Kabanata 9
Period
Kumakalma na si Jullian sa ginawang pamumulabog ng babaeng may sira ata sa pag-iisip. Hindi ko maiwasang maawa sa mukha niyang nag-aalala. Muntik nang masira ang anniverasary celebration sa kompanya nila Mike pero mabuti nalang at naayos nilang lahat.
"Eh tanungin nalang natin si Arcise at nang malaman natin ang iniisip niya." Napatingin ako sa mukhang may masamang plano ni John. Nakilala ko din ang iba. Sina Marianne at Claire. At ang mga asawa nilang kaibigan pala ni Red. Ang tagal ko atang nawala kaya hindi ko inakalang may magiging kaibigan pala si Red. Nung umalis ako, si Mike lang ang nakilala ko.
"Oh sige. Arcise, wala ba kayong plano magpakasal ni Red?" napaubo ako sa biglang tanong ni Meil. Naramdaman ko agad ang kamay ni Red sa likod ko. Okay. Breathe Arcise.
"Kinasal na kami, kailangang ulitin?" nahihiyang sabi ko sa kanila. Napabungisngis naman ng tawa si Claire sa tabi ko.
"Of course, itinago ka kasi ni Red sa amin eh. Dapat sa susunod niyong kasal, andun na kaming lahat." Singit naman Marianne na tumatawa.
"Teka, nakapag honeymoon na ba kayo?"seriously? Tinatanong talaga iyan? Inirapan ko nalang si John na siyang nagtanong. Grabe! Kung pwede kong ipagtabi si Manuela at itong John, patay na siguro ako sa mga utak nilang masyadong makulay.
Hindi ko din napigilan ang pag-init ng pisnge ko.
"Syempre naman bro! Buhay mag-asawa eh kaya araw-araw iyan. Magpakasal ka na kasi at nang malaman mo." Hindi lang ata pisnge ko ang uminit kundi pati ang tenga ko sa naging sagot ni Meil. Nakita kong nginitian siya ng matamis ng kanyang asawa at kinurot ang pisnge.
"I'm still enjoying my bachelorhood." Nakita kong sinapak lang siya ng katabi niyang si Mike. Napansin ko ang malalalim na titig ni Jullian sa akin. Nakikita ko padin ang takot sa mukha niya.
Nginitian ko nalang siya at ngumiti din siya sa akin.
"Ano ba ang ginagawa mo sa bahay niyo, Arcise? Bakit ang sexy mo?" nilingon ko si Marianne at nginitian sa naging tanong niya. Kung alam mo lang! Nabobored nanga ako eh.
"Wala akong ginagawa. Kaya nga napagplanuhan kong mag negosyo nalang."
"Wala kang ginagawa? Aba naman, Red buntisin mo nalang ang asawa mo at nang may magagawa siya. Ang slow mo naman." Napanganga ako sa sinambat ni Jake.
"Right. Tingnan mo tuloy, magnenegosyo na siya. I tell you bro, magsisisi ka talaga kung bakit ka pumayag. Mabuti nalang ako at lage akong tambay sa Restaurant ni Marianne."
"It's what she wants."
Napatingin ako kay Red sa sinabi niya.
"What about what you want, Red?" tanong ni Claire.
"I want what she wants." Napatahimik bigla ang paligis sa naging sagot niya. Pati nadin ako. May parte din sa puso ko na nalungkot. Iba ang gusto kong sagot Red. Gusto ko ang sagot mo ay, 'Mas gusto ko nasa tabi ko lang siya.' Pero iba ang naging sagot niya.
Napalunok nalang ako.
"Wala ba kayong plano magkaanak?"
Seriously? Kanina ko pa sila napapansin sa pagtatanong ng mga ganyan ah. Kanina pa! parang gusto ko na atang umalis.
"Excuse me, can I take you to the dance floor?" napaangat ang tingin ko sa lalaking pamilyar na nakalahad ang kamay sa akin. Tumahimik sila John at may narinig akong napasinghap.
Inaalala ko siya. Matangkad siya at... tama! Ang doctor na crush ni Manuela!
"Hi. Doctor Robert right? It's nice to see you here!"
"Its my pleasure, Mrs. Del Grande." Gwapo talaga ang doktor na ito. Talagang gwapo siya pero mas gwapo si Red. Napatingin ako sa kamay niya at nakalahad pa ito, napataas ang kilay ko sa realisasyon.
Hindi ba siya nahiya na may mga kasama ako? Nandito pa ang asawa ko!
May biglang kamay ang gumapang sa beywang ko. Napalunok ako sa init nito. Ramdam na ramdam ko iyon sa sobrang nipis ng soot ko. Sinadya kong medyo daring ang soot kong long gown na may low front na kitang-kita ang cleavage ko. I want to be sexy in front of Red's eyes.
Napangiti nalang ako ng paumanhin kay Robert at saka niya dahan-dahang ibinaba ang kanyang kamay.
"Its okay. I just came here to greet you. A pleasant evening Mrs. Del Grande." Umalis siyang nawala ang ngiti ko sa aking labi. What was that for?
"Sino yon?" Bulong ni Claire sa gilid.
"Kaibigan iyon ng pamilya nila Mike, e."
Napansin kong sobrang lapit na ni Red sa akin. Nakapulupot na ang braso niya sa beywang ko.
"Okay. Aalis muna kaming lahat at sasayaw kami sa gitna."
Umalis nga sila John at hindi pala talaga sila nagbibiro. Halos masira na ang labi ko sa pagkagat ko dito. Hindi ko alam. Bakit ba ako kinakabahan?
"Sino iyon?" tanong niya gamit ang matigas na boses.
"Ano, doctor iyon doon kina Manuela. I barely know him." Tumahimik siya naging sagot ko. Lumalamig na ang paligid. Linakasan ata ang aircon.
Dahil sa lapit niya sa akin, nararamdaman ko na ang hininga niyang nakakapanindig balahibo sa aking leeg.
"Uwi na tayo." Napatingin ako sa mukha niyang perpekto.
"Pagod ka na?" nag-aalalang sabi ko.
"Ayaw mo pang umuwi?" napataas kilay ako sa naging tugon niya.
"Dependi sa gusto mo."
Tumayo siya at napatayo din ako.
"Then we'll go home."
Nakakunot na ang noo ni Red pagdating namin sa sasakyan niya. Siya ang nagmaneho kaya hindi ko siya magawang yakapin. I don't know what happened pero gusto kong isipin na dahil iyon kay Dr. Robert.
Inabot ko ang kamay niyang nakakuyom at ipinagsiklop ko kaagad ang mga daliri namin. "You okay?"
Wala siyang imik. Pumikit siya at nabahala na ako. Inis na inis ang mukha niya at hindi ko alam ang gagawin kaya tumahimik nalang ako sa tabi niya at hinintay ang paghupa ng inis niya.
Hanggang sa nakarating kami sa bahay, ganoon padin ang mukha niya. Walang naglakas loob na bumati sa amin pagkapasok namin sa loob. Diretsong kwarto kami ni Red at agad niyang niluwagan ang necktie niya at umupo sa kama. Napalunok ako.
Dahan-dahan din akong umupo sa tabi niya at agad kong naramdaman ang kamay niyang pumalibot sa beywang ko. There is really wrong here.
"Red."
"You look good in your gown." Gusto kong kiligin pero alam kong may mali sa kanya.
"May problema ba tayo?" masuyong tanong ko.
Tumayo ako at lumipat sa pagkaupo sa hita niya. Ipinalibot ko din ang kamay ko sa kanyang leeg. Wala akong pakialam kung kitang-kita na niya ang dibdib ko. Its not like it's the first time.
"Red." Ibinaba ko ang mukha ko at ipinaglapat ang mga labi namin.
Agad din akong kumalas at ganoon padin ang noo niya. Nakakunot. Hinalikan ko ulit ang labi niya at paakyat. Dinampian ko din ang pisnge niya, ilong, baba, panga at hinihilot ko ang noo niya at hinalikan iyon.
"Red." Malambing kong sambit sa pangalan niya.
Hinalikan ko ulit ang labi niya at napalaki ang mata ko ng sinalubong niya ako pabalik. Napangiti akong makitang wala na ang pagkakunot sa labi niya. Pumikit ako at ramdam ko na ang kalikotan ng kanyang kamay sa beywang ko at likod. Effective padin pala ang stress reliever kong ito. I love you, Red.
Napahiga kami sa kama niya at ako ang nasa ibabaw. Nawawalan na ako ng hininga at mukhang hindi din magpapatalo si Red.
Naalala kong may period pala ako kaya napabitaw ako agad. Alam kong nagulat siya. Napaupo ako sa tiyan at hinahabol ang hininga. Ganoon din siya.
Nang makabawi na ako, ibinalik ko ang tingin sa kanya at pilit siyang nginitian.
"Sorry, may period ako." And for the first time in history, napahiling akong sana hindi na ako magkakaperiod kailanman. Panira!
"Its okay."
Dahan-dahan akong bumaba at bumalik siya sa pagkaupo. Nakatayo ako sa harapan niya at tinutulungan niya ako sa paghubad sa aking damit.
"Do you have pad?" tanong niya. Tumango lang ako.
Sumampal ang lamig ng aircon sa aking balat. Wala na akong damit. Tanging panty lang ang soot ko. Napakagat labi akong makita siya Red sa nakatitig sa katawan ko.
"Sinong nagtattoo nito?" tukoy niya sa tattoo ko sa ilalim ng aking dibdib. May isa pa akong tattoo sa aking balikat. Napapigil hininga akong hawakan niya ito. My god! Ilang millimeters lang ay dibdib ko na!
"Si ba-barbie."
"Babae?"
"O-Oo."
"I see." Pinatalikod niya at tumayo siya. Nasa likod ko na ang kamay niya at anong gagawin niya?
"Let me help you change." So help me god!
Ginabayan niya ako papasok ng CR. Umalis siya pero bumalik din agad at may dala na siyang pad ko at panty.
"I'll wait here."
Dali-dali akong nagbihis. Paglabas ko sinalubong ako ni Red ng tuwalya at siya nadin ang nagpunas sa akin. Nakabihis na siya at tanging boxer short lang ang soot niya. Kitang-kita ko ang abs niyang pormado. Gusto ko siyang hawakan.
Umiling nalang ako sa naiisip ko. Wala na akong ginawa at hinintay lang siyang bihisan ako. Nang matapos siya sa pag-aalaga sa akin pumunta kaming kama at humiga. Umunan ako sa braso niya at tahimik na nagpasalamat. Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Red ngayon pero sana kainin niya iyon araw-araw. Nagawa na niya sa akin ito dati pero ang kaibahan lang, may nangyari sa amin nun. Ngayon, wala. At kasalanan iyon ni period.