Kabanata 8

1820 Words
Kabanata 8 Himala Nag-apply muna ako ng light lipstick bago bumaba ng taxi. Binati agad ako ng mga trabahante ni Red katulad nung unang beses akong pumarito. Iba-ibang ngiti ang natanggap ko. Ang iba ay nag-aalanganin at ang iba naman ay malungkot. Napahinto ako sa babaeng may malungkot na ngiti at saka siya nilapitan. Biglang tumahimik ang nakapaligid sa amin at nakita ko ang paglunok niya. "Are you okay?" tila nagulat ang lahat sa ginawa ko at may narinig pa akong napasinghap. "Galit na galit po si Sir Red sa aming lahat, Ma'am. Hindi po namin alam kung bakit." Napaatras ako sa sinabi niya. Galit? Bakit? Anong nangyari? Iniwan ko siya at nagmamadali akong pumasok ng elevator. Halos kibain ko pa ang pagpindot ko sa floor number at nang makarating ako agad. Galit na galit? May nangyari ba? Gumapang agad ang kaba sa puso't isipan ko. Hindi ko na pinansin ang sekretarya niyang humarang sa daan ko. Una kong nakita si Red na nakatalikod sa akin at nakaupo sa kanyang swivel chair. Dahan-dahan akong lumapit dito at  nakita ko siyang nakapikit. Nakakunot ang noo niya pero ang gwapo-gwapo padin niya. Hindi ko maiwasang puriin ang pilik-mata niyang mahaba. "Red." Bulong ko. Agad siyang dumilat at napatayo. Nagtaas ako ng kilay sa gulat ng mukha niya at pagkawala ng kunot ng kanyang noo. "Are you okay?" masuyo kong sabi. "Bakit natagalan ka?" aniya na napakunot ang noo ko. "Pinakain ko pa kasi ang anak ni Manuela at pumunta din kaming mall. Tapos iniwan ko nalang sila doon at dumiretso ako dito. Are you okay? Galit ka raw sabi ng mga tao sa baba." "Sana ginising mo man lang ako at nang naihatid kita." Umatras siya at napatitig nalang ako sa mapupungay niyang mata. "Sorry. Baka kasi ayaw mong magpadisturbo sa tulog." Umatras din ako at hinarap ang malaking bintana na nakadungaw sa kabuuhan ng syudad. Bigla kong naalala ang plano kong magnegosyo at nang may mapaglaanan ako ng atensyon. Hinarap ko siya ulit at nakita kong nakaupo na siya sa malaking couch. May bote ng kilalang champagne sa center table at umiinom siya ngayon ng wine. May isa pang wine glass sa tabi ng Champange niya. May ganyang stock pala siya dito? Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Bigla niyang hinawakan ang bote ng champagne pagkaupo ko at nagsalin siya dito. Kinuha ko ang wine glass at sumiksik sa tabi niya. Naramdaman kong pumalibot ang kamay niya sa balikat ko dahilan para mapapigil hininga ako. Oh god. "R-red. Will it be okay kung magtatayo ako ng sarili kong negosyo?" sabi ko na nagpipigil hininga. "What business?" nakakakaba pala ito. Lintek. "Uh, pastries, pizza's, shakes, bar or book shop?" nalilitong sabi ko. Hindi ko alam. Hindi pa namin ito napagdisesyonan ni Manuela. "I'm fine with Book shop and bake shop. Ayoko lang ng bar o anong inoman iyan." Seryosong sabi niya na napangiti ako ng palihim. "Okay lang saiyo?" tugon ko. "Its not like you are going to be there 24/7, right?" "H-hindi." "Then I am fine. You can hire employees or someone or what." "Gusto kong hands-on muna kami ni Manuela. Saka na ako maghahire kapag nakabawi na kami." "Do you have a place to start your business?" ang gwapo talaga ni Red. Parang wala na akong ibang gusto gawin ngayon kundi ang titigan lang ang mukha niya. "Gusto ko sana malapit sa iyo, I mean malapit sa kompanya mo. May nakita akong space for rent sa harapang building dito. Gusto ko sana doon. Medyo malaki din ang space na iyon." I can't believe this. This is really a miracle! After how many years, ngayon lang ata kami nagkausap ng maayos ulit. Pero iyon nga, tungkol business naman. Pero okay nalang din. "John owned that place. Maybe you can negotiate with him. Pwede din sa tabi ng building na ito, si Meil ang may-ari doon." Napangiti nalang ako at palihim na nagpapasalamat sa panginoon sa pagkakataong ito. Ramdam kong bumaba ang hawak niya papunta sa braso ko at napainom nalang ako ng champagne. Napangiwi ako sa lasa nito. I am not really a fan of champagne. "Wala ka bang trabaho ngayon?" singit ko nang binalot na kami ng katahimikan. "May meeting ako 20 minutes from now." "Saan?" "Sa conference room lang. Gusto mong sumama?" Lord, himala na talaga ito ano? Sana magtuloy-tuloy po. Promise magpapakabait ako. "Pwede ba?" napakagat labi ako. "Why not? We own this place." And that was a blow. ** Magkatabi kami ni Red habang namamawis ang kamay ko. Lahat ng mata ng mga kasama namin dito, sa akin nakatingin. Tahimik silang lahat pero para akong natutunaw sa mga titig nila. Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa isang kamay na hawak ni Red. "This is really weird but hey, kung walang magsasalita sa inyo, ako nalang ang mauna. Good afternoon Mrs. Del Grande, I am Cloe Labunos, Supervisor of Project Ellese. Its nice to meet you in person. Anyways, Mr. Red, the Ellese Hotel in Sydney is now serving the people there." Napatingin ako sa babaeng hindi-matangkad at medyo kikay. Hapit na hapit sa katawan nito ang suot niyang formal business attire na maitim. "We have hotel in Sydney?" bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam iyon ah. "Yes, Ma'am. And it is under your name." Napaawang ang bibig ko. What? Nilingon ko si Red na walang ibang ginawa kundi amoyin ang buhok ko. Kanina pa siya ah. Hindi ba siya nahihiya? "Red." Sita ko dito. "How about Mr. Randolfo? Is he there?" Parang hindi man lang niya ako narinig. "Yes Sir. Actually, nakipagdeal siya sa amin last week for his charity." "Did you accept the deal?" "No Sir. Hinihintay pa po namin ang direksyon niyo." "Good. Huwag niyong tanggapin. Let me handle him." Humigpit ang pagkahawak ni Red sa kamay ko sa baba. "Hello People! Hello World. Pakamatay ka Red." May lalaking biglang bumulabog sa amin dahilan para makarinig ako ng sunod-sunod na pagsinghap ng mga kasamahan ni Red dito. Medyo light brown ang buhok niya at may blue eyes siya. Magkasingtangkad lang ata sila ni Red at parang pamilyar ang mukha niya. Saan ko ba siya nakita? "Why hello! Kailan pa kayo ni Red? Walang hiyang kaibigan ito. Hindi man lang kami sinabihan! Nako miss, ako sa iyo wag kang papaloko sa lalaking iyan. May asawa iyan na hindi pa niya pinakilala sa akin. Ilang taon na kaming kaibigan." Narinig kong napatawa ang mga tao sa kanya. What is he saying? "I'm Karl Jonathan Babiers, John for short. And you are?" lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay. Nahawa ako sa ngiti niya kaya napangiti din ako sa kanya. Ang gaan ng lalaking ito ah at ang confident ng  aura. "Arcise Del Grande. Wife." natatawang sabi ko. "WHAT?" nanlaki ang mata ko sa pagsigaw niya. Palipat-lipat pa ang tingin niya sa akin at kay Red. Hanggang sa napatingin siya sa aming magkahawak na kamay sa hita ni Red. "O-okay. Okay wait. Sorry to disturb this meeting, pero talaga? Ikaw ang asawa ni Red? Napaka! Brad! Paano mo ginayuma ang babaeng ito? Ang ganda! Seryoso ka talaga? Asawa ka niya? Miss? You can still run away with me." Napahagik-ik nalang ako ng tawa sa harapan niya. "I love my husband, I'm sorry Mr. John." Natatawang sabi ko. Dahan-dahan siyang ngumiti at tumalikod. Bumalik ulit sa pagharap sa amin at nakangiti na nang malaki. Labas pa ang ngipin. "And your husband loves you very much. Its nice to finally meet you." Napakagat labi nalang ako sa sinabi niya at nakipagkamay. Sana totoo ang sinabi mo, John. Sana "Sorry ulit sa disturbo, uupo na ako." Natatawang sabi niya sa mga kasamahan namin dito. Nagpatuloy ang meeting nila at wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi nila. Puro sales up ang naririnig ko. Wala nadin akong ibang ginagawa kundi manahimik nalang at ninanamnam ang kamay naming magkahawak. Palihim din akong kinikilig sa mga galaw ni Red. Napapalunok ako tuwing nararamdaman kong hinahalikan niya ang buhok ko. Isn't that a miracle? Oh God! Thank you. Inabot ni Red sa akin ang cellphone niya. Napansin na siguro niyang nabo-bored na ako. Agad ko itong binuksan. Ang pangit ng cellphone niya! Dapat mukha ko ang wallpaper nito. Tama! Palihim akong nagselfie at sinadya kong isali ang Red na nakaside view at seryoso ang mukha. Sobrang tamis ng ngiti ko dito at agad ko itong isinet as wallpaper. Yan! Maganda na ang cellphone niya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa niya at ipinagtabi ko ang dalawa sa aking lap. Ang gwapo ng cellphone ko. Mukha ni Red ang picture ko. Eto iyong stolen shot ko kanina sa opisina niya. May hawak siyang wine glass at nakatingin siya sa malayo. Oh diba? Ang ganda! "Mrs. Del Grande? What can you contribute to this company?" napaangat ang tingin ko sa lalaking bumanggit sa pangalan ko. Lahat ulit sila nakatingin sa akin at hinintay ang sagot ko. Kumunot ang noo ko. Medyo may katandaan na ang nagtanong. What can I contribute? Kasali ba ako dito? Duh! Disturbo! Kitang nagpapantasya pa ako sa mga cellphone namin dito eh. Napairap nalang ako at masuyo siyang tiningnan. Siguro hinahamon nila ako dahil ako ang asawa ni Red. Well, whatever! "Well, I can contribute my love to Red. Since ako naman ang asawa niya, lulunurin ko siya ng pagmamahal. Tapos aalagaan ko siya ng labis-labis para hindi siya magkasakit at nang makapagtrabaho siya dito palagi kahit ayaw kong nagtatrabaho siya. Ayaw na ayaw ko kasing umaalis siya sa tabi ko. But because I love him, susuportaan ko siya sa kompanyang ito." May kung anong dumaan na napatahimik pa silang lahat lalo. Nakita kong laglag panga ang iba at isa lang ang nakita kong nakangiti ng pagkalaki-laki. May mali ba sa sinabi ko? ** Tahimik na umalis ang mga tao pagkatapos i-adjourned ni Red ang meeting. Kami nalang tatlo ni John ang natira dito. May inilahad siyang invitation sa akin at agad ko itong tinanggap. "Ang taas na siguro ng buhok mo ngayon gago ka ha?" narinig kong sabi ni John kay Red. Binasa ko ang invitation. Isa itong anniversary celebration sa kompanya nila Mike? Speaking of him, kamusta na kaya sila ni Jullian? Nabasa kong formal attire ang selebrasyon. Lumipad agad ang isipan ko sa mga long gowns na naiisip ko. Matagal-tagal na nung nakapagformal attire ako. I miss my old life. "Pupunta tayo nito, Red?" singit ko sa dalawang nagbubulungan na parang may sekreto silang pinag-uusapan. Tinaasan ko ng kilay si John. Kinukuha ba niya ang atensyon ni Red sa akin? "Gusto mong pumunta?" tanong niya pabalik. "Yup. I want to meet your friends too." Tumango lang siya at may ibinigay na papel kay John. Whatever that paper contains, sana sabihin niya sa akin. "Okay. Let's go somewhere you like para makabili ka ng damit." Lord, sana hindi na matapos ang araw na ito. Ang sweet ni Red sa akin ngayon kahit hindi niya aminin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD