Kabanata 7

1890 Words
Kabanata 7 Bibig Hindi ko na pinansin ang mga maid na bumabati sa akin. Nagmamadali akong umakyat papuntang silid namin. Hinid ko alam kung ano ang nakain ni Red at ganoon ang sinabi niya sa akin pero nag-alala talaga ako dahil hindi pa siya kumakain. Pagkapasok ko sa kwarto namin, nakita ko siya kaagad na nakadapa sa higaan. Walang damit na pang-itaas at para siyang pagod na pagod. Lumapit ako sa walk-in closet namin at naghanap ng masosoot niya. Masyadong tempting ang katawan ni Red kaya ako nalang ang iiwas. Nang makahanap ako lumabas ako at lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang buhok. Gumalaw siya at tumingin sa akin. Gusto kong lumunok pero hindi ko magawa. Ang lalim ng titig niya. "Magbihis ka." Ibinigay ko ang damit sa kanya. That was a good start Arcise. Kaya mo pa palang magsalita kahit kitang-kita mo na ang umaapoy na abs ng asawa mo. "Lagi ka bang walang damit pang-itaas sa mga panahong wala ako?" tanong ko sa kanya. Lumilipad na kung saan-saan ang isipan ko. Ang mga kasambahay niya. Lahat! Paano kung nakita nila ang katawan ni Red? Panigurado pinagpantasyahan na nila iyon. Binalot ako ng pagkainis! I hate it. "Minsan." Aba't! so pinapakita talaga niya sa kanyang maid ang kanyang abs? "Ganun ba? Anong komento ng mga kasambahay mo?" oh come Arcise! You can do better than this. "Ewan. Samahan mo nalang ako. Kakain ako sa baba." Gusto kong magmura at saktan si Red. Lagi nalang niyang pinapabigat ang puso ko. Ewan? Ewan lang ang masabi niya? Napaka naman talaga! "Kumain ka mag-isa mo." At bahala ka sa buhay mo. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumayo. Magbibihis nalang ako. Bahala ka na diyan. "Dalhan niyo ako ng pagkain dito sa kwarto namin. Samahan niyo ng fries at gatas." Napalingon ako kay Red na siyang kausap ang telepono. Huh! Nakakainis! Naghuhubad talaga siya sa harapan ng mga kasambahay niya? Fine. Hinarap ko ang malaking cabinet ni Red sa gilid. Hinubad ko ang soot kong tight dress kong soot na hapit na hapit sa katawan. Wala naman akong ikinahihiya sa aking katawan kaya bakit ako mahihiya kay Red. Tingnan lang natin. Itinapon ko ang damit ko sa may basket counter malapit sa pintuan at tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin. Pwede na akong magmodel nito. I always wanted to do modeling pero hindi ko magawang iwanan si Red noon. Maybe I can do it now. Para may pagkakaabalahan naman ako. Nilingon ko siya at nakita ako ang seryoso niyang titig sa akin. Inirapan ko siya at pumasok akong walk-in closet. Naghanap ako ng damit niya at isinoot ko iyon. Paano kaya kung lalabas ako ng bahay ng nakaganito lang? magagalit kaya si Red sa akin? Gustong-gusto ko talaga siyang nagseselos eh. Pero hindi ko pa naranasan na magselos ang isang Red. Siguro kampanteng-kampante siya sa akin na siya lang ang mahal ko kaya hindi siya nagseselos ano?  Fine. Mahal ko naman talaga siya.  Lumabas na ako at nakita ko si Red na nakaupo na sa gilid ng kama. Wala padin siyang damit pang-itaas at bumukas ang pinto namin. Pumasok ang isang maid niya na kasing edad ko lang ata. Nakita ko ang pagdaan ng kanyang mata sa katawan ni Red at naningkit ang mata ko. Sapat naman siguro ang rason 'na pinaalis ka dahil tumingin ka sa katawan ng asawa ko di ba?' Ugh! Nagmamadaling lumapit ako sa higaan at hinakawan ang kamay ni Red. "Magdamit ka." Naiinis kong sabi. Nagkibit balikat lang siya at uminit na ang ulo sa kanya. Kinuha ko ang damit sa tabi niya at tumayo sa kanyang harapan. Sinootan ko siya ng damit at inayos ang buhok. Ako ang nagmamay-ari sa iyo,Red. Ako lang. "Wala na po kayong ibang kakailanganin Sir?" singit ng kasambahay. "You can now leave." Ani Red dito. Oh yes! Leave forever! I hate you. Bumalik ako ng higaan namin at hinintay si Red. Kumuha siya ng pagkain at bumalik sa tabi ko. Ang bango talaga niya kahit kailan. Nakahiga ako at nakaupo siya sa tabi ko habang nakatingin kami sa TV. Bumibigat ang mata ko at ngayon ko lang napuna na pagod na pagod pala talaga ako ngayong araw. Yinakap ko ang beywang niya at isiniksik ang sarili ko. Wala siyang naging reklamo kaya okay lang. "Hindi mo kakainin ang fries mo? How about your milk?" napatingin ako sa kanya at sinimagutan siya. Fine! Umupo ako sa tabi niya at inabutan niya ako ng tray na may lamang fresh milk at maraming fries. Kahit inaantok ako, kakain padin ako ng fries. Sumiksik ako tabi niya at ipinalibot ang braso ko sa braso niya. Humilig din ako sa balikat niya habang kumakain ng fries. "Gusto kong magtrabaho sa kompanya, Red." Napatigil siya sa sinabi ko. "Gusto kong maging assistant mo kahit ano nalang basta malapit sa iyo. I want to be as busy as you are. I want to explore something Red." Seryosong sabi ko. Naghintay ako na bubukas ang bibig niya at may sasabihin siya sa akin pero wala akong narinig. Nagpatuloy lang siya sa pagkain na parang wala siyang pakialam sa gusto ko. Kumirot ang puso ko sa inasta niya. Alam ko namang ganoon ang magiging reaksyon niya eh, ang sakit padin palang ganoon nga talaga. Isinantabi ko nalang ang fries at fresh milk at bumalik sa pagkahiga. Tomorrow is another day. I 'll be positive. ** Alas singko palang ng umaga, bumangon na ako. Naligo ako at nagbihis ng maayos na damit. Totoong mabigat ang puso ko pero isinasantabi ko nalang ang kabigatang iyon. Gusto kong may mapagbalingan ng ibang atensyon. I want to distance myself to Red again. Iyon bang hindi lang siya ang lagi kong inaatupag o ano. Gusto kong iba naman. Maybe I could start a business with a friend. Tama! Pupuntahan ko si Manuela at pauuwiin ko na siya dito. Una kong nakita si Cynthia sa kusina na nagkakape. Nakita ko pa ang paglaki ng mata niya na parang hinid niya inasahang makikita ako ng ganito ka aga. "G-good morning Ma'am." Kinakabahan nga siya. "Maghanda ka na Cynthia. Maaga nating pupuntahan si Manuela. Pakisabi din sa iba na ihanda ang guest room." Humigop muna siya ng kape at tumatangong umalis sa harapan ko. "Good morning, Iha." Nakita ko si Nana, na siyang pinakamatandang kasambahay dito na nakangiti sa akin. Napaganti din ako ng ngiti dito. "Good morning din po. Anong lulutuin niyo Nana?" Nana wasn't really her name. Iyon lang ang gusto niyang itawag ko sa kanya kahit noon paman. "Tinolang Isda, iha. Maaga kang aalis?" "Opo. Aalis ako at isasama ko si Cynthia. Okay lang po ba?" "Ano ka ba, okay lang. Alam ba ito ni Sir?" napailing ako sa sinabi niya. "Kung hahanapin man niya ako, Nana, kayo nalang ang magsabi sa kanya. Kukunin ko lang ang kaibigan ko at ang anak niya, naalala niyo pa si Manuela?" "Naman. Ang baklang iyon ang laging nagpapatawa sa amin dito noon. Masaya akong kukunin mo siya ulit." Napangiti nalang din ako. "Arcise!" umalingawngaw ang sigaw si Manuela sa pangalan ko pagkapasok ko sa ospital. Lahat ng janitors na naglilinis sa gilid napatingin sa gawi ko. Napaismid si Cynthia sa naging reaksyon ni Manuela nang makita ako. "I miss you, Ateng!" niyakap niya ako at napatawa nalang ako ng malakas. "At who you?" dagdag nito sabay nguso sa gawi ni Cynthia. "Kasamabahay namin. Si Cynthia." Umirap lang si Manuela at nginitian ako. "Uwi na tayo, Manuela." Diretsahang sabi ko. "Ipapatira mo ako sa bahay niyo?" gulat na sabi niya. "Oo naman. Tapos mag business tayo at ipapaaral natin ang anak mo." "Teka lang Arcise ha, ganoon pa din ba si Sir Red saiyo?" Naiwala ko ang ngiti sa aking mukha at dahan-dahang tumango kay Manuela. "I'm sorry. Sige. Doon na ako titira at para hindi ka kawawa. Tama! Dapat maging busy ka din katulad niya at nang matikman niya ang nararamdaman mo. Nako! Uuwi na tayo. Hihintayin ko lang ang Doctor. Robert ni Rica. Naku Arcise! Ang gwapo. Hindi ka magsisisi. Sobrang inspired ako dito eh. Balita ko pa single pa iyon. Diba meant to be kami?" napakunot noo ako sa naging reaksyon ng mukhang nagpapantasya ni Manuela. Napailing nalang ako sa kabaliwan niya. "Ay ayon. Doc. Hi Doc! Maganda pa kayo sa umaga, sa maniwala kayo o sa hindi." Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi ni Manuela. My god! "Magandang umaga din Mr. Manuel." Napangiti ako nang makitang bumagsak ang balikat ni Manuela sa 'Mr.'. Gusto kong magpagulong sa pagtawa. "And you must be Mrs. Del Grande?" napatango ako sa Doktor. Gwapo nga siya at gwapo talaga. Para siyang modelo ng toothpaste. Ang puti ng ngipin niya at ang gwapo niya talaga. "Yes. I am." "Its nice to finally meet you, Mrs. Del Grande." Naglahad siya ng kamay at agad ko iyong tinanggap. "Well, its good that Rica recovered so fast. Pwede ko na kayong i-discharge at nang makauwi na kayo sa inyo." "Talaga Doctor? Salamat talaga. Mamimiss kita." Malungkot na saad ni Manuela. "Mamimiss ko si Rica." Anito. Napatawa ulit ako sa naging tugon ng Doctor. Kawawa naman pala ang kaibigan ko. Halatang umiiwas ang doctor sa kanya. Napagdesisyonan kong kumain muna kami bago umuwi ng bahay. Nakita ko ang pagkinang sa mata ni Cynthia nang makapasok kami sa mall. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya at pati nadin sa labi ni Rica. "Ang ganda." Narinig kong bulong ni Cynthia sa kanyang sarili. Dinala ko sila sa branch ng Greenwhich sa loob ng mall. Umorder ako ng barkadahan at pinanood ko lang silang kumain. Ang saya ng puso ko. Hanggang nagyon, malaki padin ang ngiti ni Cynthia. "Thanks Arcise." Nginitian ko nalang si Manuela. Umaambon ang mata nito habang nakatingin sa anak niyang ganadong-ganado kung kumain ng pizza. Napatingin ako sa hawak kong cellphone. Gusto kong tawagan si Red. Alamin kung alam ba niya kung nasaan ako. Pero baka sabihan na siya ng mga kasambahay namin. 12 noon na. Kumain kaya siya? Pumasok ba siya? Tulog pa ba siya? Gising na? "Tawagin mo na kasi." Napatigil ako sa biglang pagsulpot si Manuela sa tabi ko. "O di kaya puntahan mo nalang sa opisina niya. Arcise, kilala kita." Napanguso nalang ako ng malungkot sa kanya. "Paano kung ayaw niya akong makita?" tanong ko. "Sa ganda mong iyan? Imposible te! Naka-red backless dress ka, naka 3-inched heel ka, ang ganda ng buhok mo, napaka imposible Arcise! Kahit sinong tao gustong-gusto na makita ko. Kita mo kanina kung paano puriin ni Doctor Robert ang ganda? Syempre hindi di ba? Kasi Loyal ka kay Red." Hindi din naman ako interesado sa Doctor na iyon.  "Sige na. Ako na bahala nito." Gusto ko din. I want to see Red. "Sige. Magpapahatid mo na ako sa Driver. Tapos hintayin niyo siya at nang makauwi kayo. Sa guest room ka dumiretso ha? Mag-usap tayo pagkauwi ko." "OO. Tapos akitin mo si Red. Kailangan niyo na nang anak. Soot mo ba ang lingerie mong Victoria secret yong See-through?" Uminit ang pisnge ko sa sinabi niya. Napalingon pa ang ilang mga tao sa amin. Walang kontrol talaga kahit kailan siManuela sa bibig niya. "Manuela!" nahihiyang sabi ko dito. "Oh bakit kayo nakatingin? Kasali kayo sa usapan? Hindi di ba?" nanlaki ang mata ng bigla niyang pinagalitan ang mga nakatingin sa amin. Napahawak nalang ako sa aking batok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD