to smell his scent all day long. Tahimik lang kaming dalawa habang nilalaruan niya ang buhok ko. Sana ganito kami palagi. "Excuse me, Sir. Here's your pizza." Napatingin ako sa pumasok. Si Nadya. Ngayon ko lang napansin na pula ang labi niya. May katandaan na siya pero parang wala siyang anak. Iniligay niya ang pizza sa table ni Red at umalis. Nang makita kong nakalabas na siya agad akong tumayo at hinarap si Red. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "Saan mo nahanap si Nadya?" "Nahanap? No. She was from H.R and she is really good." Walang kabuhay-buhay niyang sagot. "I see." Sabi ko. Pumalibot ako at binuksan ang box ng pizza. "Ayaw mo sa kanya?" napatalon ang puso kong nasa likoran ko na pala ang nagsalita. "Okay lang Red. Kain na tayo." Umupo siya pabalik at dinala ko ang box ng pizza sa harapan niya. Umupo ulit ako sa hita niya. Tahimik ulit kami habang kumakain. Walang imikan. Ang kamay lang niyang malikot ang ramdam na ramdam ko. ** "Ganoon? Walang kissing scene?" sinimangutan ko si Manuela. Nakabalik na akong book shop namin at ikinwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Red kanina. "Gaga! Alangan namang halikan ko siya agad." "Eh ganoon dapat ang ginawa mo. Alam mo namang manyak ka di ba?" ibinato ko ang hawak kong ballpen sa kanya. Mabuti nalang at nakailag. "Ikaw ang manyak!" "Nako! Nabasa ko pa naman sa isang men's magazine na kapag daw laging hinahaplos ng lalaki ang balat mo, likod at buhok, they want you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Yes. Arcise. Iyon ang daw ang gusto nilang iparating saiyo. Nako! Gusto-gusto ka ni Sir Red, ateng. Grab the moment ka na. Ilang taon na kayong celibate?" may point si Manuela. Naalala ko noon tuwing gusto niya ako ay tinitigan niya lang ng pamatay balat. Naalala ko ang mata niyang matutulis at ang mga haplos niyang nakakapaso. Napakagat  labi ako. Gusto ako ni Red? Pero may period pa ako! "May period ako." Nag-aalalang sabi ko kay Manuela. "Oh eh di hand job! Arcise naman, utak!" ibinato ko ulit ang isang ballpen na nasa tabi ko. "Manuela! Bibig mo ah! Hindi kami gumaganyan ni Red!" ramdam ko na ang pag-iinit ng pisnge ko. Damn it Manuela! Loko ka! "Ay, pa-demure ka? Ganoon? Feeling ka teh! Di ka na virgin. Its time for to explore your sensual sides with Red. Ride him! Make him crazy and scream for your name. hello! Welcome to the 21st century. Give your husband a good performance! 'Yong performance level talaga. 'Yong mayayanig ang buong bahay." Napahilig nalang ako sa aking upuan. What? I cannot imagine myself! Hindi ko iyon kayang gawin kay Red. No. "Arcise, give him a reward. Give credits. It's the least you can do for your supportive husband." I really can't. Hindi ko kaya. Hanggang sa makarating ako ng bahay, hindi ko maiwala ang isipan ko sa sinabi ni Manuela. Nakita kong nakahiga na si Red at may hawak siyang papel. Hanggang dito ba naman trabaho padin? Pagod na pagod ang utak ko sa kaiisip sa mga sinabi ni Manuela. Gusto ko nalang matulog. Dahan-dahan akong umakyat ng kama namin at umunan ulit ako sa braso niya habang ang kamay ko naman nasa dibdib niya. Tiningnan ko ang mukha ni Red. Seryosong-seryoso ang mata niya. Gusto kong punitin papel na iyan! Pumasok ulit sa isipan ko ang sinabi ni Manuela. Napailing ako. No. Or maybe yes. Medyo inangat ko ang sarili ko at inilapt ang mukha ko sa kanya. Dinampian ko siya ng halik sa labi niya at umiwas din ako nang makaramdam ako ng hiya. Kasi naman eh. Aah. Kasalanan ito ni Manuela. Kainis!! Bumalik ako sa pagkahiga at tinalikoran si Red. Pumikit nalang ako habang kinakagat ang labi ko. Arrgh! Ba't mo ba iyon nagawa, arcise? Napadilat ang mata nang maramdaman ko ang bisig ni Red na pumalibot sa akin. Kinuha niya ang katawan ko at ipinababalik sa pwesto ko kanina. Palihim akong kinikilig. Nakatunganga lang ako sa mukha niyang walang ekspresyon. "You have period right?" aniya at tumango ako. "Then let's sleep." Napaawang ang bibig ko. Pinatay niya ang lamp sa gilid niya at napasiksik nalang ako sa kanya. What was that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD